Sobrang nakakahiya! "Don't move... Dadalhin kita sa hospital." Hinila niya ang seatbelt ko at ikinabit doon sa gilid ko. Halos hindi ako makahinga nang maayos sa sobra niyang lapit sa akin. Pati ata pabango niya ay dumidikit narin sakin. Hindi ko alam kung panaginip lang ba ang lahat ng ito at ganito kalapit ang isang Harel Delafuente sa akin o ano. Hindi ito halos magsink-in sa loob ng utak ko. Nakakabaliw! Ilang sigundo akong nastatwa sa kinauupuan ko. Doon lang ako bumalik sa sarili ko nang nagsimula na siyang magmaneho. Kahit umiikot ang paningin ko sa tuwing binabaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon ay sinikap ko siyang tingnan ng maigi. Ang gwapo niya kasi lalo na't ang seryoso pa ng mukha. Parang alalang alala siya sakin. "Wala namang masakit sakin. Hindi mo n

