Dahil nga sa pumayag nko lumaro para kalabanin yung mga dayo ay nag stretching na rin ako. Konting takbo, tapos shooting. Pampabuhay ng dugo.
Simula lay up, floater, free throw. Tapos perimeter, hanggang tres. Tapos sa corners saka sa wings. Practice din ng pull up sa top of the key.
"Walang kupas si sniper ah.." kantyaw ng isang tropa.
Ngumiti lng ako.
"Makikita ba namin ulit yun 7 straight threes mo nun dinayo tayo ng import dito?" tanong naman ng isa pa.
"Di ko na ata kaya yun hahaha.." sagot ko naman
"Sus ikaw pa ba, e ikaw rin bumitaw ng buzzer beater sa inter baranggay mula sa free throw ng kalaban e!" sagot naman nya.
"Matagal na yun tsong, mahina na pulso natin. hahaha.." sagot ko.
Paglingon ko kay Chel nakatayo lang siya habang tinatakpan ang bibig nya gamit ang towel ko. Parang tinatago yun mga ngiti nya.
Bigla ko siya kinindatan sabay tira ulit ng tres sa mula sa wing. Pasok!
Namula siya at bigla hindi malaman kung san titingin.
.
Maya maya pa, dumating na sila Joey, kasama yun mga dayo.
Holy crap! Ang tatangkad nga nila. Puro 6 footer!
"Oy pareng Ed! Buti dumating ka. Sila kalaban natin, napakiusapan lng ako ni kabise laruin daw natin sila, di raw makakita ng kalaban sa kanila e. Kaya pinadayo nya dito." bungad ni Joey.
"E bakit me pusta?" inis kong sagot sa kanya.
"Pampaganda lang ng laban yun, anu ka ba? Saka alam ko naman di ka babakas dun. Kaya hayaan mo na lang sa min yun." sagot nya habang pakamot kamot sa ulo.
"Okay lng ako kung kayo lang, kaso nakikita ng kabataan dito sa tin ang pamumusta nyo oh? Paano kung gayahin kayo ng mga yan?" pangaral ko sa kanya.
"Okay okay, next time, di na namin ipaalam sa mga kolokoy ang tungkol sa pustahan." tugon nya.
"Ano ready ka na ba? Ipapakilala ko na team natin sa kanila." patuloy nya.
Kahit naiinis pako sa kanya ay pumayag na rin ako. Bale ang first 5 namin ay ito:
Joey (5'6) - PG
AKo (5'9) - SG
Rodney (5'10) - SF
Kiko (6'0) PF
Gori (6'2) - C
Ang line up naman ng kalaban:
Dash (6'0) - G
Martinez (6'1) - G
Ong (6'4) - F
Arvilla (6'6) - F
Ocampo (6'8) -C
"Taena parang david vs goliath to ah. Kaya ba namin to?" tanong ko sa isip ko.
"Napasubo ata kami. " patuloy ko.
.
Nagpatuloy na kami ng warmup sa side namin, sila naman sa side nila.
Kada bitaw ko ng tres ay pasok naman, parang maganda ang pitik ng pulso ko ngayon, sakto.
.
Nang bigla ako me narining na malakas na ingay.
"TSSAAGGG!!!" biglang umalingawngaw sabay parang nagvibrate yun sahig.
.
Paglingon ko, kakabagsak lng galing sa pagdunk ni Ocampo. Taena kamukha nun kalaban ni Jordan sa Space Jam ang potah.
Ang laking bulas!
Si Dash naman, padribble dribble lng sa ibabaw, parang nag susubok ng mga dribble combo. Pero kita mo na sanay magdala ng bola.
.
"SShhhoookk" tunog ng swak na bola sa ring.
Paglingon ko, si Martinez, nasa bench nila tumitira ng tres.
Nak ng shooter din pala to.
Sabay tumakbo si Ong dala ang bola. Tumalon isang hakbang galing sa free throw line, akala ko idadunk, pero nang sabayan ni Arvilla, biglang umikot sa ere at kinaliwa ang layup.
Pasok.
Langya puro Monstars nga ata to kalaban namin. Alam kong hindi na block ni Arvilla yun, puro yun talon nya para subukan i-block, halos umuntog na yun ulo sa ring.
.
Delikado kami rito.
Kaya tinawag ko yun team.
"Mag dre, di tayo mananalo sa open court sa mga to. Una, mas bata at maliksi sila. Saka me proper training yan. Pag sinabayan natin yan, papagurin lang tayo kakahabol." simula ko.
"Eto ang plano: Joey, ikaw magtimpla ng pacing. Wag ka sasabay sa takbuhan nila. One possession at a time tayo, half court offense." patuloy ko.
"Malaki nga si Ocampo, pero sa galaw nya, wala pa yang gulang. Kaya mo gulangan yan, Gori. Alalay kna lang, Kiko kung sakali daanin sa tangkad, abutin mo sa ibabaw." sabi ko pa.
"Wag din tayo pakampante sa mga easy layup, matataas sila tumalon. Kayang kaya nila abangan yun bola natin sa ibabaw. Patamain nyo agad sa board para goal tending kung abutin man.
Rodney, kabisado mo pa naman yun pick and pop natin dalawa di ba? Pwede natin subukan kung di tayo maka kuha ng open shots." dagdag ko.
"And lastly, wag tayo mahihiya tumira, wag kayong ma-starstruck sa kanila. Kung tatalunin natin sila, ipapakita natin ang respeto sa kanila sa pamamagitan ng paglalaro ng buong puso. Ipakita natin sa kanila kung gaano katibay ang mga taga dito." pagtatapos ko.
"ALRIGHT!!" sabay sabay namin bulas.
.
Nagulat na lng ako me bigla sumulpot na isang ulo sa gitna ng umpukan namin.
.
Si Chel! Akala mo batang gusto makiusyoso sa usapan ng mga matatanda. Di ko napigilan matawa sa kalokohan nya.
"Ano ginagawa mo jan, baka matapakan ka!" biro ko.
"hahahaha" saby sabay na tawanan ng grupo.
Bigla naman siya sumimangot.
"Guys, si Chel nga pala, GF ko." pagpapakilala ko sa kanya.
Napasmile narin siya at nag hi sa tropa.
"Hi po.." sabi nya
"Hi Ate Chel.." sabi naman ng iba tropa.
"Anong ate, matanda pa ata kayo sa kin??" sagot nya.
At tawanan na naman ang grupo.
.
.
Ilan saglit pa at nag start na ang laro. Standard paliga game. 2 halves, 20 mins per half. Running time. Last 5 mins ng 2nd half lang ang hindi.
Me referee din, although hindi official game, mga off-duty na refs ang hahatol. Padala raw ata ni kabise para masanay mga bata nya sa merong rules.
At yun na nga, simula na ng laro.
"PPPRRRRRRTTTTTTTT" hudyat ng simula.
Pag angat pa lng ng bola sa kamay ni ref, nakalipad na agad si Ocampo para sungkutin ito. Natulala na lng si Gori kasi tuhod na lng ni Ocampo ang nasa tapat ng mukha nya.
Sabay tapik papunta ke Ong ang bola. Agad naman nagdribble pasugod sa basket nila, ni hindi hinanap yun guardiya nila.
Ang tulin! 2 hakbang lang ata papa layup na siya!
"Basket!" sabi ng ref.
.
Tulala pa ata mga kampi ko.
"Okay lang yun tsong, bawi tayo." pukaw ko sa kanila.
Ibinaba ni Joey ng dahan dahan ang bola. Kaso pagkapasok na pagkapasok nya ng halfcourt, biglang nagtrap ang 2 guardiya ng kalaban. At dahil sa laki ng naka payong sa kanya, wala na makitang kakampi si Joey. Nabitawan nya ang bola.
Isang kisapmmata ay nasa layup area na si Dash.
"Counted!" sabi ulit ng ref.
.
"Easy lng Joey" sabi ko. "Andito ako sa kabila mo kung kelangan mo ko." alalay ko sa kanya.
Kaso hindi pa nakaka rating sa halfcourt si Joey ay naka trap na ulit ang 2 nila guard. Kaya napilitan na siya damputin ang bola at hanapin ako.
Paglapit ko sa kanya ay hiningi ko agad ang bola, pero naka sunod na pala ulit si Ong sa likod ko at natapik ang pasa papunta ke Martinez.
Yari, open court, layup na naman. Naisip ko.
Pero bigla siya nag pull up sa tres.
"TTSSSUUUKKK!" ringless naman nyang tira.
"Basket." Si ref.
.
Nak ng. Wala pa 1 minute 7-0 na. Ni hindi pa kami nakaranas tumira.
"Joey, palit muna tayo, ako muna mag dadala." sabi ko sa kanya.
Kahit Parang napapahiya ay pumayag naman siya.
.
Inbound. Pagkakuha ko ng bola ay tumingin agad ako sa taas. Tinitingnan ko pwesto ng trap nila. Mid court. Ifo-force left ka saka ka kokorkerin pagpasok ng halfcourt.
Napanood ko na to e. Trap defense ng La Salle to dati.
So kunyari sumunod ako sa dikta ng defense nila. Kunyari gumalaw ako paleft para sumunod yun naka abang na trap.
Bago umabot sa half court ay bigla ako nagcross papuntang kanan. Lusot.
Nagulat ata sila kaya biglang nag help si Ong galing weakside. Pagiwan nya ke Rodney ay saka ko bigla binigyan ng bola.
Ang bilis ng rotation nila, palapit na kaagad si Arvilla ke Rodney.
Ako naman e umiwas ke Ong sabay diretso cut sa gitna. Pagdikit ni Arvilla ke Rodney ay bigla nyang binalik sa kin ang bola. Pagtanggap ay pumorma ako na akalo mo ay magfofloater. Umakma na tatalon si Ocampo para sabayan ako.
Nang nasa ere na ako ay bigla ko dinrop pass ke Gori ang bola. Libreng libre.
"Basket!" sabi ng ref.
Palakpakan mga tao. 7-2. Pero at least naka butas na.
Binulungan ko si Rodney "Angat ka konti pura bumuka sa loob, saluhin mo rin ang paparating na help para ma disrupt yun rotation nila."
"Okay, got you." Sagot nya.
.
Pag baba sa kabila, bigla cumat si martines pagitna sabay lusot sa likod. Nawala siya bigla sa paningin ko sa laki ng nag pick sa kanya. Pinilit ko humabol pero malaki na ang agwat, di na aabot.
Open three.
Nang biglang me anino tumalon para pigilan ang tira niya. Si Kiko.
Buti inabot ng kuko ang dulo ng bola.
"Rebound!" Sigaw ni Martinez
Nakapwesto na kaagad si Ocampo para rumebound. Pero alerto si Gori. Sinungkit nya agad ang kamay ni Ocampo sa ilalim ng braso nya habang nagpupwestuhan. Kaya pag angat ni Ocampo ay para siyang itnulak patalsik.
.
"PPPrrrttt! Foul Ocampo. Offensive." sabi ng ref.
Napangiti ako. Kulang pa nga sa gulang ang mga to.
.
Tuloy ang laro, amin ulit ang possession. Si Joey na ang nag baba ng bola, pero naka alalay si Rodney para hindi maipit ng trap.
Pagdating sa kabila ay puwesto lang ako sa corner. Tawag ng play si Joey.
Puwesto rin si Rodney sa wing. Ready to shoot.
Napilitan bumuka ang depensa nila para pa cover ang mga shooter sa labas.
Sabay bigla angat si Kiko pag mag pick kay Joey. Habol naman si Arvilla para mag help sa papasugod.
Pero bigla sa kabila dumaan si Joey gamit ang pick kaya 2 na ang natrap dito, napilitan tuloy humabol si Ocampo para i-challenge ang open lane.
Sabay drop pass ulit ke Gori. Pero mabilis si Ong, naka rotate na kaagad para supalpalin ang tira.
Pero biglang nag kickout si Gori para ke Rodney. Open Three.
Hindi pala, andun na rin si Martinez para pigilan siya.
Sabay pasa nya sa kin. Pag porma ko ng tira ay naka rotate nang muli si Arvilla para pigilan ang tira ko. Wala na ko choice. Itinira ko na ito ng palobo para hindi abutin ng depensa.
Nanlaki rin ang mata ko ng makita kong muntik nang abutin ni Arvilla yun tira kahit pa sobrang lobo na ng bitaw ko. Grabe talon netong isang to. Naisip ko.
.
"TTTSSSSUUUKKK!" tunog ng bola. Pasok.
"Yeheeeyyy!!!" Ang lakas ng sigaw ni Chel, akala mo nag champion kami.
Tawanan tuloy ang mga tao. Napakamot naman ako ng ulo.
.
Nagpatuloy ang laban, nakadikit naman kami, pero kita talaga ang difference sa height, speed at athleticism. Dinadaanan lang talaga namin sa gulang at diskarte.
Maya maya pa, napansin ko hinihingal na si Joey.
"Kaya mo pa dre? Pede naman si Toto, marunong na rin yun habang nagpapahinga ka. Balik ka ulit mamaya." tanong ko sa kanya.
Hindi ko naman siya masisi kasi bukod sa matulin at magaling din tlga dumepensa si Dash, hindi rin nito tinatantanan sa full court pressure si Joey. At hindi sanay si Joey dun.
"Sige dre, si Toto muna, hinihingal ako e. Habulin ko lng hininga ko." sagot nito.
.
24-18. Lamang pa rin sila.
Si Toto na nag dadala ng bola. Kahit hindi pa ganun ka steady ang pagtitimon nya sa plays, nakaka sabay naman siya kahit paano sa bilis ni Dash kaya mas nakontrol na namin ang tempo.
.
Sinenyasan ko siya ng play. Naintindihan naman nya. Galing sa kanan, ipinasa nya kay Rodney ang bola sabay porma ng pag pick dito. Mabilis naman kumilos ang depensa para iwasan ang pick. Pero decoy lng pala yun. Tumatakbo na ako papunta sa gitna kung saan nakaabang ang dalawa naming bigman para mag pick sa kin.
Pagdaan ko ay biglang sumara ang dinaanan ko na parang pinto.
"Ayan na! Elevator!!" hiyawan ng mga tao.
Open three sa top of the key.
.
"SSHhoook" tunog ng net. Swak ulit.
"3 na lang!" sigawan ng mga tao.
"EEEEEEEEHHHHHHH!!!!! Ang galing mo mahal!!! GO go goo!!!" patuloy na pag iingay ni Chel sa gilid.
Nakikigulo na rin sa kanya yun ibang kabataan sa amin.
"GGooo kuya EDD!! GGooo Kuya EDD!!" cheer nila.
Natapos ang first half ng lamang sila ng apat. 27-23.
Habang nag papahinga, kinausap ko ulit ang team namin.