Chapter 6

1670 Words
Chapter 6 "Oh God!" saad ng taong nakayakap sa akin. "Did I hurt you? I'm sorry." Medyo nahimasmasan ako nang marinig ang boses niya. Panlalaki iyon kaya mabilis akong lumayo pero hindi sinasadyang mawalan ako ng balanse at kung hindi siya naging maagap ay baka natumba na ako sa buhanginan. Napahawak ako sa mga braso niya, nakahawak naman sa baywang ko ang magkabila niyang kamay. Hindi ako makagalaw nang mapagmasdan ang lalaking kaharap. Maayos na akong nakatayo pero hindi niya pa rin tinatanggal ang mga kamay niya sa baywang ko. Wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya kundi galit. Kahit panay ang hingi niya ng sorry ay hindi pa rin mapaghiwalay ang mga kilay niya na waring magkadikit talaga iyon. Magulo ang kaniyang buhok at napansin ko ang ilang mantsa ng pintura sa kaniyang balikat at braso. At dahil wala siyang suot na pang-itaas, litaw na litaw ang tattoo sa kaniyang dibdib. Bigla akong umatras sa takot na baka may masama siyang balak sa akin ngunit hindi pa man ako nakakahakbang ay nahawakan niya ang palapulsuhan ko. "Lance," dinig kong tawag sa di kalayuan. "Who is she?" Lumingon ako at nakita ko ang isang babae na papalapit sa amin. Ngumiti siya at tinapik sa balikat ang lalaking nakahawak sa palapulsuhan ko ngunit naalarma siya nang mapansin ang pamumugto ng aking mga mata. "Lance? What did you do? Why is she crying?" sunud-sunod niyang tanong. Parang natauhan ang lalaking nagngangalang Lance dahil binitiwan niya ang palapulsuhan ko at lumayo nang kaunti saka humingi na naman ng paumanhin. "I didn't mean to hurt you. I'm sorry." "It's okay. My fault. I didn't know it's a private property. Sorry if I barged in." "Why don't you join us for a cup of coffee?" masiglang alok no'ng babae. "Para naman makabawi kami sa ginawa sa 'yo ng kapatid ko." "Sorry but I have to-" "Please?" pakiusap niya. "Bago lang kami rito and we want to befriend with the neighborhood. I bet ikaw ang may-ari ng kabilang resort?" Hindi na ako nakatanggi sa alok niya dahil sa di kalayuan ay napansin ko ang mesa, may dalawang katulong doon na abala sa pag-aasikaso ng mga pagkain. Napansin ko rin ang isang villa na nakatirik ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan ko. Hiyang-hiya ako sa kanila. Sa sobrang pag-iisip ko sa aking problema ay hindi ko namalayan na nakapasok na ako sa teritoryo ng iba. "My name is Emma and this is my brother Lance," pakilala niya. "Ligaya," matipid kong sagot bago umupo. Inayos ko ang aking scarf dahil nilipad iyon ng hangin. "So matagal ka ng nakatira diyan?" tanong ni Emma at inabot sa akin ang lalagyan ng asukal subalit tumanggi ako. Gusto kong uminom ng purong kape, gusto kong matikman ang mapait na lasa niyon. "Nagbabakasyon lang." Ngumiti ako kay Emma. Sa gilid ng aking mga mata ay kita kong nakatingin si Lance sa dagat. Nakasuot na rin siya ng damit at tila walang plano makipag-usap. Madaldal si Emma, kabaliktaran naman ang kapatid niya. Sa ilang minutong pananatili ko sa lugar na iyon ay tila nagkaroon ng katahimikan ang kalooban ko. Nakalimutan ko saglit ang aking problema at kung hindi pa ako nakaramdam na parang humihigpit ang suot kong bra ay hindi ako magpapaalam sa kanila. Binilisan ko ang paglalakad pauwi dahil dama ko ang pagtulo ng gatas. Masakit na rin ang dibdib ko sa dami ng naipong gatas doon. Ang sabi ni Nana Delia, isa sa mga palatandaan na nagugutom na ang sanggol kapag nararamdaman mong kumikirot ang dibdib mo. Malayo pa ay tanaw ko na si yaya, nakaupo siya sa veranda habang tangan ang anak ko. Napangiti ako nang mapansing sinisipsip ni baby ang sarili niyang daliri. Hinalikan ko siya sa ulo at hinaplos ang paa saka pumasok na ako para maligo tutal hindi naman siya umiiyak. Pinapadede ko na si baby matapos akong maligo. Parehas kaming nakahiga sa kama nang maulinigan ko ang pagbukas ng pinto. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil alam kong si Chuck ang nagbukas niyon. "Where have you been, sweetheart?" Ayokong sagutin siya kaya nagpanggap akong tulog. Galit ako sa kaniya dahil sa mga narinig ko kanina. "Kanina pa kita hinahanap. Nag-alala ako sa 'yo." Ramdam kong humiga siya sa tabi ko at iniyakap sa katawan ko ang isa niyang braso saka bumulong, "I love you. I can't live my life without you." Gusto kong tumawa. Anong klaseng logic mayroon ang lalaking ito? Mahal daw niya ako at hindi niya kayang mabuhay kung wala ako. Pero bakit kailangan niya pang makipagkita sa malanding iyon gayong alam naman niya na isa iyon sa mga pinakaaayawan ko? Alam naman niya nagseselos ako sa babaing iyon pero patuloy pa rin siyang nakikipagkita at nakikipag-usap sa babaing iyon. "I wanna go home." Iyon ang lumabas sa bibig ko. Gusto ko na talagang umuwi. Ayoko ng manatili pa sa resthouse na ito. Tinabig ko ang braso niya at akmang babangon ako pero mabilis niya akong niyakap nang mahigpit. "Our vacation is not yet over. We'll stay here for a few more days. Nag-eenjoy si Clint sa pagsu-surfing. I don't want to ruin that." "He can stay here. Ipapasundo ko na lang siya kay Kuya Ernie. Aalis kami ni baby mamaya." Hindi ko magawang magpumiglas dahil sa higpit ng pagkakayakap niya. "And what about me?" "Like what I've said before, we're over. You can do whatever you want. I don't care." May gumuhit na kirot sa dibdib ko matapos sabihin iyon. Ayoko siyang pakawalan, pero kailangan para na rin sa ikatatahimik ng kalooban ko. Kahit masakit tatanggapin ko. "I'm setting you free." Pumatak ang luha ko kaya mabilis ko iyong pinahid para hindi niya mahalata. "I'm begging you, Sweetheart, please don't set me free. I'm happy being with you." Naramdaman ko ang pagtulo ng luha niya sa leeg ko. Pinigilan ko ang napipinto kong pag-iyak dahil lumalambot na naman ang puso ko. Kung hindi ako aalis ngayon at kung hindi ko siya hihiwalayan ngayon, kailan pa? Ayokong dumating ang panahong kamumuhian ko ang aking sarili dahil nanatili ako sa tabi niya. Nang maramdaman kong lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin ay sinamantala ko iyon at mabilis akong bumangon. Kinuha ko ang mga damit namin ni baby sa closet at inilagay sa maleta. "You can't do this to me, Sweetheart." Niyakap niya ako nang mahigpit nang akma na akong lalabas ng pinto dala ang maleta. "I can do this! I need to do this!" sigaw ko nang mabuksan ko na ang pinto. "Sawang-sawa na ako sa mga panloloko mo sa akin. I'm leaving you for good. I hate you!" Segundo lang ang dumaan, narinig ko ang nag-uunahang mga yabag paakyat sa hagdan. At dahil nakakuha ako ng tiyempo, ay malakas kong siniko si Chuck saka sinipa ang harapan niya. Ramdam kong nasaktan siya dahil bigla siyang napaluhod habang hawak ang parte ng kaniyang katawan kung saan ko siya sinipa. Sunod-sunod din ang mura na lumabas sa bibig niya. Tumingin ako sa gawi ng bata, pumalahaw na rin iyon ng iyak habang nakahiga sa kama. Iniwan ko ang maleta sa labas ng pinto at akmang lalapitan ang bata nang walang anu-ano'y bigla akong niyakap ni Chuck habang nakaluhod pa rin siya. "No one's going home. No one's gonna leave this house." Naroon sa magkabila kong tagiliran ang mga braso ko at dahil mahigpit ang pagkakayakap niya ay hindi na naman ako makagalaw. "You're not gonna leave, Sweetheart. You're not gonna leave me. You belong to me." Humagulgol siya kaya napapikit na lang ako. "I never cheated on you, Sweetheart. I-" "Liar! I've seen it with my own eyes before and I heard you talking on the phone awhile ago saying you willl see her the moment you come back." "Let me explain-" "There's nothing to explain!" bulyaw ko sa kaniya. Mahigpit pa rin ang pagkakayakap niya sa akin na tila ayaw akong pakawalan. "Sh*t! Let me go!" "No." Naririnig ko pa rin ang pag-iyak ng bata at nang imulat ko ang aking mga mata ay napansin ko si Nana Delia at yaya. Nakatayo sila sa may pintuan at tila nagtatanong ang mga mata nang magawi ang paningin sa amin. "Yaya, pakikuha si baby. Aalis na tayo ngayon din." "You can't do this to me, Sweetheart." "I can," saad ko at binalingan si yaya na ngayon ay palabas na ng kuwarto dala si baby. "Pakisabi kay Kuya Ernie na kuhanin ang maleta dito sa itaas." "Hija." Nilapitan ako ni Nana Delia at hinawakan ang aking braso. "Baka nabibigla ka lang. Pag-usapan n'yo ito ni Chuck." Minabuti kong manahimik. Ayoko ng magsalita pa dahil baka magbago na naman ang isip ko. Ni hindi ko nga sinusulyapan si Chuck dahil alam ko, isang tingin ko lang sa naghihinagpis niyang mukha ay bibigay na naman ako. Pagod na ako. Pagod na pagod na akong magbigay. Ayoko ng masaktan. "Please let me go," napapaos kong pakiusap. Ramdam ko ang panghihina niya dahil lumuwag ang pagkakayakap niya. Dahan-dahan kong kinalas ang braso niya at dali-daling lumabas habang panay ang patak ng mga luha ko. I really don't want to do this, but I have to. Ayokong habang nagsasama kami ay ibang babae naman ang iniisip niya. Nakasalubong ko sa hagdan si Kuya Ernie. Kasunod niya si Clint na takang-taka sa hitsura ko. "Mom, what happened? Nag-away ba kayo ni coach? D*mn! Anong ginawa niya?" "No. Nothing, anak," kaaagad kong sagot dahil ayaw kong masira na naman sila ni Chuck. Kahit papaano ay naging mabuti siya sa anak ko. "Mauuna na kami ni baby pauwi. Ipasusundo na lang kita kay Kuya Ernie, ha." Hinalikan ko siya sa pisngi matapos guluhin ang kaniyang buhok."I have to go." "Mom, ano ba talaga ang nangyayari?" muli niyang tanong at napakunot ang noo nang marinig namin ang mga kalabog sa itaas. Hindi na niya hinintay ang sagot ko, patakbo siyang umakyat ng hagdan habang tinatawag si Chuck. Kasabay ng paglabas ko sa pintuan ng villa ay narinig ko ang malakas na pagsigaw ni Chuck. "You can't do this to me, Ligaya! You just can't!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD