Chapter 6: Past Lover

4460 Words
Sandra's POV ''I still love you Sandra. Ikaw parin.'' Nabigla ako sa sinabi niya. He still love me? How could he still love me after everything? Tinalikuran niya ako noon. Hindi niya ako pinakinggan. I'm not blaming him for that, cause I know, kasalanan ko din naman. But, I never thought that he would still love me. Ang ine-expect ko kasi wala na. " I searched for you for the past years, but I couldn't find you. I almost lost my mind thinking of where you could be. I know, may kasalan din ako. K-kung sana nakinig ako, k-kung pinakinggan sana kita, hindi ka sana mawawala sa akin...." he continued to speak but I remained silent. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano tumulo ang iilang butil ng luha mula sa mga mata niya. " I waited for your return. I'm always waiting for you Sandra. I'm sorry, I'm sorry..." I never saw him cry like this before. He's crying as if he just lost the most valuable thing he possessed. Hindi ko narin mapigilan ang sarili ko na mapaluha. What happened 5 years ago was very painful for the both of us. Kung hindi sana nangyari yung nangyari noon, kasal na sana kami ngayon. Magkasamang bumubuo ng sariling pamilya. Pero kung hindi nangyari yun, wala siguro akong Luca ngayon. "Don't be sorry Lorenzo. Ako dapat ang nagso-sorry. I'm sorry for hurting you back then. I'm sorry that I let someone ruin our dreams. I'm sorry that I suddenly disappeared. I'm sorry.." I apologize with all sincerity. Si Ada ang may kasalanan ng lahat but I won't deny that I also made a mistake. I trusted Ada so much, giving her a good chance to plot a conspiracy against me, that's my mistake. "Sandra..." He took a step towards me and tried to reach for my hand but I step back. I felt a small hand envelope my wrist. I shifted my gaze to the small hand and then to the face of my son. I'm holding his hand and his other hand holds my wrist. Luca is looking at me with worry in his eyes. I almost forgot, kailangan ko pa palang pakainin ang anak ko. "Sandra, I love you. I still do. Even after all those years. I miss you so much, Love." This is the second time he said he loves me. Pero, tama ba na mahalin niya parin ako kahit na ikakasal siya sa iba? "Love, please... Come back to me.." he pleaded. Comeback? Nag-iisip ba siya? For pete's sake, he's getting married! " Lorenzo, are you out of your mind? You're getting married now. You shouldn't be here. Ayoko makigulo sa inyo ni Ada. I only came back because of dad. So please, ..." He's already getting married yet he's standing here in front of me, crying over our past love. "I don't wanna marry her, Sandra. Ikaw lang ang pinangarap kong pakasalan." He sounds so frustrated while saying that. Kung ayaw niyang pakasalan si Ada, then bakit sila na engage? Pinagloloko ba ako ng taong 'to? "Umuwi ka na Lorenzo. You should be with your fiance, not with your ex." I said. Akmang tatalikuran na namin siya ng bigla siyang magsalita. "How about you Sandra. Don't you feel anything for me anymore?" "I'm sorry, Lorenzo. I'm sorry but please, let the past remains in the past. I already moved on. I hope you could also do the same. Let's move on from the past, and better look forward to the present. And besides, I already have a son, sakanya na lang ngayon nakatuon ang atensiyon ko. And more importantly, hindi maganda na makikipagbalikan ako sa sayo gayong ikakasal ka na at may anak ako sa iba. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao, lalo na ng pamilya mo." I said then we leave him there hanging. Tama lang yun Sandra. Tama lang yung mga sinabi mo. You should cut all your connections with him, with them. Pumunta kami ni Luca sa pinakamalapit na restaurant. Hindi na kami nag-abalang sumakay ng kotse since walking distance lang naman. "Mom, who's that guy?" Habang naglalakad kami ay bigla ng nagsalita si Luca. My gaze automatically shifted to him. "He's a person from the past." I replied. "Really? Is he a special person to you mom?." Luca asked again. Special? Siguro noon, but now... "Before. Pero ngayon ikaw na ang pinaka-espesyal na tao sa buhay ko." I said and give him my sweetest smile. Ngumiti naman siya pero unti-unti din itong nawala kaya nagtaka ako. "What's wrong?" I stopped from walking and asked him. "He said he loves you, do you love him too?" Is this what makes him worry? Iniisip niya ba na may iba akong mahal? Ang seloso ng anak ko. Yumuko ako para pumantay ang mukha ko sa kanya. Then I shake my head to answer his question. "Ikaw lang ang love ni mommy, hmm" I sweetly said and planted a sweet kiss into his forehead. Tumango naman ito. "Mom, you can't love other man. You can only love my dad." He firmly said. My jaw dropped by he's statement. He wants me to only love his father? Eh hindi ko nga kilala ang Daddy niya eh. Tumango na lang ako sa kanya kahit hindi naman ako sigurado kung magagawa ko nga yun. He smiled sweetly dahil sa pagtango ko. "Let's go mom, I'm hungry." He said at siya na mismo ang humila sa kamay ko . 'I still love you Sandra. Ikaw parin.' Paulit-ulit na nagre-replay sa utak Jo ang mga sinabi ni Lorenzo kanina. I'm lying on my bed while thinking of what Lorenzo said. Luca's already sleeping beside me. If he still loves me, then why would he marry Ada? Ako ba pinagloloko niya? I suddenly remembered that he mentioned Colt and Freya, he was asking them for my whereabouts but they didn't told me about it. I picked up my phone and walk out of the room. Pumunta ako sa sala at umupo sa sofa. I was about to dial Colt's number, but then I remember that he's busy with his project, so I decided to dial Freya's number. It's already 9 in the evening pero alam kong gising pa ang babaeng yun. Nakailang ring muna bago niya ito sinagot. [Hello, Sandra] "Freya, I want to ask something." [What is it?] "Pumunta si Lorenzo dito kanina—" [What! Why? Anong kailangan niya sayo? Makikipagbalikan ba? Ay nako Sandra, wag kang papayag! Ikakasal na yun sa ahas kaya wag kang papayag! And one more thing, pag nalaman to ni Ada baka guluhin ka nanaman nun. Baka madamay pa si Luca pagnagkataon. Sandra, you must listen to me. Alam mo kung anong kayang gawin ni Ada para lang makuha si Lorenzo. Ayaw mo naman sigurong maulit ang nangyari noon diba? Kaya lumayo ka sa Lorenzo na yan.] Hindi ko pa nga natanong ang gusto kong malaman, tumalak na agad tong isang 'to. Nabanggit ko lang na pumunta si Lorenzo na trigger agad. "Pwede bang patapusin mo muna ako" I said and rolled my eyes. [Oh sorry, hehehe] "So yun nga , pumunta dito si Lorenzo kanina. He told me that he was looking for me back then. He asked you and Colt about me but you didn't tell him anything. Ba't hindi niyo sinabi sa akin na hinanap niya ako?" I wanted to know their reason for not telling me anything. [Colt warned me to not tell Lorenzo anything about your whereabouts, and he don't want me to mention it to you.] Colt warned her? Why would he do that? "Why?" [For you Sandra. Dahil pag sinabi namin na hinahanap ka ni Lorenzo, I'm sure pupuntahan mo siya, aayusin niyo ang relasyon niyo....] I remained silent, waiting for her to continue. Ayaw ba nila na magkaayos kami ni Lorenzo? Bakit ? Ang daming bakit na tumatakbo sa utak ko. [Don't think na ayaw namin na magkaayos kayo. We're just protecting you Sandra, dahil pagnagkaayos kayo, there's a big possibility that Ada will hurt you again. Ada will ruin you again and again just to get what she wants. Ayaw mo naman sigurong maulit yung ginawa niya sayo diba? Ayaw din naming mapahamak ka ulit, kaya wala kaming sinabi sayo. I'm sorry, Sandra.] ——— *** At the Imperial Group's main building, When Vito reach the company, he immediately proceeded to the President's office. There's a rule in the company that the President's office is forbidden to everyone, only the secretaries of the President and the cleaning personnels could enter. Papers from the company's departments and other documents were handed to his secretaries and the secretaries will arrange and hand it over to the President. Everyone is following the rule except for one person, and that's Vito. He would come in and out of the President's office whenever he wants, without even knocking. Before he could enter the President's office, he had to pass through the President's secretaries tables. He throw a flirty wink to a female secretary and her cheeks instantly blush. Well, that's Vito Imperial. He's a total opposite of Luke Alexander Imperial. While Alexander Imperial is known to be a woman hater, Vito on the other side is known to be a notorious womanizer. Playing with women in bed is his pass time. Vito is handsome, well everyone in Imperial family has good looks. He's full of charisma that catches the ladies attention. Vito likes the attention he gets from women, but he doesn't like commitments, just games. He's an absolute player. Vito's POV I entered Alexander's office without knocking. Bago ko isara ang pinto, tinapunan ko muna ng tingin ang babaeng secretary ni insan. She's blushing as f*ck. She even bite her lower lip. I smirk because of her reaction. Isang magandang babae na naman ang nabiktima. Hahaha ang gwapo ko talaga. Iba talaga ang kamandag ng isang Vito Imperial. Huh. Mga babae nga naman, makakita lang gwapong, halos maghubad na tsk,tsk,tsk. Pagkapasok ko I saw Alexander burying himself of paper works. I know Alexander noticed my arrival but he didn't even throw me a glance. What a good cousin. Siya na ata ang pinakamabait na pinsan. I sat in a single seated couch and squinted my eyes to my busy cousin. Tsk. Puro na lang mga papel kaharap niya. "Bro, tell me. Did you ever dated a woman after Tamara?" Wala nang paligoy ligoy pa, tinanong ko agad ang gusto kong malaman. Hindi mawala wala sa isip ko yung bata kahapon. Sobrang magkamukha talaga sila. At syempre dahil siya ang pinakamabait na pinsan, hindi niya ako sinagot. He just throw me a death glare. Ang galing. Tae lang, nagtatanong ang gwapong si ako pero hindi man lang ako sinagot? Respeto sa gwapong si ako, please. He continued to work without saying a word. P*ta, ang swerte ko sa pinsan ko, sa sobrang sweet niya hindi na niya ako pinapansin. Immune na ako sa ugali niya. I know how bad his temper is, pero sh*t lang, it still hurts. Alam niyo yun? Yung tipong nagsasalita ka pero hindi ka man lang pinansin? It hurts. It really hurts. Ok, let's go back to my question, na isang masamang tingin ang nakuha ko bilang sagot, I think I already know the answer. He never dated anyone after Tamara. So ibig sabihin, wala siyang koneksyon dun sa bata. Baka nga talagang nagkataon lang na magkamukha sila. Kahit ako mismo walang narinig na na-link siya sa kahit sinong babae, maliban kay Tamara. Tamara was Alexander's ex-girlfriend. But I don't know if Tamara could be considered as his ex , cause Alexander never treated her as a lover before. Nakakatawa lang isipin na may relasyon sila pero wala man lang pakialam si Alexander sa kanya. Walang wala. Hahaha Sa pagkaka-alam ko, hindi na man talaga ginusto ni Alexander na magkaroon ng koneksyon kay Tamara. He was just forced to be with Tamara. He was 19 when he was linked to Tamara. We were still in college that time. Tita Sheila, Alexander's mom, really likes Tamara for my cousin. Also tita Sheila is a close friend of Tamara's mom. Tamara is a proud woman. She confidently confessed her feelings for Alexander when we were in college. She even said that she didn't dated any of her countless suitors, cause she only wanted Alexander. And of course, the demon himself, Alexander ruthlessly dumped her. Hahahahaha natatawa talaga ako tuwing naaalala ko yun. Ang epic ng mukha ni Tamara nun. Ang akala niya talaga gusto din siya ni Alexander, like almost all the boys in our school did. Tamara was the oh-so-called Queen Bee of the school. Everyone adores her beautiful face, except for one person, Alexander. Kahit ako hindi ko itatangging nagagandahan ako sa kanya. Everyone thought that Tamara will have a good chance to be with Alexander. Tamara is undeniably beautiful and Alexander on the other hand was praise like a god because of his unrealistic beauty. They will surely make a perfect match. But everyone was shocked that Alexander dumped Tamara like a trash. How could a man dumped such a beautiful girl? Kahit ako nabigla din sa ginawa ni Alexander, pero mas natatawa ako, na naaawa. Meron bang ganun? Natatawa ka pero naaawa? Actually, Alexander didn't say anything hurtful to Tamara. Pagkatapos kasi kaming harangin ni Tamara at mag confess kay Alexander sa hallway, tiningnan lang siya ni Alexander ng walang kainteres-interes pagkatapos ay nilagpasan lang. She was left in the middle of the hallway with a pale face. Hindi matanggap ni Tamara ang ginawa ni Alexander sa kanya, lalo pa na napahiya siya sa harap ng maraming estudyante. And dahil close ang mommy niya sa kay tita Sheila, she ask for tita Sheila's help. Tita Sheila keeps on pushing Tamara to Alexander. Tapos isang araw, pinagkalat ni Tamara sa buong school na sila na ni Alexander. Maraming natuwa at marami ding nainggit, lalo na ang mga babae. Alexander was their dream guy so basically, hindi nila maiwasang mainggit kay Tamara. Meron ding bumuo ng fanclub para sa dalawa. Alexander didn't deny nor admitted their relationship. He kept silent. Nanahimik siya na para bang wala siyang pake sa mga nangyayari. Maraming naiinggit sa dalawa, pero meron ding nagtataka. Kahit kailan kasi hindi man lang nila nakitang naging sweet si Alexander kay Tamara, kahit man lang hawakan ang kamay ni Tamara ay hindi nila nakita. Their relationship lasted for almost two years. Sa loob ng halos dalawang taon na yun, si Tamara LANG ang nag-eefort para kay Alexander. Si Tamara lang ang bumabati ng happy monthsary. Si Tamara lang din ang bumubili ng regalo na hindi naman pinapansin ni Alexander. Not until Alexander took over the company. I could still remember how their connection ended. 7 years ago, I'm not yet the vice president of Imperial Group. Pumunta ako ng Imperial para yayain ang demonyo kong pinsan na makipag-inuman. Wala lang, gusto ko lang magyaya. Bago ako makapasok ng opisina ni Alexander, nakita ko si Tamara na pilit na pinipigilan ng mga secretary ni Alexander. What is she doing here? Ang alam ko, pinagbawalan siya ni Alexander na pumunta dito. I stop from walking to observe. "Ano ba! Get out of my way! I want to talk to Alexander!" Tamara shouted to the secretaries. "Miss, Mr. Imperial doesn't want anyone entering his office." Paliwanag ng isang babaeng secretary na nakaharang kay Tamara. "Miss, sa visitors lounge ka na lang maghintay kung gusto mong kausapin si Mr. Imperial." The other female secretary said. "Visitors lounge? I'm not just a visitor, I am your boss' girlfriend!" Tamara shouted again. Kita ang gulat sa mukha ng dalawang secretary. Hmm, mukhang wala silang kaalam alam na may girlfriend ang amo nila. And it looks like this is the first time they meet Tamara. Nagkatinginan pa ang dalawang secretary, hindi alam ang gagawin. "Sir Vito, good afternoon po." " Good afternoon sir." Napansin ako ng isa sa mga secretary kaya binati niya ako, sumunod naman ang isa. Humarap naman sa akin si Tamara at tinaasan ako ng kilay. Problema nito? I nodded my head to the secretaries as a response and walk towards them. Paglapit ko ay siya ring pagbukas ng pinto ng office ni Alexander. Lumabas mula doon ang lalaking secretary ni Luca. Dami niyang secretary. "What are you doing here Tamara? You're not welcome here, right?" Tanong ko kay Tamara na may halong pang-iinis. Tsk. Ang gandang babae, ang sama naman ng ugali. Tamara is a b*tch. Hindi ko nga alam kung bakit ang daming may gusto diyan. Mukha lang siguro ang ginawa nilang basihan. Buti na lang talaga, wala gusto sa kanya ang demonyo kong pinsan. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Alam kong araw araw siyang nangangating puntahan si Alexander dito sa Imperial pero hindi niya magawa dahil pinagbawalan siya ni Alexander. Hahahahaha. Kawawang Tamara. Girlfriend ba talaga siya? "I'm here for Alexander..." She said then turned her gaze to the secretaries. "Now let me in. I want to see my boyfriend." Pinagdiinan niya pa talaga ang 'boyfriend', akala mo naman tinuturing siyang girlfriend. "I'm sorry miss, but Mr. Imperial doesn't welcome any visitor right now." Pagpigil sa kanya ng lalaking secretary. "I am his girlfriend, not a visitor. So let me in if you don't want to get fired!" Push mo yan girl. Halata na ang galit sa boses at mukha ni Tamara. "Pasensya na talaga miss pero hindi ka pwedeng pumasok. Mr. Imperial told me to ask you to leave, if you're not going to leave on your own, then we'll have no choice but to summon the security and drag you out. At ayaw ko pong masesante kaya sinusunod ko ang utos ni Mr. Imperial na paalisin ka." The male secretary explained with a plain face, mukhang naiinis na rin ang mga secretary ni Alexander kay Tamara. Bwahahaha. Gagong Alexander yun, hindi man lang naawa sa girlfriend kuno niya. Napaawang ang mapupulang labi ni Tamara dahil sa sinabi ng secretary. "Hahaha" I can't hold it anymore. Tuluyan ko ng napakawalan ang tawang kanina ko pa pinipigilan. "Ahem, ahem" I let out a fake cough to stop my laughter. Sinamaan na ako ng tingin eh. Kung hindi ako tumigil bago pagsasampalin ako ng babaeng 'to. Pfft. P*ta gusto ko pa talagang tumawa. Hahahahaha. Tang—*na. "Oops are you okay?" Tanong ko sa babaeng sekretaryang sinalo ko. Bigla nalang kasing pinagtutulak ni Tamara ang mga secretary ni Alexander na humaharang sa kanya. Hindi ini-expect ng mga secretary ang ginawa ni Tamara kaya nabuwal sila sa kinatatayuan nila. Tinayo ko ang secretary na nagbu-blush. Tsk.tsk.tsk. Iba talaga epekto ng kagwapuhan ko. "Teka lang miss!" "Miss!" Habol ng ibang secretary kay Tamara na nagmamadaling pumasok sa opisina ni Alexander. "Let her" Saad ko kaya napatigil ang mga secretary. "Pero sir Vito—" "It's okay, ako na bahala." I assure to them. Lahat ng mga empleyado dito takot kay Alexander. They wouldn't want to disobey nor offend him, they don't want to lose their job of course. Naglakad na ako papasok ng opisina pero bago yun, kinindatan ko pa ang babaeng secretary na sinalo ko kanina. Mas lalo namang namula ang mukha niya. Hahahahaha. P*uta gwapo ko talaga. Kung hindi sasama si Alexander sa inuman, ide-date ko na lang ang dalawang secretary niya. Pero syempre, hindi ko sila pagsasabayin, ayaw ko namang pag-agawan nila ang atensiyon ko. Ayaw ko pa naman na pinag-aawayan ako. Hayyy, pogi problems. Problemang hirap akong hanapan ng solusyon. Pagpasok ko ng opisina ni Alexander, ang nagre-reklamong si Tamara ang nabungaran ko. I walk towards the sofa placed in the right side of the room. I sit on a single seated couch and silently watch them. O'right. Isang laban naman ang ating masasaksihan. " What now Alexander! You didn't show up on my birthday party last night. I waited for you. My parents and my friends are expecting for you but you didn't come. I am so disappointed! And now you don't want to face me? What kind of boyfriend are you!?" Tamara exclaimed frustratedly. Oh wait, birthday niya pala last night? Huh. Pustahan nagyabang na naman siya na boyfriend niya si Alexander. Unfortunately, hindi siya sinipot ni Alexander Hahahahaha. Hindi na siguro napilit ni tita Sheila si Alexander na siputin si Tamara, hindi katulad noon. Palaging napipilitan si Alexander na samahan si Tamara kung saan saan dahil pinipilit siya ni tita. Pero ngayong si Alexander na ang may hawak ng Imperial Group, hindi na siya mapilit ni tita dahil sa busy ito palagi sa kompanya. Halos sumabog na sa inis si Tamara but Alexander didn't even raise his head and continue signing the papers on hi Alexande Pfft. Bastos kausap tong pinsan ko. "Alexander!" Tamara shouted. Alexander slowly raised his head and throw a lazy look to Tamara. "You're done?.." Alexander asked with his usual cold voice. "Now leave." Alexander continued to speak, now with a stern voice. "W-what?" Gulat na tanong ni Tamara. "Babe, let's talk first, okay?" Tamara stated. Kanina lang ang taas ng boses niya kakasigaw tapos ngayon bigla na lang naging mahinahon. "Leave. I'm busy." Alexander said then continue working again. Kita kita ko kung paano bumilog ang kamao ni Tamara. Halatang nagpipigil ng galit. "Alexander, if you continue treating me this way, I think it would be better if we stop this relationship." Tamara said. Mahinahon lang ang boses niya pero may halong pagbabanta. Alexander raised his head again and coldly look at Tamara. "Then we're done. You may now leave." Alexander coldly announced. Hindi ko kita ang mukha ni Tamara pero alam kong nakaawang ang mga labi niya dahil sa mga sinabi ni Alexander. Akala niya siguro hindi papayag si Alexander na makipaghiwalay. Huh, sinong tinakot niya. "N-no babe, I-I don't wanna break up with you. I didn't mean to say those words. Na-na carried away lang ako. I love you. I can't let you go. Babe—" "Enough we're done. Now leave." Alexander's voice became colder. Halata na rin ang inis niya. "Babe, n-no. I d-dont want to." Tamara's voice started to crack. Tsk, Hindi mo madadala sa iyak yang si Alexander. “Get out! “ Alexander shouted. Napaatras pa si Tamara sa gulat. Pati ako nagulat g*go. Galit na siya, delikado si Tamara. Tumayo ako sa pagkaka-upo at lumapit kay Tamara. She’s crying now. “Tamara umalis ka na.” Sabi ko sa kanya. Pero sinamaan niya ako ng tingin. I let out a deep sigh. I grab her wrist and drag her out. “Ano ba! Let me go.” Sigaw niya habang hinihila ko siya palabas. “Bring her out of the building.” Sabi ko sa mga secretary paglabas ng opisina. “No—” hindi ko na narinig pa ang sunod niyang dahil sinara ko na ang pinto at ni-lock. Hayyst… Kaya ayoko ng girlfriend eh. Masyado silang demanding. Sakit lang sa ulo. Tama na yung kagwapuhan ko lang ang problema ko. Lumapit ako sa table ni Alexander. He continued to work as if nothing happened. “ Wanna hang out later?” I asked. “ No. I have a dinner meeting.” He responded without even looking at me. Tsk, bastos talaga kausap. At ganun natapos ang relasyon nila. Ayon pa sa nasagap kong balita…. Hindi ako chismoso, wag kayong ano.. Dalawang buwan din daw na nagpabalik balik si Tamara sa Imperial at sa mansion nina Alexander. Pero hindi man lang siya hinarap ni Alexander. Isang beses pa akong tinanong ni tita Sheila kung alam ko daw kung saan umuuwi si Alexander, halos isang buwan daw kasing hindi umuwi sa kanila. Akala ko nga pinagtataguan niya si Tamara yun pala pumuntang Australia dahil may inasikaso. Hindi man lang nagpaalam kina tita. Pagkatapos nun isinama si Tamara ng parents niya sa France. Palagi na lang daw kasing naglalasing. Tsk. Tsk. Tsk. Kung ako si Tamara, hindi ko na ipipilit pa ang sarili ko kay Alexander. Oh wait, let me rephrase it. Kung ako naging babae, hindi ko sasayangin ang oras ko sa isang Luke Alexander Imperial. Maghahanap na lang ako ng iba. Kasi kahit siguro malagutan ako ng hininga sa harap niya, wala pa rin siyang pakealam. Okay, back to present. Mas mabuti na rin sigurong walang koneksyon si Alexander doon sa batang kamukha niya. Hindi pa ata ako handang magkaroon ng demonyong Alexander version 2. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad paglabas ng opisina ni Alexander. Wala akong mapapala kung mananatili pa ako sa office niya. Mapapanis lang laway ko doon, pero hindi pa rin ako kakausapin ng demonyong yun. Sandra’s POV Isinama ko si Luca na mag-grocery ngayong araw. Pagkatapos mag grocery, hinatid namin ang mga pinamili sa kotse. Pagkatapos ay ipinasyal ko si Luca dito sa mall bago kami umuwi. “Did you enjoy today?” I asked Luca. I’m holding his right hand while his holding a toy car we bought in his left hand. Where now heading back to the car. “Yes mom.” He replied with a smile plastered on his handsome face. Habang naglalakad papasok ng parking lot, may napansin akong lalaking naninigarilyo, nakatayo hindi kalayuan sa amin. Nakasuot ng itim na leather jacket at black pants. Bigla akong kinabahan. Masama ang kutob ko. Napatingin ako sa likuran. Meron ding lalaking naglalakad kasunod namin, ilang metro din ang layo niya sa amin. Humigpit ang hawak ko kay Luca at unti unting binilisan ang lakad. Nang malapit na kami sa kotse, I unlock the car with the fob key. Pagka-unlock ay agad akong tumakbo habang hila hila si Luca. Alam kong nagtataka na siya sa kilos ko. I immediately open the door in the driver’s seat when we reach the car. Tinulak ko agad si Luca papasok ng kotse. Akmang papasok na rin ako ng biglang may humila sa braso ko. “Mom!!!” Luca shouted. “Luca wag kang lalabas!!” Sigaw ko pabalik. I face the person who grab me. He’s wearing a black jacket, his face covered with a fabric. “Bitiwan mo ako!!” Pilit kong sinibukang makawala mula sa pagkakahawak ng lalake. I noticed three more guys running towards us. I kicked the guy who’s holding me in his most sensitive part, causing him to release my arm. Pumasok agad ako ng kotse bago pa makalapit ang mga lalaki. “ Luca wear your seatbelt.” I started the engine but another guy popped out. Hinaharangan niya ang kotse. Inapakan ko ang accelerator kaya umabante ang kotse, napaatras naman ang lalaking nakaharang. Pinatakbo ko ang kotse kahit may nakaharang. Wala na akong pake kung masagasaan ko siya. Ang importante makaalis kami. Kusa namang umalis ang lalaki sa pagkakaharang kaya mas lalo kung binilisan ang pagpapatakbo ng kotse. Ang lakas ng loob humarang takot namang mamatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD