Chapter 7

1945 Words
Chapter 7 Pagkalabas ko ng villa ay kinuha ko si baby mula kay yaya at tinungo ang kotse ngunit napatda ako nang mamataan kong paparating ang kotse nina Mamita at Patrick. Biglang bumundol ang kaba sa dibdib ko. Anong ginagawa rito ni Mamita? "What brought you here?" tanong ko nang bumaba siya sa kotse. Pormal ang mukha niya na malayo sa Patrick na kilala ko. "Ang akala ko ngayon na ang alis mo patungong Batanes?" Tanaw ko ang pagtigil ng kotse ni Mamita. "Wala sa plano ko ang pagpunta rito, Ligs. Kaya lang nag-aalala ako kay Mrs. Sayes." "Ha? Bakit? Anong nangyari?" Ibinigay ko si baby kay yaya. Pinunasan ko ang aking mukha at inayos ang aking buhok. "Tumaas na naman ang presyon ng dugo ng matanda. Kaya hayun napapayag kong magbakasyon muna kahit ilang araw lang." Hindi ako makapag-isip nang maayos sa hatid na balita ni Patrick. Hiniwalayan ko na si Chuck at ngayon na ang alis namin ni baby pero paano ko iyon sasabihin kay Mamita? "EJ, hija." Gusto na namang tumulo ng mga luha ko lalo na nang yakapin niya ako. Nasa tabi niya ang isang babae na sa palagay ko ay private nurse dahil na rin sa suot niyong uniporme. "How's my apo? Hindi ka ba binigyan ng problema, ha, hija? Kumusta kayo rito?" "Okay naman po, Mamita," matipid kong sagot. Ayokong bigyan pa siya ng alalahanin lalo na sa kalagayan niya ngayon. Tila mahina na siya dahil may hawak siyang tungkod. Ngayon ko lang nakita na gumamit siya n'on. Inalalayan ko siya papasok ng villa pero mas pinili niya na pumunta sa garden kaya nagpatianod na lang ako. "It's been a decade since I visited this place." Bumuntong-hininga siya matapos maupo. Inilibot niya ang paningin na tila ba pinagmamasdang maigi ang kabubuan ng villa saka ibinalik ang paningin sa akin. "Charles' father designed this villa. He loves my daugther so much." Magtatanong sana ako kung ano ang nangyari sa mga magulang ni Chuck nang mapansin ko ang luhang kumawala sa mata niya. Tila ba naaalala niya ang nakaraan. "I'm so glad narito kayo, Mamita." Pinilit kong pasiglahin ang aking boses. "Thanks to me," sabat ni Patrick na ngayon ay karga si baby. Bumalik na naman ang kakalugan nito. "Napapayag ko si Mrs. Sayes na magbakasyon dito. Hello, one month na yata bukas itong inaaanak ko. Kailangan nating mag-celebrate, di ba, baby?" Kinausap na niya ang bata na akala mo naman ay may kakayahan ng sagutin siya. Nang magkaroon ng pagkakataon ay nagpaalam ako kina Mamita at Patrick. Idinahilan ko lang na tulog pa si Chuck dahil ayokong malaman nila ang nangyari. "Nana Delia, pwede pong huwag n'yo ng sabihin kay Mamita ang nangyari," pakiusap ko nang makasalubong ko siya na may dalang inumin palabas. "Wala problema sa akin, hija. Pero pakiusap ko lang sa 'yo, ayusin n'yo ito ni Chuck. Gulong-gulo na ang alaga ko. Ngayon na naman siya nagkaganyan matapos mamatay ang-" Tumigil siya sa pagsasalita dahil dumating si Tata Celso. "Delia, kanina pa naghihintay sina Mrs. Sayes." "Sige, hija. Puntahan mo na si Chuck." Napabuntong-hininga na lang ako habang papaakyat sa hagdanan. Iisa lang ang tumatakbo sa utak ko: hindi na naman natuloy ang pakikipaghiwalay ko kay Chuck. "I thought nakaalis na kayo ni baby, Mom." Pababa na si Clint ng hagdan, may ngiti sa mga labi niya nang makita ako. "Sabi ko na nga ba, e. Hindi mo matitiis si coach. Puntahan mo na siya, Mom. Nagmumukmok do'n sa kwarto. Basag na ang mga gamit do'n." Mabilis siyang bumaba ng hagdanan. "Wait, Clint. Nasa labas si Mamita. Please don't tell her what happened." Nagtaka man ay tumango na rin siya at nakangiting lumabas ng villa. Hindi na ako kumatok pa, binuksan ko ang pinto at nabungaran ko si Chuck na nakaupo sa gilid ng kama. Nakatukod ang magkabilang siko sa mga tuhod habang nakakuyom ang mga kamao. Nakatalikod siya sa pinto pero alam kong umiiyak siya dahil gumagalaw ang magkabila niyang balikat. Basa na rin ng pawis ang suot niyang gray sweetshirt. Basag ang malaking salamin pati na ang vase at lampshade. Wala na rin sa ayos ang sopa. Isinara ko ang pinto at sumandal doon. Ilang minuto rin ang lumipas pero hindi man lang siya gumalaw para lingunin ako. "Nasa baba si Mamita." Bigla siyang lumingon nang marinig ang boses ko. Tumambad sa akin ang mukha niyang puno ng hinanakit kaya napailing ako. Segundo lang ang dumaan ay nasa harapan ko na siya at pilit na hinuhuli ang aking paningin. "Please tell me you didn't mean what you said a while ago." Pinagdikit niya ang aming noo at ikinulong ang mukha ko sa mga palad niya. "Please?" "No." Ipinikit ko ang aking mga mata. "I meant everything I said earlier. Kaya hindi natuloy ang pag-alis ko dahil dumating si Mamita. Ayoko ng dagdagan pa ang problema niya kaya, please ayusin mo ang sarili mo at bumaba ka na." Itinulak ko siya pero hindi man lang siya natinag bagkus ay niyakap niya ako nang mahigpit at ibinaon ang kaniyang mukha sa aking leeg. "I love you. About the phone call-" "This is not the right time to talk about it. Naghihintay si Mamita sa baba." "Okay. But promise me we'll talk about it later." "Chuck..." "Promise me first. Hindi kita pakakawalan hangga't hindi ka nangangako na pakikinggan mo ang paliwanag ko," mahigpit niyang saad. "Promise," tanging nasabi ko at kumalas sa yakap niya. Ngumiti siya at hinila ako papunta sa kabilang kwarto kung saan naroon ang mga gamit niya. Nagtaka ako kung bakit naroon din ang mga gamit ko. Ngumisi lang siya at pumasok sa banyo para maligo. "Wait for me, Sweetheart," saad niya nang sumungaw ang ulo sa pintuan ng banyo. "Saglit lang ako. Sabay na tayong bababa." Naghihimagsik ang kalooban ko. Gusto ko na namang pagalitan ang aking sarili. Hindi na naman nautuloy ang plano ko. Umupo ako sa gilid ng kama patalikod sa banyo. Iniisip ko kung ano ang kahihinatnan ng desisyon kong ito. Natatakot na ako sa aking sarili dahil muli ko na namang pinairal ang puso ko. Muli, hindi ko na naman pinakinggan ang utak ko. Isang mahigpit na yakap ang nagpagising sa natutuliro kong utak. Nakaluhod si Chuck sa likuran ko na ngayon ay abala sa paghalik sa aking balikat papunta sa leeg ko. "Stop it," bulong ko dahil alam ko kung ano ang tumatakbo sa utak ng lalaking ito. Hindi niya ako madadala sa mga paglalambing niya. "I just want you to know that you belong to me," ganting bulong niya na nagpatindig ng mga balahibo ko. "We belong to each other. I'll make sure of that." Nagpumiglas ako at tumayo na para lumabas ng kwarto nang bigla niya akong hatakin dahilan para mapahiga ako sa kama. Sh*t! Hindi ako makagalaw dahil mabilis niya akong nadaganan sabay nilamukos ng halik ang labi ko. "I miss you, Sweetheart," mahina niyang usal habang tinititigan ang mukha ko. "Namimiss ko ang Ligaya na mahal na mahal ako." Nababanaag ko ang lungkot sa mga mata niya. "Ang Ligaya na nagpabago sa buhay ko." "Ikaw ang dahilan kung bakit nagbago ang Ligaya na 'yon," walang emosyon kong sagot. "I promise, ibabalik ko siya sa dati. At sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito ay ako ang isinisigaw ng puso niya habangbuhay." Diniinan niya ang huling tatlong salita kaya natigilan ako. Isinisigaw ng puso ko? Bakit para yatang pinagdududuhan niya ang pagmamahal ko sa kaniya? Hanggang ngayon ay siya pa rin ang isinisigaw ng puso ko kahit lantaran na ang panloloko niya sa akin. "Bumaba na tayo." Akma na akong tatayo nang muli niya akong pigilan. "One more kiss, Sweetheart. Please?" Hindi na niya hinintay ang sagot ko, muli niya akong hinalikan pero sa pagkakataong ito ay dahan-dahan na at hindi ko alam kung bakit pero may nabuhay na init sa kaibuturan ko dahilan para suklian ko ang halik na iyon. Ngiting-ngiti si Chuck matapos ang halik na iyon. Hawak niya ang kamay ko nang lumabas kami. "O, akala ko hindi na kayo lalabas." Lumuwang ang pagkakangiti ni Mamita nang makita niyang magkahawak-kamay kami ng apo niya. Nasa tabi niya ang stroller kung saan nakahiga si baby. "Pwede ba naman 'yon, Mamita?" Humalik si Chuck sa pisngi niya. "Glad you are here. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa pagdating mo ngayon." Niyakap pa niya ang sariling lola kaya napatingin sa akin si Mamita, nagtatanong ang mga mata. Ngumiti lang ako at naupo. "Ang bilis lumaki ng apo ko," saad ni Mamita habang hinahaplos ang ulo ni baby. "I'm turning twenty five, Mamita. I'm already grown-up." Ngumisi si Chuck matapos umupo sa tabi ko at muling hinawakan ang aking kamay. Nailang ako nang halikan niya iyon. Sh*t talaga! Nakaharap si Mamita pero parang walang kahihiyan ang lalaking ito. "Batang 'to. I'm not referring to you. Si Charlen ang tinutukoy ko. Ang cute-cute ng apo ko." Hindi matatawaran ang ngiti sa mukha niya habang kinakausap si baby. "By way, hija, napag-usapan n'yo na ba ni Chuck kung kailan ang binyag ng apo ko?" "Hindi pa po, Mamita." "Just an advice, hija. Pabinyagan n'yo na muna ang apo ko bago kayo lumipat ng bahay." Napaawang ang labi ni Chuck sa narinig. Maging ako ay nabigla dahil tila pumapayag na si Mamita na bumukod kami. "You mean, Mamita...pumapayag ka na na bumukod kami ni Ligaya?" "Of course, apo. Sa nakikita ko ngayon masasabi ko na mahal mo nga si EJ. You have my blessing pero mas maganda at matatahimik ang kalooban ko kung magpapakasal kayo." Hindi ko alam kung napansin nila ang reaksiyon ko pero unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko nang mabanggit niya ang salitang kasal. Kakayanin ko kayang magpakasal kay Chuck sa kabila ng mga nangyari? Kakayanin ko kayang magpakasal sa kaniya kung alam kong nakasalalay doon ang kinabukasan ni Clint? Biglang natigil ang pag-uusap namin nang pumalahaw ng iyak si baby. Kinuha iyon ni Chuck at inilagay sa kandungan ko para padedehin. Kanina pa pumasok si Patrick kaya hindi na ako nagdalawang-isip na padedehin mismo ang bata sa harap nina Mamita at Chuck. "Manang-mana sa tatay niya," sabi ni Mamita nang mapansing tumigil na sa pag-iyak si baby. "Gatas lang ang katapat." "Kaya mabait akong apo, right, Mamita?" "Kailan ka naging mabait, aber? You are so hardheaded, Charles. Huwag sanang mamana iyon ng apo ko." "Mamita naman," reklamo ni Chuck. Napapangiti na ako sa mga pambubuko ni Mamita sa sariling apo. Hindi ko akalain na gano'n kakulit si Chuck noong bata pa. "At ang hindi ko makakalimutan noong pinatawag ako ng teacher mo dahil nilagyan mo ng bubble gum ang buhok ng kaklase mong babae," saad pa ni Mamita na lalong ikinangiti ni Chuck. "Hiyang-hiya ako sa principal ng school na iyon." "If I know, nanligaw sa inyo ang school principal namin," pakli ni Chuck sabay tawa. "Bakit nga ba hindi mo iyon sinagot, Mamita? Parehas naman kayong single dahil ilang taon na rin nang sumakabilang-buhay si Papsi. Mapuntahan nga minsan si Sir. Iba-blind date kita one of these days." Tawa pa rin ito nang tawa kaya napailing na lang si Mamita. "Kahit kailan talaga, Charles..." Minsan iniisip ko kung ano kaya ang naging buhay ni Mamita kung nag-asawa siyang muli. Bata pa siya nang mamatay ang asawa niya. "Sweetheart, open your mouth." Pilit akong sinubuan ni Chuck ng cake na kanina ko pa hindi nagalaw dahil hawak ko ang bata. Ayos lang sa akin na subuan niya ako dahil palagi niya naman iyong ginagawa. Naiilang lang ako dahil kaharap namin si Mamita na kanina pa kinikilig sa ka-sweet-an ng apo niya. "Your father loves your mom so much, Charles. I hope you'll do the same with EJ. Pwede na akong magpahinga kapag nangyari iyon, apo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD