Chapter 1: Hangover, Life is over

3329 Words
HONEY'S POV "Honey Torres!" Narinig kong may tumawag sa pangalan ko kaya bumangon kaagad ako mula sa pagkakahiga rito sa aking kama. Inis akong tumingin sa pinto ng aking kwarto at nang nakita ko na sarado ito ay humiga ulit ako. Tch! Kainis. Kung sino man ang tumawag sa'kin sa gitna ng aking napakagandang tulog ay sasampalin ko talaga ng bonggang-bonga. Humanda siya sa'kin. Dahil sa mga nangyari kagabi ay napagod talaga ako nang husto at gusto ko na lang matulog buong araw. Ah, ayoko ng mag-host ng party sa susunod na summer. Nakakapagod lang kasi dahil kailangan ako ang maghahanda sa lahat ng mga kakailanganin sa party. Milagro lang na hindi nasira ang kagandahan ko habang naghahanda ako para sa party. Gosh! Damn, wala akong maalala tungkol sa mga nangyari kagabi. Ilang alak ba ang naubos ko? Wala naman siguro akong inaway kagabi, diba? s**t, my head hurts like hell. Hangover na talaga ito. Tumingin ako sa gilid ng aking kama. I was expecting that someone might have slept with me, but it turns out that I am the only one sleeping inside my room right now. Sino'ng nagdala sa'kin dito sa kwarto? Ako lang ba ang pumasok dito nang kusa kagabi? s**t, wala talaga akong maalala. Hihiga na sana ulit ako sa kama nang nakarinig ako ng mga kalabog mula sa labas. Kumunot ang aking noo ngunit binalewala ko lang ito at tuluyan na akong humiga sa kama. I'm too tired to f*****g care. I'm about to close my eyes when I heard someone scream from outside and it's not just a normal scream. It was a scream full of anger, annoyance and threat. "Honey Joana Torres! Bumaba ka rito, ngayon din!" rinig kong sigaw ng isang galit na boses mula sa labas ng aking kwarto. Tch, stupid f*****g voice. I am trying to sleep—s**t. Mabilis akong bumangon at kaagad akong lumabas ng kwarto. Bumungad sa akin ang tahimik na pasilyo ng aming napakalaking bahay at nakita ko ang mga pulang baso na nagkalat sa sahig. Tinakpan ko ang aking ilong nang naamoy ko ang panis na amoy ng alak mula sa mga nagkalat na baso. Damn, hindi ba ito kinuha at nilinisan ng mga maid? Ugh, ang baho! Bumaba na ako ng hagdan at dumiretso sa salas. Nang nakarating na ako sa salas ay naabutan ko si Mom na matalim na nakatingin sa akin at nasa kaniyang bewang ang kaniyang mga kamay. "So, you came home," bungad ko kay Mom saka umupo sa couch. "Don't talk to me using that kind of tone, Joana," inis na sabi ni Mom sa'kin and I rolled my eyes. "How's your business trip? Was it fun? You shouldn't have come home. You should have stayed at your hotel. I don't mind being all alone in this big damn house. Sanay na akong mag-isa," sabi ko kay Mom nang hindi tumitingin sa kaniya. "Joana—" "I'm hungry," putol ko sa sinabi ni Mom. Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina nang bigla akong pinigilan ni Mom at binigyan niya ako ng isang malutong na sampal. Shit. "Hanggang kailang ka ba magiging ganito, Joana? Ang laki mo na ngunit napakaliit naman ng respeto mo! Napaka-iresponsable mo!" galit na sigaw ni Mom sa'kin. "Can you explain to me what happened to our house, young lady? Bakit ang kalat dito, ha? Explain, right now!" dagdag niya. "I threw a huge party last night. I invited everyone from Saint Regina Academy and I had the best time of my entire life," diretso kong paliwanag sa kaniya at nakita kong sumama lalo ang timpla ng kaniyang mukha. How hilarious... "You hosted a party without my permission?!" she asked, shocked. "Yes," sagot ko bago ngumisi. Her shocked face is so funny! "My goodness, Joana! You hosted a party at hindi ka man lang nagpaalam sa'kin tapos hindi ka pa nag-abala na maglinis ng mga kalat?" My mom's voice was getting higher but I didn't give a damn. "Nope, I didn't bother to clean up. I don't care anyway. I was too drunk last night to the point that I don't even know who brought me to bed." I smiled at my mother at nakita ko kung paano siya nagulat dahil sa aking sagot. Who cares about the garbage and the mess? May mga katulong naman na maglilinis no'n. We're paying them so they better clean up all the mess. "What's that? What are you wearing right now? Is that a stripper's dress?!" tanong ni Mom habang nakaturo sa suot ko na maikling dress at tumango ako sa kaniya. "Yes, Mom." "How could you do this, Joana? Hindi kita pinalaki para magmukhang bayarang babae," dagdag ni Mom at inikot ko ang aking mga mata sa pangalawang pagkakataon. "At least strippers earn a hundred thousand every night," sagot ko kay Mom at muli niya akong sinampal. Fuck. "Huwag mo akong sagutin ng ganiyan! Saan ka ba nagmana, ha? Bastos kang bata ka!" she exclaimed in fury and I bit my lip in annoyance. "Tinatanong mo pa kung saan ako nagmana? Siyempre sa'yo! Look, Mom. You turned me into who I am today. So, don't go all mother mode on me when you can't even be a good mother in the first place," sagot ko at sa pangatlong beses ay sinampal na naman ako ni Mom. Ah, damn it. Ang pula na siguro ng mukha ko. Ang hapdi na ng pisngi ko dahil pakiramdam ko ay sinampal ito ng isang mainit na kawali. Ang laki naman kasi ng kamay ni Mom, parang kamay lang ng isang elepante. "Sampal lang ba ang kaya mo? I dare you to try harder." Ngumisi ako kay Mom at nakita ko siyang umiyak dahil sa sobrang galit. "Oh? Marunong ka na pa lang umiyak ngayon, Mom? Akala ko puro ka lang sampal at salita," nakangisi kong sabi kay Mom. "Buhay ko ito kaya pabayaan mo ako. Focus on your f*****g job and leave me alone dahil diyan ka naman magaling, diba? So do it," seryoso kong sabi sa kaniya. Tch! "Hindi na ikaw ang Joana na kilala ko. Hindi na ikaw ang anak ko," iyak ni Mom at natawa ako dahil sa kaniyang sinabi. "Of course, hindi na talaga ako si Joana. So, stop calling me that stupid name. Honey na ang pangalan ko at tandaan mo iyan," I spat at her. That name really irritates me to do core. Joana is too good. I like Honey better. "That's it! I am done dealing with your immature deeds, Joana. Lumayas ka rito! Lumayas ka rito sa pamamahay ko! Get out this instant!" sigaw ni Mom at hindi na ako nagulat dahil inasahan ko naman ito. Hinarap ko si Mom. "You want me to get out? Okay then, I will gladly get lost from your sight. Finally, I've been waiting so long for you to say that. Thank you, Mom." Lumapit ako kay Mom at nilagay ko ang aking kamay sa kaniyang balikat. "Huwag kang mag-aalala, Mom. Hindi na ako babalik dito kaya hindi na sasakit iyang ulo mo dahil sa'kin," sabi ko at naglakad na ako papunta sa hagdan saka umakyat na papunta sa aking kwarto. She wants me to get lost? She wants me to get out of this stupid house? Okay, I'll give her what she wants. I don't care about her because she doesn't even care about me in the first place. All she cares about is herself and her shitty work. Kung may problema man sa trabaho niya, she will blame it all to me and I hate it. I f*****g hate it! Kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng maayos na relasyon kay Mom. My Mom is a single mother and she's so busy with her work to the point that she doesn't give a damn about me. Well, I don't give a damn about her too. The feeling is mutual. Nang nakapasok na ako sa aking kwarto ay dali-dali kong kinuha ang aking maleta at nilagay ko rito ang lahat ng mga damit na nasa aking closet. Pati ang mga gamit na kakailanganin ko kagaya ng mga make-up kits ay nilagay ko na rin sa maleta ko. I need it too, duh! Kumuha pa ako ng isang backpack upang lagyan ng iba pang mga importanteng bagay at nang natapos na ako ay pumasok na ako sa banyo upang maligo. Siyempre, kahit lalayas na ako sa amin ay kailangan ko pa ring maligo. Ayokong magmukhang pulubi, ew. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at lumabas na ng aking kwarto. Bumaba ako habang bitbit ang aking maleta at bag. Naabutan ko si Mom na umiinom ng tubig sa salas kaya kumaway ako sa kaniya saka ngumiti. "Bye, Mother. Pakasaya ka rito sa bahay mong boring," paalam ko at lumabas na ako ng bahay. Sa wakas, malaya na rin ako! ***** Shit, I am totally regretting my choice right now. "Ano ba naman ang ice cream na'to? Bakit lasang panis? Expired na ba ito?" Tiningnan ko ang nabili kong ice cream at inis ko itong tinapon sa basurahan na nakatayo malapit sa bench na inuupuan ko ngayon. Kasalukuyan akong nagpapahinga rito sa isang bench malapit sa grocery store. Naabutan kasi ako ng gutom sa aking paglalakad kaya naisipan kong huminto muna rito at kumain ng ice cream na kung saan ay pinagsisisihan ko talaga dahil lasang panis ang nabili ko. "Kainis! Nasayang lang ang pera ko." Bumuntong hinga ako. Kinuha ko ang aking wallet at binilang ko kung ilan na lang ang pera na natira sa akin nang may napansin ako. "s**t, naiwan ko sa bahay ang credit card ko? f**k!" Ginulo ko ang aking buhok dahil sa inis. Argh! Inaasar talaga ako ng panahon. Sa lahat ng pwede kong makalimutan, bakit ang credit card ko pa? Leche! Paano na ako makakahanap ng matutuluyan nito? Hindi kasya ang pera na natira sa'kin para ibayad sa upa ng isang apartment. Ayoko ring magtrabaho dahil ayokong masira itong kagandahan ko, duh! Hay, pretty girl problems. Binalik ko na lang sa loob ng bag ko ang aking wallet at pagkatapos ay sumandal ako sa bench. Bumuntong hinga ako habang pinagmamasdan ang langit. Tch, I am too pretty to be stressed right now. "Pero—argh! Nakakainis!" sigaw ko. Hindi ko na kasi napigilan ang aking inis. Pinagtitinginan na ako ng mga tao rito sa labas ng grocery store pero tinaasan ko lang sila ng isang kilay at hinawi ko ang aking buhok. Hmp, bahala sila. I have every right to scream and express my emotions here. Kung may problema sila sa'kin at tingin nila ay takas ako ng mental hospital, pwes! Matitikman nila ang galit ko. Sumandal ulit ako sa bench at kinuha ko ang aking cellphone at earphones. Sinaksak ko ang earphones ko sa aking tenga at nakinig na lang ako ng kanta. Pinagmasdan ko ang langit na ngayon ay nangingitim na at unti-unti ng nawawala ang araw sa aking paningin. Great, it's going to rain and I still don't know where to go. This is s**t. I am Honey Torres and worrying is not in my vocabulary. I am a free and independent woman. I shouldn't fear those rain clouds. Yeah, stupid rain clouds... "s**t naman," mura ko nang naramdaman kong pumatak ang ilang butil ng tubig sa aking mukha. Leche... "Oh, come on!" reklamo ko nang unti-unting dumarami ang mga tubig na bumagsak sa aking mukha. Nagsisimula ng mabasa ang aking damit ngunit binalewala ko lang ito. Pumikit ako at nakinig na lang ng kanta mula sa cellphone ko. Ano ba naman ito! Hindi ako isang drama queen pero ito ako ngayon nagda-drama sa ilalim ng ulan. Kainis! "How could this happen to me? I've made my mistakes, got nowhere to run. The night goes on cause I'm fading away..." Leche naman ang kantang ito! Hindi naman sa natamaan ako ng lyrics pero bagay na bagay kasi sa sitwasyon ko ngayon eh. Walang hiya, pakiramdam ko talaga ay nasa isang drama ako and I'm starting to regret my decision. Argh, this is not good. Sana pala ay hindi na lang ako lumayas at hinayaan ko na lang na magalit si Mom—Honey! Ano ba ang pinagsasasabi mo?! I should be glad right now. I should be glad that I am finally out of that stupid and boring house. Hindi dapat ako nagkakaganito, hindi dapat ako nag-iisip ng ganito! Naramdaman kong uminit ang aking mga mata hanggang sa naramdaman kong may tumulong mainit na tubig sa aking mga pisngi. Akala ko ay ulan lang ito ngunit mali ako. Kinapa ko ang aking mga pisngi bago suminghot. s**t, umiiyak na pala ako. "Aish, I am Honey Joana Torres and I don't cry...I don't cry! Damn it!" Humagulgol ako. Curse this! Pinunasan ko ang aking mga luha pero ayaw talaga nitong tumigil sa paglabas mula sa aking mga mata. Pinatong ko ang aking mga paa sa bench at niyakap ko ang aking mga binti saka ibinaon ko rito ang aking mukha. Letseng buhay na ito! Bakit ba lagi na lang akong minamalas? Mula sa pag-ibig hanggang sa buhay, ang malas ko talaga. Ito na ba ang tinatawag nilang karma? Ha! Matapos ang lahat ng kalokohan na nagawa ko noon ay ngayon lang ako binisita ni kumareng karma? Wow, ang bagal naman kumilos ni karma. Parang internet lang namin sa bahay. Speaking of karma, naalala ko tuloy ang mga sinabi ko kay Mom. I am actually regretting half of what I said, but Mom needs to realize her mistakes and what she's missing too. Umayos ako ng pagkakaupo rito sa bench at tiningnan ko ang oras na nasa aking cellphone. Malapit nang mag-alas sais at hindi pa rin ako nakahanap ng apartment o bahay na matutuluyan. Nagugutom na rin ako kasi kanina pa ako hindi kumakain. Kumain naman ako ng ice cream pero panis naman. Bumagsak ulit ang aking mga luha at inis ko itong pinunasan. Tch! Get a grip, Honey. Stop crying before someone else sees— "Wow naman. Dito ka pa talaga nag-drama sa harap ng grocery store no? Grabe, ang dami mo talagang kaartehan sa buhay." Gulat akong tumingin sa taong nakatayo ngayon sa aking harapan at dahil sa gulat ko ay nabitawan ko ang aking cellphone. "P-Paul..." Umawang ang aking bibig dahil hindi ko talaga inasahan na makikita ko siya rito ngayon. s**t naman! Sa lahat ng pwedeng makakita sa'kin ay bakit siya pa? Argh! Bitbit ang ilang mga plastic bag ay seryoso akong tiningnan ni Paul at halatang kakalabas lang niya mula sa grocery store na nasa kaniyang likuran. Nakita kong tumingin si Paul sa mga bag na dala ko at kaagad akong nakaramdam ng kaba. s**t, Paul's going to suspect that my mother threw me out of our house—teka, pinalayas naman talaga ako ah. "I-It's not what you think! Actually, my mother is sending me to America and I ran away because I don't want to leave!" Great job, Honey! Ang ganda ng naisip mong alibi. Siguradong hindi talaga maniniwala si Paul sa'yo— "Hindi ako nagtanong at lalong wala akong pakialam," sagot ni Paul at natigilan ako. Eh? "Later," maikling sabi ni Paul at naglakad na siya paalis. Eh?! "Paul, wait—" "If you're planning to ask me if it's alright to stay at my place, uunahan na kita. My answer is no," putol ni Paul nang hindi man lang tumitingin sa'kin. Tumakbo ako papunta sa kaniyang harapan at hinarangan ko siya. Basang-basa at nilalamig na ako pero binalewala ko ang lahat ng ito dahil kailangan kong kausapin si Paul. Kakapalan ko na ang pagmumukha ko kahit wala sa aking bokabularyo itong ginagawa ko ngayon. "Paul, just please hear me out—" "No." Tumingin si Paul sa aking mga mata at napalunok ako nang nakita ko na seryoso siya. Ngayon ko lang siya nakita na ganito ka-seryoso. "But, I have nowhere else to go—" "Then go back to where you came from," putol ni Paul sa aking sinabi at nabigla ako. He did not just say that! Dahil sa aking inis ay lumapit ako kay Paul at hinawakan ko nang mahigpit ang kuwelyo ng kaniyang hoodie saka ko siya inilapit sa'kin. "Look, Ventura. Begging is not my style. So, you better hear me out or else I'll f*****g kick you where it hurts the most." I glared while staring at Paul's wide eyes. Maya-maya ay umiwas nang tingin si Paul sa'kin kaya binitawan ko na ang kaniyang kuwelyo. Narinig ko siyang tumikhim kaya nagpatuloy na ako. "Ang totoo niyan ay pinalayas ako ni Mom dahil sa ginawa kong kalokohan kagabi. Ayoko ng bumalik sa amin kaya pwede ba sa inyo muna ako tutuloy? Kahit ngayong gabi lang," sabi ko kay Paul. Sandali akong tiningnan ni Paul at huminga siya nang malalim. "I'm sorry but troublemakers like you are not welcome at my house." T-Troublemakers...like me? "I'm not going to bring or cause any trouble at your house. Besides, it's only for one night," giit ko at nakita kong umiling si Paul sa'kin. "No." Nagsimula ng maglakad paalis si Paul. "Please, with a cherry on top?" I tried my best to put on my best adorable face but it was still useless because Paul wasn't even looking at me. Napaupo na lang ako sa lupa habang pinagmasdan ang paalis na pigura ni Paul. Tumayo ako at bumalik na lang sa bench kung nasaan ang aking mga gamit. Pinagmasdan ko ang maleta at bag ko na basang-basa na ngayon dahil sa ulan. Umupo ako sa basang bench at muling umiyak. Nakakainis naman! Akala ko maayos na ang lahat pero akala ko lang pala iyon. Kinuha ko ang aking cellphone na nasa bulsa ng aking pantalon. Pinunasan ko muna ito bago binuksan. Tiningnan ko ang aking mga contacts dahil baka sakaling may tatanggap sa'kin nang naalala ko ang sinabi ni Paul sa'kin kanina. "I'm sorry but troublemakers like you are not welcome at my house..." Oo nga pala. Sino naman ang tatanggap sa isang babaeng pasaway na katulad ko? Bakit hindi ko ito naisip kaagad? Hah, ang tanga ko. Napansin ko na madilim na ang paligid at wala na masyadong tao ang nakita kong lumalabas. Niyakap ko na lang ang aking sarili upang kahit kaunti ay mabigyan ko ng init ang aking malamig na katawan. Sumandal na lang ako sa bench at sa pagkakataon na ito ay pinabayaan ko na ang aking mga luha na bumagsak mula sa aking mga mata. "Tahan na, Honey. Walang magagawa ang mga luha mo," sabi ko sa aking sarili bago suminghot. Kahit basang-basa na ang bench dahil sa malakas na ulan ay humiga pa rin ako. I curled on the bench while crying myself to sleep. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa aking sarili dahil sa sobrang lamig ng paligid. Kinagat ko ang aking mga labi nang nagsimula na akong manginig. Ito na yata ang pinakamagandang nangyari sa buong buhay ko. Pinunasan ko ang aking mga luha nang napansin ko na wala ng pumapatak na tubig sa aking mukha. Paulit-ulit akong napakurap at mabilis akong tumingala sa langit. Sa una ay malabo pa ang paningin ko dahil sa aking mga luha. Maya-maya ay tumambad sa aking mga mata ang isang kulay itim na payong at sa ilalim ng payong ay nakatayo ang isang pigura. Matangkad ito at hindi ko maaninag ang kaniyang mukha. Si Pedro kaya ito? Ay hindi, imposibleng pupuntahan ako ngayon dito ng driver ni Mom. Lahat naman sila ay walang pakialam sa'kin. "Hindi ka isang artista para mag-drama sa ilalim ng ulan." Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga rito sa bench at kinusot ko ang aking mga mata. Nagulat ako nang husto nang nakita ko kung sino ang nakatayo ngayon sa aking harapan. N-No way… "Huwag mo akong tingnan nang ganiyan. Pasalamat ka dahil mabait ako at binalikan kita," aniya at natuwa ako nang husto dahil sa kaniyang sinabi. Dahil sa sobrang tuwa ko ay tumatakbo ako palapit sa kaniya at sinunggaban ko siya ng isang mahigpit na yakap. "Paul!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD