Chapter 4

1539 Words
Chapter 4 Nagising ako sa simoy ng hangin na mabining humahaplos sa aking balat. Umaga na pala. Wala na ang bata sa aking tabi. Malamang pinapaarawan na ni Chuck. Iyon ang gawain niya mula nang umuwi kami galing ospital. Siya na ang nagkukusang mag-alaga sa gabi kapag umiiyak ang bata. Kagaya kagabi, inilapag niya sa tabi ko si baby at namalayan ko na lang na tinatanggal niya ang butones ng suot kong damit para makadede ang bata. Tatayo na sana ako para pumunta sa banyo nang mapalingon ako sa nakabukas na bintana. Saka ko lang napagtanto na wala pala ako sa mansiyon. Kahapon kami dumating dito sa resort. Kaya pala iba ang pakiramdam ko sa simoy ng hangin. Kinuha ko ang roba at isinuot iyon dahil giniginaw ako. Dali-dali akong lumabas nang maulinigan ko ang pag-iyak ng bata. Baka nagugutom na si baby. Nabungaran ko sina yaya at Nanay Delia sa sala. Pinapatahan nila si baby dahil palakas nang palakas ang iyak nito. "Ayos lang kahit umiyak ang baby," saad ni Nanay Delia kay yaya. "Umaga naman. Maganda 'yan sa bata." "Baka nagugutom na po si baby, Nay Delia," tugon ni Yaya at isinayaw-sayaw ang baby kaya tumigil sa pag-iyak. "O, sabi ko na sa 'yo. Gusto lang niyan isayaw siya." Pumalakpak pa si Nanay Delia saka tumawa. "Good morning, Nanay Delia," bati ko. "Morning, Yaya." Kinuha ko na si baby para padedehin. "Kumain ka na muna, hija. Nakahanda na ang almusal sa mesa." Hinawakan niya ang kamay ni baby. "Mamaya na po. Padedehin ko muna si baby." Kaming tatlo lang naman sa sala kaya umupo ako sa sopa at pinadede ang anak ko. "Pwera usog, hija, ang ganda-ganda ng baby n'yo ni Chuck. Kuhang-kuha ang mga mata mo pero 'yong mukha manang-mana sa alaga ko. Ganyang-ganyan si Chuck no'ng sanggol pa. Napakaiyakin." Napangiti ako. Kung alam lang niya na hanggang ngayon ay iyakin pa rin ang alaga niya. "Nasaan po pala si Chuck? Si Clint nakita mo ba, Yaya?" "Ay naku, hija," kaagad na sagot ni Nanay Delia. "Naroon na sa tabing dagat ang dalawang iyon. May dalang surf board." "Malalaki po ba ang alon kapag ganitong maaga pa?" Habang nakaupo ay tumanaw ako sa labas. Nag-aalala ako kay Clint. Last year pa nang huli niyang masubukan ang sport na iyon. Si Chuck naman ay kagagaling lang sa isang operasyon. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Nanay Delia, tumayo ako kahit dumedede sa akin si baby. Lumapit ako sa bintana dahil natanaw ko ang gabundok na alon na paparating sa dalampasigan. Kita ko rin ang dalawang taong nakasakay sa surf board na tila nakikipagpaligsahan sa gabundok na alon na iyon. "Huwag kang mag-alala, hija, sanay 'yang si Chuck na makipag-unahan sa mga alon. Nakalakihan na niya ang sport na 'yan." Nakapako lang ang mga mata ko sa kanila ni Clint. Nagtatawanan pa sila nang makaahon na sa dagat at kaniya-kaniyang binitbit ang surf board. Nakasuot ng board shorts si Clint, walang damit pang-itaas samantalang si Chuck ay nakasuot ng rushguard na labis kong ipinagtaka. Pumasok na ako sa kwarto nang makatulog si baby. Inilapag ko siya sa crib at muling lumabas para dalhan ng tuwalya ang dalawa. "Tamang-tama, hija," saad ni Nanay Delia nang makitang palabas ako ng villa. "Sabi ni Chuck, doon na lang daw kayo mag-almusal sa tabing-dagat." Kinuha ko sa kaniya ang tray na may lamang pagkain at tumuloy na sa tabing-dagat. Mag-isa lang si Chuck na nakaupo sa maliit na kubo roon. Napakaluwang ng pagkakangiti niya nang dumating ako. "Where's Clint?" "Sumama kina Tata Celso sa kabilang isla. Gusto kasi ni Clint mag-snorkeling at maganda roon dahil maraming iba't-ibang klase ng isda-" "Ano?" galit kong saad. "Bakit mo pinayagan ang anak ko na mag-snorkeling? Alam mo ba kung gaano kadelikado 'yon?" "Relax, Sweetheart," mahinahong saad niya at hinawakan ang kanang kamay ko subalit binawi ko 'yon sa sobrang galit. Kung kani-kanino niya lang pinapasama ang anak ko. "Ilang oras ang biyahe papunta sa islang iyon?" Lumabas ako sa kubong iyon para mag-abang ng bangka. Gusto kong sundan si Clint para masigurong maayos siya. Ayokong mag-away na naman kami ni Fern sakaling may masamang mangyari sa anak ko. Napakabata pa ni Clint para mag-snorkeling. "Relax, Sweetheart," muling saad ni Chuck at niyapos ako mula sa likuran. Pilit ko siyang sinisiko pero hindi ko matamaan dahil magaling umilag ang lintik. "Hindi kita mapapatawad kapag may nangyaring masama sa anak ko." "Walang mangyayaring masama kay Clint," bulong niya at hinalikan ang punong-tainga ko. Lintik talaga ang lalaking ito. "Don't touch me, Chuck!" "I'm not touching you, Sweetheart." Tumawa siya kaya lalo akong nainis. "I'm hugging you. And..." Dumapo ang labi niya sa pisngi ko. "Kissing you." Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa pilosopong ito. Wala akong nagawa sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin. Para na naman akong yelo na natutunaw sa mga bisig niya. Sh*t! "Just relax. Be a positive thinker, Sweetheart," mahinahong saad niya mayamaya nang tumigil ako sa pagpupumiglas. Lumuwag na rin ang pagkakayakap niya sa akin. "Walang masamang mangyayari kay Clint. I assure you that. Mga professional diver ang kasama nila ni Tata Celso at alam kong hindi nila pababayaan si Clint. Now, let's eat. Alam kong hindi ka pa nag-aalmusal." Tumawa siya nang marinig ang pagkulo ng tiyan ko. "See. Kanina pa nagrereklamo ang tiyan mo, Sweetheart." "Natural nagbe-breastfeed ako, e." Inirapan ko siya. "Lagi akong nagugutom dahil ang lakas dumede ng anak mo!" Umupo na ako at nagsimula ng kumain. Hindi ko siya pinapansin dahil naiinis ako. Isa pa nag-aalala ako kay Clint. Panay ang tanaw ko sa dagat sa pag-asang makita ang anak ko. Mayamaya ay naramdaman kong tinanggal niya ang scarf na nakabalabal sa balikat ko at pinalitan iyon ng tuwalya. "I'm sorry. Nabasa ka kanina nang yakapin kita." Mabilis kong tinakpan ang dibdib ko dahil masyadong malalim ang uka ng suot kong sundress. Tumawa naman si Chuck sa inasal ko. "Kahit huwag mo ng takpan 'yan," bulong niya saka ngumisi. "I've already seen those gorgeous curves before." Tumaas lang ang kilay ko at nagpatuloy sa pagkain habang tatawa-tawa naman siya. Ilang minuto ang dumaan ay may namataan akong tatlong bangka na paparating. Napatayo ako at lumabas ng kubo para makasiguro kung isa ang anak ko sa mga sakay ng bangkang iyon. Lumabas din si Chuck at nilagpasan ako. Kumaway siya habang naglalakad patungo sa dalampasigan. Walang anu-ano'y napansin ko ang isa sa mga sakay ng bangka na tumayo at kumaway pabalik kay Chuck. Hindi ako maaaring magkamali, si Clint iyon. "Oh my god!" sigaw ko nang makita kong bumagsak sa dagat ang anak ko. Kasabay niyon ay nagsipaglundagan ang mga sakay ng tatlong bangka. Wala along inaksayang sandali, akma na akong lulusong sa tubig nang hawakan ni Chuck ang kamay ko. "Dito ka lang, Sweetheart." "D*mn you, Chuck!" Nagpumiglas ako dahil niyakap na naman niya ako patalikod para mapigilan ang tangka kong paglusong. Kailangan ako ni Clint. "'Yong anak ko...!" "I said don't worry. Mga professional diver ang kasama ni Clint." Halos mangiyak-ngiyak na ako dahil hindi ko pa nakikita ang anak ko. Maging ang mga sinasabi niyang professional diver ay hindi pa rin umaahon sa tubig. "Hop in, sweetheart," saad ni Chuck at nang lumingon ako ay nakasakay na siya sa isang jet ski. Inabutan niya ako ng life vest kaya mabilis ko iyong isinuot saka yumakap sa kaniya. "You're so sexy wearing a two-piece bikini, sweetheart!" sigaw ni Chuck habang minamaniobra ang sasakyang-pandagat. Saka ko lang napagtanto na hinubad ko pala ang suot kong sundress kanina. "I love the colour. Emerald green." "Bilisan mo!" ganting sigaw ko saka kinurot ang tagiliran niya dahilan para mapaaray siya. Kung hindi lang ako nagmamadali na makita kaagad ang anak ko ay hindi lang kurot ang aabutin niya. Itinigil niya ang jet ski malapit sa nakalutang na tatlong bangka. Ni isa ay walang nakasakay roon kaya kinabahan ako. Tatalon na sana ako sa dagat para hanapin ang anak ko nang mahagip ng aking paningin ang paggalaw ng isang bangka. "Hi, mom!" Kumaway sa akin si Clint. Tumalon na ako sa dagat at nilapitan siya. "Pinag-alala mo ako, anak." Niyakap ko siya nang buong higpit. "Akala ko kung napaano ka na." "Mom naman. Wala kayong dapat na ipag-alala. Big boy na po ako. Isa pa, umupa si coach ng mga professional diver at alam kong hindi nila ako pababayaan." "Still, I'm worried." Hinaplos ko ang mukha niya at inayang umuwi na dahil kanina pa siya nakababad sa tubig-alat. Mabilis namang nagsipag-ahon sa tubig ang mga diver na inupahan ni Chuck. Bumalik na sila sa tabing-dagat kasama si Clint kaya naiwan kaming dalawa ni Chuck. "Umuwi na tayo," wika ko at iniabot sa kaniya ang kanang kamay ko para tulungan niya akong makasampa sa jet ski. Ngumisi si Chuck nang tumingin sa akin at tila tinatantiya ang magiging reaksiyon ko. Dahan-dahan niyang inabot ang kamay ko subalit parang wala siyang balak hilahin iyon kaya ako na ang nagkusa. Sa sobrang pagkagulat ko ay bigla na lang siyang nalaglag sa tubig gayong napakahina lang naman ng paghila ko sa kamay niya. Nakaharap na siya sa akin na hindi pa rin mapigil ang sarili sa pagkakangiti. Kasabay ng pagyakap niya sa katawan ko ay sabay din kaming lumubog sa tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD