CHEL EPILOGUE
.
.
Ilang linggo na lang ay ikakasal na kami ni Chel. Sobrang saya namin pareho at sobrang excited at the same time. Kung pwede lang namin pabilisin ang mga araw ay ginawa na namin.
.
Sinigurado na rin naming nakaayos na ang lahat sa mga negosyo namin para pag lipad namin sa honeymoon ay hindi mag ka-aberya.
.
Oo, napilit ako ni Chel na lumipad for our Honeymoon. Siargao daw, one week.
.
Simpleng celebration lang naman talaga ang gusto namin, kaso sila Inay ang hindi pumayag na hindi kumbidahin ang lahat ng kamag-anak at kaibigan nila. Kaya pala ilang baboy at baka ang pinaalagaan nila.
.
May inarkila na rin kaming mga van para sumundo at maghatid sa mga abay at bisita galing dito sa Manila papunta kina Itay.
.
Kapatid ni Chel ang maid of honor, at dahil wala si pareng Loy, si pareng Deng ang magiging best man ko. Pareho din yun, kapareho ko rin namang siraulo ang mga yun..
.
.
Biruin mo yun? Halos umayaw na ako sa buhay noon dahil sa kalungkutan..
.
Halos ayaw ko nang magpatuloy dahil wala na akong makitang rason para mabuhay..
.
Pati asteroid dinasal ko na para bumagsak sa ulo ko at matuluyan..
.
May isang anghel naman palang nakalaan para iligtas ako at samahan sa buhay..
.
.
The angel who came swooping down to save me..
The angel who kept me from hurting myself..
The angel who taught me that no matter what happens, I have a purpose..
My angel who never turned her back on me..
My angel, Chel..
.
.
"Mahal, alin mas magandang flower arrangement dito sa dalawa? Parang masyadong mapink to no?" tanong ni Chel sa kin.
"Hmmm.. I'm sorry my pretty, pero wala akong maitutulong sayo jan. I can't even see the difference sa dalawang arrangements na yan!
But if you feel like this one is too pink for your taste, then take the other one. I trust you more than myself sa mga ganito..
Ang mahalaga lang naman sa akin ay kamay mo ang hawak ko sa paglakad sa aisle.." nakangiti kong sabi.
.
"Awwwweee.. Thanks mahal.. Ang sweet nun.." sabi niya sabay yakap.
"Anything for my pretty.. Basta piliin mo ang gusto mo, don't mind anybody else. It is our day, and I want you to be the happiest person there. Cause I know I will.." sabi ko pa sabay halik sa ilong niya.
.
"Mahal ayokong umiyak dito, wag kang magpacute jan.. Nakakainis ka.." kinikilig niyang sabi.
"Ayaw mo nun, madidiligan ng libre flowers nila.. Dapat me discount yun ah, pag diniligan niya yang tinda niyo." biro ko sa florist.
Tawa naman sila tawa.
.
.
"Mahal, hindi ka ba kumakain ng fried Itik? Lagi natin nadadaanan yan pero parang hndi ka bumibili niyan. Parang nakaka curious matikman.." tanong ni Chel habang nagdadrive kami pauwi.
"Kumakain naman, pero favorite kasi ni Dayang saka ni Cloude dati yan kaya iniiwasan ko. Pero kung gusto mo, bili tayo para matikman mo." sagot ko.
"Ahhh kaya pala. Hindi sige, next time na lang.. Hindi naman aalis yan jan.." nakangiti niyang sabi.
.
.
Ang ganda talaga ng wife to be ko..
Ang angelic ng mukha..
Ang sarap tingnan lalo pag nakangiti..
.
.
"Mahal, tulala again.. Share naman jan.." puna niya.
"I'm just admiring how beautiful you are, Chel.. I still can't believe that you'll be my wife in just a couple of weeks..." masaya kong sagot sa kanya.
"Awwweee.. E gwapo rin naman ang magiging husband ko.. I wouldn't ask for anybody else.." magiliw niyang sabi.
.
"Waasshuuu.. Kahit si Captain America?" biro ko.
"Ay pag si Chris Evans, ibang usapan na yun mahal.. Baka dun na masira ang marriage natin.. Hahahaha.." sakay niya sa biro ko.
Natawa naman ako.
.
.
"Pasok ka na sa loob, daanan ko lang sila pareng Deng about dun sa arrangements ng van." paalam ko ke Chel pagdating ng bahay.
"Okay, bilisan mo lang ah, hintay kita dito. I love you!" sabi niya sabay lapit sa akin.
"I love you too!" tugon ko sabay abot sa halik niya.
.
.
Saglit lang naman ako kina pareng Deng, sinabihan ko lang sila kung ano oras ang alis at kung saan van sila sasakay. Kami kasi ni Chel ay mauuna na kina Inay para makatulong sa paghahanda sa bahay.
.
.
Pagbalik ko ay nakabang sa akin si Chel sa gate.
"O, bakit anjan ka ayaw mong pumasok sa loob. Saglit lang naman ako e. Tara sa loob at baka sipunin pa ang future wife ko.." malambing kong aya sa kanya matapos magpark.
"Mahal.." parang nag-aalala niyang tawag.
"Yes, my future wife?" sagot ko naman.
"May bisita ka sa loob.." mahina niyang sabi.
"Huh? Sino bisita natin? Tungkol sa kasal ba?" tanong ko.
"Basta.. Halika.. Wag kang mabibigla, baka bumalik ang sakit mo ah.." nag-aalala niyang sabi sabay yakap sa bewang ko at inakay ako papasok.
.
.
.
"C-C-Cloude?!!" gulat kong sabi nang makita kung sino ang bisita namin.
The END.