Chapter 40 Kinaumagahan ay nagulat na lang ako nang pagbukas ko ng pinto ay mukha ni Rico ang nabungaran ko. Nakasandal siya sa pader, naroon sa bulsa ng magkabila niyang pantalon ang mga kamay niya at waring kanina pa naghihintay sa akin. Ngumiti siya at pinasadahan ang kabuuan ko. Mabuti na lang at isinuot ko na ang blazer bago ako lumabas kaya hindi na niya makikita ang suot kong white tube na isang dangal lang ang lapad. Ramdam ko na tila kakaiba ang mga tingin niya sa akin ngayon na parang may halong pagnanasa. Ibang-iba sa Rico na nakilala ko noon. Kahit kinakabahan ay nakuha ko pa ring suklian ang ngiti niya. Ayokong husgahan kaagad siya dahil baka ako ang may problema sa aming dalawa. Na baka kaya ako nagkakaganito ay dahil madaling-araw na ako nakatulog bunga ng pakikipag-vid

