Pagkabili namin ng tinapay ay bumalik na kami sa bahay. Habang inihahanda yun mga binili namin, bigla siya nagtanong.
"Kumakandidato ka ba dito sa inyo? Para kang politician, lahat nang nakakasalubong natin kilala ka. Tatakbo ka bang mayor? Hahaha.." natatawa nyang tanong.
"Baliw. Ganun lang talaga mga tao dito. Kung mabuti ka sa kanila, mabuti rin sila sayo. Kapag nagpondo ng magandang pakikisama at mabubuting kawang gawa, babalik sayo yan ten folds. Mantra yan ng universe." paliwanag ko
"Kaya kahit iwan kong nakabuyangyang tong bahay ng isang linggo, wala magnanakaw dito. Baka me magilinis pa pagbalik ko." patuloy ko pa.
Napangiti siya sabay sabing "tama na nga lalo ako naiinlove sayo. Hahaha."
Napailing na lng ako.
.
After namin kumain, tinanong ko siya kung ano oras nya balak umuwi. Sabi nya ayaw pa rin nya umuwi. Gawin ko lang daw ang dapat ko gawin, don't mind her.
"Di ba nag aalala mga tao sa inyo? Baka hinahanap kna?" tanong ko.
"Hindi naman ako hahanapin dun, aassume lng nila nakakulong lang ako kwarto ko. Saka inupdate ko naman kapatid ko so she knows where I am." sagot nya.
"Okay. I just want to be sure. Baka mamaya bigla damputin ng mga pulis sa salang kidnapping. Hahaha." biro ko.
"Kung magkaganun man, sasabihin ko sa mga pulis na nireyp mo ko para ma blackmail na kita para pakasalan ako. Hahaha" natatawa nyang tugon.
"Siraulo ka, hindi magandang biro yan ah.." sabi ko.
"Hahaahaha.. " parang nababaliw na nyang tawa.
.
After ko maglinis ng konti, magkalikot ng kung ano ano, naisipan ko na mag grocery. Wala na rin kasi akong stocks. Sakto, nakaligo na rin ako pagkatapos nya maligo.
"Hey bebe girl, I am going to the grocery, me gusto ka pabili?" tanong ko sa kanya.
"Wait, sama ko!" parang bata nyang sabi, sabay takbo sa garahe.
.
At the grocery, kumuha nko ng basket para sa mga bibilhin ko. Bigla nawala si Chel.
Paglitaw ay me tulak tulak ng pushcart na me konti ng laman.
"Ano yan? Laki naman nyan? Mapupuno mo ba yan?" pang aasar ko sa kanya.
"Don't me. Hahaha." pang aasar din nya.
Bigla ako kinabahan. Baka bilhin nito buong grocery ah.
To my surprise, halos mapuno na nga nya yun cart. Naisip ko lang, paano nya iuuwi sa kanila yan e napakarami? Malayo pa naman bahay nila.
"Basta. Ako bahala." nakangisi nyang sagot.
Edi ayun na nga. Pagdating sa counter..
Anak ng.. 7k!!!!!
Pinawisan ako ng bahagya sa bill namin.
"Relax ka lng, sagot ko to. " sabi nya.
And siya nga nagbayad. Di na ako tumanggi, nakarami na rin sa kin to e.
.
.
Pagdating sa bahay, nagulat ako nun sinasalansan nya sa kitchen cabinet ko yun mga pinamili namin.
"Huy, kala ko iuuwi mo yan? Bat jan mo nilalagay?" taka kong tanong.
"Kaya nga. Inuwi ko dito. Nakakahiya naman sayo kagabi pa libre lahat sa kin dito. Pambawe ng onti. Saka nakakaawa rin tong kitchen mo e, parang pag Christmas lang nagkakalaman." pang aasar pa nya.
"Well totoo naman. Hahaha.." sakay ko sa joke nya.
"Bihira rin naman kasi ako magkabisita dito kaya hindi ako nag stock. Tas pag nagutom, 24/7 me mabibilhan sa labas." patuloy ko.
"Hay.. Typical man-child. Hahaha.." pang aasar niya sa akin.
Kaya ginantihan ko siya. Bigla ko siya kiniliti habang inaabot nya yung taas ng cabinet.
"Wwaaaggg!! Hahahah.. Malakas kiliti ko." sabay parang nangisay.
Pero dko siya tinigilan.
"Hahahahaha.. Ayoko na.. Ayoko na.. Pag di ka tumigil hahalikan kita!" banta nya.
Di ko naman siya pinansin, pilit ko pa din siya kinikiliti.
.
Suddenly, I felt her hands cup my face. Bringing it closer to her. Her eyes suddenly changed from being jolly to being serious. Sultry and passionate. I am not sure if she'll do it, so I did nothing.
.
Then the kiss..
.
It was a deep, emotionally driven kiss. You can feel the hungry need from her lips..
"Hhhhhhmmmmm.." her moans while the kiss gets deeper and deeper..
Her hands held the back of my head, as if afraid I might break the kiss..
Her lips are so sweet.. Playfully nibbling with my lower lip.. Her body arching.. Not wanting to let go..
And then, she stopped.
.
"I am sorry. I shouldn't have done that. I crossed the line. I.. I.. I'm just gonna go," she said and started to get up.
Her face is all flushed, pulang pula sa sobrang hiya.
I grabbed her arm and pulled her to my lap while I sat on the kitchen floor. Looked her in the eyes.. Put her hair behind her ears..
.
Then kissed her..
.
This time it wasn't just her.. This time, we are sharing the kiss..
Hungrier.. More passionate..
It felt like an eternity of bottled emotions had just been released, and it just exploded the jar!
Ang sarap nya halikan. Lumalaban. Ramdam mo ang kanyang pagmamahal sa bawat galaw ng kanyang labi..
"Hhhhmmmm Ed... I've been waiting for this." Nakangiti nyang wika.
Sabay halik muli sa aking labi..
.
Tumagal pa kami sa ganoong posisyon ng ilan pang minuto. Hanggang siya na ang kusang kumalas.
"Salamat." nahihiya nyang sambit.
"What for?" nakangiti kong tanong.
"Basta." sabay yakap ulit sa kin na ginantihan ko naman.
"Anything for you, my princess.." tugon ko.
Pagkatpos ay tumayo na rin kami at nagtawanan. Parang me mutual understanding na biglang namagitan sa amin.
.
Tinulungan ko na siya magsalansan ng stocks sa cabinet. Me konting harutan pa rin at kulitan.
"Lutuan kita ng spag, gusto mo?" tanong nya.
"Huh? Yun na lunch natin? Di pa tayo nag lunch.." sagot ko.
"Hindi, mamaya pa meryenda. Gusto ko yun paksiw na pata ni Aling Kule for lunch. Hahaha.." sagot nya.
"Matagal nako di nakakain nun e." magiliw nyang dugtong.
"Aaahhh okay. Sige ako na bibili ke aling kule. Ikaw na magsaing?" sabi ko sa kanya.
"Sure." sagot naman nya sabay smack ng kiss sa labi ko.
"Aba nakakarami kna ah. Mamaya me bayad na yan. Namimihasa kana. Hahaha" biro ko.
"Kapal! As if naman di nageenjoy! Hahaha" ganti nyang biro.
.
Pagkakain namin ng lunch, nag stay na muna kami sa couch, hanap ng mapapanood sa netflix.
Cuddle cuddle.. Halikan pasimple.. Para kaming bagong magsyotang teenagers. Lol
Nood ng movie.. Pero mostly, halikan lang ang inaatupag..
Until about 3 pm, she stood up to prepare the spaghetti she would cook.
.
After a few minutes, me mga naamoy na ako kaya sumunod ako sa kanya. Naabutan ko siya sa sink, naghuhugas ng bell peppers.
Niyakap ko siya from behind sabay halik sa batok nya..
"Hhhhhmmmm ang bango mo pala bebe girl.. Hahah.." pang-aasar ko.
"Haist wag naman bebe girl itawag mo sa kin, nagmumukha ako lalo bata e." maktol nya.
"E ano ba dapat itawag ko sayo?" sabi ko sabay patuloy sa paghalik sa batok nya.
" Ewan, basta yun sweet naman.. Para naman tayong ewan nyan e.." tampo nya.
" E ano ba tayo? Girlfriend na ba kita?" pang-asar kong tanong.
"Nilalantakan mo na nga ako dito, nag tatanong ka pa. Magpapahawak ba ako sayo ng ganito kung hindi pa tayo?" nakasimangot nyang tugon.
"Nagsisiguro lng, mamaya ituloy mo yun banta mo kanina e. Hahaha.." patuloy kong pang-aasar.
"Hhhmmmp. Bahala ka nga jan. Dun kna muna para makaluto nko." inis niyang sabi.
" Joke lng.. Eto nman.. I love you Chel.." sabi ko sabay pihit sa kanya para mahalikan ko siya.
Tumugon naman siya.. Tumagal din ng ilang minuto ang aming halikan bago siya kumalas.
"You know I love you too, right?" malambing nyang sambit sabay halik ulit sa kin.
"Ay siya dun ka na. Di ako matatapos magluto sa kakahalik mo. Hahaha" pagtataboy nya sa kin.
"Hahaha" tawa ko sabay palo sa kanyang pwet bago bumalik sa sala.
.
.
Pagakaluto nya, tinawag na nya ako para kumain.
"Wow ang sarap ah! Parang pang resto! Hindi ganito spaghetti dito sa min pag me birthday. Hahaha.." papuri ko sa kanya.
"Nyek, spaghetti lang to no, anybody can cook this." Sagot naman nya.
"Not as good as this." bawi ko. Sabay ngiti.
"Bolero." anas nya. Pero halatang kinilig.
.
After namin kumain, nag-insist na ako na magliligpit ng kusina. Nagpupumilit siya pero di na ako pumayag. Kaya napilitan siya pumunta muna ng sala.
Pagkalinis, sinamahan ko siya ulit sala, nanonood siya ng korean movie ata yun. Di ako sure kasi di naman ako nanonood ng ganun.
Inakbayan ko na lng siya and sumandal naman siya sa kin. Pumikit na lang ako para makarelax.
Hindi ko namalayan na naka idlip pala ako sa kabusugan. Nagising na lng ako na tahimik na.
.
Pagmulat ng mata ko, nakatunghay siya sa mukha ko. Sobrang lapit na konti na lng halikan na nya ako.
"Alam mo ba ginagawa ko sayo to dati?" nakangiti nyang tanong.
"Not really. But I caught you once. Hindi ko naman alam na pinagpapantasyahan mo talaga ako." pabiro kong sagot.
"Kapal ah.. Pinagpapantasyahan talaga.. Baka ikaw pa jan.." ganti nyang biro.
"Masarap ka kasi titigan.. Parang nakakawala ng stress.. Feeling ko ang kalmado ng mundo pag nakatingin ako sayo.." patuloy nya.
"Waaassshhhuuu.. Nambola pa ang bata.. Hindi na kailangan, nakuha mo na ang matamis kong oo. Hahaha.." patuloy kong biro.
"Kainis to, panira ng moment.." pasimangot nyan tugon.
"Joke lng. I am happy na kahit hindi ko pla alam, nakakatulong nko maka relieve ng stress mo. Don't worry, from now on, kahit hindi mo nko titigan tutulungan na kita sa mga stresses mo.." bawi ko sa kanya.
.
At bigla nya ako hinalikan ng madiin.
"Hhhhhhmmmmmm... Salamat mahal.." sabi nya.
"Mahal?!" gulat kong tanong.
"Bakit ayaw mo ba?" tugon niya.
"Hindi naman sa ayaw. I love the meaning, kaso di ba sobrang cheesy? Hahaha.." natatawa kong tugon
"Puwes humanda ka kasi sample pa lang yan ng mga kacheesyhan na ipararanas ko sayo. Hahahha.." aniya sabay balik sa paghalik sa kin.
.
Nag stay pa kami dun for a few more minutes. Tapos me naalala ako.
"Nga pla Chel, me laro daw kami mamaya, are you okay staying here alone?" tanong ko sa kanya.
"Edi sama ako." sabi nya.
"Sigurado ka? Baka mabore ka lng dun. Puro boys andun and puro basketball topic." paninigurado ko.
"Ayaw mo lang ata ako isama e. Kinakahiya mo ba gf mo?" pang-aasar nya.
"Baliw ka talaga. Sige na nga. Basta pag na bore ka, let me know, okay?" sagot ko.
"Yes po, thanks!" sagot nya.
So ayun nga tambay pa kami ng konti tas nag prep nako papunta sa court.
.
.
Pagdating namin dun, marami nang tao. Parang me paliga. Kaya nagtanong ako. Kasi alam ko wala paliga ngayon e.
"Tsong bat andaming tao? Me paliga ba?" tanong ko sa isa tropa.
"Ayun si bossing Sniper!! Hahaha. Wala naman, pero me dadayo raw kasi, malalakas daw. Player ng university. Kaya madami gusto manood." sagot nya.
"Ah ganun ba. Sila Joey, andito na ba? Siya nag yaya sa kin e." sunod kong tanong.
"Siya ata sumundo dun sa dayo kuya Ed. Siya rin ata nagsetup nitong pustahan e." sagot nya ulit.
"Pustahan??! Gago talaga yun si Joey. Di ko alam na pustahan to. Uwi na ko, sabihin nyo na lang ke Joey yari siya sa kin pag nakita ko siya." sabi ko sabay lalakad na sana pabalik.
"Wag kuya Ed! Paano tayo papalag dun kung di ka lalaro? Alam mo naman kaw panabla natin dito.
Wag mo na isipin yun pusta, alam namin wala ka pakialam dun. Isipin mo na lang yun pride ng village natin. Papadarag ba tayo sa homecourt natin??
Lalo ikaw, naglalaro na kayo jan kahit hindi pa sementado yan dati." Mahaba nyang pangungumbinse.
Kinalabit rin ako ni Chel sa gilid ko.
"Sige na mahal, pagbigyan mo na. Gusto rin kita mapanood maglaro.." sabi nya sabay pacute na ngiti.
"Hays sige na nga. Mag 2 weeks na rin ako walang laro e." sagot ko.
"Yehey!" sigaw ni Chel
"Ayos!! Now we're talking!" sigaw naman ng isang tropa.