AFTER THEY had a dinner, Dave suggested to drive her home. Mukhang kina-career na talaga nito ang panliligaw at sa kaibuturan ng puso niya ay nag-uumapaw ang saya. But it would always compromising her heart and mind. Because in every step she take, in every decision she make-- she know that it wouldn't last if her heart has always been a priority.
Ramdam na niya ang pamamawis at pagkahilo sa gitna ng gabing malamig, dala ng sintomas ng kaniyang sakit. Pero dahil ayaw niyang mahalata iyon ni Dave ay hindi niya ipinahalatang naiinitan siya. Wondering how she became a great pretender after all. Pero wala naman siyang magagawa kundi ang ingatan ang kaniyang sikreto.
Pagkababa niya ng kotse ay agad siyang nagpaalam kay Dave nang walang lingon-lingon. Ayaw niya kasing mapuna pa nito ang kaniyang pamumutla. Pero parang hindi rin siya nakaligtas dahil nagawa pala siyang sundan nito. "Laarni, wait." Hawak na nito ang braso niya na nababalutan ng jacket sleeves. Hindi niya alam kung magagawa niya bang lumingon sa isang taong gusto niya palaging nakikita pero pinaglilihiman niya. Mabuti na lamang at madilim sa pwesto niya kung kaya't bahagya siyang napalingon. "Can I see you again tomorrow for the last time?" Hindi niya alam kung iisipin ba niya na tungkol sa trabaho ang tinutukoy nito o sa sakit niya.
Pero dahil wala naman itong nalalaman tungkol sa kaniyang sakit ay ganado pa rin siyang sumagot, "O, sure. Tatapusin ko pa rin ang huling araw ng buwan ayon sa ipinangako ko sa resignation letter." Lumiwanag ang mukha ni Dave at nagawang pisilin ang kaniyang pisngi.
"Okay, sige. So paano? See you, tomorrow, my loves!" wika pa nito na nagpakilig sa kaniya kahit alam niyang pahapyaw na biro lamang iyon ng binata.
Pagkarating niya ng k'warto ay iritable na talaga siya sa init na nararamdaman lalo na sa pawis na nasa kaniyang likuran. Kaya agad siyang naghubad ng jacket at uniform. Saka nag-half bath bago tuluyang matulog. Pagkarating niya sa banyo ay putlang-putla na siya dahil na rin sa hilo at nagbabadyang pagsusuka.
Mabilis niyang binuksan ang gripo para maghilamos at nagbabakasakali na may magbabago sa awra ng kaniyang mukha. But it wasn't change. Sadyang maputla pa rin siya dahil nag-fade na rin ang gamit niyang lip stick. Kapagkuwa'y parang lalo siyang nanghina nang isuka ang halos lahat ng kaniyang kinain. She took a deep breath after vomitting. And while gazing her own reflection in the mirror, she begins to cry.
"Why do I have to suffer this?" naluluhang wika niya sa sarili. And after she carried away in her feelings. She suddenly wipe her tears and stood up like a queen. Nangako siya sa sarili na mas magiging matatag sa kabila ng sakit na iniinda niya. At kung kinakailangang magdoble effort pa siya para lang hindi mahalata iyon ni Dave ay gagawin niya, wag lang ito mabalewala ang panahon na hinintay niya para magustuhan din siya nito.
-
Maaga pa lang ay nagpaalam na siyang pumasok kay Sonia. And as usual, Sonia was not able to approach her gracefully. That's why it became a questionable to her. Napansin niya rin na ang bilis ma-irita ni Sonia these past few days pero binalewala niya lang dahil abala siya sa pag-aasikaso ng resignation.
So before she decided to go, she went back inside just to clear out what is happening in her younger sister. At doo'y nadatnan niya itong nagsusuka sa may lababo.
"What's going on you, sis?" pagtatakang tanong niya rito kahit sa loob niya'y may pagdududa na siya na buntis ito.
"S-sis," nanginginig na wika nito nang harapin siya.
At doo'y namuo ang konklusyon sa isipan niya kahit na hindi pa man ito umaamin. "Buntis ka," walang emosyong aniya.
And suddenly, Sonia has started to cry while saying the words, "I'm so sorry, sis. It wasn't planned and I couldn't expect that it would happen--" Isang sampal ni Laarni ang nagpatigil dito.
"How could you do this, Sonia? Sigurado ka bang pananagutan ka no'n ni Jake?" Sandali pa siyang napalinga sa paligid bago pa man maisip ang mga paparating na bills. "Paano na ako, Sonia? Hindi mo ba ako naisip kapag nagkaroon ka na ng sariling pamilya? Alam mo namang tayo na lang ang nagdadamayan sa lahat ng bagay, e. Sa bayarin, sa mga kailangan dito sa bahay tapos magpapabuntis ka lang ng wala sa oras? Sarili mo lang ba talaga ang iniisip mo?"
Doon na nagsimulang pumatak ang luha ni Sonia, "I-i'm so sorry, s-sis. 'Wag kang mag-alala.. hindi ako makalilimot na mag-abot sa mga bayarin. Magtatrabaho pa rin naman ako, e, habang nagsasama kami ni Jake."
"Kahit na, Sonia, ibang sitwasyon na ang kahaharapin mo. Magsisimula ka nang bumuo ng pamilya--" Sandali siyang natigilan nang maalalang gusto na rin niyang magkaanak at magkaasawa nang dahil sa pesteng sakit niya.
Kaya kahit labag sa kalooban niya na sabihin ang totoo sa kapatid ay kaniyang ginawa, for the sake of the child. "Sonia, alam mo ba, desperada na rin akong magkaanak at magkaasawa at wala akong ibang hinangad na gawin 'yon kundi kay Dave lang." Sandaling napawi ang lungkot sa mga mata ni Sonia at binigyan siya ng nagtatakang tingin. Ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita, "Pero alam mo kung bakit? Dahil sa pesteng sakit na 'to!" walang alinlangang wika niya na yumanig sa kabuuan ng bahay.
At manginig-nginig na nagtanong sa kaniya si Sonia, "M-may sakit ka?"
She took a deep breath and slightly wipe her tears. "Oo! Pero kung desidido ka na talaga na bumukod, sige, iwan mo ako. Kakayanin ko naman ang mabuhay ng mag-isa at itaguyod ang sarili ko ng mag-isa. Pero ito ang tatandaan mo, Sonia, kapag nagkaproblema sa pagsasama n'yo ni Jake ay 'wag na 'wag kang hihingi ng tulong sa akin dahil ginusto mo 'yan!" Matapos niyang sabihin 'yon ay naiwang tulala roon si Sonia. Habang siya ay pinilit pa ring makapasok kahit ang pangit ng bungad sa kaniya ng umaga.
Pagkarating niya sa coffee shop ay nadatnan niya si Mr. Dwight sa may storage room at pormal siya nitong kinausap. "Laarni," pagtawag nito sa kaniya.
At pinilit niyang kumalma kahit parang sasabog na ang utak niya sa sabay-sabay na problema. "O, good morning, sir!" masiglang pagbati niya rito.
"Good morning too, so this is going to be your last day, ngayon pa lang ay sasabihin ko nang isa ka sa magagaling at masisipag na employee ng Apollo. Maybe, if you have a free time, you may visit us, hah?"
"Sure, sir. No problem po. Kung alam n'yo lang po ay isang magandang experience ang mapabilang ako sa mga barista ng Apollo, pero kailangan ko po itong gawin para sa ikabubuti ng lahat. Mahirap pa pong ipaliwanag sa ngayon, pero someday ay maiintindihan n'yo rin."
Mr. Dwight smiled so she had the courage to admit her decision.
"Kung anuman 'yon, Laarni, I am going to support you."
"Thank you so much, sir!" At doon na natapos ang kanilang pag-uusap saka naman biglang sumulpot sa kaniyang likuran si Aida na ikinagulat niya.
"Laarni!"
"Ay! Palaka! Pambihira naman, Aida, bigla-bigla kang sumusulpot, e." Napapahakipkip lamang si Aida na tumingin sa kaniya at agad din na napawi ang ngiti nito nang may mapunang kakaiba kay Laarni.
At saka naman nito napuna si Dave na papalapit sa kanila pero bago pa man ito makalapit ay agad na niyang sinabi kay Laarni ang nakita. "Laarni, nandiyan na si Mr. Chua-- pero.."
"Pero ano?"
"M-may dugo ka sa ilong," mahinang wika nito na nagpa-alarma kay Laarni. Kung kaya kumuha kaagad ito ng tissue upang ipahid sa ilong.
Pagkatapos malukot ang tissue na naglalaman ng dugo ay sakto namang nakalapit na sa kanila si Dave kung kaya't dumoble ang pagkabog ng kaniyang dibdib sa kaba. Gayundin ang kaniyang kaibigan na si Aida.
"O, hi, parang nakakita kayo ng multo, hah?" napapakamot sa batok na wika ni Dave.
At saka lihim na isinuksok ni Laarni ang lukot na tissue sa kaniyang bulsa habang sumasagot, "Ah, siguro ay hindi lang ako makapag-focus masyado kapag nandiyan ka?" Pagkasabi niya no'n ay agad na napatili si Aida sa sobrang kilig. Habang si Dave naman ay hindi maipaliwanag ang ngiti. Mukhang nadala talaga ito sa pagpapalusot niya. Pero kahit ganoon ay may halong katotohanan naman ang sinabi niya.
"Ganoon? 'Di porket last day mo na rito ay pakikiligin mo ako? Pero infairness, effective, hah?" Hindi siya nakapagsalita at sa halip, ang tanging nagawa niya lang ay ngumiti. Saka siya nito mabilis na inakbayan papunta sa may coffee maker area. Habang si Aida ay tahimik na nakasunod sa kanila.
Pagkarating nila ro'n ay sumunod naman si Dave sa pagpapakilig. Habang iginigiya si Laarni sa harap ng coffee maker ay sinabi nito ang katagang, "Kailangan mo siguro ng matapang na kape, para kahit anong mangyari ay magiging matapang ka sa hamon ng buhay, katulad ko na kaya kang ipaglaban."
"Ayieee!" Naging kumpulan ng tukso nina Aida at Jem ang winika ni Dave sa kaniya.
Habang siya ay parang pilit pa rin na nagsi-sink in sa utak ang sinabi nito.
"Sir Dave, mukhang tinamaan agad ng tapang ng pagmamahal mo itong si Laarni, e," pahapyaw na biro ni Jem. Kaya naman nagtawanan sila at saka nagbalik sa kani-kanilang trabaho nang may dumating na mga customers.
-
Nang mag-coffee break ay nagdesisyon si Laarni magpahangin at magyosi sa labas. Iniisip niya kasi ang kahahantungan ng buhay niya. Lalo na ang bagong sintomas na nagpa-alarma sa kaniya kanina.
"Nagyoyosi ka na naman." Napalingon siya sa boses na 'yon. Hindi na siya magtataka dahil palagi naman siya nitong nakikita kahit saan magpunta. "Don't tell me, depressed ka na naman?" She gently nod her head. At doo'y narinig niya ang paghagikhik ni Dave. "Kahit ako na ang kasama mo?"
"Dave Chua, may oras para sa landian moment, hah? Pero kita mo ngang nag-e-emote ako rito, e," seryosong wika niya.
At hindi niya alintana na dahan-dahan nitong hinawakan ang kamay niya at marahang pinisil iyon. The reason why it gave her an unexplainable feelings. "Hindi ko alam kung kaya ba nitong pawiin ang depression mo, pero kaya ko 'tong gawin kung kinakailangan mo."
Napalingon siya kay Dave at doo'y nagtama ang kanilang tingin. Saktong mauubos na siya ang upos ng yosi kaya inihagis niya na ito sa kung saan. At sa tuwina ay naitanong niya sa binata ang mga katagang, "Seryoso ka ba talaga na ligawan ako?" Hindi niya alam pero parang gusto niyang madaliin ang bawat sandali. Lalo na't para siyang runner na nakikipaglaban sa kaniyang sakit.
"Bakit mo naman naitanong 'yan? Hindi ka ba naniniwala na gusto rin kita?"
Lumapad ang ngiti niya. "Of course, naniniwala ako. But you don't have to do this, Dave, you don't have to court me," wika niya na nagpapawi ng ngiti ni Dave. Saka niya hinawakan ang kanang bahagi ng pisngi nito. "Dahil hindi mo pa man 'to ginagawa ay may sinasagot na kita."
Dave face expression was as fast as the winner on the race, when it genuinely smiled in front of her and gave her a smacked kiss. "Pero, 'di nga? Wala nang bawian?" And he slowly nod her head while smiling. And it was like a champion when Dave shouted, "Thank you! I love you!"
Hindi niya alam kung paano pinawi ng sandaling iyon ang kaniyang kalungkutan. Kung maaari lang sana ay wala siyang sakit. Kung maaari lang sana ay wala siyang dapat itago at kung maaari lang sana ay mabuhay siya ng normal. But it wouldn't happen, cause that's the reality.
Itutuloy..