Chapter 11

2040 Words
Chapter 11 Ang mga sumunod na araw ay naging mahirap para sa akin. Mula nang makabalik kami sa mansiyon ay sunod-sunod na ang problemang dumarating. Hindi pa rin matigil ang mga unyonista sa labas ng toy company. Ilang beses na silang kinausap ni Chuck pero tila wala silang maayos na napagkasunduan. Si Clint naman ay sinundo ni Fern sa mansiyon. Nagpumilit itong magpunta kahit anong pigil kong hindi talaga pwede dahil alam kong magagalit si Chuck. Ayon sa kaniya ay isang linggo silang mag-a-out of town ng anak ko. Hindi na ako nagtaka nang magkasagutan na naman sila ni Chuck. Parang nananadya rin kasi si Fern lalo na't alam niyang namomroblema ang huli sa toy company. Sabayan pa ng tila pagpapahaging na mapapapayag niya akong makipagbalikan sa kaniya. Ang ending, magdamag na naglasing si Chuck na sinabayan naman ng mga konsintidora kong kaibigan. Ang rason nila ay hindi ako pwedeng uminom ng alak dahil nagbe-breastfeed ako kaya dadamayan nila si Chuck. At ang pinoproblema ko sa lahat ay ang nalaman kong anomalya sa kompanya ni dad. Ayon kay Irma ay kailangan ko ng i-take over ang kompanya dahil iyon ang nakasaad sa last will and testament ni dad. Muli na naman niyang ipinaalala sa akin kung ano ang maaaring mangyari sakaling hindi masunod ang nakasaad doon. Minsan hindi ko rin mabasa ang utak ng abogadang iyon. Hindi ko alam kung kakampi ko ba siya o ibinubuyo niya lang ako sa isang bagay na hindi ko kayang lusutan. Panay lang ang oo ko sa mga sinasabi niya patungkol sa pagpapalakad sa kompanya. Palibhasa alam niya na wala akong background sa negosyo kaya siguro ganoon na lang kung magbigay siya ng suhestiyon sa mga dapat kong gawin. "I need to take over dad's company," saad ko kay Chuck isang hapon nang dalhan ko siya ng kape. Naroon siya sa library at abalang-abala sa mga nakatambak na papeles. Umupo ako sa mahabang sopa nang wala akong makuhang sagot mula sa kaniya. Tutok na tutok siya sa binabasang papeles. Ilang minuto ang dumaan, binitiwan niya iyon at hinilot ang magkabila niyang sentido. Matapos humigop ng kape ay humiga siya sa mahabang sopa at ginawang unan ang mga hita ko. Napangiti na lang ako. Pagod na pagod talaga siya. "Tired?" tanong ko habang hinahaplos ang noo niya. "Not anymore." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. "Narito ka na, e." "Sus, nambola pa." "Totoo naman kasi, Sweetheart. Makita lang kita, nawawala na ang pagod ko." Hinalikan niya ang kamay ko. "You were saying something?" "Uhm. Kailangan ko ng magtrabaho sa kompanya ni dad. Tatlong buwan na rin si baby." Tiningnan ko siya sa mga mata at dama kong hindi siya papayag sa plano ko. "Mahigit isang taon na pala simula nang sumakabilang-buhay si Tito Victor." Umupo siya at muling uminom ng kape. "So ano, papayag ka na magtrabaho ako ro'n?" "To tell you frankly, Sweetheart, ayokong nagtatrabaho ka. Baka pwede-" "Chuck, I have to. Hindi ako sanay na palaging nasa bahay. Please?" Minuto ang dumaan bago siya sumagot. "I really don't know. Baka mamaya niyan ipagpalit mo ako. Ang dami kayang nagguguwapuhang executives doon." Sinaid niya ang kape at nakasimangot na sumandal sa sopa. Sumandal ako sa dibdib niya at tumingala sa mukha niya. "May mas guguwapo pa ba sa Charles Faulker na nakilala ko sa bar last year? Ang lalaking nagtiyaga at hanggang ngayon ay pinagtitiyagaan ang katarayan ko?" Napangiti siya at mayabang na nagsalita. "Siyempre wala. Nag-iisa lang yata ako." "Exactly, Chuck. Kahit sa kayabangan walang papantay sa 'yo." Natigilan siya sa biro kong iyon pero tumawa na rin. "Ah, gano'n? Kayabangan pala, ha." Niyakap niya ako at pinanggigilan ang aking leeg. "Stop it, Chuck! Nakikiliti ako. Ay! Binabawi ko na ang sinabi ko." "Walang bawian, Sweetheart." Tawa siya nang tawa at inatake na ang labi ko. "Sweet. I could make love to you right at this moment." Namalayan ko na lang na nakahiga na ako sa sopa habang nakadagan siya sa akin. "Chuck..." Natutuliro na naman ang utak ko. Hindi na naman ako makapag-isip nang maayos. Bumulong siya, "I miss you, Sweetheart. It's been months since we-" Bumalik ako sa katinuan nang maramdaman kong tila may matigas na bagay na tumutusok sa aking puson. Sh*t! Nag-aalala ako sa maaring mangyari dahil sa dami ng stitches na natamo ko nang manganak kay baby ay baka hindi magkasya iyon. "Chuck," paos kong saad. "Six-month rule." "D*mn those rules! I was born to break such rule." Tinanggal na niya ang zipper ng suot kong shorts at marahas iyong ibinaba. Pababa na sana ang kaniyang labi nang may kumatok sa pinto ng library. "Sh*t!" malakas na mura ni Chuck nang bigla akong bumangon dahilan para malaglag siya. Nagmadali akong ibalik sa pagkakazipper ang aking shorts sa pag-aalalang mabungaran kami sa ganoong ayos. "Sorry, Chuck." Inayos ko ang nagusot kong buhok. Nagpupuyos siya sa galit. "D*mn! Kung sino man ang nasa labas, humanda siya sa akin. Istorbo. L*ntik! Ang galing ng timing." "Relax, Chuck. Ako na ang magbubukas ng pinto." Pinaupo ko siya at hinalikan sa labi para tumigil na siya sa pagmumura. Pinigilan kong huwag tumawa dahil baka lalo siyang magalit. Kinuha ko na lang ang puswelo ng kape at pinagbuksan ang pinto. "Maigi at narito ka, hija. Kailangan ko kayong makausap ni Charles." Pumasok na siya at tinungo ang bakanteng upuan. Sa tingin ko ay bumubuti na ang kalagayan niya dahil wala na rin siyang hawak na tungkod nitong mga nakaraang linggo. Nakatayo lang ako sa likurang bahagi ng sopa na kinauupuan ni Mamita kaya kitang-kita ko ang inis sa mukha ni Chuck. Pinandilatan ko siya dahil ayaw kong makahalata ang matanda. "You're so broody today, Charles," ani Mamita. "May problema ba? Kumusta ang kompanya mo?" "As usual they want a salary increase." "Salary increase? To think na dalawang beses mong tinaasan ang sahod nila noong nakaraang taon. Kulang pa ba sa kanila ang buwanang sahod nila? Aba, Charles, overpaid na ang mga empleyado mo. Seven hundred pesos a day is enough para sa isang manggagawa. Lagpas na nga 'yon sa minimum wage na itinakda ng batas, plus okay naman ang mga benefits na ibinibigay mo sa kanila. Kulang na lang hingiin nila na maging shareholder ng kompanyang pinaghirapan mo." Ngumiti si Chuck at sinenyasan ako na maupo sa tabi niya. Napaisip ako sa laki ng sahod ng mga empleyado niya. Kung tutuusin pala napakaliit ng pinapasahod ko sa mga saleslady ng boutique. "I'm thinking about launching a scholarship program para sa mga anak ng empleyado ng kompanya. Tutal iyon naman palagi ang hinaing nila, e. Kesyo hindi nila kayang pag-aralin ang mga anak nila sa kolehiyo sa liit ng kinikita nila." Napaisip si Mamita sa sinabi ng sariling apo. "I doubt it, apo. Mamimihasa ang mga 'yan kapag pinagbigyan mo pa. Dapat kasi hindi ka basta-basta nagtataas ng sahod dahil hindi naman iyon ipinag-utos ng batas. Kita mo ngayon ang nangyayari, inaabuso ka ng mga empleyado mo." "No, Mamita. Actually, that's one of several strategies I've learned from Tito Victor. You need to take good care of your employees dahil sila ang pinaka asset ng kompanya. Tinaasan ko ang sahod nila dahil tumaas ng two hundred percent ang income ng kompanya last year. See? Kapag malaki ang sahod nila, mas pag-iigihan pa nila ang pagtatrabaho." "Now that you mentioned Victor," umubo muna si Mamita at tumingin sa akin. "Have you heard some issues regarding your father's company, EJ?" Tumango ako. "Irma told me about it. I don't know what's really happening since I haven't had any knowledge how that company works." Isang beses lang akong nagpunta sa kompanyang iyon noong eighteen years old ako. Pagkatapos noon, pinagbawalan na ako ni dad dahil nalaman niya na nagkakamabutihan kami ni Fern. "So, ano ang plano mo ngayon, EJ?" "Hindi ko pa po alam, Mamita. Ang sabi ni Irma ay kailangan ko na raw talaga magtrabaho roon." "'Langyang abogada na 'yan," komento ni Chuck. "Hindi niya ba kayang solusyonan ang problema ng kompanya at kailangan ikaw pa talaga, Sweetheart?" "Chuck..." "Hindi ko alam kung bakit pinagkatiwalaan pa iyon ni Tito Victor. Puro lang naman kasinungalingan ang alam. Sabagay, lawyer nga pala, liar." "Charles, that's unethical. Do not judge her. Abogada siya ni Victor." Tumingin sa akin si Mamita. "Maiwan ko na kayo, hija." Sumandal ako sa balikat niya nang makalabas na si Mamita. "Hindi mo talaga ako papayagan na magtrabaho roon, Chuck?" Huminga siya nang malalim. "Kung magtatrabaho ka sa kompanyang iyon, hindi maiiwasang magkita kayo ng Saavedra na 'yon. Ayokong mangyari 'yon. Ayokong mawala ka sa akin, Sweetheart." Umayos ako ng upo at tinitigan siya sa mata. Parang pamilyar sa akin ang binanggit niyang pangalan. "Saavedra? Sino 'yon? Wala akong kilalang Saavedra." "Paul Saavedra. Don't tell me you already forgot what happened during Tito Victor's first year death anniversary. Ang lagkit ng tingin sa 'yo ng l*ntik na 'yon. Pasalamat siya nakapagpigil ako, kung hindi gagapang siya pauwi sa lungga niya." Kumunot ang noo ko. Saka ko lang naalala ang mga pahaging sa akin ni Paul nang araw na iyon. Hindi ko rin naman masisisi si Chuck kung ganoon ang maging reaksiyon niya. Unang tingin ko pa lang ay may pagkatarantado na ang Paul na iyon. "Chuck, I don't like that man kaya wala kang dapat na ipag-alala. Trabaho ang aatupagin ko roon at hindi lalaki. Isa pa, kompanya 'yon ni dad. Ayokong may masabi ang mga tao na hindi ko man lang pinahalagahan ang iniwan ng mga magulang ko." Niyakap ko siya. "Sige na, Chuck. Pumayag ka na, please?" "Pero, Sweetheart..." Huminga na naman siya nang malalim. "Papaano ako?" "Ang tanda mo na, poproblemahin pa kita?" Tumawa ako dahil sumimangot siya. "Hindi mo talaga ako mahal." Dinampian ko ng halik ang labi niya. "I love you and I mean it. So, is it a yes or a yes?" "I love you, too, Sweetheart." Sinapo niya ang kanang pisngi ko. Dama ko ang lungkot sa mga mata niya nang titigan ako. "I really don't like the idea of you working on that company. May kulang pa ba sa akin? Sapat naman ang kinikita ng toy company para sa ating apat, di ba?" "Chuck, it's not about money." Kung pera lang ang pag-uusapan, kahit magkaanak kami ni Chuck ng sampu ay hinding-hindi siya mamumulubi sa laki ng kinikita ng kompanyang iyon. Maging ako ay hindi makapaniwala na ganoon kalaki ang pera ng isang Charles Faulker. Nagpumilit kasi si Chuck na ako na ang maghawak ng pera niya pati na ang mga finances sa mansiyong ito. Pumayag siya na manatili kami sa poder ni Mamita basta dadaan sa kaniya ang lahat ng gastusin sa loob ng mansiyon. Isa pa iyon sa mga katangian ni Chuck na hinangaan ko. "It's about satisfaction, productivity. I'm an only child, Chuck. Sanay ako na lahat ng mga materyal na bagay ay nakukuha ko. Natigil lang iyon nang umalis ako ng bansa." Halos mapaiyak ako nang maalala ang buhay ko kasama si Fern. "At ngayong dumating ka sa buhay ko, bumabalik na naman ako sa dati. Bili rito, bili roon. Naglulustay ng perang hindi ko naman pinagpaguran." Ngayon na naman ako nakatikim ng mga branded shoes and bags. Mga signature dress na si Chuck mismo ang bumili. Huling bili ko ay noong nineteen years old ako gamit ang perang inipon ko galing sa allowance na binibigay sa akin ni mom. Matapos iyon ay nagkakasya na lang ako sa regalo ni mom at ng mga kaibigan ko. Pwede naman akong bumili kong tutuusin, kaya lang ay mas inuuna ko ang kinabukasan ni Clint dahil wala akong aasahan sa walang kwenta niyang ama. "Sweetheart, ang pera ko ay pera mo rin. I don't care if you spend it on expensive things. Ang importante sa akin ay maging masaya ka sa piling ko." Ngumisi siya. "Hindi basta-basta mauubos ang pera ng isang Faulker." "Ay! Ang yabang." Inirapan ko siya. "Mayabang na kung mayabang, but that's the truth, Sweetheart." Hindi ako makapalag nang sakupin na naman niya ang labi ko. "So, it's a yes?" Desidido talaga ako na mapapayag siya. Isa o dalawang taon na pagtatrabaho sa kompanya ay sapat na para mapaghandaan ko ang kinabukasan ni Clint. "How could I say no, Sweetheart?" malungkot niyang sambit saka tumango. "Your happiness is all that matters to me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD