Chapter 22

1942 Words
Chapter 22 "Bukas mo na lang ibaba ang mga bagahe, Kuya Ernie," wika ni Chuck nang makarating kami sa bahay. "Matulog ka na." "Ayos lang, Sir Chuck. Natulog lang naman ako maghapon," sagot ni Kuya Ernie at binuksan ang likod ng kotse para ibaba ang bagahe. Tumango lang si Chuck at pumasok na kami sa bahay. Hawak niya sa kaliwang kamay ang bag ko. Naroon naman sa baywang ko ang kanang kamay niya. "Mom, Coach," bungad sa amin ni Clint. May hawak siyang cellphone sa kabilang kamay nang lumapit sa amin. Napailing na lang ako. Ginagabi na naman sa paglalaro ng Mobile Legends. "Gabi na, boy." Nagbungguan na naman sila ng kamao matapos bumeso sa akin ng anak ko. "Ba't gising ka pa?" "Hinihintay ko kayo, Coach. Musta ang bakasyon?" "Success," turan ni Chuck at ginulo ang buhok ng anak ko. "Thanks." Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan sila. Malakas ang kutob ko na kinuntsaba niya ang anak ko para makapagbakasyon kami nang wala sa oras. Nilapag ni Chuck ang bag ko sa sopa saka tinapik ang balikat ni Clint. "Go to your room. Matulog ka na at maaga ka pa bukas." "Where's my guitar?" "Naroon sa kotse. Bukas mo na kunin at gabing-gabing na." "Good night, mom." Bumeso si Clint sa akin at mabilis na tumakbo paakyat sa hagdan. "Careful," magkapanabay na wika namin ni Chuck. Umupo ako sa sopa at tinanggal ang suot kong sapatos. Tahimik ang buong kabahayan. Tulog na siguro ang mga katulong. Nakita ko si Manang Sara na pababa ng hagdan. "Magandang gabi, Ma'am Ligaya. Kumusta ho ang bakasyon n'yo ni Sir Charles?" "Maayos naman po, Manang Sara." Naiilang ako sa tuwing hino-ho niya ako at tinatawag na ma'am. "Kumusta po 'yong audition na pinuntahan ninyo? Sabi po kasi sa akin ni Clint ay magpapasama na lang siya sa inyo ni yaya dahil nasa bakasyon kami ni Chuck." "Naku, Ma'am hindi po tumuloy si Clint dahil wala raw 'yong ibang kasamahan niya." "Batang 'yon," usal ko. "Ano na naman kaya ang nangyari? May magagamit naman siyang gitara. Mabuti at hindi ho kayo binigyan ng sakit ng ulo." "Naku ang batang 'yan, napakasinop. Siya ang naglinis ng kwarto niya at tumulong pa sa paghuhugas ng pinggan. Sinabihan ko na magpahinga na lang at marami naman kaming gagawa niyon." "Ginawa 'yon ni Clint, Manang Sara?" tanong ni Chuck. Galing siya sa kusina at inilapag sa mesa ang dalang tray na may lamang isang basong tubig. "Sa susunod huwag n'yo ho hayaan na gumawa siya rito sa bahay." "Hayaan mo na, Chuck," sabat ko . "Paano matututo 'yan ng gawaing bahay. Isa pa puro laro lang naman ang inaatupag niyan kapag narito sa bahay." "Kahit na, Sweetheart." Umupo siya sa tabi ko at nilagay sa mga hita niya ang binti ko saka minasahe. Nilingon niya si Manang Sara na napangiti sa ginawa ni Chuck. "Matulog na po kayo, Manang Sara. Ako na lang ho ang magsasara ng pinto." Tumayo na ang huli at pumasok na sa kuwarto. "Tired?" tanong ni Chuck nang kaming dalawa na lang sa sala. Patuloy niyang minamasahe ang mga binti ko. Masarap sa pakiramdam, nakakarelax pero sa kabilang banda ay nahihiya ako. Baka sabihin ng mga makakakita na inaalila ko si Chuck. "Stop doing that, Chuck." "You don't like it anymore, Sweetheart?" Inabot ko ang isang basong tubig at ininom iyon. "You're not suppose to do that, Chuck. I should be the one doing that to you, pero baliktad ang nangyayari." Ibinaba ko na ang mga paa ko at hinawakan ang kamay niya saka isinandal ang ulo ko sa balikat niya. "Ako itong babae pero ako pa itong inaalagaan mo." "I love doing that to you, I love taking care of you." Ngumiti siya at pinangko ako. "Put me down, Chuck. Kaya kong maglakad papunta sa kwarto." Ngumisi siya at bumulong, "Anong gusto mo, Sweetheart? Kakargahin kita o gagapangin kita?" Kumindat pa siya kaya uminit ang pisngi ko. Bakit parang iba ang dating sa akin ng huling dalawang salita? Napangiti ako saka kumapit sa batok niya. "Pwede both?" "I like that. Nagiging makasarili ka na, Sweetheart." Tumawa siya at naglakad na paakyat habang karga ako. Mabuti na lang tulog na ang lahat ng mga kasama namin sa bahay. Hindi rin lumabas ng nursery 'yong night nanny dahil nakakahiya sakaling makita kami ni Chuck. "'Yong main door pala, Chuck, hindi pa naisasara," saad ko nang ilapag niya ako sa kama. Napakamot siya sa ulo. "Oo nga pala. Nakalimutan ko." Lumabas na siya ng pinto. Bumaba naman ako sa kama at binuksan ang adjoining room papuntang nursery. Napangiti ako nang makitang mahimbing na natutulog si baby. 'Yong night nanny naman ay nakaupo sa sopa at may binabasang flyer na sa tingin ko ay tungkol sa parenting. "Ay, ma'am, dumating na po pala kayo." Ibinaba niya ang binabasa at lumapit sa crib ni baby. "Magandang gabi po." Ngumiti ako. "Kumusta si baby? Hindi ba mahirap alagaan ang anak ko?" "Okay naman po siya, ma'am. Mahirap po minsan pero gano'n talaga ang bata lalo na't nag-iipin na si Baby Charlen. Kailangan na pong bumili ng bagong n****e. Palagi niya po kasing kinakagat, nangangati na kasi ang gilagid ni baby." "Magpapabili ako bukas." Hinaplos ko ang noo ni baby at hinalikan iyon. Lumabas na ako ng nursery at nagpalit ng damit pantulog. -------- Maaga akong nagising kinaumagahan. Pababa na sana ako ng kusina matapos kong maghilamos nang bumukas ang pinto ng kwarto. Iniluwa niyon si Chuck, nakangiti at may dalang isang basong gatas. "Drink this, Sweetheart bago ka maligo." "Mamaya na ko maliligo. Magluluto muna ako ng almusal." "Tapos na. Nakapagluto na ako, Sweetheart. Now, drink this at sabay na tayong maligo para mabilis." Ngumisi siya kaya alam kong may kalokohan na namang naiisip ang lalaking ito. "Baka mas lalong mapatagal ang paliligo natin, Chuck." Ininom ko na ang gatas na dala niya. Pumasok na ako sa banyo para maligo. Binuksan ko ang shower ngunit naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran. Nadismaya ako nang mapansin kong wala na siyang saplot. Hinila niya ang kamay ko at sabay kaming nabasa ng tubig. "Mabilis lang ito, Sweetheart," wika niya at pinatalikod ako. Sumunod naman ako ngunit ang hindi ko inaasahan ay nang bigla na lang niyang ipasok p*gkalalaki niya sa akin. Sh*t! Napasigaw ako sa sakit pero bigla ring nawala nang mag-umpisa na siyang maglabas-masok. Napalitan iyon ng di maipaliwanag na sarap na bukod tanging si Chuck lang ang maaaring makapagbigay sa akin. Sa ilalim ng malamig na tubig na nanggagaling sa shower ay naranasan ko ang nakakaadik na init ng pag-ibig ni Chuck. Lunod na lunod na ako sa pag-ibig niya at hindi ko alam kung makakaahon pa ako sakaling may dumating na namang unos sa pagsasama namin. "Stop it," saway ko habang inaayos ang necktie niya. Panay na naman kasi ang halik niya sa akin na para bang ngayon lang kami nagkita. "Sumusobra ka na, Chuck. Hindi ka pa ba nagsasawa, ha? No'ng weekend ka pa." "Sweetheart naman. Almost one year kaya akong diet. Hindi ka ba naaawa sa akin?" "It's not healthy anymore, Chuck." "Healthy? E, five rounds lang naman 'yong kanina, ah. Dati nga nakaka-ten rounds tayo." Pinamulahan ako ng mukha sa narinig. Sh*t talaga! Nakabukas ang pinto ng master's bedroom at nakakahiya kapag may nakarinig sa pinagsasabi niya. "Close the door," saad ko habang naglalagay ng eyebrow at blush on. Gusto kong maging maganda sa paningin ni Chuck. Gusto kong ipakita sa kaniya na kaya ko ring gawin ang ginagawa ng ibang mga babae. Siguro isa sa mga dahilan kaya naging matabang ang pagsasama namin ni Fern ay dahil hindi ako palaayos. Wash and wear lang ang ginagawa ko noon sa buhok ko, walang kolorete sa mukha, hindi gaya ng mga naging kabit ni Fern na palaging nakaarko ang kilay at mapula ang nguso na animo'y payaso sa sobrang pula. Nasanay kasi ako noong nag-aaral pa ako na palaging nasasabihan na natural ang angkin kong kagandahan. Na kahit walang make-up ay kayang irampa kahit saan. Kahit ang make-up artist ni mom ay ganoon ang sinasabi. "Chuck, ano ba!" sigaw ko dahil nagulat ako nang bigla niya na lang tanggalin ang nakapulupot na tuwalya sa katawan ko at paghahalikan ang ibabang bahagi ng katawan ko. Para akong batang nagpupumiglas nang iupo niya ako sa ibabaw ng mesa patalikod sa malaking salamin. "Stop!" "Sweetheart?" Napaawang ang labi niya nang tumingala sa akin. Nagtatanong ang mga mata niya. "I thought gusto mo dahil inutusan mo akong isara ang pinto." Napabuntung-hininga na lang ako. Hindi niya nakuha ang ibig kong sabihin. Napangiti na lang ako imbes na magalit. Siguro kung palagi ko siyang hahayaan sa gusto niya ay hindi na niya magagawa pang tumingin sa iba. Muli, ay nagpaubaya na naman ako. Masarap, masaya sa pakiramdam lalo na't isang Chuck Faulker ang nagpapaligaya sa akin na kulang na lang ay sambahin ang katawan ko. Natapos ang pagniniig na iyon at isang makapugtong hiningang halik ang iginawad niya sa akin bago kami lumabas ng kwarto. Magkahawak-kamay kaming bumaba ng hagdan. Naroon sa kabila niyang kamay ang bag ko, ako naman ang may hawak sa coat niya. "Excited ka na sa trabaho mo sa toy company?" Ngumisi siya at bumulong, "Excited na ako para mamayang gabi, Sweetheart." "Shut up!" saway ko dahil malapit na kami sa dining room. "Baka marinig ka ni Clint." "Morning, Mom. Morning, Coach," bati ni Clint sa amin. Bumeso siya sa akin, ginulo na naman ni Chuck 'yong buhok niya. "Coach naman! Kalalagay ko lang ng gel. Nawala tuloy sa ayos." Tumawa lang si Chuck at pinaupo ako. Nagsimula na akong maglagay ng pagkain sa plato niya. From now on, ako naman ang mag-aalaga sa kaniya. Pagsisilbihan ko siya gaya ng pagsisilbi niya sa akin. "May himala talaga, Coach," dinig kong wika ni Clint habang nakatingin sa aming dalawa. Nagkibit balikat lang si Chuck at kumuha ng pancake saka nilagay sa plato ko. Nilagyan din niya ng cereals ang mangkok at inilapit sa akin matapos lagyan ng gatas. Tahimik kaming kumakain ng agahan nang bumaba si yaya kasama si baby. Kaagad na tumayo si Chuck at kinarga ang bata. "Good morning, baby. Daddy missed you so much." Hinalikan niya ang bata sa noo at inilapit sa akin. "Say good morning to mommy," utos niya. "Pa pa papa ap pa." Tumawa kami nang marinig ang boses ni baby. "Nice one, baby," saad ni Clint. "Say mommy." "Pa pa papa ap pa." Tumawa si Clint. "Now, say daddy. Da-ddy. Come on." "Da da dada da." Walang pasidlan ang tuwang nadarama sa puso ko habang pinagmamasdan sila. Makita ko lang na masaya ang pamilya ko ay masaya na ako. Ganitong pamilya ang pinangarap ko noon pa at nagpapasalamat ako kay Chuck na kahit hindi galing sa kaniya si Clint ay tanggap niya at itinuring na parang anak niya. "I love you," wika ko habang hinihintay namin si Clint. Kinuha niya kasi ang cellphone sa kwarto niya. "I love you too, Sweetheart." Hinayaan kong halikan niya ang likod ng palad ko. "Thank you for making my life complete, Chuck. For accepting Clint even if he's not yours. For giving me a happy family. For loving me. For-" "Shhh." Nilagay niya ang hintuturo sa labi ko kaya tumigil ako sa pagsasalita. "I should be the one saying thank you, Sweetheart. I am not who I am now if it's not because of you. You taught me how to love, how to forgive. You taught me how to be a good man." Nababanaag ko ang sinseridad sa mga mata niya. Wala na talaga akong mahihiling pa. I am so blessed having this man beside me. I love him. I really love him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD