Hindi pa ako handa "Di kana naman pumunta sa bahay. May sakit ka ba Chan?" matamlay akong umiling sa tanong ni Shy nang pumasok siya sa kwarto ko. Nakahiga lang ako dito at ewan ko ba kung ba't tinatamad talaga ako. Nahihilo ako na ewan. Para akong masusuka na hindi ko maintindihan. Epekto na ba ito ng pagpupuyat ko kakastalk sa magpipinsan lalo na kay Harel? Ilang araw narin ba akong ganito? Tatapusin ko ata ang sembreak sa ganitong kalagayan. "Maputla ka Chan! Ano ba kasing pinaggagawa mo dito noong wala kami? Patingin kana kaya sa doktor. Kinakabahan ako sayo." Napakurap ako nang bigla nalang akong dambahin ng yakap ni Shy. Yung boses niya alalang alala. Dinaganan pa ako akala naman nito ang gaan gaan niya. "Okay lang ako Shy paranoid ka. Teka, di mo kasama si Jhaz?" Bumangon ako

