Chapter 3
"O, ano, Ligs, sure ka ba na hindi ka sasama sa amin?" tanong ni Eden habang nag-aalmusal kami sa may pool. Si Chuck naman ay pinapaarawan ang baby.
"Almost four weeks pa lang si baby. Hindi ako pwede, napakalayo ng Batanes. Mahirap bumiyahe kapag may kasamang sanggol."
Ngumiti si Eden. "Sabagay nagbe-breastfeed ka nga pala. Hassle naman kung may dala kang sanggol habang naglalakwatsa. In fairness, Bes, ah," nilingon muna niya si Chuck sa di kalayuan, "mukhang sanay na sanay si Chuck magkarga ng baby. Ano, bati na ba kayo?"
Wala siyang natanggap na sagot mula sa akin. Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ng almusal.
"Oy, Bes, don't tell me hindi pa kayo nagkakabati ng ama ng unica hija mo? Patawarin mo na kasi."
"No. Never. Were done, Eden. Kung hindi lang dahil kay Mamita ay iniwan ko na 'yan. Hindi ako tanga para magpaloko pa sa kaniya." Tinaasan ko siya ng kilay nang akmang ipagtatanggol niya si Chuck kaya napabuntong-hininga na lang siya. Nanahimik na lang ako at ipinagpatuloy ang pagsubo ng oatmeal. Napakaaga pa para ma-stress ako.
"Hahabol na lang daw si Patty this weekend."
"Maraming trabaho sa boutique, Eden. Pero sinabi ko naman sa kaniya na pwede siyang magbakasyon anytime. Naroon naman si Marie para i-manage ang boutique."
"Alam mo naman ang baklang 'yon, masyadong perpekto pagdating sa mga bagay-bagay." Umikot ang mga mata niya. "Pero ang sabi niya sa 'kin, pipilitin daw niya na magkabati kayo ni Chuck."
"Huwag na 'kamo siyang mag-effort," kaagad kong sagot. "Once a cheater, always a cheater." Nawalan na ako ng gana dahil sa topic namin ni Eden. Pinunasan ko na lang ang bibig ko matapos uminom ng tubig.
"Ligs naman. Pakinggan mo naman ang side niya."
Umiling ako at tumingala dahil parang may babagsak na namang luha sa aking pisngi. "Nakita ko na ang dapat kong makita."
"Bes..." Ramdam ko ang pagpisil niya sa aking kamay.
"Alam niya kung ano ang mga pinagdaanan ko sa ama ni Clint. Ang akala ko iba siya kay Fern..." Tumigil na ako sa pagsasalita dahil naluluha na naman ako. Ayokong makita ni Chuck na umiiyak ako nang dahil sa kaniya. Sh*t! He doesn't deserve even a single tear from me.
Mayamaya ay lumapit sa amin si Chuck at naupo sa tabi ko. Pinunasan ko naman ang bibig ni baby at inayos ang mitten.
"You look like a happy family," nakangiting wika ni Eden kay Chuck. Ngumiti lang ang huli at inilagay si baby sa stroller. "I was inviting Ligaya to have a vacation with us but she prefer to stay here. You think you could come, Chuck? We're going to Batanes tomorrow."
"Sure," kaagad na sagot ni Chuck na ikinagulat ko. "We can go with them, Sweetheart. Bakasyon na rin si Clint at alam kong matutuwa 'yon—"
"He's going to spend it with his father. Fern called me yesterday."
"Okay, then." Kinuha niya ang puswelo ng kape at uminom. "Did you already inform Clint about your plans?"
"Plans? What plans, Coach?" tanong ni Clint na nakalapit na pala sa amin. "Good morning, tita. Morning, Mom." Bumeso siya sa amin ni Eden at nakipagbungguan ng kamao kay Chuck. Lumapit siya kay baby saka hinawakan ang kamay at ngumiti. "Hey, baby, nag-sun bathing ka na ba? How was it?"
"Eat your breakfast, Clint," saad ko. "Hindi ka niyan sasagutin ni baby."
"Pero naririnig niya ako, di ba, Baby?" Muli na namang ngumiti si Clint saka umupo na siya sa tabi ni Chuck at nagsimula ng kumain. "Ano nga pala, Coach 'yong sinasabi mong plano kanina?"
"Well," saad ni Chuck matapos humigop ng kape. "It's vacation time and I was thinking-"
"Sorry, but, I can't go with you. I have other plans this summer. Tita Kaye and Tito Vince are planning to spend their vacation at Siargao Island with their kids."
"First time yata magbakasyon ni Vincent kasama ang pamilya niya." Umikot na naman ang mga mata ni Eden kaya pinandilatan ko dahil baka mapansin ni Clint. "Sounds weird."
"Yeah, tita. Sinabi nga sa akin ni Tam. First time nila magbakasyon as a family. And Tito Vince wants me to go with them."
"No, Clint. You're going to spend your vacation with your dad. Pwede naman tayo magpunta roon next year."
"But, Mom..."
"You already said it. A family vacation. First time nilang magbakasyon as a family. Bonding time nila iyon. You shouldn't be with them." Parang kinurot ang puso ko nang makita kong natigilan si Clint at tumingin kay Chuck na tila nagmamakaawang pakiusapan ako.
"Coach-"
"Sorry, Clint. It's your mom's decision." Bumadha ang lungkot sa mukha ni Clint nang marinig ang sinabi ni Chuck.
"Sayang lang 'yong surf board na binili natin last week. Hindi ko rin pala magagamit."
"It's okay, Clint," sabat ni Eden. "Malapit naman dito 'yong resort ni Jackson. Naroon tayo last year, di ba?"
"Hindi na ako babalik do'n, tita. Naalibadbaran ako sa pagmumukha ng Jackson na 'yon. Mom-"
"It's final, Clint. You're going to your dad's place this weekend."
"Pero, Mom, si Tito Vince naman ang nag-aya. Kaibigan 'yon ni dad and I'm sure papayagan niya ako. Please, Mom. I'm looking forward to this trip since last year."
"Tell that to your dad," tanging nasabi ko.
Nang umiyak si baby ay kinarga ni Chuck at pumasok na sa loob. Kaming tatlo na lang ang naiwan sa may pool. At hindi nagtagal ay nagpaalam na rin si Eden dahil mag-i-impake pa raw siya ng mga dadalhin papuntang Batanes.
"Just tell me kung sakaling magbago ang desisyon mo, Ligs, okay? Bukas ng hapon pa naman ang alis namin."
"I will."
"Bye, Clint. I have to go." Bumeso si Eden. "Enjoy your vacation with your dad."
Pilit na ngumiti ang anak ko. "You too, tita. Enjoy your trip to Batanes."
"Thank you."
Kumaway ako nang papaalis na ang kotseng sinasakyan ni Eden. Kung hindi ako nanganak malamang nakasama kami ni Clint patungong Batanes.
Sabay kaming pumasok ni Clint sa loob ng mansiyon dahil mataas na ang sikat ng araw. Paakyat na ako ng hagdan nang maulinigan kong may kausap sa phone si Chuck. Napailing na lang ako. For sure, ang malanding babaing iyon na naman ang kausap niya dahil dinig ko ang saya sa boses niya habang nakikipag-usap.
Humiga ako sa kama nang makapasok ako sa nursery. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako gayong wala naman akong ginawa kanina. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata para umidlip nang maramdaman kong tila may tumabi sa akin sa kama. Kasabay niyon ay naramdaman ko ang pagpulupot ng braso sa baywang ko.
"Tired?" bulong ni Chuck sa punong tainga ko. Naramdaman ko rin ang paghalik niya sa batok ko dahilan para manindig ang mga balahibo sa buong katawan ko. Hindi ko naman magawang magpumiglas o bumangon dahil mariin ang pagkakadantay ng kaliwa niyang paa sa mga binti ko. Hindi ako makagalaw dahil hawak din niya ang kabila kong palapulsuhan at kung gagawin ko iyon ay babagsak ako sa sahig dahil sa mismong gilid ng kama ako nakahiga. "I miss this, Sweetheart. Yakap kita hanggang sa makatulog ka sa mga bisig ko. How I wish bumalik na tayo sa dati."
"Mangarap ka hangga't gusto mo. Wala namang pumipigil sa 'yo. At pwede ba, umalis ka sa tabi ko dahil hindi ako makahinga."
Imbes na bumangon ay lalo pa niyang ipinagsiksikan ang sarili sa akin. "Hindi ako aalis sa tabi mo hangga't hindi mo ako napapatawad. Please forgive me, Sweetheart. God knows how much I love. Please, maawa ka naman sa akin." Panay pa ang bulong niya ng kung anu-ano at namalayan ko na lang na nabasa na ang leeg ko kasabay ng pagkarinig ko ng mahina niyang paghagulgol.
"I can't do that dahil alam kong gagawin mo pa rin 'yon, Chuck. I'm tired of this sh*ts! Pagod na akong intindihin ka."
"Please, Sweetheart. Please give me another chance. Promise, I'll be good, I'll be—"
"I told you I don't like promises. Sawa na ako sa mga pangako, Chuck, at alam mo kung bakit. I want you to let me go just like what I did to you. I want to settle this once and for all. Hindi ko na kayang makisama pa sa 'yo sa iisang bahay. Gusto ko ng umalis sa mansiyong ito."
"You can't do that. May anak tayo at gusto kong buo tayo bilang pamilya."
"You don't understand —" Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil bigla na lang umiyak si baby.
"See? Kahit si baby ayaw na magkalayo tayo." Ramdam ko na naman ang paghalik niya sa batok ko.
"Get up, Chuck. Kanina pa umiiyak si baby. Hindi ako makabangon dahil sa 'yo."
Isang mapusok na halik ang iginawad niya sa akin. Ilang segundo rin ang itinagal niyon at halos hindi ako makahinga sa pagkabigla. "I terribly miss your luscious lips, Sweetheart."
Isang malakas na sampal ang isinukli ko. I miss his kisses, too, pero mas nanaig ang takot sa puso ko. Takot na baka mauwi na naman sa wala ang paglagay ko ng harang sa puso ko. Takot na kapag pinatawad ko siya ay muli na naman niyang gagawin iyon sa akin. Ayoko ng masaktan dahil ayokong maramdam ang sakit na tila paulit-ulit akong sinasaksak nang walang katapusan.
"Don't you ever do that again. I hate you." Tumayo na ako at kinuha ang bata sa crib nang may kumatok sa pinto. Napailing-iling na lang si Chuck hinihimas ang pisngi kung saan dumapo ang palad ko.
"I beg to disagree, Sweetheart. I know you miss my kisses, too." Ngumisi siya at akmang yayakapin ako.
"Huwag ako, Chuck!" banta ko sabay angat ng kamao ko sa ere. "Kapag hindi ako nakapagpigil, dadapo ito sa pisngi mo. Buksan mo ang pinto. Bakit mo pa kasi ni-lock 'yan, alam mo namang—"
"I just want to kiss you. At hindi ko magagawa 'yon kung hindi ko ila-lock ang pinto. Maraming istorbo sa mansiyon na 'to." Nakangiti pa rin siya nang tumingin sa akin at nang pandilatan ko ay mabilis na tinungo ang pinto at binuksan iyon.
"Coach, I already packed my things." Umangat ang paningin ko nang marinig ang boses ni Clint. "Anong oras tayo aalis?"
"Mamayang hapon. Almost two hours ang biyahe."
"Maganda ba talaga roon, Coach?" Pumasok na si Clint at lumapit sa amin ni baby. "Baby, we're gonna have a week vacation. Are you excited?"
"What are you talking about, Clint?" Nangunot ang noo ko. "Walang magbabakasyon. Hindi pwede bumiyahe si baby."
Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Chuck. "Sweetheart, it's just a two-hour drive. Kung suswertihin tayo at hindi ma-traffic, isang oras lang naroon na tayo sa resort."
"Saang resort?"
"Sa private resort na pinuntahan natin last year." Niyakap niya ako patalikod kaya napangisi si Clint. "You promised me before na babalik tayo roon kapag pwede na ako mag-surfing. And this is the right time to go. Next week paalis na si Clint, kaya naisip ko since hindi mo siya pinayagan mag-Siargao, sa resort na lang tayo mag-bonding as a family." Idiniin niya pa ang huling salita.
"I won't accept no for an answer, Mom," kaagad na sagot ng anak ko. "Nakapag-impake na ako. Isang linggo tayo roon gaya ng pangako sa akin ni coach." Ngumiti siya at lumabas ng kwarto. Inilapag ko si baby at sinundan siya dahil wala akong plano magbakasyon.
"Clint..." Hawak ko ang doorknob nang lumingon ang anak ko.
"Don't say no, Mom. Please?" Pakiusap niya kaya napatango na lang ako.
"Okay."
"Thank you, Mom." Niyakap niya muna ako saka patakbong bumalik sa sarili niyang kwarto. "Ibababa ko na ang mga gamit ko, Mom. Eleven thirty na."
Humugot ako nang malalim na hininga at isinara na ang pinto nang maramdaman ko ang paghawak ni Chuck sa magkabilang palapulsuhan ko at itinaas iyon sa pintong kasasara ko pa lang.
"Like what I've said a while ago, maraming istorbo sa pamamahay na 'to. I want to do this whenever I have a chance to." Nilamukos niya ng halik ang labi ko at hindi ko alam kung bakit pero tumugon ako sa halik na iyon! Sh*t!