Chel 4: The Game Part 2

2395 Words
Chel 4: The game part 2 "Sabi sa inyo mga dre, kaya natin diskartehan yan e. Magagaling nga sila, pero mga bata pa. Baka next year hindi na." pasimula ko "Tuloy mo lng ginagawa mo sa ilalim Gori, kaya mo siya pisikalan, mas matangkad lang talaga siya sa yo. Good job sa mabilis mong help sa ilalim saka sa wing, Kiko. Tuloy mo lng." pagpapatuloy ko. "Wag kna mag dalawang isip pakawalan yun mga paborito mong floater kung malayo naman ang bantay, Rodney. Wag ka mahiya mag mintis, andito kami para sa yo." dagdag ko. "Ano pareng Joey, kaya mo na ba? Ikaw na ulit?" tanong ko. "Si Toto na muna pagsimulain mo ng 2nd half pre, reserve ko energy ko sa final stretch. Gusto ko bawian si Dash." seryoso nyang pahayag. "Okay. To, kaya mo pa naman, di ba? " paninigurado ko. "Kayang kaya kuya. Ipapahiya ba kita? " matapang naman nitong sagot. "Nice! Yan ang gusto ko sa inyo e.. " nakangiti kong sagot dito. . Paglingon ko, naka akbay sa akin si Chel na akala mo naman ay naiintindihan ang mga pinag uusapan namin. Siya pa ang start ng battle cry. "GGGGOOOO TTEEAAAMMM!!!!" sigaw nya. . . And nagpatuloy nga ang laro. Posession arrow. Amin ang bola. Binaba ni Toto. Nang makalapit sa midcourt ay bigla na naman nag trap sila Dash at Martinez. Pero dahil napanood na ni Toto yun ginawa ko kanina ay nagawa nyang lampasan yun. Kaso one step ahead na pala ulit sila. Pagpasok sa halfcourt namin ay may secondary trap na pala naka latag si Ong. Tapos ay sa likod naman nanggaling ang tapik ni Dash, kaya naagaw ni Ong ang bola. Sabay bato ke Martinez. Pull up three na naman. . "TTSSUUUKK" wala pa rin sabit. Allergic ba sa layup tong kumag na to? Nasa isip ko. Kung ako coach neto ibabangko ko to pag patuloy na tumira ng tres sa open lanes. Pito na naman ang laman. Napilitan na naman kaming tumulong sa pagbaba ng bola. Pag dating ng bola, sumenyas ulit si Toto ng play. Nagkaintindihan na. Fake pick, sabay elevator sa dulo. Kaso pagtanggap ko ng bola, alam na ni Dash ang gagawin. Andun na siya agad sa harap ko. Hindi ko na pede itira to, sigurado aabutin nya ako. Sabay kalas ni Rodney sa salansan para mag bigay ng pick sa akin. Pinadaan naman ako ni Dash at nag abang sa may 3 point line. Pero nabigla siya nun bigla ako nag step back sabay tira mga 2 hakbang mula sa linya. . "TTSSUUUG" pasok. . Hiyawan na naman ang mga tao. "YYAAAAHhhhoooo! Sniper! Sniper!" sigaw nila. "I love you mahal!!" sigaw naman ni Chel. Napangiti si Dash na animo'y nakakita ng worthy na kalaban. . Pagbaba sa kanila ay bigla itong sumibat papasok nang ubod ng bilis. Halos hindi ko nakita yun ginawa nya. Nakita ko na lang na naka layup na siya. "Ang bilis." sabi ng isang tropa Tuloy ang palitan namin ng opensa, pero hindi namin ma-break yun 5 puntos nila kalamangan. Lalaki ng siyam, tapos maibaba namin ulit sa lima. Pero di kami makadikit. . "Last 5 minutes," sabi ng ref. Kanila bola noon. Naka ready sa corner si Martinez, nasa comfort zone nyang mid range si Ong, nasa baseline si Arvilla at naka ready mag set ng pick si Ocampo. Sa isang kisapmata, bigla iniba ni Dash ang direksyon ng bola palapit ke Martinez. Nag close out naman ako, pero hindi pala siya ang target nya. Bigla nag cross court ke Ong na ikinagulat naman ni Rodney dahil humanda siya mag help sa weak side. Napilitan humabol si Gori sa tira ni Ong. Sabay biglang drop pass ke Ocampo na nagslide na pala pailalim. Pinilit pa humabol ni Kiko, pero dahil sa laki at lakas ni Ocampo ay isinama lang siya pagdunk na animo'y nag backride si trae young kay Zion. . . "BBBAAAAMMMMM!!" malakas na tunog ng dunk ni Ocampo. Sabay dahan dahan bumaba mula sa ring. Parang NBA player ito kung dumakdak. Natahimik lahat sa dagundong ng dunk na yun. . "Hoy Kingkong yabang mo!! Laki laki mong tao bitin ka ng bitin jan!" kantyaw ni Chel. Tawanan ang mga tao. Napailing na lng din ako ng ulo. . . Kelangan na dumiskarte. Sure ball talo kami neto pag di pa gumawa ng paraan. "Time out ref" tawag ko na pinagbigyan naman. . Pagdating sa huddle. "Ano dre, kaya mo na ba?" tanong ko ke Joey. "Sige ako na bahala sa Dash sa yan." sagot nya. "Okay lang ba , To?" tanong ko naman ke Toto. "Okay lng kuya Ed, thank you nakalaro kahit paano." sagot naman niya. . "Okay game. Run tayo ng fake elevator, Rodney, sayo ang baseline." simula ko. "Gori seal mo si Ocampo para open ang layup lane ni Kiko. " patuloy ko. "tayo bahala sa ibabaw Joey, kita mo naman tendency nun Martinez di ba? Wag kakagat sa fake drive nya. Unang try nya lagi step back gamit left hand." dagdag ko. "Pag naka man up ka ke Dash, bilangin mo between the legs. Dalawang sunod yan sabay cross pakanan. Abangan mo ng sundot" pagtatapos ko. Seryoso naman silang nakikinig at wari'y pilit tinatandaan lahat ng sinabi ko. . Pero me isa pang seryosong naka titig sa mukha ko. Si Chel. Parang namamangha sa mga sinasabi ko sa team. . . "PPPRRRTTTT!" tuloy ang laro. Sa min ang bola. Pag angat ay nag simula na ang play. Nasa Corner lang ako, fake screen ni Rodney kay Joey, sabay angat nila Gori at Kiko para i-ready yun pinto. "Alam na namin yan!" Sigaw ni Arvilla sabay inunahan sa pwesto sila Gori para hindi mabuo ang pinto. Kaya hindi nya namalayan na naka alis na pala si Rodney at open na sa baseline. Pagdating ng bola ay pinilit pa ni Ong na humabol pero ibinigay ni Rodney ang bola kay Kiko para sa isang open lay up. "YYYAAAHHHHOOOOO!!! apat na lng ulit!" Hiyawan ng mga tao. . 48 - 44. . "Last 2 minutes!" sigaw ni ref. Kanila ulit bola. Binaba ni Dash ng mabilis. Pagpasok ng halfcourt nila ay bigla siya inasawa ni Joey. Napangiti ito. Sumenyas ng Iso. Yumukod para mag handa sa gagawin nyang atake. Nilipat lipat sa magkabilang kamay ang bola parang hinihintay mag kamali si Joey. Pero seryoso lng si Joey, sa ritmo ng paa ni Dash naka pokus. "Eto na! " hiyaw ni Dash. Isa... dalawa.. Bilang ni Joey sa isip nya. Ngayon naa!!!! Sabay sundot sa harapan ni Dash.. "HULLEEE!!!!!" bulalas nito sabay kuha ng bola. . Takbo kaming tatlo nila Joey at Rodney, 3 on 2 fast break! Pag abot sa kin ni Joey ay agad kong ipinasa kay Rodney, akala ko isang pasa pa gagawin nya pero nagulat ako ng bigla siyang nag floater. . Pasok! . "YYYYYYYAAAAAAAHHHHHH!!!" sigawan ng mga tao. . 48-46. . "1 minute 20 seconds" sabi ni ref "Akala mo ikaw lng me ganun ah!" kantyaw ni Rodney kay Ong. Ngumiti lang si Ong. . Pagbalik sa kanila ng bola, bigla nag set ng pick si Arvilla kay Martinez na mabilis na puwesto sa paborito nyang wing spot. Mabilis ang pangyayari kaya di ko na nakuha pang makahabol. "TTTSSSUUUG!" pasok na naman. Lima ulit ang lamang. . 51 - 46 . "48 seconds!" sigaw ni ref. Diretso na kami motion, di na pede mag aksya ng oras. Para kaming nag lalaro ng habulan ni Martinez sa kakapilit nyang ma deny ang bola. Sa pangalawa kong ikot ay ginamit ko ang low pick ni Gori para makatago sabay sibat papuntang corner. Dahil naipit ay napilitan si Arvilla mag help papunta sa kin, pero fake lang pala yun. tumakbo ako paangat dala ang bola at dahil naka focus siya sa paghabol sa kin ay nabangga niya ang kakampi nyang si Ong! "Uugghhh.." impit na daing nito ng tamaan ng bulas ni Arvilla. Sabay pasa ko sa pinaggalingan kong corner kung saan naroon si Rodney na open. "Tira dre!" sigaw ko. Tinira naman nya. . . "Tuuggg... Tuggg.. TSSggggg" naka dalawang talbog pa bago pumasok ang bola. "OOOOYYYYYYYY!!!!!!" sigawang muli ng mga tao. 51-49. Dalawa na lng ulit. "36 seconds!" pahayag ng ref. . Kanila ulit ang bola. Sineset ni Dash ang bola sa tuktok, nang bigla na naman mag set ng pick si Arvilla ke Martinez. "Switch, Swittch!!" sigaw ko nang makita si Arvilla sa daraanan ko. Patira na sana si Martinez pero nakita nyang aabutin siya ni Kiko. Napilitan siya mag fake para mag flyby muna si Kiko bago tumira. Pag bitaw nya ng bola ay bigla me aninong umangat galing sa gilid nya. Inabot ko ng sapal ang tira nya at dumiretso sa labas. "Outside, same ball" sabi ni ref. "Yyyeeeaaaaaahhhh!!!" Parang nabunutan naman ng tinik ang mga tao. . "29 seconds" sabi ni ref bago iabot sa kanila ang bola. Pag pasa kay Dash ay bigla itong sumibat paakyat sa ibabaw para mag ubos ng oras. Napilitan kaming mag foul para tumigil ang oras. . "PPprrrttt. Foul. 2 Free throw." si ref. Pasok pareho. Steady pala sa Free Throw si Dash. . 53-49. . Apat ulit. Amin ang bola. Pagkainbound ay binilisan na namin ang tempo. Dribble drive. Salasak ni Joey, sabay kickout sa kin. Salaksak ko sabay akmang mag floater, kaya napa react ko si Ocampo. Sabay laglag kay Gori. Easy layup. "YYYEEEEHHHEEEYYY!!!!" sigawan ng mga tao. . 53-51. Dalawa na lng ulit. . "22 seconds!" sigaw ni ref. Kanila ulit ang bola. Dahan dahan ang pagbaba ni Dash ng bola para mag sayang ng oras. Pag apak sa court nila ay tumigil ulit ito para hintayin ang pag foul sa kanya. "14 seconds!" ani ref Iniwan ko si Martinez para tumulong sa paghabol kay Dash, pero pag lapit ko ay balak nya itago sana ang bola sa ilalim nya. "8 seconds!" Pero nabasa ko ang kanyang gagawin. Inunahan ko na siya bago pa nya maitago ang bola at binigyan ito ng isang sundot. Nawala ito sa kamay nya at nag agawan kami hanggang mapunta ito sa labas. . "PPPRRRTTTTTTT! Outside! Change possession!" hatol ng ref. "Last 6 seconds!" patuloy nito. . . Tahimik na ang lahat. Walang kumururap na animo'y mawawala ang lahat sa paligid pag may kumurap kahit isa. . Inbound. Pagkakuha ni Joey ng bola ay nagmamadali na nya itong ibinaba. Pero pagdating sa midcourt ay nakaabang na naman si Dash sa kanya, nasundot sa kanya ang bola at dire diretso sa court nila para mag layup. . "4 secs.." . Buti ay di pa ako masyado nakaka baba kaya naka habol pako sa fastbreak layup ni Dash. Inabot ko ng sapal patagilid kaya takbo ako ulit para makuha ang bola. . "3.. secs" . nang abutan ko ang bola ay nasa three point line pa lng ako ng kalaban. . "2.. secs" . Nakita ko pa na humahabol si Martinez sa kin habang pumuporma ako ng pagtira. Wala na ako choice. I gotta take this shot. . "1.." sabay tira... ..... ..... ..... .... .... "Pppprrrrrtttttt!!! Basket counts, 3 points." Sabi ni ref. 53-54, panalo kami!! "WWAAAAHHHHHHHH!!!!! Panalo!!!!" sigawan ang mga tao sa amin. Akala mo ay nanalo sa intertown. "Ang galing mo SNIPER!!!!! "kantyaw ng mga tropa. "Kuya ED!!! Winnnerrrr!!" sigaw naman ng mga bata . "ANNGGGG GAALLLIINNNGG MO MAAAHHHHHAAALLL!!!" sigaw naman ni Chel habang patakbong sumusugod sa kin. Biglang tumalon paharap sa kin kaya napilitan akong saluhin at buhatin siya. Sabay yakap naman nya sa leeg ko para hindi mahulog "Ang galiing mo!!! Mwah mwah mwah!" aniya sabay pupog ng halik sa mukha ko. "Oo na po, magaling na, baba kna jan baka pareho pa tayo matumba rito. Saka puro ako pawis ko, mag aamoy pawis ka rin nyan. " saway ko sa kanya. "okay lang yan. hahaha" sagot naman nya. . . Pagkalipas ng ilang minuto, humupa na rin ang hiyawan. Nilapitan namin ang mga nakalaban para makipag kamay. "Nice game mga pre." b****a ko. "Oy, salamat. Nice game din sa inyo. Di namin alam ang lakas nyo rin pala lumaro. Akala namin kagaya din sa mga ibang lugar na nadayo namin." sabi ni Ong. "Chamba lng yun. Pag patuloy ang practice nyo, I'm sure, next year di na namin kayo kaya. " sagot ko naman. Ayun lang at kinamayan ko na silang lahat. . . "Hi there, beautiful. I didn't see you there. My name is Dash, and you are?" bigla ko narinig na pagpapakilala kay Chel. Sabay abot ng kamay. "C..Chel, GF ni Ed." pagpapakilala nya. Pero hindi inabot ang kamay nito. "OOoooops. Sorry, I didn't know. I don't mean any harm." Nakangiti pag hingi nito ng dispensa. "That's okay, dude. No harm done." nakangiti ko ring tugon. . "Hey, I've seen your game. How come I am not seeing you in tournaments? For sure, teams would love to have someone like you." Tanong nya. "Naah.. I'm getting too old for that. Tama na sa kin to paminsan minsan makalaro, pang exercise na rin." sagot ko naman. "Okay, I understand. Pero if ever you change your mind, let me know. I would love to play alongside you someday." Magiliw nitong alok. "Oo ba." Sagot ko naman. . . Pagkatapos nun ay naghiwahiwalay na rin kami. Umuwi na kami ni Chel sa bahay ko. Habang naglalakad ay naka hawak siya sa kamay ko habang parang ineenjoy yun paglalakad namin. "Alam mo mahal, meron akong realization. Ngayon lng." bigla nyang wika. "Ano naman yun? tanong ko. "Na hindi pa pala kita kilala talaga. Na marami pa akong dapat malaman tungkol sa yo." sagot nya. "Malamang. E kelan lang naman tayo naging personal sa isa't isa. Ganun din naman ako sayo." tugon ko. "No, I mean, the more I get to know you, the more interesting you become. Mas lalo pa kita gusto makilala. Parang habang tumatagal, mas dumadami yun reasons ko bakit kita mahal.." dirediretso nyang paliwanag. "Be my guest. Basta ihanda mo lng din ang sarili mo sa mga malalaman mo sa kin. Siyempre, hindi naman ako perpektong tao. Dapat kilalalin mo rin yun bad side ko para hindi ka magulat if ever makita mo. " explanation ko naman sa kanya. "Hhhaaayyyy... Ang swerte ng ex-GF mo sayo.. Buti sa akin kna ngayon.. Hahahahaha" pabiro nyang sabi. "Bakit, hindi ba ako swerte sa yo?" tanong ko sa kanya sabay kindat. "EEEEEhhhhhhhh... bat mo ako pinapakilig.. " nakangiti nyang sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD