Chapter 12

1681 Words
Chapter 12 Sinunod namin ang payo ni Mamita. Pinabinyagan muna namin si baby saka kami lumipat sa bahay na ipinatayo ni Chuck matapos ang house blessing. Manghang-mangha ako hitsura ng bahay. Hindi ko akalain na ganito ang kalalabasan. Apat na palapag ang bahay na nakatirik sa gitna mismo ng isang exclusive subdivision. Namumukod-tangi ang bahay na iyon dahil sa pinturang mint green. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Iyon ang paboritong kulay ni Chuck. Sa loob ay kapansin-pansin na sinunod ni Minerva ang kulay na gusto ko maging ang mga painting at furnitures. Ang hindi ko inaasahan ay ang giant crystal chandelier na nakakabit sa ceiling. Nabanggit ko dati kay Minerva na gusto ko ang chandelier na iyon pero dahil nakakalula ang presyo ay pinpalitan ko. "I want the best for you, Sweetheart," saad niya nang mapansing nakatulala ako sa chandelier. "Pero, Chuck ang mahal ng-" Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil siniil niya ako ng halik. "From now on ayokong marinig ang salitang mahal kung hindi rin lang kita ang kasunod niyon, hmm?" "Kita?" Nangunot ang noo ko. Hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin. "You mean, pera?" Ngumisi siya. "Mahal pera? Ang pangit pakinggan, Sweetheart. How about mahal kita? Say it, please?" Isinampay niya ang mga kamay ko sa batok niya at hinawakan ang baywang ko saka pinagdikit ang aming mga noo. Napabungisngis na lang ako nang makuha ang ibig niyang ipahiwatig. "Ang corny mo, Chuck." Kinurot ko siya sa tagiliran kaya napaigtad siya. "Just say it." "Mahal kita," sambit ko para wala ng pagtalunan pa. "Mahal din kita, Sweetheart." Lumamlam ang mga mata niya saka siniil ako ng halik. Napakapit ako nang husto sa batok niya nang dahan-dahan niya akong iangat at nagsimula ng umakyat sa hagdan habang magkalapat ang aming labi. Kaagad ko namang ipinulupot ang aking binti paikot sa katawan niya. Sh*t! Halik lamang iyon pero natutuliro na naman ako. "Put me down." Halos hindi iyon lumabas sa bibig ko. "Later," bulong niya habang inaatake ang aking leeg. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga. Sh*t! Hinang-hina ako sa ginagawa niya. Namalayan ko na lang na nakahiga na ako sa malambot na kama. Nakatayo siya sa harap ko at nagmamadaling magtanggal ng damit. Naroon pa rin ang bakas ng tahi sa balikat niya. "Chuck..." protesta ko nang dumagan siya sa akin. "Almost five months pa lang si baby. Remember the six-month rule." "D*mn those rules! I was born to break those rules. I was born to break the norm." Sinibasib niya ng halik ang labi ko pababa sa aking leeg kaya hindi ko napigilan ang ungol na kanina pa gustong kumawala. Wala na. Hindi ko na kayang pigilan ang aking sarili. "You don't know how much I miss you, Sweetheart. Your moan, your lips, your body," tumigil siya sa pagsasalita at bumaba ang kamay sa ibaba ng puson ko. "And this." Nababanaag ko ang pagnanasa sa mukha niya habang sinasalat iyon. Nakatingin lang siya sa akin at aliw na aliw sa nakikitang reaksiyon ng mukha ko. Mas lalo akong nag-init sa mga titig niya at paminsan-minsang pagdiin ng kaniyang kamay sa pagitan ng mga hita ko. Saka ko lang namalayan na natanggal na pala niya ang suot kong palda. Muli niyang siniil ng halik ang labi ko. This time ramdam ko ang pagmamadali sa mga kilos niya kaya di sinasadyang mahantad na naman ang dibdib ko. Dama ko ang paninigas niyon dahil punong-puno iyon ng gatas. Ilang oras na rin kasing hindi ko nabe-breastfeed si baby. Kitang-kita ko ang paghanga sa mga mata niya habang tinititigan iyon na tila sabik na sabik na maikulong sa mga labi niya. Sa isang iglap ay nawala rin ang pagkasabik sa mga mata niya at napalitan iyon ng ngiti saka marahang hinaplos ang magkabila kong dibdib. "Don't wanna compete with our baby. Smells good, but she needs these more than I do." Kaagad niyang tinakpan ang aking dibdib at mabilis na bumaba ang kaniyang labi. Tatanggalin na sana niya ang huling saplot sa aking katawan nang may kumatok sa pinto. Biglang umasim ang mukha niya at umalis sa pagkakadagan sa akin. "Sh*t!" saad niya sabay suot ng damit. Pinigilan ko ang mapangiti lalo na nang makita kong halos sabunutan niya ang sarili. Tinungo niya ang pinto para buksan kaya dali-dali akong pumasok ng banyo at inayos ang aking sarili. Ilang segundo lang ang dumaan naulinigan ko ang tawanan sa labas. "O, akala ko bukas pa ang balik mo?" tanong ko kay Clint nang makalabas ako ng banyo. "Boring do'n. Isa pa, tumawag si coach kanina kaya dito na ako nagpahatid kay Kuya Ernie. Naglilipat na raw kayo." Humalik siya sa pisngi ko saka tumingin sa gawi ni Chuck. "May tatlong bakanteng kwarto sa tabi ng nursery," saad ni Chuck. "Pumili ka na lang ng magiging kwarto mo. Just tell me kung ano ang gusto mong design. Ipapaayos namin ng mom mo." Namilog ang mga mati ni Clint. "Talaga, Coach? Am I really welcome here?" Nangunot ang noo ni Chuck. "Ano bang klaseng tanong 'yan? Of course you're welcome here. This is your home and you are part of this family. You are my son." Nilapitan niya ang anak ko at tinapik sa balikat. "Teka, teka," sabat ko. "Clint, nag-usap na kami ng dad mo na sa kaniya ka muna titira ngayong taon na ito at-" "Mom! I don't like there!" Tumaas na ang boses niya at tumingin kay Chuck na tila nagmamakaawa. "Coach, please? Dito na lang ako. I can do house chores, kahit ako ang mag-alaga kay baby tuwing weekend. Basta ayoko tumira sa condo ni dad. Please?" "Gusto mo bang magalit na naman sa akin ang ama mo, ha, Clint?" "Mom..." "Still no. Doon ka sa dad mo titira. You can visit us during weekends-" "Ayoko pa rin sa condo niya." Bumuntong-hininga ang anak ko at tumalilis na palabas ng kwarto. Susundan ko na sana siya ngunit mabilis na nahawakan ni Chuck ang braso ko. "Kailan ka pa nakikipagkita sa l*ntik na 'yon!" Kita ko ang pagtagis ng kaniyang mga bagang nang sabihin iyon. "I told you not to see nor talk to that bastard behind my back!" "Chuck?" sambit ko. Nababanaag ko ang magkahalong galit at takot sa mukha niya. "Hindi ako nakikipagkita sa kaniya. It's just that I bumped into him at the mall. Pero kasama ko no'n si Eden. You can ask her kung ano ang napag-usapan namin ni Fern dahil naroon siya." Binitawan niya ang braso ko at hinawakan ang magkabila kong balikat. Kinabahan ako nang biglang gumalaw ang magkabila niyang panga habang nakatitig sa mga mata ko. Ibinuka niya ang kaniyang bibig na tila may gustong sabihin pero walang lumalabas na salita. Hanggang sa binitiwan niya ang magkabila kong balikat at tinungo ang terrace habang nakakuyom ang kaniyang mga kamao. "Chuck," tawag ko pero hindi niya ako nilingon. "Chuck." Susundan ko na sana siya ngunit biglang pumasok si Clint at hinila ako papunta sa napili niyang kwarto. "I like this room, mom. Gusto ko white, black and gray ang kulay ng kwarto ko. 'Yong kagaya ng condo ni coach." "Clint, I told you already. Hindi ka pwedeng tumira sa bahay na ito dahil nag-usap na kami ng dad mo. Gusto ka niyang makasama. Please give him a chance." "But, Mom, coach already told me that I am-" "Never mind him, anak. He is not your father-" Bumulong siya, "Kung pwede lang pumili ng ama, mas gugustuhin kong si coach na lang ang ama ko kaysa kay dad. Ang swerte ng kapatid ko na si coach ang ama niya." Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Niyapos ko na lang siya nang mahigpit. "I can be your father, Clint," dinig kong saad ni Chuck sa may likurang bahagi ko. "You are my son. We are family. Always remember that." Nang bitiwan ko si Clint ay niyakap niya ito saka tinapik sa balikat. Kita ko ang ngiti sa labi ng aking anak, maging si Chuck ay gano'n din. Tila nawala na ang inis sa mukha niya. Ginulo niya ang buhok ng anak ko. "Kapag sinabi kong dito ka titira, dito ka titira and that's final." "Talaga, Coach?" "Yup! I mean it." "Yes!" Bumaling siya sa akin. "Did you hear what coach said, mom? Dito ako titira. Thanks, Coach!" Paatras siyang naglakad at nang makalabas ay tumakbo na pababa ng hagdan. "Again, nangialam ka na naman, Chuck. Kaya ako sinusuway ng anak ko dahil palagi mong kinukunsinti." "I'm not, Sweetheart. I'm just giving him the life he deserves." Napailing na lang ako saka naupo sa kama. "The life he deserves? Are you saying na hindi ko kayang ibigay iyon sa anak ko?" "Parang gano'n na nga," sagot niya kaya nagpanting ang tainga ko. Hindi ko napigilang magtaas ng boses. "D*mn you, Chuck! Kinukwestiyon mo ba ang pagiging ina ko kay Clint?" Tiningnan ko siya nang matalim. Sa lahat ng ayaw ko ay ang sasabihan akong nagkulang ako bilang ina dahil lahat ginawa ko para mapaayos ang buhay ng anak ko. Siya ang inuuna ko sa lahat ng bagay. Itinaas niya ang dalawang kamay na tila sumusuko. "I'm not. What I'm just saying is Clint is already grown up. He is smart. Just give him a choice. Hindi 'yong parang ikaw palagi ang nasusunod. Na kapag sinabi mong pumunta siya sa ganitong lugar sa ganitong oras ay inaasahan mong susunod siya. No, Sweetheart. He is already fourteen. Choice niya kung saan niya gusto tumira. Isa pa, lalaki siya at hindi na kailangan pang i-baby." "Hindi mo alam kung gaano kahalaga sa akin si Clint. Wala kang alam." Itinakip ko ang dalawa kong kamay sa aking mukha. Ngayon ko lang na-realize na may katotohanan ang sinabi niya. Namalayan ko na lang na nasa tabi ko na siya at niyakap ako. "Hayaan mong mamili ang bata. Hindi 'yong parang ipinagpipilitan mo siyang tumira kay Andy." "Natural tatay niya 'yon, e. Nararapat lang na doon siya tumira." "I don't like that idea. Ayokong kamulatan ni Clint kung anong lifesyle mayroon ang ama niya." "Shut up! Hindi mo siya kilala." "I know him too well. Believe me, Sweetheart."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD