bc

CHEL

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
age gap
second chance
friends to lovers
badboy
sporty
drama
sweet
bxg
lighthearted
serious
bold
loser
office/work place
small town
enimies to lovers
lies
secrets
addiction
like
intro-logo
Blurb

This is a story of a guy who lost interest in getting into a romantic relationship after his ex left him a few years back.. This is the story of how Chel opened my heart again..

chap-preview
Free preview
Chel 1
Hi! My name is Ed. Actually, Erwin is my real name, but for some reason, people call me Ed. Yes, I don't get it either. Lol. . Anyway, this story is about a girl I met way back when I was still in the corporate world. . Her name is Chel. She's petite, charming, with long, straight, and shiny hair. She got a cute face too na parang inosente, pero pag ngumisi ay alam mo me balak na hindi maganda. She's also witty kaya siguro siya nagstandout lagi sa crowds. . And her butt. Dang, that pair can shake—one of the nicest asses I've ever laid my eyes on. . . We met during the training ng isa seasonal project ng company. We were on the same class, and since mas matanda ako ng konti mostly with my batch, kuya Ed ang tawag nila sa kin. Except Chel. She calls me Ed kahit na siya yata ang pinakabata sa batch. Wala nman kaso sa kin yun. . . So after the training, the project started. We got on separate teams, most ng batch kasama ko. Pero may ilan din napahiwalay. Including her. . Mejo close na rin kami nun kasi ilan weeks din yun training, and we also get to bond during lunch breaks, saka pag weekends. . Siguro namimiss nya rin kami kasi lagi siya pumupunta sa bay namin para maki kwento and manghingi ng foods (mahilig kasi ako magdala ng pagkain for the team). . Hanggang napapadalas na yun tambay nya dun, uupo sa tabi ko ng nakatalikod habang nakiki chika sa mga girls. Minsan sasandal sa kin na akala mo inaantok. Hindi ko naman binibigyan ng malisya kasi nga, kuya nila ako. . . So ayun nga, life goes on. Papasok, tatambay, kulitan at manginginain. Pag minsan harutan, pag sobrang kulit nya minsan inaakbayan ko na kunyari kinokonyatan ko sa ulo. Ganun kami ka close. . . There was this moment na busy ako sa ginagawa ko, tas nag kukuwentuhan lang sila sa likod ko. As usual, nasa tabi ko siya nakapwesto (di ko nga alam kung nagtatrabaho pa mga yun. Lol) . Maya maya, bigla tumahimik. Napatingin ako bigla sa kanya. Nagulat ako kasi nakatitig siya sa kin pero parang tulala. Napakunot ang noo ko, tatanungin ko pa lng sana siya nun bigla siya tumayo. . . "Balik na nga muna ako sa desk ko. " Sabi nya sabay alis. . Pag ikot ng mata ko, naubos na pala kasi yun mga kachikahan nya. Puro na rin busy. . . After nun project, naisipan ng batch na magkainan/inuman sa bahay nun isa namin teammate. Hindi nman lahat nakasama, mga 10 to 12 lang ata kami natuloy. . So after shift, diretso na sila dun para sabay sabay sila dahil hindi alam ng iba ang commute papunta dun. Ako naman, umuwi muna para makaidlip muna kahit konti bago sumunod. Malapit lng naman kasi sa place ko. . After a few hours, sumunod nko dun. Dinatnan ko sila na nakatambay sa veranda. . Ganda rin yun place nila, mataas, mabundok, maraming puno. Nature vibe. . . "Asan yun iba? Bat kayo na lng?" Bungad kong tanong. . "Andun sa kwarto kuya Ed. Kanya kanya pwesto dun pag tulog." Sagot nun isa. . "Kain ka muna nang makapagsimula na. Ikaw lang inaantay namin eh" Yun isa pa. . So pumasok muna ako sa loob para kumuha ng pagkain. Pag daan ko sa sala, nakita ko si Chel. Naka fetus pose sa sofa, yakap yun throw pillow habang natutulog. . Naisipan ko siyang asarin kaya nilapitan ko sabay kurot sa ilong nya. . "Hoy bat jan ka natutulog? Andun sila sa kwarto o para makaunat ka. Mukha kang pusang inabort jan. Hahaha" Gising ko sa kanya. . Dumilat siya, tumingin sa kin. Tas ngumiti lng na akala mo kinikiliti sabay takip ng pillow sa mukha. . " Okay nko dito, di naman mainit, malamig nman. " Sagot nya. . Pinitik ko lng siya sa noo saka hinayaan ko na. . "Baliw." Pahabol ko pang biro. . . Pagkatapos ko kumain, pahinga ng konti, tas ayun na nga. Sinimulan na ang inuman. Asaran, tawanan, kantyawan. Paingay na rin ng paingay dahil mga nagkaka amats na. . Me naglabas ng gitara, ayun kantahan naman. Kanya kanya request. Maya ng konti, napagod na rin sa pagtipa yun gitarista kaya nagpasub na. . "Kuya Ed ikaw naman, sakit na daliri ko. Di na sanay ng matagalan. " Sabay abot sa kin ng gitara. . Hindi naman ako magaling mag gitara, just well enough para masabayan ng kanta and maenjoy kahit paano. Me nagrequest ng rivermaya, eheads, spongecola. . Mayamaya pa, lumabas na si Chel at lumapit sa min. Halatang bagong gising. Kaya inasar ko agad. . . "Good morning sleeping beauty. Magtoothbrush ka kaya muna me panis na laway ka pa," sabay sabay kaming nagtawanan. . Sinimangutan lang nya ako sabay kunyaring amba ng suntok tapos pumasok ulit. . . Mga ilan kanta pa, lumbas na siya ulit. Dumiretso sa tabi ko and naupo sa armrest nun inuupuan ko. . " Ako naman, tugtugan mo ako. Gusto ko yun mahirap kantahin" pabiro nyang sabi. . Alam namin maganda rin tlga boses niya saka me talent din. Narinig ko pa to one time kumanta ng isang verse ng rap god. Holy pwet. Hahaha. . " Gusto mo me challenge ah. Versace on the floor?" hamon ko sa kanya. . "Sus chicken" sagot nya sabay tawa. . So ayun, tinugtugan ko siya and kinanta nya nman. Walang kaeffort effort. Parang kami nanood ng talent show. Tahimik lng and nakikinig lahat. . Pagkatapos ng kanta bigla nya ako sinakal, sabay yakap sa ulo ko. Sabay tawa. Kaya ayun tawanan na kami ulit. . . Mga ilan oras pa, puro mga lasing na rin kasama namin kaya nag kaayaan na umuwi. Sabi ko yun mga malayo pa uuwian and hindi na kaya mag commute ay mag stay na lng. Tutal tapos na yun project namin. . So ayun na nga, yun mga papauwi, sinabay ko na palabas para maihatid sa sakayan. Bale apat sila, including Chel. . Pagdating sa sakayan, bumaba na sila. Pero nagulat ako, hindi pa bumaba si Chel. . "Aba magpapahatid pa ata hanggang kanila tong baliw na to!" nasa isip ko. . "O ikaw sleeping beauty? Baka gusto mo na rin bumaba at nang makauwi na tayo parepareho." sabi ko. . "Ayoko pa umuwi. Wala naman ako gagawin dun. Sama muna ko sayo." sagot nya . "Hala ka. E inaantok na rin ako e. Buti ikaw nakatulog ng mahaba di ka pa nag inom. Ano, papanoorin mko matulog?" biro ko. . "Basta sama muna ako sayo, wag mo ko intindihin. Kaya ko libangin sarili ko. Hahaha" makulit nyang sagot. . "Bahala ka nga jan. Baliw ka talaga." pabiro kong tugon. . . Hinintay lng namin maka alis yun 3 namin kasama bago kami tumuloy sa place ko. Di naman kalakihan pero me sala and 2 rooms. . "Kape gusto mo? " offer ko sa kanya. . "Ako na lng magtitimpla. Black, no sugar di ba? " sabi nya. . Ikinukuha nya rin kasi ako ng coffee sa office minsan kaya alam nya. . "Alam mo naman pala, tinatanong pa! Bilisan mo!" biro ko sabay palo sa pwet nya. . Nabigla ako, dahil siguro sa nainom ko saka sobrang palagay namin sa isa't isa basta ko na lng ginawa yun. . Para naman siyang na stun, nanigas ang katawan at di nakagalaw. . "Sorry, nadala lang ako ng emosyon. Hahaha" pabiro kong bawi. . "Okay lang. Kahit di lang pwet ko paluin mo okay lng. Hahaha" ganting biro nya. . . Pagbalik nya, may dala na siyang kape, tig isa kami. Habang nagkakape tuloy lang ang kwentuhan at tawanan namin. Di pala nya masyado kasundo parents nya kaya ayaw nya umuwi. Pinipilit daw kasi siya gawin yun hindi naman nya gustong gawin para sa career nya. . Pinag-aawayan na nila ng tatay niya yun kaya pala ayaw niya umuwi. . "You are young, talented, and beautiful. You can be anything you want! . I'll give you some advice. Do what you love doing the most, so you don't have to work anymore. " Payo ko sabay higop ng kape. . Napangiti siya. Sabay yakap sa kin. . "Thanks, Ed. I really needed to hear that" sabi nya. . "Anything for you, my Bebe girl.." asar ko sa kanya while returning the hug. . "Do I really look like a little girl to you?" tanong nya habang hindi bumibitaw sa yakap. . "Hhhhmmm.. Not really, but I look at you as my little sister, one that I never really had. Kaya siguro aliw na aliw ako sayo. Kaya naiispoiled ka sa kin. Hahaha" sagot ko naman. . "Wanna know a secret? " tanong nya. . "Ano yan? Bakla ka tlga? Alam ko na yan tanggap kita. Hahaha" pabiro kong sagot. . . "I like you. Not as a kuya, but as a man." rebelasyon nya . "Say what??!!" gulat kong tugon sabay layo ng bahagya sa kanya. . " Oo crush tlga kita kahit dati pa. Kaya I didn't call you kuya. Ang matured mo kasi mag isip despite na buhay na buhay yun pagiging comedian mo deep inside." paliwanag nya. . " Most boys kasi, di mo pa nakakausap alam mo na motibo e. Manliligaw, pero di nman sure sa goals. Tapos pag nakausap mo, ewan. Parang hindi ako nachachallenge intellectually, unlike you." patuloy nya. . "But don't worry, nothing will change. Alam ko naman na hindi ako yun type mo romantically. Dahil rin siguro sa age. So don't worry about it. I just want to let you know." pagtatapos nya sabay ngiti. . Napanganga ako. Di ko alam sasabihin ko. Tong magandang babae to na pinag kakaguluhan sa office, me gusto sa kin??! Come on! Be serious! . . "Sige na matulog kna, okay lang ako dito. Manonod na lng ako ng tv. " sabi nya. . "Chel, sorry. Nabigla lng naman kasi ako sa revelation mo e. Prank ba yan? Sa ganda mong yan, you can definitely get someone much better than me. So why? " naguguluhan kong tanong. . "It's simple. I don't like them, I like you." sagot nya sabay ngiti. . "Hayssss.. You are as stubborn as ever." pahabol ko. . . Kinuha ko yun mugs namin pareho at dinala sa counter. Tapos bumalik ako sa tabi nya sa sofa. . "Oh, akala ko matutulog kna?" tanong nya. . "Yep, I would. Pero dito na lng ako iidlip. Baka nakawin mo pa tong couch ko pag iniwan kita dito. " biro kong sagot. . "Hoy ang kapal mo, di ko kelangang tong mabantot mong couch! Seriously, kelan mo pa huli pina cleaning to? Hahaah" ganti nya biro. . Bigla ako napahiya. Oo nga noh? Eversince binili ko yan, never pa napa clean. Palit lang ako ng palit ng cover. Hahaha . "Joke lang uy! Di naman mabaho. Saka mabango yun sheets, in fairness. Kaw kasi pinagbibintangan mo akong magnanakaw." bawi nya. . "Alam mo, kung meron man akong gusto nakawin dito, e ikaw yun at ang puso mong bato. Hahaha" patuloy nya . . "Pag di ka tumigil kakaflirt jan papatulan na kita." sagot ko habang nakapikit. . "Edi gawin mo, I dare you." nakangisi nyang tugon. . . Minulat ko ng bahagya ang mga mata ko at tumingin sa kanya. Ang cute talaga ng isang to. . I have a strong urge to devour her right here, right now. . Pero hindi. Kaya ko to. Nakainom lng ako kaya ganito nararamdaman ko. . Pumikit ako ulit. . Maya maya nagtanong siya ulit. . "Bakit nga ba ayaw mo na mag gf ulit?" tanong nya. . "Maganda naman status mo sa buhay, for sure you can raise a family. And it's been a long time na rin since nagbreak kayo ng ex mo." patuloy nya. . "Hayssss.. That's too personal for me. I'll get there when I get there." walang emosyon kong sagot. . "Do you still love her? " tanong nya habang nakatunghay sa mukha ko. . "It's not that. I really don't want to talk about it." pag-iwas kong sagot. . "Well, you deserve to be happy too, you know." Mahina Nyang tugon. . Hindi nko sumagot. . Naramdaman ko na lng siya yumakap sa kin at sumiksik sa dibdib ko. . "Sleep well." At sabay na kaming nakatulog. . . . Hindi ko alam kung ilan oras na kami sa ganun posisyon pero nangangalay na yun braso kong dinaganan nya kaya naalimpungatan ako. . Paglingon ko sa kanya, tulog na tulog pa rin at parang humihilik pa ng bahagya. . Dahan dahan kong inangat yun braso ko para makawala pero bigla siyang gumalaw at lalo nagsumiksik sa kin. . Hinayaan ko na lang siya kahit mawalan na ng dugo yun braso ko. Lol . . After another hour or so, nagising ako ulit. Tumingin ako sa bintana and nakita kong papasikat na pla ang araw. Me naririnig na rin akong akong mga naglalakad at nagwawalis sa labas. . "Hey beautiful gising na. Umaga na. Wala ka ba balak umuwi?" gising ko sa kanya . " Hhhhmmmm.. Let me sleep some more.." sabay siksik ulit sa kin. . " Baka ma amputate na yun braso ko kakadagan mo, wala na natitira dugo sa vessels ko." biro ko sa kanya. . "Eeehhh!" pagmamaktol nya na parang batang di napagbigayn. . Pero dahan dahan na rin siya bumangon. Dahan dahan dumaloy ulit ang dugo sa braso ko kaya para itong kinukuryente na sobrang nakakakiliti. . Paglingon ko sa kanya, naka titig siya ng nasama sa kin. Hair disheveled. Akala mo mangangagat. . "What? " tanong ko sa kanya. . "Ano breakfast?" Pabalik na tanong nya. . "Ayus ah. Paservice na, pakape pa me libre lodging pa. Tas naghahanap pa ng break fast. Ano kita, gf? Hahaha" biro ko sa kanya. . Para siyang napahiya. Bigla yumuko at nalungkot. . "Oi joke lang. Sorry na. Sabay yakap sa kanya. Lika na gawa tayo breakfast" pag alo ko sa kanya. . Sumunod naman siya. . Dumiretso kami sa kusina para maghahanap ng lulutuin. Naka akap lng siya sa bewang ko na parang kaming naglalaro ng tren trenan. Lol . . Binuksan ko ang ref... Annnddd... . . Surprise! Walang kalaman laman kundi drinks at mga bagay na hindi pwedeng almusal. Sabay kaming natawa. . "Tara sa labas, me mga nagtitinda na ng breakfast jan." yakag ko sa kanya. . Sumama naman siya. . Paglabas namin ay pinipilit nya akong akbayan kahit hirap siya dahil mas matangkad ako sa kanya. . . Pagdating sa pondohan. . "Aling kule, ano na po ang luto? " tanong ko sa matandang nagtitinda. . "Ayan luto na nilugaw saka bihon. Eto sopas saka champorado. Spageti niluluto pa saka malabon. Mamaya pa konti." sagot nito. . "Ano sayo, kulit?" tanong ko kay Chel. . "Hhhhhmmm.. Parang namimiss ko na yan champorado. Dati madalas lutuin ni mama yan e." sagot nya. . "Ah ganun ba, sige. Tapos sa kin lugaw na lng with egg, Aling Kule. Balot po." order ko sa tindera. . "Sige saglit lng maibalot. Yan na ba gelpren mo, Erwin? Mabuti naman at kaygandang lalaki mo e wala ka pa ring asawa. Sayang ang lahi mo. Mabuti yan at me mag aalaga sa yo. Mabuti ka namang tao, bagay talaga sayo yun may nag aalaga." dire diretso nyang tugon. . "Nakupow, hindi po aling kule. Kasamahan ko po sa trabaho. Mejo ginabi lang po sa kasiyahan jan sa kabilang bayan kaya hindi na nakauwi. Si Chel nga po pala." pagpapakilala ko sa kanya. . Nakangiti naman tumango si Chel ng pagsanga ayon. . "Ay naku, hindi ba? Ay pasensya kna iha, akala ko'y ikaw na ang hinihintay naming kasintahan nitong si Erwin. Sayang naman, napakagandang babae. Bagay kayo." tugon ni aling kule. . Parang kinilig naman si Chel sa tinuran ng matanda. . "O heto order nyo. Mamaya me hamonado ako saka paksiw na pata kung wala kang ulam. Daan ka lng dito." sabi ng matanda. . "Salamat po, eto po bayad oh.." sabi ko sabay abot ng pera. . "Aba dyaskeng ito. Wag kana mag bayad! Para kang timang. Sa laki ng utang na loob namin sayo at sa pamilya mo, kulang pa to pondohan ko para makabawi. Sige na kumain na kayo't lalamig pa yan." pagtataboy sa min nito. . Napakamot na lang ako ng ulo. . "Maraming salamat po, Aling Kule." parang nahihiya kong tugon. . "Maraming salamat din sa inyo" pagwawakas nito ng may ngiti. . . Dumaan din muna kami sa bakery para bumili ng pandesal. . "Pareng Ed! Laro ka ba mamaya? Me dadayo daw e, mga player ng university. Laro ka para me palag naman tayo." Si Joey. Tropa ko sa village na ang buhay ay basketball, kahit hindi kagalingan at katangkaran. . "Uy dre. Tingnan ko muna. Baka me gagawin kasi ako mamaya e. Kala ko bukas pa laro." sagot ko . "Aaahhh.. Mukhang busy nga." ngisi nya nun nakita si Chel. . "Siraulo. Kaopisina ko yan. Si Chel nga pla, si Joey. Yan ang hari ng basketball dito. " pagpapakilala ko sa kanila . "Wow hari! Coming from you master! Hahaha" At sabay kaming nagtawanan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Road to Forever: Dogs of Fire MC Next Generation Stories

read
23.3K
bc

The Baby Clause

read
3.0K
bc

The Slave Who Owned The Moon

read
2.2K
bc

Crazy Over My Stepdad

read
1.2K
bc

Rocking With The Bratva Brat

read
30.4K
bc

Ava

read
2.7K
bc

The Lost Heiress's Glorious Return

read
6.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook