Chapter 1
“Sama ako teka lang!”
“Wait for me da*n you!”
“Ano ba ako muna! Diyan ka na nga!”
Kumunot ang noo ko ng marinig ang mga kaklase kong magbulungan. Most of the girls were in a rush, parang may hinahabol.
Namataan ko pa si Tiana na nag-aayos ng buhok sa di kalayuan, halata rin dito ang pagmamadali.
“Is it true? Cole is here?” tanong ni Irene sa kasamang kaibigan.
“Yes, bi*ch so move your ass! We have to see him!”
Kumalabog ang dibdib ko ng marinig ang usupan ng dalawang magkaibigan sa aking likuran. Sinundan ko ng tingin si Irene, ang babaeng nagtanong kung nandito nga ba si Cole. They are both excited based on their expression. Halos hindi magkandamayaw ang dalawa sa paglabas ng silid.
I looked around and notice that most of my girl classmates were not here anymore. Dalawa nalang kami ni Solene, and the rest are all boys.
“Agnes, ikaw ‘di ka rin magkakandarapa? Nasa labas ang crush mo!” tukso ng kaklase ko.
“Oo nga Agnes, pagkakataon mo na ‘to. Hindi iyong hanggang tingin ka nalang sa cellphone mo!” sambit ng isa saka binuntunan ng tawa.
My cheeks went scarlet. They all knew I like and adored Cole Alvares. Well who wouldn’t be? Parang lahat yata ng popolasyon sa unibersidad na ito ay may gusto o humahanga kay Cole. He is just too good to be true. He is a perfect picture of those prince charming in a fairy tale. Sobrang pogi niya at ma-prinsipyo kaya hindi kataka-takang marami ang nahuhumaling sa kaniya.
Nagbaba ako ng tingin sa librong binabasa. It all make sense why my classmates are in a hurry. Perhaps they are here for a movie, advertisement and such.
The Saint Mary’s University is indeed a great place for any production. Hindi ito ang unang pagkakataon na dinarayo ang paaralang ito para sa taping ng kanilang pelikula o teleserye. This is also the main reason why I develop my admiration to Cole. Funny may it sounds but yeah, para akong na love at first sight sa isang sikat na artista ng bansa.
“Ang rinig ko’y nasa gymnasium daw ang buong cast, pumunta ka na habang nariyan pa sila! Sige ka, ikaw rin ang magsisisi.” Albert, the class president utter as if encouraging me.
I bite my bottom lip. I was torn between following him or just stay here. Hindi ko sila ka-close pero hindi rin naman kaaway. I was civil towards them and as far as possible, I don’t want to have any conflicts among them.
“Hindi rin panigurado darating si ma’am. Sus baka nga naroon din ‘yon sa gym! Fan girl ‘yon ni Alvares eh!” sambit ni Dominick .
Tinignan ko sila isa-isa. Nakaharap sa sariling cellphone si Dominick at mukhang naglalaro ng ML kasama ang dalawa pang kaibigan. Albert on the other hand is busy writing something on his notebook. The boys in our class is only few, from what I know they are only eight. Habang kaming mga babae ay nasa mahigit bente.
I am on my fourth year in college, taking Education major in Filipino. I like teaching and so far, ilang buwan nalang matatapos ko na ang kursong pinili ko. Solene was looking at me, as if waiting for my action. I sighed, wala naman sigurong masama kung titingin lang ako. Hindi naman ako magtatagal.
Sa namumulang pisngi, tumayo ako saka hinagilap ang mga gamit. This is our last period and like what Albert says, certainly Ma’am Chavez won’t make it to the class. Isa rin siya sa humahanga kay Cole.
Nang nasa labas na ako, pinilit kong maglakad ng maayos. I won’t run like what the others did. Kung hindi ko man siya maabutan, ayos lang. Marami naman akong picture sa kaniya sa cellphone. Doon ko nalang pagsasawain ang sarili sa pagtitig sa kaniya.
Halos mapuno ang gymnasium ng mga mag-aaral at iilang staff ng school. It was hard for me to enter as some were pushing themselves. Kahit nakatingala na ako, hindi ko pa rin sila mahagip.
“Excuse me, excuse me!”
Muntik na akong bumagsak ng biglang may tumulak sa akin mula sa likuran.
“Uh sorry,” paghingi ko ng paumahin.
Umatras ako, nauubusan ng pag-asang makikita ko siya kahit ilang saglit lang. Ayaw kong makipagsiksikan sa kanila, lalo pa’t alam kong mahihirapan din ako. In the end, I choose to give-up and decided to just wait for them until they’re finished.
Dahan dahan akong umalis at piniling sa labas nalang maghintay.
“Sh*t ang pogi niya, grabe! At yung dimple, gosh! Nalaglag 'yong panty ko!” narinig kong tinuran ng ilang kababaihan sa entrada ng gym.
“Pogi is understatement! He’s like a walking god you mean. Kahit iyong braso palang ulam na!” dugtong ng isa.
Mahina akong natawa. Kahit sa labas ng gym ay marami rin ang naghihintay. Ilan lang ‘yon sa mga narinig ko habang tinatahak ang pasilyo.
They all made sense though. Bukod sa panlabas na kaanyuan, ang bait din niya at gentlemen. Last month, he went viral online when he help a kid who was lost in the mall. Despite his current status, he didn’t hesitate in providing assistance even though he is in a public place. Hindi niya inalalang hindi siya dapat makilala ng publiko at talagang tinulungan ang bata. Because of the accident, my attraction to him just grew deeper.
Humigpit ang hawak ko sa libro habang naglalakad. Napagdesisyunan kong maghintay na lamang sa likod ng gymnasium. Makikita ko rin naman siya kahit sa malayo kung sa unahan sila dadaanan. Mainam na rin na dumito muna ako dahil tahimik at walang masyadong estudyante na nakatambay.
Pinili kong maupo sa bench na nasa ilalim ng isang malaking puno. I put down my things and decided to continue reading.
Reading has always been my therapy. I would rather read pile of books than partying. Wala rin akong kaibigan kahit ilang taon na akong nag-aaral sa paaralang ito. Walang naglalaks ng loob na lapitan ako at makipagkaibigan. Nahihiya rin naman akong mag first move kaya hinaayaan ko nalang. Tutal naman masaya at kontento na ako sa magulang at mga libro ko.
“Yeah, I promise to be there after this shot.”
My eyes widen a fraction when I heard that deep and baritone voice. Agad akong nag-angat ng tingin para masigurong tama nga ang hinala ko.
“What? Of course not!” his low chuckled made me want to collapse.
Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa bulto ng lalaki hindi kalayuan sa akin. May kausap siya sa cellphone. Nakapamaywang habang nakatingin sa harap. Nakasuot ng blue trouser at white long sleeves, bukas pa ang una hanggang tatlong butones.
Ilang beses akong napakurap-kurap habang nakadungaw kay Cole.
Am I seeing it right? Nasa harapan ko siya.
Para akong pinipilipit sa kilig. Hindi ko inaakalang makikita ko siya ng ganito kalapit. At tama nga sila! Braso palang ulam na!
“Alright, I’ll see you in an hour.” sabi niya sa kausap habang natatawa.
Para lang akong tuod doon, nanlaki ang matang nakatingin sa kaniya.
Sobrang gwapo niya talaga! Na tipong matatameme ka nalang kapag kaharap na siya.
Hindi pa ako nakakabawi ng bigla siyang tumalikod at tuluyang nawala sa paningin ko. Doon lang ako natauhan ng tuluyang mag sink-in sa akin ang nakita. Gusto kong i-umpog ang sariling ulo sa bato ng maalalang hindi ako nakapagpa-picture sa kaniya.
Ano ba ‘yan Agnes! You just let that opportunity slip!