Chapter 38 Dalawang linggo matapos ang insidenteng iyon ay napansin ko na lalo pang nagkakalapit ang loob nina Chuck at Clint. Kung noon ay hinihimok ni Chuck na magpunta ang anak ko sa condo ni Fern, ngayon ay kabaliktaran na ang nangyayari. Hayagan na niyang sinusulsulan si Clint at minsan ay naririnig ko pa, pero wala naman akong magawa dahil palagi silang nagkakampihan. Siguro kung nagpaka-ama lang sana si Fern noon ay hindi ito mangyayari. Malamang ipagtanggol pa ni Clint ang ama. Patuloy naman ako sa pagtatrabaho sa kompanya sa kabila ng iringan nina Paul at Mr. Mallari. Alam kong may nangyayaring anomalya sa finance department at kating-kati na si Paul na tanggalin ang huli pero hindi niya magawa. Hindi ko naman sila tahasang mapagsabihan dahil kulang pa ang nakalap kong ebidensiy

