Chapter 9
Natatawa akong napapailing nang mapagmasdan sina Chuck at Clint sa kusina kinaumagahan. Parehas silang nakasuot ng apron at nakatitig ang huli sa nakabukas na laptop. Si Chuck naman ay hindi magkandaugaga sa paglalagay ng harina sa mixing bowl.
"What's next? Do I have to add water already? How many cups?" sunod-sunod na tanong ni Chuck.
"Isa-isa lang, Coach," reklamo ni Clint saka tumawa. "Mahina ang kalaban." Muli itong tumingin sa laptop. "Sabi dito, mix first all dry ingredients. And then-"
"Do'n mo, boy sa youtube para mabilis. Papaano tayo makakagawa ng cake niyan, e, puro ka basa. At least doon, may video."
"E, hindi mo naman masusundan ang video. Ito na lang, babasahin ko na lang ang procedure. Okay, next..."
Hindi na ako nakatiis, lumapit na ako sa kanila.
"Good morning," bati ko. Sabay silang napalingon at nagulat sa presensiya ko.
"You're not suppose to be here, Mom." Humalik si Clint sa pisngi ko. "We've already prepared your breakfast. Naroon sa garden. Mamita's waiting for you."
"Yeah," nakangiting segunda ni Chuck. "Kaya na namin 'to, Sweetheart."
"Don't think so." Tumaas ang kilay ko. "Tingnan mo ang cakeflour. Are you sure tama ang measurement na ginamit mo? Ano ba ginamit mo? Measuring cup o 'yong mangkok?"
Humagalpak ng tawa si Clint. "See, Coach? I told you not to use that mangkok. Nakinig ka ba kanina sa binabasa kong procedure?"
"But I thought..." Napangiti na lang si Chuck at inakbayan ako. "Sorry."
"Hindi maganda ang kalalabasan ng cake kapag gumamit ka ng mangkok instead of measuring cup." Nilagay ko sa sifter ang harina.
"It only means," nakangising saad ni Clint. "Tapos na ang pagiging apprentice ko, Coach. The pro is already here. So exit na muna ako."
"Oops! Not yet, anak. You need to prepare the icing. Marunong ka na gumawa no'n, di ba? Tinuruan na kita dati."
"But, Mom, kaya na 'yan ni coach."
"No buts."
Atubili man ay sumunod na rin ang anak ko. Kinuha na niya ang mangkok nang marinig naming nag-ring ang phone niya.
"Ako na ang bahala sa icing, boy. Baka importante ang tawag na 'yan. Sige na, labas ka na muna."
"Thanks, Coach!"
Nang lumabas si Clint ay mabilis na isinara ni Chuck ang pinto ng kusina at niyakap ako mula sa likuran. Hinayaan ko lang siya dahil nagi-guilty ako sa nangyari sa kaniya. Wala akong kaalam-alam na gano'n pala ang pinagdaanan niya.
"Hindi ka na galit sa akin, Sweetheart?" bulong niya habang patuloy ako sa paghahalo ng mga ingredients para sa gagawing cake. "Am I already forgiven?"
"Thank you sa ginawa mo para sa anak ko," 'yon ang sinabi ko imbes na sagutin ang tanong niya. Oo, nagpapasalamat ako sa ginawa niyang pagliligtas sa anak ko pero hindi ibig sabihin no'n na mawawala ang galit ko. Niloko niya pa rin ako at hanggang ngayon ay patuloy niya pa rin akong niloloko. "It means a lot to me, Chuck. Ikamamatay ko kung may masamang nangyari sa anak ko."
Nakayakap pa rin siya sa akin kaya dama ko ang paghinga niya nang malalim. "I told you already, Sweetheart, that I would raise Clint as my own. Hindi man ako ang biological father niya, at least I could make him feel what it is like to have one."
Tumawa ako at nagbiro. "Kina-career mo na nga, e. Nakikipagkumpetensiya ka yata sa tatay niya."
"It doesn't even occur in my mind, Sweetheart." Napatigil ako sa paghahalo dahil hinawakan niya ang magkabila kong kamay. Iniharap niya ako at inilagay ang mga kamay ko sa batok niya. "But now that you mention it, is there any chance that I could win over that man?"
"I'm afraid you can't. Tatay niya 'yon, e. Remember that blood is thicker than water."
"Then, I would break that norm," kaagad niyang sagot na tila ba tiwalang-tiwala sa sarili.
"Huwag mo ng subukan pa. Just accept the fact na hindi ikaw ang ama ni Clint."
"But, Sweetheart-"
"Stop it, Chuck. Just deal with it." Tumalikod na ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. Paranoid na ang lalaking ito.
Muli na naman siyang yumakap sa akin saka bumulong, "I'm threatened, Sweetheart. What if bigla mo na lang maisipan na makipagbalikan sa kaniya? Natatakot ako na gawin mo 'yon lalo na ngayong galit ka sa akin."
"Chuck..."
"Ituloy na natin ang kasal, Sweetheart. I'll promise, I'll be the best husband to you."
Para na naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Kung noon ay gustong-gusto ko iyon marinig, hindi na ngayon. Sa tuwing maririnig ko 'yon; sa telebisyon, sa radyo o kahit sa mga kaibigan ko ay palaging sumasagi sa utak ko ang kinabukasan ni Clint.
"Just say yes, Sweetheart and I'll handle everything. Just be there sa araw ng kasal natin, hmm." Hinalikan niya ang leeg ko.
"This is not the right time for that." Hindi na ako umimik pa hanggang sa mailagay ko na sa oven ang tray. Kapag naayos ko na ang kompanya ni dad saka na ako magdedesisyon sa bagay na noon pa pinaplano ni Chuck. Ang mga anak ko ang pinaka-priority ko sa ngayon lalo na si Clint.
Lumabas na muna ako para tingnan si baby. Nakasunod lang si Chuck hanggang sa makarating ako sa garden. Naroon si Mamita na panay ang tawa habang nakatingin sa apo niya sa tuhod.
"Good morning!" masiglang bati ko nang papalapit na ako.
"EJ hija, bilisan mo na at kanina pa nagugutom itong apo ko." Sinenyasan niya si yaya na ibigay sa akin si baby.
"Yup! Gutom na nga ako, Mamita," sabat ni Chuck na naroon sa likuran ko. "Hindi pa ako nag-aalmusal." Hinala niya ang upuan at pinaupo ako.
"Si Baby Charlen ang tinutukoy ko, Charles, hindi ikaw." Tumingin sa akin si Mamita. "Anyway, hija, hanggang kailan mo ibi-breastfeed ang baby n'yo ni Charles?"
"As long as our baby wants to," kaagad na sagot ni Chuck saka naglagay ng pagkain sa plato. "Walang makakapantay sa gatas ng ina, Mamita."
Hinayaan ko na lang sila mag-usap dahil abala ako sa pag-aasikaso kay baby. Mamaya na lang ako kakain kapag tulog na ang bata.
"Sabagay," sang-ayon ni Mamita. "But make sure na aalagaan mo ang mag-ina mo. Tingnan mo si EJ, ang laki na ng ipinayat."
"Hindi naman po, Mamita," nahihiya kong tugon. Pansin ko rin na pumayat nga ako matapos kong ipanganak si baby. Marahil dala na rin ito ng problema ko kay Chuck.
Bumuntong-hininga si Mamita. Mayamaya ay napangiti siya nang mapansing sinusubuan ako ni Chuck. Hindi ko na nagawa pang tumanggi dahil kanina pa talaga ako nagugutom.
"Uminom na po ba kayo ng gamot, Mamita?" tanong ko. Nagtaka ako dahil wala 'yong private nurse niya. Isa pa hindi ko gusto ang pagkain na nasa plato niya. Calamares iyon. Seriously? Ang sabi ni Mamita kagabi ay isa ring nutritionist ang nurse na 'yon. Bakit niya pinapayagan kumain niyon si Mamita? Mabilis makapagpataas ng blood pressure ang calamares.
"Tinikman ko lang, hija." Napangiti siya nang mapansing kanina pa ako nakatingin sa plato niya. "Umalis 'yong private nurse ko kaya pwede kong kainin ang gusto ko. Tutal hindi naman niya malalaman."
Tipid akong ngumiti. Matigas din ang ulo ni Mamita paminsan. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi sila magkasundo ni Chuck.
Tinawag niya si Nana Delia at ipinaligpit ang pinagkainan niya dahil parating na raw 'yong private nurse at ayaw niyang malaman niyon na kumain siya ng calamares. Matapos iyon ay iniwan niya kami ni Chuck dahil maglalakad-lakad daw muna siya sa tabing-dagat.
"Paborito ni Mamita ang calamares, Sweetheart," saad ni Chuck nang kaming dalawa na lang. "Palagi siyang nagpapaluto kay Nana Delia sa tuwing pumupunta siya rito."
Hindi na ako nagkomento pa. Takang-taka ako kung bakit kumakain niyon si Mamita samantalang mataas ang presyon ng dugo niya.
"Say ah, Sweetheart." Inilapit niya sa akin ang kutsara para subuan akong muli pero nanatiling nakatikom ang aking bibig.
"Busog na ako." Tulog na si baby kaya inilapag ko siya sa stroller.
"Last na 'to, Sweetheart," pakiusap niya. Nahagip ng paningin ko ang pagngisi niya kaya alam kong may binabalak na naman siyang kalokohan. "Please?"
Tinaasan ko lang siya ng kilay saka uminom ako ng isang basong tubig.
"Please?" muli niyang pakiusap at pilit akong sinusubuan ng pagkain.
Nagpatianod na lang ako, iniawang ko ang aking labi pero labis akong nadismaya nang bigla niya na lang akong siilin ng halik. Hindi ako makahuma dahil nasa likod ng ulo ko ang kabila niyang kamay. Wala akong nagawa kundi namnamin ang nakatutulirong halik na iyon. Hanggang ngayon ay malaki pa rin ang epekto sa akin ng halik niya.
"Forgive me, please?" Namumungay ang mga mata niya nang tumingin sa akin matapos pakawalan ang labi ko. Nakatingin lang ako sa kaniya dahil nagdadalawang-isip ako sa aking sagot.
Sinapo niya ang magkabila kong pisngi at pinagdikit ang aming mga noo. "Gagawin ko ang lahat, lahat-lahat, Sweetheart mapatawad mo lang ako. Please?"
Nang hindi pa rin ako umimik ay lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang mga kamay ko. May nangingilid na ring luha sa mga mata niya kaya nababagabag na naman ang kalooban ko. Hindi ko maiwasang ikumpara siya kay Fern. Noon, kapag humihingi ng tawad sa akin ang ama ni Clint ay parating dinadaan sa galit kaya napipilitan talaga ako na magpatawad dahil kung hindi ko gagawin iyon ay black eye na naman ang aabutin ko.
"Never do it again," 'yon ang lumabas sa bibig ko na kahit ako ay hindi makapaniwala. Nagulat ako sa sinabi ko, lumiwanag naman ang mukha ni Chuck saka niyakap ako nang mahigpit.
"Thank you, Sweetheart. Salamat at napatawad mo ako. I promise-"
"Oops! Hindi pa kita napapatawad, Chuck. Sinabi ko lang na huwag mo ng uulitin 'yon or else hindi mo na ako makikita pa."
"Does that mean na hindi ka na aalis? HIndi mo na ako iiwan?"
Diretso ko siyang tiningnan sa mga mata. "Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan. Pero hindi ibig sabihin n'on na pinatawad na kita. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa utak ko ang gabing iyon, Chuck."
"Sweetheart..."
"I'm jealous."
Sumilay ang ngiti sa labi niya. Waring hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Say it again, Sweetheart. Say it it again."
"Sabi ko nagseselos ako sa babaing iyon," mabilis kong sagot sabay irap kaya lalong lumuwang ang ngiti niya. Umupo siya sa tabi ko at ikinulong ako sa mga bisig niya.
"As much as I want to hear that word coming from you, Sweetheart, but you don't have to be jealous. Ikaw lang ang mahal ko, wala ng iba. Gusto kong magpaliwanag sa 'yo. Gusto kong sabihin sa 'yo lahat ng tungkol sa amin ni La-"
Mabilis kong tinakpan ang bibig niya. "Ayokong marinig ang pangalan ng babaing iyon. Ayokong makarinig ng kahit na ano tungkol sa kaniya, understand?" Pangalan pa lang ng babaing iyon ay naalibadbaran na ako, ano pa kaya kung magkita kami?
Kailangan ko na talagang paghandaan ang mga susunod pang mangyayari. Hindi habangbuhay ay mahal ako ni Chuck. Lilipas din ang pagmamahal na iyon kagaya ng pagmamahal sa akin ni Fern noon.
"What are you thinking?" tanong ni Chuck mayamaya.
"Chuck, lahat ng bagay ay may expiration date." Huminga ako nang malalim at tumingin sa dagat. "Ayoko mang isipin, pero alam kong lilipas din ang pagmamahal mo sa akin."