Chapter 13

1999 Words
Chapter 13 "Say it, Baby," wika ko kay baby habang pinapaarawan ko siya. "Ma-ma. Come on, say it. Ma-ma." "Pa-pa-pa-pa," dinig kong sagot ni Baby Charlen. Nakasubo na naman sa bibig niya ang kanang kamao. Pilit ko iyong tinatanggal pero pilit din niyang isinusubo kaya hinayaan ko na lang. "Pa-pa-ap-pa." Napangiti na lang ako. Kahit ano talagang turo ko sa kaniya ng salitang mama, ay papa pa rin ang sinasagot niya. "Bye, Coach," dinig kong paalam ni Clint kay Chuck na ngayon ay abala sa pagbabasa ng ilang papeles habang umiinom ng kape. Lumapit siya sa amin. "Bye, Mom. Gotta go. Bye, Baby." Ngumisi si Chuck nang makitang kulay yellow na jersey ang suot ni Clint. "Take care, Bumbble Bee. Good luck." "Thanks, Optimus Prime. I will," saad naman ng anak ko. Nakasuot ng kulay pulang t-shirt si Chuck at navy blue na cargo shorts. Abala ito sa pagbabasa ng mga papeles na dinala kahapon ni Rina. Napailing na lang ako. Kung anu-ano na lang ang tawagan ng dalawang ito na nakabase sa mga animated series na napapanood nila. "Clint, huwag makikipag-away, ha," paalala ko. May inter-school basketball match kasi at ayokong maulit na naman ang nangyaring panununtok sa anak ko. "Remember the golden rule, boy." Ngumisi na naman si Chuck. "Of course, Coach." Ngumisi na rin ang anak ko at nakipag-fist bump sa kaniya saka dumiretso na sa kotse ngunit bago makasakay ay nagsalitang muli, "Huwag na huwag padedehado sa kalaban. Kung may pasa ang mukha ko, dapat sila, bali ang buto." Hindi ko na nagawa pang sawayin ang anak ko dahil pinaandar na ni Kuya Ernie ang kotse. Tiningnan ko nang matalim si Chuck na panay lang ang tawa. Inilapag ko muna si baby sa stroller saka kinuha ko ang gatas sa ibabaw ng mesa para hindi siya umiyak. Hindi ko pinansin si Chuck nang dumulog ako sa mesa para mag-almusal. Ayoko sa mga salitang itinuturo niya kay Clint. Baka maging basagulero ang anak ko. Huwag naman sana. "Nood tayo ng game ni Clint, Sweetheart," saad niya mayamaya pero hindi ko siya kinibo. Patuloy lang ako sa pagkain. "Sweetheart? Did I do something wrong? Galit ka naman." "Pa-pa-pa-ap-pa," dinig ko na namang saad ni baby. Nanggigigil na naman siya sa feeding bottle. Kinagat niya iyon saka itinapon. Napahalakhak si Chuck nang gumulong iyon at nalaglag sa pool. "Ang galing ng baby namin. Nice one, Baby." Tumayo siya at kinarga si Charlen dahil nagta-tantrums na naman matapos itapon ang feeding bottle niya. "Pa-pa-ap-pa." Nanggigil na naman siya sabay subo ng kanang kamay. Tumayo ako at pinunasan ang bibig niya dahil naglalaway na naman siya. Tumutubo na kasi ang ngipin niya kaya palaging aburido. Tuwang-tuwa naman si Chuck sa nakikitang pag-aalburuto ng bata. Mula nang ipanganak ko si Charlen ay hindi ko man lang siya nakitaan ng pagkainis sa tuwing magta-tantrums si baby. Minsan ako pa ang sumusuko kapag hindi na tumitigil sa pag-iyak ang bata. "Okay, Baby. Say ma-ma," wika ni Chuck nang tumigil na si baby sa pag-iyak. Muli akong umupo at itinuloy ang pagkain. Dinig ko ang pagtawa nilang mag-ama. "Pa-pa-pa-ap-pa..." "Ma-ma, baby. Say ma-ma." "Pa-pa-pa-ap-pa..." Matapos kumain ay ch-in-eck ko ang messages sa phone ko. Doon ko ibinuhos ang aking atensiyon at mayamaya ay namalayan ko na lang na tulog na si Charlen. Nakayakap siya sa ama at himbing na himbing sa dibdib ni Chuck. Kahit naiinis ako kay Chuck ay napangiti ako sa tagpong iyon. Kinuhanan ko sila ng picture nang hindi namamalayan ng huli dahil panaka-naka niyang hinahalikan ang bumbunan ni baby. "Kanina mo pa ako hindi kinikibo," saad ni Chuck matapos niyang ilapag sa stroller si baby. Umangat ang paningin ko at tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata. "Ayokong lumaking basagulero ang anak ko kaya huwag na huwag mo siyang tinuturuan ng mga salitang pang-kalye." "Don't worry, Sweetheart, hindi lalaking basagulero si Clint. And about what happened a while ago, don't take it seriously. Nagbibiruan lang kami ni Clint." "Kahit na..." Muli kong itinuon ang aking paningin sa phone. Naiinis pa rin ako sa kaniya. Alam naman niyang malaki ang impluwensiya niya sa anak ko kaya dapat maging mabuti siyang halimbawa. Hindi 'yong kung anu-anong kabulastugan ang itinuturo niya kay Clint. Namalayan ko na lang na niyapos niya ako mula sa likod. Dinampian niya ng halik ang balikat ko kaya natigil ako sa pagtingin ng pictures na ipinadala ni Eden dahil pakiramdam ko biglang uminit ang buong katawan ko. Napasinghap ako sa ginawa niyang iyon. "Sweetheart," bulong niya. "Tulog na si baby. Baka naman..." Pinagapang niya ang labi papunta sa puno ng tainga ko kaya naalarma ako. "No," paos kong sagot. Hindi pwede. "Sweetheart naman. Ilang buwan na akong on diet." Dama ko ang inis sa boses niya. "Almost six months na si baby, hindi pa rin pwede?" "Six-month rule." Tinanggal ko ang mga braso niya na nakayapos sa akin. Nakakadarang iyon at kung hindi ko pipigilan ang aking sarili, baka mabuntis na naman ako. Kailangan dumating muna ang monthly period ko nang sa gano'n ay maumpisahan ko ng gumamit ng contraceptive. Wala pa akong planong sundan si baby lalo na't magsisimula na akong magtrabaho sa kompanya ni dad. "I am a rule-breaker, Sweetheart." Ngumisi siya at nagulat na lang ako nang bigla niya akong pangkuin sabay halik sa labi ko. Sh*t! Napakapit ako sa batok niya para hindi ako malaglag. Naging dahilan iyon para mas lalong dumiin ang halik niya sa akin. Nagtagumpay din siyang maipasok ang dila niya sa bibig ko kaya hindi ko na naman mapigilang umungol. Umupo siya habang karga ako saka pinanggigilan ang leeg ko. "Chuck..." "Shhh...Just let me do this, Sweetheart." Muli niyang sinakop ang labi ko dahilan para tuluyan na akong mawala sa katinuan. Mabuti na lang at kaming tatlo lang ang tao dito sa bahay kaya walang makakarinig sa ungol ko. Mataas din ang bakod kaya ligtas kami sa mapanuring mata ng mga tao. Hindi namin namalayan ang oras dahil kapwa kami abala sa halikan. Nagulat na lang kami nang marinig namin ang iyak ni baby. Bigla akong bumitiw sa pagkakayakap kay Chuck saka dinaluhan ang anak ko. Kaagad ko siyang kinarga at laking pagsisisi ko nang mapansing pinagpapawisan na siya dahil natatamaan ng sikat ng araw kung saan nakalagay ang stroller niya. Magulo na rin ang buhok niya at sa tantiya ko ay kanina niya pa sinasabunutan ang sarili. "I'm sorry, Baby." Yakap ko siya habang inaalo. Inayos ni Chuck ang buhok ni baby saka hinaplos ang likod nito. "Sorry, baby. Ang mommy mo kasi masyadong sabik sa halik ni daddy." Ngumisi siya matapos sabihin iyon. "Kapal mo, ah." Kinurot ko siya sa tagiliran. "Ikaw itong nagsimula." Tinalikuran ko na siya at pumasok na sa bahay para i-breastfeed si baby. Naririnig ko pa ang halakhak niya kaya inis na inis ako. "I love you, Sweetheart," pahabol niya pa. **** Matapos paliguan si baby ay humiga na kami para i-breastfeed siya. Simula nang lumipat kami sa bahay na ito ay ganito na ang daily routine namin. Ako ang nagpapaligo sa kaniya kapag wala si yaya. Halos sa bata lang nauubos ang oras ko dahil ayaw ni Chuck na gumagawa ako ng gawaing-bahay liban na lang sa pagluluto. Mayamaya ay naramdaman kong may humalik sa labi ko. Iminulat ko ang ang aking mga mata at napansin kong nakangiti si Chuck. Tulog na rin si baby at nakatalikod na sa akin. Bigla kong tinakpan ang dibdib ko dahil doon na naman nakatutok ang mga mata ni Chuck. Alam kong may kalokohan na naman siyang naiisip dahil iba na naman kung makangiti. "What time is it?" tanong ko saka tinakpan ang aking bibig dahil humikab ako. Nakaidlip ako. Akma na akong babangon subalit pinigilan ako ni Chuck. Humiga siya sa tabi ko saka niyakap ako. "Alas nuwebe pa lang ng umaga, Sweetheart. Ituloy na natin 'yong ginagawa natin kanina sa may pool." Sinimulan na naman niya akong halikan subalit hindi ako pumayag. "Chuck," mahinahon kong saad. "I'm gonna start working next week, right?" "Uhmm. Why?" "I just want you to know that we should start planning our family." Ngumisi siya at muli akong hinalikan sa labi. "Now that you bring it up, I want a big family, Sweetheart. I want ten kids kaya dapat masundan na si baby." Nilingon niya si Charlen na mahimbing na natutulog. Inirapan ko siya. "Two kids will do." "What? Ibig sabihin ayaw mo na magbuntis? Okay na sa 'yo sina Clint at baby?" Kumunot ang noo ko. "Clint isn't yours. I want us to have another baby." Nangislap ang mga mata niya. "Then we should make another one now. I-" "Chuck." Tinakpan ko ang bibig niya. "Not now, please? Alam mo namang hindi pwede. Ang gusto ko lang ipaintindi sa 'yo is we have to use a safe method. If you want to have s*x with me-" "Lovemaking, Sweetheart. I don't do s*x when it comes to you." Ayokong makipagtalo sa kaniya. "Okay. Lovemaking. I don't have my period yet. And I'm afraid that I might get pregnant again if you insist to do what you want us to do without any-" Natigil ako sa pagsasalita nang ibaon niya ang mukha sa leeg ko. "Sweetheart," bulong niya. "I told you before that I want a big family and I don't want to use condom. It's not enjoyable." "Temporary lang naman, Chuck. Just give me two months. Ayoko muna magbuntis. Ayokong masundan kaagad si baby." Niyakap ko siya dahil tila nawala na siya sa mood. Panay na lang ang buntong-hininga niya. "Please try to understand, hmm." "That's what I always do," saad niya saka bumulong, "Kailan kaya darating ang panahon na ako naman ang masusunod?" Ngumiti ako. "After two months, you can do whatever you want." Nakapagdesisyon na ako na gagamit ako ng contraceptive sa oras na dumating ang period ko. I want to be safe dahil hindi ko alam kung hanggang kailan matino ang lalaking ito. Wala kaming imikan sa mga sumunod na sandali. Nakayakap lang siya sa akin habang pinagmamasdan namin si Charlen na himbing na himbing pa rin sa pagtulog. Hindi ko alam kung payag siya sa suhestiyon ko pero nakadama ako ng pag-asa nang halikan niya ang tuktok ng ulo ko. "Bukas darating ang night nanny ni baby. Kung okay siya sa 'yo, pwede na siya magsimula sa lunes," saad niya. "Night nanny? Bakit ka pa kumuha, e, kaya naman ni yaya. At nandito naman ako sa gabi." "Sweetheart, working in a muti-million company is a very stressful job. Trust me. Been there, done that. Kaya ayoko sanang magtrabaho ka. Gusto ko, dumito ka na lang sa bahay, but you insist." "Hindi ako sanay na palaging nasa loob ng bahay." "Exactly. I just want to make things easy for you. And one more thing, dadating si Manang Sara next week kasama ang dalawa pang kasambahay." "Ang dami na no'n, Chuck. Nag-offer naman si Clint na tutulong siya sa gawaing-bahay." "No. I want him to focus on his studies. That's his duty, not the house chores." Sa sobrang tuwa, napayakap na lang ako sa kaniya. Parang babalik na naman ako nito sa dati kong buhay noong nasa poder pa ako ng mga magulang ko. Napapaligiran ng mga katulong at walang ibang ginagawa kundi ang mag-utos dahil ayaw akong pagtrabahuhin noon ng mga magulang ko. Same with Chuck now, ayaw niya akong gumawa ng gawaing-bahay. "Isa lang pakiusap ko, Sweetheart." "Ano 'yon?" "Baka pwede i-breastfeed mo pa rin si baby kahit na nagtatrabaho ka na, but if you don't like we can give her milk formula instead." "Don't worry, ibe-breastfeed ko pa rin si baby, but still she'll need milk formula kapag nasa trabaho ako." Tumango siya. Tinitigan ko siyang maigi dahil biglang lumungkot ang mga mata niya. "Chuck, magtatrabaho ako roon, hindi ako maghahanap ng lalaki, hmm." Tinapik ko ang pisngi niya. "Alam kong iyon na naman ang inaalala mo. So cheer up, sa 'yo lang ako. I love you." Hinalikan ko siya sa labi para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. "I love you too, sweetheart."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD