Chapter 10

1846 Words
IT'S HANNA's wedding day. Sa isang kilalang resort sa Maynila gaganapin ang wedding at doon na rin ang reception. Ngunit problemadong suotin ni Laarni ang bridesmaid dress niya. Kahit kasi infinity dress iyon ay malabong maitago niya ang kaniyang ilang pasa. Kaya naman nakaisip siya ng paraan para kahit papaano'y hindi gumamit ng jacket, dahil ang badoy tingnan kung papatungan niya 'yon ng jacket. Gamit ang concealer ay nagawa niyang takpan ang ilang pasa sa kaniyang katawan. At kagaya nang nakasanayan ay nagpahid ulit siya ng blush on bilang pangpapula ng cheek bone. Gayundin ang pulang lipstick na talagang bagay na bagay sa kaniyang complexion. Subalit, bago umalis at magpunta sa venue ng kasal ay bigla namang bumuhos ang malakas na ulan, dahilan para mainis si Laarni. "Pambihira namang ulan 'yan!" So, no choice siya kundi ang hintaying tumila iyon. Dahil sa takot na mabasa ang balat na natatakpan ng concealer. A couple of minutes after when Dave was came. At gano'n pa rin kalakas ang ulan, bagay na ipinapangamba niya dahil sa itinatagong pasa sa likod ng concealer na gamit niya. "I'm sorry kung medyo na-late ako ng dating," sabi ni Dave. Pero nang makita niya si Laarni na tila balisa sa pagbuhos ng ulan ay pinuna niya ito, "O, bakit parang balisa ka? Is there something wrong?" "Wrong timing kasi ang ulan na 'yan, e. Paano kung mabasa pa ang laylayan ng dress ko kapag bumaha sa daan. Hays!" kunwaring pagpapalusot niya. "Don't you worry dahil safe na safe ka sa kotse, my loves. Hindi ko naman ipa-park 'yon sa mabahang p'westo, e. So, let's go na? We have to go dahil ilang minuto na lang at magsisimula na ang kasal." Matapos marinig 'yon mula sa nobyo ay tila naging kampante siya. And to make sure that it wouldn't have a problem, she used her jacket for an extra protection to a heavy rain. At doon niya lang hinubad 'yon nang makarating sila sa venue. And she was thankful when the rain stops from falling. Napakaganda ng venue roon dahil pinalilibutan iyon ng maraming bulaklak sa paligid. At may silong naman sa mismong gaganapan ng wedding ceremony at reception. Sabay silang pumila ni Dave bilang escort niyang groomsmaid. At sakto naman ang pagpila nila dahil nakapila na rin ang mga flower girls, bridesmaids at groomsmaids, gayundin ang mga kinuhang ninong at ninang. Sa tabi ng altar ay naroon ang groom na si Andrei katabi ang best man nitong si Alfred, ang best friend ni Andrei. Habang nandoon din ang pari na magkakasal sa kanila. "Brat!" Narinig niyang pagtawag ni Sabrina na naroon pala sa bandang unahan. Sayang lang at medyo nahuli sila ng dating kung kaya't hindi niya ito nakasabay sa pagpila. Sa walong bilang ng bridesmaid at groomsmaid ay nasa ika-pito silang pila ni Dave. And everything becomes comfortable when Dave was hold her hand. Pero hindi niya inaasahan ang sasabihin nito, "Ikaw ba? Anong dream wedding mo?" Bahagya siyang napangiti sa itinanong ng nobyo. "Pangarap ko talagang maikasal sa simbahan, so kaya mo ba 'yong tuparin?" direktang tanong niya rito na bahagyang ikinakunot ng noo ni Dave. "My loves, hindi ba't parang masyado pang maaga para pag-isipan natin ang bagay na 'yan, you know, marami pang p'wedeng pagdaanan ang relasyon natin bago dumating sa kasalan." After hearing those words, Laarni just felt uneasy. So upon the moment of silence between them is she gently let go her hands away from Dave. Bagay na labis na ipinag-alala ni Dave. "My loves, are you mad at me? I'm sorry, I didn't meant to hurt you. At sana ay naiintindihan mo ang dahilan ko." Matapos sabihin iyon ni Dave ay sunod na pala sa pila para maglakad palapit sa altar. So instead of answering those words, Laarni just remain silence. While Dave has been worrying about her feelings. Hindi naman sa nasaktan siya sa sinabi ni Dave kundi dahil napi-pressure lang siya sa bawat araw na darating. Na kung maaari lang ay 'wag sana munang tumakbo ng mabilis ang araw. At doo'y tinanggap niya ang braso ni Dave na nag-uunlak na ipasok niya roon ang kaniyang kamay upang sabay silang maglakad palapit sa altar. Pagkatapos ay dumaan sila sa side para bumalik sa kanilang table na malapit pala sa pwesto nina Sabrina, Topher, Jasmine, Travis, Madison at Geofferson. "Dave, Laarni, lipat na kayo rito!" ang sabi ni Travis. Nagkataon kasi na may reserve seats pala para sa kanilang dalawa. Dahil bawat table ay may walong upuan. "O, sure, no problem," wika ni Dave at saka siya binalikan ng tingin nito para hintayin ang kamay niyang nakahawak sa kamay nito. Pero para hindi mapuna ng mga kaibigan na may kaunting tampo siyang nararamdaman sa nobyo ay tinanggap niya na lamang iyon upang sabay silang lumipat sa table ng anim. At doon na nagsimula ang pag-uusap na hindi nila akalaing dalawa ni Dave na sila ang magiging center of topic. "So, kailan pa nga naging kayo, brat?" panimula iyon ni Sabrina. "More than two weeks ago," mabilis na sagot ni Laarni at napatango naman si Dave. Saka naman binalingan ng tingin ni Travis si Dave. "O, parang kailan lang ay sinabi mo sa akin na balak mo pa lang ligawan si Laarni, ba't parang ang bilis naman yata?" tanong ni Travis na nagbigay ng kaba kay Laarni. Sandali pa silang nagkatinginan at doo'y nakaisip ng magandang dahilan si Laarni, "As far as I know, it doesn't matter kung mabilis ko mang sinagot si Dave, dahil hindi naman panliligaw ang pinatatagal kundi ang relasyon," seryosong sagot niya na bahagyang ipinagtaka nila. "But why you look mad, brat? You know, were just worried about you. And of course for you, Dave. But don't take it seriously, hah? Dave, hindi naman sa salungat ako sa relasyon n'yo ngayon pero kasi-- matagal kang hinintay ng kaibigan ko tapos gano'n lang kabilis na maging kayo. At kahit sino naman ay magtataka, 'di ba?" sabi iyon ni Sabrina. And a moment of silence has been through. But Laarni just break it with her words, "Brat, I'm sorry if by this time, hindi kita maiintindihan. And if you would know my reason behind it, you will understand me," makahulugang aniya na nagbigay ng malaking kwestyon sa kanila. At sandaling iyon ay doon lang natigil ang pag-uusap na 'yon nang naglalakad na si Hanna palapit ng altar habang maluha-luhang nakatingin sa kaniya si Andrei. At doo'y nanatili silang tahimik nang magsimula na ang wedding ceremony. At hindi nila maiwasang ma-touch sa wedding vows ng dalawa sa isa't isa. "Hanna, we've been in a tough and in good times. Minsan na rin tayong nagkahiwalay. Pero ang paghihiwalay na 'yon ang nagpaintindi sa atin ng tunay nating nararamdaman. I don't mind about your flaws or your weakness, what matter is how you change to be the most deserving wife for me. I love you so much, Hanna Melendez, and I am excited for everyday that you and I will be together." "A-andrei." Naiyak na kaagad si Hanna pagkabanggit pa lang ng pangalan ng taong mahal niya. "Thank you for loving me, unconditionally. For accepting my past so that I will be more thankful for the future with you. For accepting my flaws, split personality, and weakness. Because of that, I could find a man who is willing to understand me, kahit na minsan ay hindi na ako maintindihan. I owe you to love me forever and I promise that I'll do the same way. I love you so much, Andrei Zachari." At matapos nilang maisuot ang wedding ring sa isa't isa ay dineklarang sila'y mag-asawa na. "And now, you may kiss the bride," ang sabi ng pari. Masigabong palakpakan at hiyawan ang nanaig sa kabuuan ng reception. Habang si Travis ay nagawa na ring maging masaya para kay Hanna kahit minsan na niyang nasaktan ang damdamin dahil sa pagmamahal nito sa kaniya. At nang ihagis na ni Hanna ang kaniyang wedding flower sa kaniyang bridesmaids ay hindi sinasadyang masasalo iyon ni Jasmine. Kaya naman naging kumpulan ng hiyawan ang dalawang magkasintahan na sina Travis at Jasmine na ang totoo pala'y may balak na ring magpakasal. "Mukhang alam na natin kung kanino tayo susunod na dadalo ng wedding," sabi ni Sabrina na ikinangiti nilang lahat. Nakabalik na sila sa table no'n kung kaya't narinig nilang magkakaibigan 'yon. Ngunit sa loob-loob ni Laarni ay umasa siya na sana ay siya na lang ang nakasalo ng bouquet na 'yon. At isang bagay lang ang tumakbo sa kaniyang isipan, at iyon ay ang malabo pa talaga na maikasal siya sa lalong madaling panahon. "Hanna and Andrei, congratulations!" wika pa ng kaniyang mga kaibigan habang sweet na sweet ang dalawang umiinom ng wine sa harap ng table nila Laarni. "Thank you, guys. Thank you for coming on my wedding day," nakangiting sabi pa ni Hanna. At doon lang nito tiningnan ng walang galit si Jasmine saka sinabi, "Next wedding naman ay kina Jasmine at Travis, congrats, girl!" At bahagyang napangiti si Jasmine. "Pero nag-propose na ba sa'yo si Travis?" tanong ni Madison na nagbigay interes sa kanila. At doo'y unti-unting napatango si Jasmine kaya naman hindi rin maitago ang kilig ni Travis nang kantyawan ito ng kaniyang mga kaibigan na sina Topher, Dave, Geofferson at Andrei. Tuluyan na ngang na-ikasal si Hanna kay Andrei. Bagay na labis na nakakapagpa-pressure ngayon kay Laarni dahil sa kanilang tatlong magkakaibigan ay siya na lang ang hindi pa naikakasal. Na kung tutuusin ay hindi dapat niya nararamdaman ngayon kundi lang dahil sa iniinda niyang sakit. Okay na sana siya na hanggang pangarap na lang si Dave. Pero ngayong malinaw na ang lahat sa kanilang dalawa ng nobyo ay palalampasin niya pa ba ang pagkakataon para maging masaya kung sa bawat araw na lumilipas ay nababawasan ang chance na mabuhay siya? - After two weeks of Hanna & Andrei's wedding, ay isang pangyayari naman ang nagbigay ng pagtataka kay Laarni. It was on the last week of June and there's a strange scenario that happen on her one morning. Ipinagtaka niya ang pagduwal niya at ang mas ipinagtaka pa niya ay wala naman siyang isinuka maliban sa kaniyang laway at para siyang nilalagnat sa init na temperatura ng katawan niya. Naisip niya na baka nadagdagan pa ang sintomas ng kaniyang sakit. But after a couple of minute, she has been realized that she missed her monthly period. Bagay na lihim niyang ikinasiya dahil sa pag-asang buntis siya. And the next thing she did is, she was arrived on the drugstore to buy a pregnancy test. And that moment, she felt mix emotions-- happiness, frustration and nervous. Maybe because, if she would be pregnant, there's a possibility that her medical treatment will postpone. Perhaps, the equal of happiness in life is loneliness, and the equal of achievement is sacrifice. At nang tuluyan niyang makita ang dalawang guhit sa kaniyang harapan ay hindi niya maiwasang mapaluha sa magkapantay na saya at kalungkutan. Hindi niya magawang maging tunay na masaya dahil alam niya na magiging struggle ang sarili niyang kagustuhan na magkaanak sa buhay na dapat ay itatagal niya. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD