Chapter 39 Pasado alas singko na natapos ang unang araw ng convention at isa si Rico sa mga naging speaker ng pagtitipong iyon. Hindi ko batid kung bakit sa dinami-dami ng taong pwede kong makatabi ay doon pa ako napunta malapit sa kaniya. Ang masama pa ay nakipagpalit pa siya ng upuan para lang makatabi ako. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan dahil may ilang taong dumalo na nakakakilala sa akin at panay ang tanong tungkol sa amin ni Chuck. Alam kong bukas makalawa o baka mamaya ay malaman ni Chuck na narito rin si Rico. Paakyat na sana ako sa aking kwarto para magpahinga nang mamataan ko si Kyla na papalapit sa front desk. Nakasuot siya ng kulay itim na backless blouse, itim na pants at tinernuhan ng high heeled shoes. Lihim akong napangiti dahil pati lipstick ay kulay itim. Mukhang nag

