Chapter 10

1802 Words
Chapter 10 'Then, I'm willing to break that norm.' Dalawang beses kong narinig iyon kay Chuck kaninang umaga. Ramdam ko naman na seryoso siya sa paghingi ng kapatawaran pero hindi ko pa kayang ibigay iyon sa ngayon. Pinili kong huwag siyang iwan dahil alam kong mahal na mahal ko pa rin siya at bilang pagtanaw na rin ng utang na loob sa ginawa niyang pagliligtas sa anak ko. Dinig na dinig ko ang ingay ng mga kaibigan niya nang papalabas na ako ng villa. Nagsidatingan sila kanina nang tawagan ni Chuck at sabihing first month birthday ni Charlen. Lahat ng kaibigan niya ay dumating maliban kina Jackson at Zid. Wala rin si Jude dahil kasama ni Vivienne sa Batanes. Nagsigawan sila nang umakyat si Chuck sa makeshift stage at nagsimula ng kumanta. Naroon din sina Eric at Chad. Nakatingin si Chuck sa akin habang kumakanta siya kaya hindi napigilan ng mga kaibigan niya na tuksuhin na naman kami. Umupo ako sa tabi ni Patty na walang ibang ginawa kundi makipagtitigan sa phone niya. Napailing na lang ako, malamang naghihintay na naman siya ng message na galing sa boyfriend niya. Patuloy pa rin si Chuck sa pagkanta at paminsan-minsan ay kumakaway sa gawi namin ni Patrick na pumapalakpak pa sa sobrang kilig. Napapailing na lang ako. Maigi na lang at naibalik nila ang dati nilang samahan. Mayamaya ay bigla na lang iniharap sa akin ni Patrick ang phone niya at nakita kong rumehistro sa screen ang mukha ni Eden. Kumaway ito at tila nang-inggit na ipinakita sa background niya ang view ng lighthouse sa Batanes. Tinaasan ko siya ng kilay at ipinakita rin ang view ng dagat sa likurang bahagi ng villa. Tumayo pa ako saka kumaway sa kaniya at sinigurong makikita niya sa background na kumakanta si Chuck. "Hala! May party! Bakit hindi kami invited? Maduga kayo, ha. Viv, o, hindi tayo in-invite." Lumuwang ang pagkakangiti ko. "Papaano ko kayo iimbitahin, aber? E, mas inuna n'yo pa ang lakwatsa kaysa sa birthday ng inaanak n'yo?" Nangunot ang noo ni Vivienne. "Birthday? E, tapos na ang birthday ni Clint, ah. Next year pa ang birthday ni Baby Charlen." "First month birthday ni baby." Nagulat ako nang bigla akong halikan ni Chuck sa pisngi at kumaway sa mga kaibigan ko at kay Jude. "Huwag kayong mawawala sa birthday ng baby namin next month, pare," saad ni Chuck at niyakap ako mula sa likod dahilan para maghiyawan ang mga nakapaligid sa amin. "Aww! Ang sweet ni Chuck!" magkapanabay na saad nina Viv at Eden. "Ingat, Ligs," saad ni Viv. "Baka masundan kaagad si baby." Bumungisngis pa siya kaya uminit ang aking pisngi. "Malabong mangyari, oy!" Tumawa sila sa sinabi kong iyon. "Cheers to that, pare!" Inabutan ni Phil ng beer si Chuck. "Mukhang may kasunod na ang inaanak ko, ah." Natapos ang video call na iyon at puro tukso ang inabot ko. Si Chuck naman ay pangiti-ngiti lang na tila ba may pinaplano na naman. At dahil hindi ako pwedeng uminom ng alak ay nagkasya na lang ako sa isang basong juice. "Don't tell me, pare hindi ka iinom ng alak?" tanong ni Chad mayamaya nang mapansing hindi pa nababawasan ang beer na hawak ni Chuck. Ngumiti lang siya at tumingin sa akin na parang humihingi ng permiso kung pwede siyang uminom. Ako tuloy ang nahihiya sa mga kaibigan niya. Baka sabihin ng mga iyon na pinipigilan ko ang kaibigan nila sa pag-inom ng alak. "Hoy, dude," siniko siya ni Wammy. "Don't tell me na kailangan may go-signal pa ni Ligs bago ka uminom ng alak?" "Di naman." Inakbayan ako ni Chuck. "Tama," sabat ni Patty. "'To naman. 'Kala n'yo naman sa kaibigan ko." Tumingin muna siya sa akin saka ibinalik ang paningin kay Wammy, "Hindi ito ang tipo ng babae na nangingialam pagdating sa inuman. No'ng nakaraang araw nga, e, panay ang laklak ni Chuck, hindi siya nakialam, di ba, Ligs?" Ngumiti lang ako bilang tugon kaya natahimik na ang mga kaibigan niya. Nagpatuloy lang sila sa pag-inom habang nakikinig sa live band na inarkila ni Chuck. Sumandal naman ako sa balikat niya dahil inaantok na ako. "Sweetheart," bulong niya mayamaya. "Pwede ba akong uminom?" "Oo naman." "Hindi ka galit?" "Bakit ako magagalit?" Humikab ako. Alas sais pa lang ng hapon pero inaantok na ako. "Hindi nga ako nagagalit kahit gabi-gabi kang umiinom ng alak." Inirapan ko siya. Hinalikan niya ang ulo ko saka muling bumulong, "Thanks. Promise, hindi ako maglalasing." Mag-a-alas siyete na ng gabi nang pumasok ako sa villa. Dumiretso ako sa kwarto para tingnan kung gising na ang bata. Napangiti ako sa nabungaran, gising na si baby. Sinisipsip niya ang kanang hinlalaki at panay ang sipa ng mga paa pero hindi umiiyak. "Happy first month birthday, baby," dinig kong wika ni Chuck. Nang lumingon ako ay nakita ko siyang nakatayo sa pintuan, may dalang tray na may lamang isang basong gatas. Pumasok siya at inilapag iyon sa mesita saka niyakap na naman niya ako mula sa likod habang karga ko si baby. "I love your mom, baby." Hinalikan na naman niya ako. "So much. Please tell her to marry me already, hmm." Hinaplos niya pa ang braso ni baby. Parang nakuha naman ni baby ang ibig niyang ipahiwatig dahil bigla na lang itong ngumiti kaya tumawa si Chuck. "See, Sweetheart? Kahit si baby ay sang-ayon na magpakasal na tayo." "Hay naku, Chuck, lumabas ka na at baka hinihintay ka na nila sa baba." Inilapag ko si baby sa kama at akmang hihiga na rin ako nang pigilan ako ni Chuck. "Drink this first, Sweetheart." Matapos iabot sa akin ang isang basong gatas ay tumabi siya ng higa kay baby at patuloy na kinausap ang bata na para bang naiintindihan ang mga pinagsasabi niya. Panay naman ang sipa ni baby at ngumingiti kasabay ng paminsan-minsang paglabas ng maliit na dila. Napangiti ako, ang sarap titigan ni baby. Naglaho na naman ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. "I love you, baby." Gamit ang aking kanang hinlalaki ay pinasadahan ko ang baba niya. Lumabas na naman ang maliit niyang dila kaya humalakhak na naman si Chuck. Tuwang-tuwa siya sa ikinikilos ni baby. Maluha-luha naman ako habang tinititigan silang dalawa. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Ngayon ko lang ito naramdaman. "I love you." Tumingin sa akin si Chuck at pinisil ang kamay ko. Mayamaya ay tumawa siya sa hindi ko malamang dahilan. "Sundan na natin si baby, Sweetheart." Kinindatan niya pa ako kaya uminit na naman ang aking pisngi. "You're crazy." Pinandilatan ko siya. "Lumabas ka na nga, Chuck! Nagugutom na ang bata. Labas." Hinampas ko siya ng unan dahil parang wala siyang plano bumangon. "I-breastfeed mo na si baby. Dito lang ako." Nakangisi pa rin siya. "Naghihintay ang mga kaibigan mo sa baba. Sige na, bumaba ka na." Hinila ko ang kamay niya kaya napaupo siya sa gilid ng kama pero ang hindi ko inaasahan ay nang hawakan niya ang magkabila kong baywang at paupuin ako sa kandungan niya. "Marry me, Sweetheart." Mahigpit na naman ang pagkakayakap niya sa akin na tila ayaw akong pakawalan. "Let's talk about it some other time, okay?" Tumayo na ako at binuksan ang pinto para lumabas na siya. Nagsisimula na naman siyang mangulit tungkol sa bagay na iyon. Bantulot siyang tumayo at tinungo ang pinto palabas. Huminto siya sa harap ko at pinakatitigan ang aking mukha. "I won't take no for an answer, Sweetheart," bulong niya. Kitang-kita ko ang paggalaw ng kaniyang mga panga na tila ba inis na inis dahil biglang tumalim ang mga mata niya. "Chuck...?" takang sambit ko. Hindi ko lubos na maintindihan kung bakit bigla na lang nawala ang masayahing aura niya. "Bababa na ako," mahinahon niyang saad matapos akong halikan sa labi patungo sa pisngi pababa sa leeg na may kasamang pagkagat. Napasinghap ako sa ginawa niyang iyon. Ilang minuto akong natulala at kung hindi ko pa narinig ang iyak ni baby ay hindi ako matatauhan. Sh*t! Ngayon niya lang kinagat ang leeg ko at hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang epekto n'on sa akin. Matapos patulugin ang bata ay nilipat ko siya sa crib. Humiga na ako sa kama dahil kanina pa ako inaantok. Bukas ko na lang kakausapin si Chuck tungkol sa bagay na iyon. Sana lang pumayag siya. Napabalikwas ako ng higa nang marinig kong umiiyak ang bata. Babangon na sana ako nang makita kong kinarga ni Chuck si baby at nagsimulang kumanta ng lullaby. Muli kong ipinikit ang aking mga mata dahil nakakaantok ang awiting iyon. Madaling-araw na nang magising ako dahil may kakaiba akong nararamdaman. Tila may gumagapang na kung ano sa aking leeg at nakikiliti ako. Saka ko lang napansin na si Chuck iyon. Panay ang halik niya sa leeg ko habang nakayakap. "Chuck, stop it," bulong ko dahil tila mauubusan ako ng lakas. Nakapanghihina ang halik na iyon sabayan pa ng amoy alak niyang hininga. "Shhh. I just want to feel you, Sweetheart," bulong niya matapos akong siilin ng halik. "What it feels like to be on top of you while you moan my name. I miss those times-" "Shut up." Mauubusan na ako ng hininga sa ginagawa niya. Literal na uminit ang buong katawan ko sa narinig. Lintik talaga! Nagsimula na naman ang lalaking ito. Bumaba ang kamay niya sa may puson ko kaya kinilabutan ako. Mabilis ko iyong tinabig pero nahawakan niya ang braso ko. "Chuck, no s*x until six months." "Lovemaking, Sweetheart," mabilis niyang tugon. "Whatever you call it. Basta hindi pwede." "That's too long," reklamo niya at pinanggigilan na naman ang leeg ko. Sa kapapalag ko ay di sinasadyang mahantad ang dibdib ko kaya natigilan siya. "Nice t**s," komento niya. "Looks delicious, but it's for our baby." Mabilis niyang inayos ang suot kong damit para matakpan ang dibdib ko saka inayos ang kumot. Pinaunan niya ako sa braso niya at nagkasya na lang na yakapin ako mula sa likod. Dama kong bumuntong-hininga siya. Hindi ko na nagawa pang matulog dahil sunod-sunod ang ginawang pagbuntong-hininga ni Chuck. Parang hindi niya gusto ang kinalabasan ng gabing ito. "Chuck, I-" "It's okay. I understand." Bumuntong-hininga siya. "You're not mad?" paniniguro ko pa. "No," tugon niya pero dama ko ang pagkabasag ng boses niya sa mga sumunod niyang sinabi, "I can wait. That's what I've been doing all these years. Patiently waiting. Waiting, waiting, and waiting. For god knows how long? I don't know." Suminok siya matapos sabihin iyon kaya agad ko siyang hinarap. Nakapikit ang mga mata niya at may luhang pumatak mula roon. Pinunasan ko iyon gamit ang aking palad. Kinabahan ako nang imulat niya ang kaniyang mga mata. Namumungay iyon pero dama ko ang sakit sa mga salitang binitiwan niya. "I want us to get married, Sweetheart. But it seems like you're not up for it anymore. Tell me, am I not that important to you? Did I do something wrong?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD