Chapter 23

2082 Words
Chapter 23 "What brought you here?" Nakataas ang isang kilay ko nang makitang tila iniinspeksiyon ni Patrick ang kabuuan ko. Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya ay pinasadahan na ang hitsura ko mula ulo hanggang paa. "Taray natin, 'teh?" Inirapan niya ako saka umupo sa sopa. "Ligs naman," nagtatampong wika ni Eden. "Hindi ka na nga sumasama sa mga lakad ng barkada, ganyan ka pa kung magsalita sa amin?" Nakausli ang labi niya nang umupo sa tabi ni Patrick. "Hindi naman sa gano'n. Wrong timing kasi ang pagpunta n'yo rito. May meeting ako in an hour." Bumuntong-hininga ako at inutusan si Margie na magdala ng juice para sa dalawa kong kaibigan. "E, di walang problema. Hihintayin ka namin ni Patrick para sabay-sabay na tayong mag-lunch." Bigla akong napasimangot. Nangako ako kay Chuck na sabay kaming mag-la-lunch at ayokong i-cancel 'yon. Ngayon pa na nagiging smooth na ang relasyon namin. "See, Eden," siko ni Patrick. "Nag-iba na si Ligs nitong mga nakaraang araw." Ngumisi siya. "I'm sure nakatikim na naman 'to ng masarap na putahe. Kita mo ang fez, blooming na blooming ang lola mo." Humagikhik silang dalawa. "Ligs," sabad ni Eden. "Don't tell me maayos na ulit kayo ni Chuck?" Tumango ako kaya lalong lumuwang ang pagkakangiti nila.Napangiti na rin ako nang sundutin ni Eden ang aking tagiliran saka niyakap nila ako. "So happy for you, Ligs. Mabait naman si Chuck, e. Di ba, Eden?" "Uhmm. Tanggap niya si Clint kaya doon ako nakumbinse na mahal ka nga niya." "Sorry," saad ko nang bumitiw sila sa pagkakayakap sa akin. "Hindi ako makakasama sa inyo kasi nangako ako kay Chuck na sabay kaming mag-la-lunch." "Okay," magkapanabay na sagot nila. "Basta sa weekend, ha, Ligs, sa amin ka. Mag-get together naman tayo. Ang tagal ka na naming hindi nakakasama." Tumango ako kay Patrick. "O, siya, Eden alis na tayo at may meeting pa raw si Ligaya." Tumayo na ito kaya nagpatianod na lang si Eden. "Bye, Ligs." Bumeso siya sa akin gano'n din si Patrick. "Bye, ingat." Papalabas na sila ng pintuan nang lumingon si Patty. "Ligs, why don't you surprise him? Imbes na ikaw ang puntahan niya, ikaw na lang ang pumunta sa office niya. I'm sure he'll appreciate such gesture." Napangiti ako. Tama naman siya. Matagal na rin pala akong hindi nakakapunta sa toy company. "I will. Thanks." *********** Lagpas alas onse ng tanghali nang matapos ang meeting. Hindi na ako nag-aksaya ng oras, umalis na ako sa opisina para puntahan si Chuck. This time ako naman ang mag-e-effort para sa relasyon namin. Pangiti-ngiti ako habang nakasakay ng taxi. Iniisip ko na kung ano ang magiging reaksiyon ni Chuck kapag nakita niya ako. Nag-retouch ako ng make-up nang malapit na ako sa building na pag-aari niya. Kailangan kong maging maganda sa paningin niya. Matapos magbayad ay bumaba na ako at dumiretso sa elevator. Ngumiti lang ako sa mga nakakasalubong kong empleyado na panay ang pagbigay-galang sa akin. "Good morning, Ma'am," bati sa akin ni Rina. Ngumiti ako. "Is he busy?" "Hindi naman po. May kausap po siya sa loob. Si Sir Jackson po." "Jackson?" "Opo. 'Yong may-ari po ng resort sa kabilang bayan." "Ah, okay." Umupo ako sa bakanteng sopa. Mamaya na ako papasok pag nakaalis na ang Jackson na 'yon. "Kararating lang ba ng ka-meeting niya?" "Kanina pa po, Ma'am. Panay ang tawanan nila sa loob kaya sa palagay ko ay hindi naman negosyo ang pinag-uusapan nila. Pumasok na po kayo, Ma'am." "Hintayin ko na lang matapos ang pag-uusap nila." Kinuha ko na lang ang phone ko at nag-check ng e-mail nang maulinigan ko ang pagtawa nila dahil nakaawang ang pinto. Eksaktong alas dose nang lumabas ang dalawa sa opisina ni Chuck. Sabay silang napatingin sa gawi ko at nagulat. Tumayo ako at lumapit sa kanila. "Ligs?" Nakangiti si Jackson. "Long time, no see. Kumusta ka na?" Akmang hahalik siya sa pisngi ko ngunit mabilis akong yumakap kay Chuck. "I miss you, Sweetheart." Nilagay ko ang kanang kamay ko sa batok ni Chuck at hinalikan siya sa labi. "Aren't you surprise I'm here?" Gulat na gulat si Chuck sa ginawa ko. Ilang segundo siyang natigilan. Napangiti siya. "Of course I'm surprised, Sweetheart. I was about to fetch you, but because you are already here, maybe we could-" "Sure, Sweetheart. I bet," nilingon ko muna si Jackson, "paalis na rin si Jackson?" "Yeah." Pansin ko na natigilan si Jackson lalo na nang makita niya ang mahigpit na pagkakahawak ni Chuck sa baywang ko. Nakaplaster naman ang ngiti sa mukha ko. Masaya ako ngayon at mas lalong sasaya ang araw ko kapag umalis na siya dahil kanina pa ako naiinis sa pagmumukha niya. "Bye, Jackson," nakangiti ko pa ring saad at niyaya ko na si Chuck papasok ng opisina niya. "I have something to tell you, Sweetheart." Matamang nakikinig si Chuck sa sinasabi ko at nang makapasok na kami sa opisina niya ay bigla niya na lang ini-lock ang pinto at isinandal ako roon saka sinalakay ng halik ang labi ko. Marubrob ang halik na iyon na hindi ko magawang kontrahin. Nakakabaliw! Halik niya pa lang nababaliw na ako. Ano pa kaya kung mas pa roon? "You are mine, Sweetheart," saad niya matapos ang nakakabaliw na halik na 'yon. Tinitigan niya ako sa mga mata at masuyong hinahaplos ang kaliwa kong pisngi. "Ayokong may kahati sa 'yo. Akin ka lang, akin lang." Bumalatay ang takot sa mukha niya na hindi ko maintindihan. "Chuck, please stop saying those words." Nagulat siya nang marinig ang pagtawag ko sa kaniyang pangalan. "I'm always yours, okay?" "Marry me then." Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig iyon. Hanggang ngayon, iyon at iyon pa rin ang gusto niyang mangyari. Wala talagang nabago sa plano niya na magpakasal kami. Pwede naman sana kung hindi lang ako nahaharap sa isang malaking problema na pilit kong sinusulosyunan mag-isa. Ayokong idamay siya sa problema kong ito na halos araw-araw ay pilit na ipinapaalala sa akin ni Irma. "Saka na natin pag-usapan ang tungkol diyan, Chuck," bulong ko at para hindi na siya makapagtanong pang muli ay idinampi ko ang aking labi sa kaniya. "I want this." Kasabay ng paghalik ko sa kaniya ay ang paghimas ko sa matigas na bagay na naroon sa ibabang parte ng kaniyang puson. Mahina siyang napamura pero hindi ko pa rin iyon tinigilan. Mas gusto kong mabaliw siya sa sarap na hatid niyon kaysa mabaliw siya sa galit dahil ang pinapangarap niyang kasal ay malabong mangyari. Sa malamig na silid na iyon ay damang-dama ko ang init na hatid ng pinagsanib naming mga hubad na katawan. Payapa ang kalooban ko sa tuwing magkasama kami. Nawawala ang takot ko sa tuwing maririnig ko ang salitang 'mahal kita' sa mga labi niya. Masaya na ako sa ganito, kahit walang maganap na kasalan ay maipagmamalaki ko naman sa lahat na nagmamahalan kami. "Tulala ka na, Sweetheart," saad niya matapos ang mainit na sandaling iyon. Itinagilid niya ang ulo ko at tinitigan ako sa mga mata. "Don't you like my performance? I could give you another mind-blowing se-" "Shhh." Nilagay ko ang aking kanang hintuturo sa labi niya para patigilin siya. "That was great and I love it." Ngumisi siya. "Then we could have another-" "I would love to, Chuck." Kasabay ng pagningning ng mga mata niya ay naramdaman ko ang matigas pa niyang sandata na tumutusok sa ibabang bahagi ng aking puson. "But I'm tired...and hungry. Can we have our lunch?" Napakamot siya sa ulo at napangiti. "I'm sorry, Sweetheart." Matapos niya akong yakapin ay kinuha niya sa ibabaw ng mesa ang cellphone. Narinig kong binanggit niya ang pangalan ni Rina nang tumayo ako at pumasok sa washroom. Matapos makapaglinis ay lumabas na ako. Nakahiga pa rin si Chuck sa maliit na kama. Nakabihis na siya at tila inaantay akong lumabas. "Lunch is ready, Sweetheart." Tumayo siya at niyakap na naman ako. "Do you have an extra suit here?" tanong ko nang mapansin kong gusot-gusot na ang suot niyang long sleeve polo. Inayos ko rin ang medyo mahaba na niyang buhok. "Nakakahiya kapag may dumating na kliyente tapos ganyan ang suot mo." Ngumisi siya. "Wala 'yan sa suot, Sweetheart, nasa nagdadala 'yan. Ang importante, magandang lalaki ang makakaharap nila." "Yabang!" Kinurot ko siya sa tagiliran. "Totoo naman kasi." Tumawa siya. "Pustahan tayo, guwapong-guwapo ka sa akin, di ba?" Kinuha na naman niya ang kamay ko at hinalikan. "Di ba?" "Yabang mo talaga," nakangiti ko ng sagot. "Sige na nga para matigil ka na." "Napipilitan ka lang yata, Sweetheart?" Umusli ang labi niya. Inayos ko ang collar ng suot niyang damit at dahan-dahang nagsalita. "Next time, Chuck be mindful of your dress. Gusto ko maayos ka palagi tingnan. 'Yong clean-cut kasi nakikiharap ka sa maraming tao. Ano na lang ang sasabihin ng mga iyon sa akin? Na hindi kita inaalagaan?" "Sweetheart, I'm comfortabe with what I'm wearing. Saka hindi ko sila kailangan i-impress. Wala akong kailangan sa kanila dahil sila ang may kailangan sa akin." Napailing na lang ako. 'Yon ang palagi niyang sinasabi. Na kahit simple lang ang pananamit niya ay wala siyang pakialam. Hahabulin at hahabulin siya ng tao dahil sa negosyong mayroon siya. Wika pa niya, hindi siya ang mag-a-adjust. "Yabang mo talaga," muli kong saad. "Maghubad ka na lang kaya kung ganiyan lang din ang mindset mo." "Oo ba." Ngumisi siya saka bumulong, "Don't you know, Sweetheart, that the best part in life is experience without dress? Like what we did a few minutes ago." Kumindat pa siya kaya uminit na naman ang pisngi ko. Sh*t talaga ang lalaking ito. Walang ibang naiisip kundi ang... "Kumain na tayo, nagugutom na ako." Lumabas na ako dahil hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko sa harap niya. Leche talaga! Para akong bumabalik sa pagiging teenager kapag kaharap ang lalaking ito. Laging may nakahandang banat sa bawat sasabihin ko. Nang makaupo na ako ay nilagyan ko ng kanin ang plato niya. Pangiti-ngiti lang siya habang nagsasalin ng juice sa baso. "I want you to have your hair cut, Chuck," wika ko matapos ko siyang subuan. "Ang haba na ng buhok mo." "Ngayong weekend na lang, Sweetheart para sabay kami ni Clint. Last week pa 'yon nag-aaya mag-mall." "Sasama kami ni baby." "Akala ko ba may lakad kayo nina Patrick?" Uminom ako ng tubig. "Oo nga pala." "See? Kaya kami na lang ni Clint." "Chuck, don't spoil that kid too much, ha. Baka kung anu-ano na naman ang bilhin mo para sa kaniya." "As long as kaya kong bilhin, why not?" Napaawang na lang ang labi ko. Kaya nagagalit si Fern dahil kung anu-ano ang pinagbibili niya kay Clint. Bawat magustuhan ni Clint ay binibili niya. Kaya hindi na magawang tumira ng anak ko sa tunay niyang ama dahil lahat ng materyal na pangangailangan niya ay si Chuck ang nagpo-provide. Nitong mga nakaraang araw ay hindi na rin pinupuntahan ni Clint ang kaniyang ama na hindi ko naman magawang sawayin dahil ayon kay Chuck, malaki na ang anak ko at hayaan ko na lang magdesisyon kung saan gusto tumira. "I don't like it, Chuck," prangkang saad ko habang kumakain. "Limit yourself when it comes to my son. Ayokong giyerahin na naman ako ni Fern." "Sweetheart?" "Just do me a favor, Chuck. Kumbinsihin mo si Clint na umuwi sa ama niya this weekend after n'yo mag-mall. It's been a while since he visited his father." Hindi na siya umimik matapos kong sabihin iyon. Alam kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ko dahil tumigil na siya sa pagkain at kinuha ang cellphone niya. Panay lang ang tipa niya at nang magtangka akong subuan siya ng pagkain, ay tinanggihan niya iyon. "Have you talk to that bastard lately?" tanong niya na ikinalingon ko. Nakakunot ang noo niya at hindi man niya pangalanan ay alam kong si Fern ang tinutukoy niya. "No. Why?" Hinawakan niya ang kamay ko at dama kong nag-iba ang mood niya dahil sa mga sumunod niyang sinabi. "That's the only rule I want in this relationship, Ligs. Never talk to that man." Napakunot ang noo ko. "Rule? Chuck, you can't do that. May anak kami-" "At may anak din tayo," kaagad na sagot ni Chuck. "Kailangan namin pag-usapan ang tungkol sa anak namin," pangangatwiran ko pa. Tinapos ko na ang pagkain ko dahil nawalan na ako ng gana. Umaatake na naman pagiging seloso ng lalaking ito. "Is it just about Clint?" Tinitigan niya ang mga mata ko. "Or is it about how you two could be reunited? Tell me, Ligs." Humigpit ang pagkakahawak niya sa kaliwang braso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD