Chel 5

1900 Words
Pagkadating namin sa bahay ni Chel ay diretso na ako sa banyo para mag shower. Pagka shower ko ay siya naman ang sumunod. "Ang dami mo naman damit. Mukha nakaready kna talagang mag layas ah." biro ko sa kanya. "Actually, pang buong weekend nga talaga ang dala kong damit." sagot nya. "Gusto mo mag swimming pa tayo, ready pa rin ako. Hahaha." patuloy nya. "Baliw ka talaga. Anyway, gusto mo dito tayo mag dinner, or labas na lng?" tanong ko sa kanya. "Hhhhmmmm.. Labas na lang? Sat night naman e." sagot nya. "Okay. Tara, I know a great spot you'll love." tugon ko sabay ngiti. . . So we drove for a few minutes, hanggang umabot kami sa pataas na daan na halos wala ng tao. "San mo ba ako dadalhin? Parang wala ng mga bahay dito ah.. Ikaw ah, me masama kang balak sa kin.." pabiro niyang tanong. "Basta sumama ka lng sa kin. I'll take you closer to heaven." sabi ko sabay kindat. "Hoy ang bastos mo ah! Ayoko ng ganyan!" bulalas nya. "Balik na tayo, ayoko dito." patuloy pa nya. "Hahaha.. Basta chill ka lng jan. Do you really think I'll let anything bad happen to you, my Princess?" Natatawa kong sabi sabay kuha sa kamay nya at hinalikan. "Wwwaaaassshhhuuu..me pakilig moments pa to. Pag talaga me nangyari sa kin dito, mumultuhin talaga kita gabi gabi, sinasabi ko sayo. Hahaah.." pabiro nya ring tugon. . Ilan minuto pa, pagsapit namin sa dulo ay me isang blind curve, tapos pag lagpas ang bumungad na ang isang food park na animo'y nasa kalangitan. Overlooking the metro, kitang kita ang citylights. . "Wow! Ang ganda rito!! Ngayon lang ako nakapunta sa ganito kaganda view!" parang bata nyang bulas. "Di ba, sabi ko sayo e. Magtiwala ka lng sa kin, I'll take you closer to heaven. Naniniwala ka na ba?" pang aasar ko pa sa kanya. "Oo na po. Naniniwala na. Thanks, Mahal.. Ang ganda rito.. " sabi nya sabay yakap sa kin. "Kaso mejo malamig, kaya ka pala nag jacket. Di mo man lang ako ininform. Baka manigas ako dito." dirediretso nyang sabi. "Hindi ba nga sabi ko sayo, hindi ako papayag na me mangyari sayo masama?" sagot ko naman sabay abot sa kanya ng jacket nya. "Wow ang thoughful naman ng mahal ko.." sabi nya. "Teka, hinalughog mo bag ko?" pahabol nya. "Siyempre hindi. Ano ko, airport security? Hahaha.. Dba iniwan mo yan sa kotse nun bumiyahe tayo pauwi kagabi?" paliwanag ko. "Tinago ko lang kasi baka madumihan nun naglinis ako ng kotse." patuloy ko pa. "Ay oo nga pala. Hahaha.. Sige di na ako galit, mahal na kita ulit. Hahaha.." biro nya. "Tara na, hanap na tayo pwesto. Nagugutom nko." aya ko sa kanya. . Pinauna ko siyang maglakad para humanap ng pwesto. Habang naglalakad ay pinag mamasdan ko siya. Ang inosente pero masayahin nyang aura.. Para siya anghel na bumaba lang dito sa lupa saglit dahil nautusan ni San Pedro. And then there's those butt. Dang, is she sexy! Lumingon siya palikod sa kin at sinenyasan ako bilisan. Sinunod ko naman siya. I wanna be beside her. I don't know why, but it feels right. . . Umorder kami ng tag isang rice meal, tapos crispy kare kare saka ice tea sa kanya, tubig sa kin. (Hindi na kasi ako umiinom ng mga sugary drinks, lalo na mga processed juices and softdrinks.) Napadami rin kain ko, siguro dahil ginutom din ako sa game. Naka 3 kanin ata ako. Habang siya naman ay di pa naubos yun 1 rice nya, binigay pa sa kin yun natira. Hindi naman ako usually ganito kalakas kumain, pero pag kasama ko siya.. Parang ang sarap lang kumain ng kumain. We never ran out of topics to talk about, and it feels like we've been together for a very long time, the way we chat. . I realized something. I want to know more about her, too. Maybe that's a journey we can both take together. . "Huy! Bat mo ko tinititigan? Mukha na ba akong dugyot? Sorry, di ko dala yun kikay kit ko. Di ko naman alam dito mo ako daldalhin. Kinidnap mo lang kaya ako." tuloy tuloy nyang sabi. Ngumiti lang ako. "Do you have any idea how beautiful you are, Chel?" tanong ko sa kanya. Bigla siya namula at hindi malaman kung san titingin dahil iniiwasan ang mga mata ko. "Don't you dare second-guess your talent or try to be somebody else's just to please anybody." patuloy ko. "You are perfect the way you are. " dagdag ko pa. Para siyang naluluha na gusto tumalon at yumakap sa kin pero hindi malaman kung ano uunahin. Dahil magkaharap kami ay ako na ang lumapit sa kanya. "Don't cry.. That's the last thing I'll ever wanna see. I'll do everything in my power to keep you safe and happy.. So I'll never have to see you cry, ever. I promise you that..." seryoso kong sabi sa kanya. Inakbayan ko siya at pinunasan ang kanyang mga luha. Siya naman ay yumakap na ng tuluyan sa kin at sa dibdib ko itinuloy ang pagiyak. Hinayaan ko muna siya ilabas ang mga naipon nyang sama ng loob. Mas maganda sa kanya to, para lumuwag naman ang damdamin nya. After mga ilan minuto pa, dahan dahan na rin siyang kumalma at pinilit ngumiti. "Salamat mahal. Salamat ng marami. Now that I know you are on my side, I think I can start planning how I want to proceed with my life." seryoso nyang sabi. "And I'll be right here beside you all through it." sagot ko naman. "Tigil mo na yan pagiyak mo, puro uhog na yun shirt ko oh.. Kung alam ko lang gagawin mo lang pala ako pamahid sana nag sando na lng ako." biro ko sa kanya. "Kainis ka!!" maktol nya kunyari. . . After nun lumipat kami ng pwesto sa me gilid ng bakod na mas malawak ang view sa paligid. Nakasandal ako sa table habang nakaupo sa long bench ng picnic table. Siya naman ay nakaakap na halos nakahiga na sa dibdib ko. . "Where have you been all my life? Bakit ngayon ka lang dumating e matagal na kitang kailangan." mahina nyang tanong. "Well.. I have been facing my own set of demons, just like everybody else. Not just because you don't see me drowning or crying means that my journey isn't as hard." sagot ko. "You have no idea what hell I have to go through just to be able to stand here next to you. I am just glad that I stayed alive through all that.. Or baka hindi ko natatamasa tong kasiyahan na nararamdaman ko ngayon." patuloy ko pa. "Sorry at medyo late ang dating ko sa buhay mo, pero maybe that is exactly what you need to be stronger like you are now. Baka kung dumating agad ako, nag iba yun circumstance and hindi na pala natin kelangan ang isa't isa." dagdag ko. "Everything happens for a reason; we just have to look for ours." pagtatapos ko. . Nanatili lang siya nakapikit habang nakayakap sa akin. Sinilip ko ang mukha nya. Nakatulog na ata.. "Chel, tulog ka na ba? Let's go home?" tanong ko. "Hindi ako tulog, ninanamnam ko lang yun mga sinabi mo kanina." sagot nya. "Napakalalim naman kasi, para kang si tata lino. Balbas na lang kulang sayo. Hahaha.." masaya nyang biro. Kinurot ko siya sa ilong para di siya makahinga. "Tatalino pala ha. Hahahaha" bawi kong biro sa kanya. "Hahahaha... " masaya nyang sagot. . . Makalipas lang ang ilan pang saglit, nag aya na rin siya umuwi. Hindi raw siya inaantok pero nakasandal siya sa kin habang biyahe. Natutulog. Hinayaan ko na siya dahil alam kong mentally and psychologically exhausted na rin siya. Mas mahirap dalhin yun kesa physical exhaustion. . . Pagdating sa bahay ay tulog pa rin siya. Kaya ginising ko na siya. "Chel, dito na tayo tara na. Sa loob ka na matulog para maka himbing ka." sabi ko. Umungol lang siya. "Hhhhhhmmmm..." tugon nya. . Nagkaron ulit ako ng pagkakataon na titigan siya. Ang ganda nya talaga. Parang napakaliit ng maamo nyang mukha na tinernuhan pa ng makinis na kutis at magagandang mga mata. Hays... At dahil ayaw pa rin nya tumayo ay binuhat ko na siya papasok. "Langya pag me nakakita pa sa tin dito, baka isipin pa pinagsasamantalahan kita.." nasa isip ko habang buhat buhat ko siya na parang bagong kasal. Idineretso ko muna siya sa couch habang nag sasara ako ng mga bintana at pinto. Tapos inaayos ko yun kabilang room para dun siya matulog. Matagal na rin kasing wala gumagamit nun. Saka ko siya binalikan. . "Chel, niready ko na yung guest room. Dun ka na matulog para makaunat ka." gising ko sa kanya. Dumilat naman siya ng bahagya. "E ikaw san ka matutulog?" pungas pungas nyang tanong. "Dun sa room ko. Don't worry, me sarili kang room." sagot ko sa kanya. "E nakakatakot dun sa isang room e, puro tambak. Pwede t-t-tabi na lang tayo?" paalinlangan nyang tanong. "Hhhhhhmmmm.. Kung gusto mo, dun ka na sa room ko, ako sa guest room. Baka sabihin mo tinetake advantage kita e" may pang-aasar kong suggestion sa kanya. "Sira, hindi yun. Nakakatakot lang talaga ambience sa guest room." paliwanag nya. "Nakakahiya nman ikaw pa aalis sa room mo e ako na nga lng nakikitulog dito. Sama na lang tayo. Don't worry, sisigaw ako ng malakas pag me ginawa kang masama sa akin. Hahaha.." patuloy nya habang nagbibiro. "Baliw ka talaga. Sige na tabi na tayo, lalagyan na lng kita ng pillow wall para di mo ako mamanyak." pabiro kong sagot sa kanya. "Ang kapal!!" sabi nya sabay hampas sa braso ko. "Joke lang. Halika na po my princess. Let's sleep." aya ko sa kanya sabay hawak sa kamay nya papatayo. . . Pagdating sa room.. " May pajama ka ba jan? Parang ang init neto suot ko e." tanong nya. "Maghubad kna lng kaya." biro ko "Reyp!! Reyp!" pabiro nyang sigaw. "Hoy siraulo ka baka me makarinig sayo. Hahaha.." saway ko sa kanya. " Wait. I think me pambabaeng pj's dito e. Kunin ko." sabi ko. At umalis ako saglit. "Eto baka kasya sayo." sabi ko sabay abot sa kanya. "Wow! Bago pa ito ah, di ko alam ganito pala taste mo sa pantulog.." pang-aasar nya. "Binili ko kasi yan para kay..." di ko na itinuloy ang sasabihin ko. Naramdaman nya siguro na hindi ko nagustuhan na naungkat na naman yung nakaraan ko kaya siya na ang nagsabi sa kin. "Nope, ayoko po nyan. Peram na lng ng malaki mong t-shirt, yun na lng pantutulog ko." nakangiti nyang sabi. "Are you sure?" paninigurado ko. "Yep, I am sure. Mwah!" sagot nya sabay kiss sa cheek ko. . At iniabot ko sa kanya yun 2025 NBA champs na OKC shirt ko galing US. "O yan ah, di ko pa nasuot yan. Nauna ka pa sa akin. Hahaha.." natatawa kong sabi. " Thank you mahal.. Hhhhhhmmm.." sagot nya sabay yakap. Tapos ay lumabas para magbihis sa bathroom. Nagbihis na rin ako ng basketball shorts saka manipis na sando pantulog. Saka ako nahiga sa kama. Pagpasok nya ay naka tshirt na lang din siya and diretso na rin tumabi sa kin sa kama. Nakisukob sa kumot saka yumakap sa kin. "Goodnight, mahal.." malambing nyang bati sabay pikit. "Goodnight, my princess.." ganting bati ko sabay halik sa bumbunan nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD