Simula
A/N;
Hi, ito ang kwento sa anghel na nagmumura HAHHAHHA oo hindi ko alam kung bat ito ang nasulat ko pero i hope na support niyo, Vote and Comments, thank you, if you want to read next chapter just comment para maupdate ko agad, thanks >.<
This is work of fiction. All the name that are in this story was from my own mind. If you find out that it has similarity in real life or in other story, i didn't mean that.
Plagiarism is a crime so please DO NOT copy or adapt any scenes, story titles, name and lines.
This installment has sensitive topics please allow the characters and the theme to progress. Enjoy reading!
Ako si Adeline Claire Rovale, 3 years na akong patay dahil sa isang aksidente, hindi ko naman sinisisi yung pagkaaksidente ko kaya ako nandito sa paraiso, yes this is paradise kung saan wala kang makikita sa mundo ng mga tao. Sa una hindi ko tanggap dahil first year college pala ako nun nung maaksidente ako, dahil doon hindi ko natupad ang pangarap kong maging isang doctor. Isa lang akong anak kaya mas nasasaktan ako sa nangyari dahil alam kung lubos na nasasaktan si Mommy sa nangyari saken pero kapag oras mo na talaga oras mo na.
Masaya naman manirahan dito sa paraiso dahil kasama ko ang mga kaibigan kong namayapa na katulad ko, mga kamag-anak ko.
Kung inaakala mong isa akong mabait, mahinhin na anghel pwes nagkakamali ka, ako lang naman ang ubod ng likot dito kung saan dahilan para mainis sa akin si Pinuno. Si pinuno ang nakakatandang anghel sa amin kung saan siya ang nagbibigay ng misyon sa mga kapwa ko anghel, hindi pa ako nagkakaroon ng misyon pero hephep ayaw kong magkaroon ng misyon dahil parang gusto ko ng mamatay kahit patay na rin ako.
" Adeline, tawag ka ni Pinuno, parang galit yata " narinig ko namang tawag ni Bianca ang pangalan ko, si Bianca ay kaedad ko lang kaya naging magbestfriend kami dito sa paraiso.
" May ginawa ka na naman noh Adeline? " Sabi ulit saken ni Bianca habang ang mga kamay ko ay nakatakip sa tenga ko para hindi ko marinig ang mga sinasabi saken ni Bianca, alam ko namang sesermunan na naman ako ni Pinuno, ano bang magagawa niya eh ganto talaga ugali ko.
" Adeline naririnig mo ba ako? "
" Hoy Adeline "
" Adeline, diyan na si Pinuno yari ka " agad ko namang tinanggal ang kamay ko sa tenga at umasta na parang inosente, nakita kong papalapit si Pinuno kung saan ako nakatayo.
" Adeline "
" Yes po Pinuno " sagot ko naman
" Ginawa mo ulit yung kasalan mo kahapon, ilang beses ko bang sasabihin sayo Adeline na wag na wag kang maglalaro sa ulap, lumalabas ka na naman dito "
Wala namang mali dun ah, nakipaglaro lang naman ako sa mga ulap at tsaka yung mga kapwa anghel ko pinangbato ko ng ulap, eh hindi naman masakit yun ah
" Ano po kase pinuno uh- " hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magsalita si Pinuno
" Dahil diyan may parusa kana " nanlaki ang mga mata namin ni Bianca nang marinig ang sinabi ni Pinuno, parusa? Arghhh
Ha? Hatdog parusa nahh, hindi maari ako si Adeline at tsaka walang parusa pagdating saken noh.
" Pinuno, magpapaliwanag po ako " sabi ko naman sabay lapit kay pinuno
" hindi mo na kailangang magpaliwanag adeline, nakailang paliwanag kana, mga 100 plus na nga diba at dahil sa ubod ng likot mo bibigyan ka na ng parusa, hindi naman sa parusa pero ito ang pinakamahirap na misyon "
Parusa daw tas naging misyon aba tanga kausap ni Pinuno ah, kaloka toh ha.
" MISYON? HAAAAAAAAAAA? " sigaw ko habang nakatakip ang kamay ko sa tenga, ang pinakakatakutan ko misyon, eh ayaw ko na nga dibang bumalik sa mundo ng mga tao dahil nasasaktan lang ako, paano toh? Paano tulungan niyo naman kase ako parang di friends ah.
" Adeline, pwede ba wag kang sumigaw, oo misyon at ang pinakamahirap na misyon, kaya sayo ko ibibigay, mawawalan ka ng pakpak muna at tsaka kapag nagawa mo ng mabuti ang misyon mo makakabalik kana dito at maibabalik na sayo ang mga pakpak mo "
" Bakit? Wag mong sasabihin pinuno na "
" Oo Adeline, sa mundo ka ng mga tao, yun ang misyon mo " sabi ni pinuno habang nakangiti saken, tumingin naman ako kay Bianca at gulat na gulat kaming dalawa sa sinabi ni pinuno.
" Hindiiiiiiiiiiiiiiii pwedeeeeeeeeeeeee!!! " Malakas na sigaw ko...
BRAY POV
" Where is Ely? " I asked to my worker habang nakataas ang isa kong kilay.
" Sir may emergency daw po si Ely, kaya hindi niya nadala sainyo ang mga pinapadala niyo sa kanya "
" Then why you didn't tell me earlier?, Edi sana pinakuha ko nalang sa iba, my god Ella, hindi mo ba naiisip yun, i need that now" I shouted
" Sir sorry po talaga, patawarin nyo ako, ngayon din po kukunin ko po sa bahay nila Ely " maluha-luha niya namang sabi
" Ano pang silbi nun, the client was gone, I said that I need the papers, I don't know what her emergency is, my god, you i***t, especially that Ely, please tell him she won't be going back to work again
" Sir sorry po eh- " i cut her off, i don't want to hear again her nonsense explanation, bobo talaga siya. Nakita ko namang namumula na ang mga mata hanggang sa tumulo na ang mga luha neto, but i don't care.
" You're fired too " i shouted
" Sir, please " umalis na ako habang nakatingin sa mga employee ko na nakatingin sa akin..
" Don't you have a job ha, you also want to be fired, ha what the hell all of you, you are worthless, go back to your job "
Lahat naman sila nagsialisan,
" Dara " i shouted her name with a coldly voice
" Yes po sir "
" Ngayon ikaw muna ang magiging secretary ko, and i don't want you to make a mistakes, one or two dahil kung hindi alam mo na ang mangyayari sayo, remember ayaw na ayaw ko na mga bobong katulad ni Ella at Ely! Understood? "
" Yes po sir "
DARA POV
" Yes po sir " yun lang ang nasagot habang nakatingin sa mga mata ni sir, omg ang gwapo talaga ni Sir Bray kahit na galit siya mukha paren siyang hot, naawa din ako kay Ella pero ang bobo kase niya alam naman kase niyang napakastrikto ni sir Bray hayts!
Paalis na si sir nang bigla siyang lumingon saken, omgg etoh na sabi ko na nga ba eh nagagandahan saken si Sir Bray etoh, palapit na si Sir.
" Dara " he said with a calm voice
" Yes bebeko, esteee sir bray "
Tumingin saken si Sir Bray habang nakataas ang isa niyang kilay.
" Can you please stop flirting with me, magtrabaho ka nalang imibis na magpapansin saken, wala akong balak magkagusto sayo Dara okay " awts sakit naman magsalita ni sir bray pero okay lang crush ko paden siya.
" Yes po sir " sagot ko habang nakayuko
Hindi kita titihigan sir hangga't mapasaken ka, hinding-hindi ako titigil sayo, magkakagusto ka din saken.
ADELINE POV
" Pinuno baka naman "
" Anong baka naman Adeline ha? " Tanong ni Pinuno habang nakataas ang isang kilay, wow ha attitude ka rin naman Pinuno bukod sa panot ka, maattitude kapa dapat ikaw nga ang bumababa para gawin yung misyon ang tamad-tamad mo, iuutos mo pa saken.
" Uhm, baka may pag-asa pang magbago ang isip mo, alam mo na ehehe "
" Hindi!! " Sigaw naman ni panot este ni pinuno sa tenga , grabe ang sakit ng tenga ko, lintik na boses yan, minsan talaga gusto kong sapakin si Pinuno eh.
" Wag kana kaseng sumabat Adeline " sabi naman saken ni Bianca habang nakahawak sa balikat ko.
" Eh kung ikaw kaya gumawa ng misyon ha, dami mong satsat ah " mataray ko namang sabi sa kanya
" AHHHHHH ang pakpak ko nasan na? Pinuno naman eh pano ako makakalipad netoh kung wala akong pakpak, nakaktamd kaya maglakad " iritang sabi ko naman kay Pinuno
" Hayst Adeline, hindi ko na alam ang gagawin ko sayo, nagtataka talaga ako kung paano ka nakapasok dito "
" Alam mo pinuno minsan kasi sa kagandahan ng mukha bumabase katulad ko ang ganda diba- "
BIANCA POV
Hay grabe talaga toh si Adeline, bakit ganto katigas ulo nito pati si pinuno sinasagot. Pero naawa ako kay Adeline ang bestfriend ko mapupunta na siya sa mundo ng mga tao para gawin ang kauna-una niyang misyon, kinakabahan ako para sa kanya pano kung may mangyaring masama kay Adeline, paano kung hindi niya kaya ang misyon niya pano kung ikamatay niya yun, ay tanga patay na pala kami.
" Alam mo pinuno minsan kasi sa kagandahan ng mukha bumabase katulad ko ang ganda diba- " hindi natuloy ni Adeline ang sasabihin niya nang bigla nalang siyang nawala.
Halaaa, hindi pa nga ako nakakapaalam kay Adeline, nagulat naman ako sa nangyari kaya lumapit ako kay pinuno para itanong kung bakit ganun naman kabilis ang mga pangyayari.
" Pinuno, bakit naman po ganun hindi pa nga ako nakakapaalam kay Adeline eh, hinulog niyo na agad siya " inis ko namang tanong kay Pinuno habang siya naman patuloy na nakangiti saken.
" Bianca, yung kaibigan mo masyadong madaldal kaya ayun gumalaw ang kamay ko at inihulog siya "
" Pero pinuno may tanong po ako "
" Ano yun Bianca? "
" Paano po kung hindi nagawa ni Adeline yung misyon niya? Ano pong mangyayari sa kanya? " Kanina pa kase ako nacucurious kaya tinanong ko na
" Hinding-hindi siya makakabalik dito at hindi maibabalik sa kanya ang kanyang pakpak, pero alam kong magagawa ni Adeline yun "
" Pero pinuno pano po malalaman ni Adeline yung misyon niya? Eh hindi niyo naman po sinabi? "
" Malalaman niya yun, may mga bagay na mangyayari sa kanya at maiisip niyang yun ang misyon niya "
" Eh pinuno baka alam niyo po ang misyon niya, pabulong naman po " sabi ko habang nakangiti kay Pinuno
" Tigilan moko Bianca ha, at tsaka bago ko makalimutan,...pwede kang magpakita kay Adeline, kapag tinawag niya ang pangalan mo pwede kayong mag-usap, pero kapag tinawag niya lang ang pangalan mo "
" Pero pi- "
" Tama na Bianca ng tanong, marami pa akong gagawin at diyan kana, wag kang gagaya kay Adeline dahil kung hindi mas mahirap pa na misyon ang ibibigay ko sayo "
Naku naman toh si Pinuno may itatanong pa nga sana ako eh, bigla namang umalis, anong gagawin ko wala na akong katsismisan, hayst Adeline tawagin mo na kase pangalan ko...