Hindi ko alam kung ilan oras na kami nakatulog nun maalimpungatan ako. Para kasing nararamdaman ko siyang galaw ng galaw.
Pagtingin ko sa kanya ay parang isinisiksik nya ang sarili nya sa kin, parang giniginaw. Kaya inabot ko yun faux fur ko na blanket at inilagay sa ibabaw ng kumot nya, bago ko siya niyakap at natulog ulit.
After mga ilan oras ay nagising ulit ako. Feeling ko ay may nakatingin sa akin. Pagmulat ko ng mata. Naka titig siya sa akin.
.
"O bat gising ka pa? Giniginaw ka pa rin ba?" tanong ko.
"Hindi na. Thanks sa blanket. Ang sarap akapin neto.. Hhhhhhmmmm..." sagot nya.
"Pero mas masarap kpa rin yakapin.." patuloy nya sabay yakap ng mahigpit.
"Magkakabali bali ata ribs ko sa higpit mo yumakap.." pabiro kong commento
"Bakit ayaw mo ba?" nag pouty lips pa siya.
.
"Siyempre gusto.. Saka dapat me kiss.. Hhhhhhmmm.." sagot ko sabay halik sa kanya.
Para nman siyang biglang nagulat sa ginawa ko. Pero mabilis ding nakabawi at ngumiti.
.
Pagkatapos ay siya naman ang humalik sa akin.
"Hhhhhhhhmmmmmm.." mahina nyang ungol habang ninanamnam ang halik naming pinagsasaluhan.
Dahan dahan ko nilaro ang kanyang mga labi gamit ang akin ring mga labi. Tapos ay sinubukan kong gamitin ang aking dila..
Napamulat siya sa pagkabigla.
"I am sorry.." sabi ko.
"That's okay, I am just not used to this kind of intense kissing before.." sabi nya sabay habol na muli sa aking mga labi.
.
Habang lumalalim ang aming halik, painit din ng painit ang aming pakiramdam..
Dahan dahan ng gumagalaw ang kanyang mga kamay sa aking batok..
Humihimas.. Ninanamnam ang tamis ng bawat segundong kami ay magka ugnay..
Ang aking mga kamay naman ay kusa nang yumakap sa kanyang katawan para mas lalo ko pa siyang mailapit sa kin.
Hanggang ang isa kong kamay ay mapadako papunta sa matambok nyang puwetan..
Sabay daklot dito para maidiin siya sa akin..
.
"Mahallll...." gulat pero malumanay nyang anas.
Patuloy kong dinadakot ang kanyang pwet habang ang aking halik ay dumausdos mula sa kanyang labi papunta sa kanyang leeg..
"Oooooohhhhhh mahal..." ungol nya.
"Ang bango mo Chel.. Hhhhhhmmmm..." bulong ko sa kanya
Habang patuloy ko siyang hinahalikan sa leeg.. Sa mukha.. Sa labi..
"Mmmmaaahhhahlll.. Ang sarapppp.." patuloy nyang ungol.
.
Hanggang maramdaman kong ang kanyang harap ay kumikiskis na sa aking hita..
At dahil nga sa malaking tshirt lang ang kanyang suot ay kusa itong umangat..
Kaya sa pagsalat ko ay naramdaman ko kaagad ang kanyang pagkabasa sa labas ng kanyang panty..
"Mahal!" bulalas nya.
"Hhhhhmmmmm.. Ayaw mo ba? I can stop if you want.." sabi ko habang patuloy ko siyang niroromansa.
Parang nagdadalawang isip siya kung itutuloy ba namin o hindi..
"Mahal.. You know I want to.. Alam mong matagal kong hinintay na umabot tayo sa ganito.. Hhhhhhmmmm.." umuungol nyang tugon.
"But can I tell you something?" pabulong niyang tanong.
"What is it, my princess?" pabalik kong tanong.
.
"I-i-i I have never had s*x before.." nahihiya nyang tugon.
.
Natigilan naman ako. Nanlaki ang mga mata.
"You mean y-your still a-a" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil siya na ang nagtuloy.
"Yesss.. I am. I promised myself kasi that if I would ever do it, I'd do it with the man I love, when the time is right." sagot niya.
"Okay, I understand." tugon ko.
.
Tinigil ko na ang paghalik sa kanya, pero niyakap ko siyang muli.
"Good for you. Hhhhhhhmmmm.." sabi ko pa.
"Hhhhhmmmmmm.. Salamat mahal.. Are you sure you're okay with it?" paninigurado nya
"Of course. That's what would make it special. The wait.. Hhhhhhhmmmm" tugon ko.
"For now, okay na muna ako sa shared kiss and yakap natin.." patuloy ko.
"Salamat.. I promise, once the time is right, I'll make it very special for you too..." sabi naman nya.
"I'll look forward to it." pahabol ko sabay hapit muli sa bewang nya para mahalikan siyang muli
"Hhhhhhhmmmmmmm.." ungol nya.
Mga ilang sandali pa kaming naglambingan habang naghahalikan bago dapuang muli ng antok at makatulog ng magkayakap.
.
.
Pagmulat muli ng aking mata..
Mejo maliwanag na.
Tiningnan ko siya pero napakalalim ng kanyang tulog..
Tinitigan kong muli ang kanyang mukha..
Ang mala anghel nyang mukha..
Napaka payapa..
Ni walang bahid na may dinadala siyang problema..
Bigla siyang nagmulat..
"Bakit, mahal?" tanong nya.
"Wala.. Sige matulog ka pa.." sabi ko sa kanya.
At iyon nga ang kanyang ginawa.. Yumakap muli sa akin at pinagpatuloy ang pananaginip..
.
.
Mas maaga ako nagising sa kanya kinaumagahan. Nakahalukipkip pa rin siya sa ibinigay kong faux fur na kumot habang nakaharap sa akin.
Dahan dahan ako bumangon para hindi siya magising. Inayos ko ang kumot niya bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Siguro mga alas sais pa lang nun ng umaga. Hindi pa masyado maliwanang sa labas.
Naisipan ko siyang ipagluto ng breakfast. Kumuha ko sa mga binili namin kahapon ng bacon saka itlog. Tapos gumawa ako ng french toast.
.
Nang maihanda na lahat ay binalikan ko siya sa kwarto para gisingin.
"Chel.. Naghanda na ako breakfast, gusto mo na kumain?" mahina kong gising sa kanya habang tinatapik sa pisngi.
"HHhhhhmmmm.." ungol lang ang isinagot niya.
"Lalamig kasi yun hinanda ko, hindi na masarap mamaya yun.." gising ko ulit sa kanya.
"UUuhhhhmmmm.." ungol pa din.
Inilapit ko tenga niya ang bibig ko saka ko inulit.
"Cheeeelll.." bulong ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.
.
Napangiti naman siya saka dahan dahang nagmulat ng mata.
"Uhhhuuuurrrmmmm.. Good morning, Mahal! Ang sarap ng tulog ko.." bati niya sabay ngiti.
"Good morning! Buti naman, ang dami mong energy kahapon e. Tara, breakfast na tayo.." yaya ko sa kanya.
"HHhmmmm.. Kargahin mo ako." nakangiting niyang lambing.
"Sure.." sagot ko naman sabay hila sa kamay niya para makatayo.
Nang makatayo na siya ay tumalikod ako sa kanya. Nagets naman niya agad at nagpiggy back ride siya sa kin.
"Mabigat ba ako?" tanong niya.
"Hhhhmmmm.. Hindi naman, kaya kita pasanin hanggang kitchen. Just enjoy the ride..." sagot ko.
"Sabihin mo sa kin pag nabibigatan ka na ah.." sabi niya.
"Okay lang yan.. Ginusto ko rin naman na kargahin ka kaya hayaan mo na ako.." sabi ko naman.
Nung ilang hakbang na lang bago kami makarating sa mesa..
"Mahal.." bulong niya sa kin.
"Po?" tugon ko.
"Naiihi ako, mag u-turn ka muna.. Hahahaha.." natatawa niyang sabi.
Natawa rin ako, pero pinagbigyan ko siya.
Pagdating sa labas ng cr ay bumaba na siya.
"O, sasamahan pa ba kita sa loob?" biro ko sa kanya.
"Reyp! Reyp!" sabi niya sabay tawa naming dalawa.
.
"Wow! Ikaw nag gawa nito?" tanong niya.
"E dalawa lang kaya tayo dito. Baka ikaw habang natutulog ka pa.." biro ko.
"Ang sungit! Umagang umaga.. Hahahah.. Wait gawa kita coffee para hindi ka na masunget.." biro din niya.
"Ang sarap nitong french toast.. San mo nakuha recipe nito.." tanong niya nun kumakain na kami.
"Basta kumain ka na lang.." maikli kong tugon.
"AAhhhh okay. Alam ko na." nakangiti niyang sabi.
"Wag ka na sumimangot.. Sige hindi na ako magtatanong.." sabi niya sabay lapit sa kin.
"Hindi naman ako nakasimangot.." sagot ko.
"Hindi nga, e wala ka naman ka emotion emotion.. Paano ko maeenjoy tong ginawa mong breakfast kung hindi kita nakikitang masaya.." sabi niya.
"Me naalala lang kasi ako. Sige, sorry na.. Kain na tayo. Enjoy na tayo ulit.." saka ako ngumiti.
"Ang panget mo mag fake smile mahal.. Hindi bagay sa yo.. Hahahaha.." sabi niya sabay kumandong sa akin patagilid.
"Ako na lang isipin mo para sumaya ka ulit.. Dali!" biro niya.
"Hahahaha.. You're crazy.." sabi ko sabay mabilis na kiss sa kanya.
Yumakap naman siya sa leeg ko.
"Mahal, pakiabot yun plate ko. Dito na ako kakain." nakangiti niyang bulong sa tenga ko.
At ganun na nga nangyari, nakakandong siya sa akin habang kumakain. Paminsan minsan sinusubuan niya ako tapos hahalik. Saka pupunasan ng tissue yun mukha ko dahil malagkit yun french toast.
Napaka sweet pala niya. Saka maalaga. Para akong nagiging teenager ulit pag siya ang kasama ko..
.
"Mahal.. Alam ko ayaw mo pag-usapan to, pero I just have to ask.. Ano ba talaga nangyari sa inyo ng ex mo? Bakit ka nagkaganyan? You don't have to answer it now kung hindi ka pa ready.
Napansin ko lang kasi tuwing napupunta sa topic na yan, biglang nagbabago aura mo..
Gusto ko lang malaman kasi, I want to be sure na hindi mangyayari sa atin yun..
Ayaw kita mawala sa buhay ko.." seryoso niyang tanong habang naghuhugas kami ng pinagkainan namin.
"I understand, Chel.. And thank you for your concern..
Mahabang kwento e.. But I promise, I'll tell you all about it one of these days..
Sorry.. Dapat sayo lang ako naka focus e.." sabi ko.
"Don't be.. Ako naman ang nanghimasok sa life mo.. Kaya dapat open-minded ako sa mga consequences of being with you..
Saka honestly, gusto rin kita tulungan ma-overcome kung ano man yang pinagdadanan mo..
Gaya rin ng pagsupport mo sa akin.." tugon niya.
"Thanks, Chel.. Thanks for being understanding..
Lika nga rito.." sabi ko sabay hawak sa bewang niya at iniupo siya sa counter top.
"Yan, pantay na!" biro ko.
Tawa naman siya ng tawa habang nakayakap sa leeg ko.
Sinalikop ko ang mukha niya saka ko siya hinalikan..
Sinalubong naman niya ng mainit ring halik..
"Mahal.. Promise ko, I'll do my best para matabunan yun past mo ng marami nating happy memories together..
Just you and me.." seryoso niyang sabi.
"I'd love that.." nakangiti kong sagot sabay halik ulit sa kanya.
"So, what are our plans for today?" tanong ko kay Chel nun nasa sala na kami.
"Nag message kapatid ko, pinapauwi na daw ako nila daddy." malungkot niyang sabi.
"I see, now na ba? Ihahatid na kita.." alok ko.
"Parang tinataboy mo na ako, Mahal. Ayaw mo na ba ako dito?" biro niya.
"Siyempre gusto.. Kung pwede nga lang, gusto ko, dito ka na tumira. Matagal tagal na rin walang babae sa nakatira sa bahay na to..
It surely needs some girly touch para hindi nagmumukhang haunted house to.." sagot ko.
"Oo nga, Mahal. Ikaw ba pumipili ng kurtina at seat covers mo dito? Ang luluma ng designs.. Hahahaha.." puna niya.
"Oo e. Hindi naman ako maalam jan.." sabi ko.
"Sige, wag ka mag alala, ime-make over natin to. Me personal Interior Designer ka na. Hahahah.." tugon niya.
"Hahahaha.. Thanks!" sagot ko.
"Kahit after lunch na ako uuwi.. Ihahatid mo ba ako?" lambing niya habang nakangiti ng malapad.
"Sure! Para hindi ka na mag commute.." sagot ko.
"Yeeheeyy!! Thank you! MWAH!" sabi niya sabay halik sa pisngi ko.
.
Mga 1 pm nga ay binabagtas na namin ang daan pauwi sa kanila.
"Ano nga pala plans mo ngayon tapos na yun project?" tanong niya sa kin.
"Hhhhmmmm.. Focus ko na lang siguro muna yun business ko. Medyo palakas na naman siya ngayon e. I'm planning to reach out sa mga potential resellers sa mga provinces para mamarket ko na rin yun product ko dun.
Saka me sinasabi sa akin sila Itay na magandang property daw malapit sa nabili nilang lote sa probinsya. Beach front din daw, pwede idevelop para gawin resort. I-checheck ko muna kung maganda.." sagot ko.
"Wow.. Gusto ko yan.. Isama mo ako pag punta mo dun ah.. Dati ko pa gusto mag design ng resort, kaso hindi pa ako nagkaka chance. Nasa bucket list ko yan e.." sabi niya.
"Sure, sige samahan mo ako, tingnan natin, tapos kung feasible naman, bigyan mo na rin akong ideas kung ano maganda gawin.
E ikaw? Ano plans mo?" tanong ko naman sa kanya.
"I really wanted to pursue yun pag dedesigner. Yun naman din natapos ko. Sana lang wag na ako kontrahin ni Daddy sa gusto kong gawin..
Pinipilit pa rin niya kasi ako sa line of business niya, e hindi ko nga gusto.." parang naiiyak na sagot niya.
"O, iiyak ka na naman.. Di ba pinagusapan na natin yan.. Kahit anong pilit ng daddy mo, wala naman siya magagawa kung ayaw mo. Unang una, buhay mo naman yan, career mo. Pangalawa, legal age ka na." alo ko sa kanya.
"Iba kasi mamilit yun si daddy.. He'll make you feel like a worthless piece of trash pag hindi mo siya sinunod..
Wala naman makasalungat sa kanya kahit si mommy.." malungkot pa rin niyang sabi.
"HHhhhhmmm.. Just be firm.. I'm sure magkakaintindihan din kayo balang araw..
For now, umuwi ka muna and try to make amends with him..
Tapos explain mo sa mommy mo kung ano plans mo para matulungan ka niya sa daddy mo.." payo ko sa kanya.
"Okay.. I'll try.. Thanks, mahal.. Thanks for being here for me..." sabi niya.
"Of course.. Di ba nga, tulungan na tayo?" nakangiti kong sagot.
Napangiti na rin siya at humawak sa kamay ko.
"You and me," sabi niya.
.
Mahigit 2 hours din kami nag drive ni Chel pauwi sa kanila, dahil na rin sa traffic. Nasa loob ng isang exclusive subdivision ang bahay nila. Ang lalaki ng mga bahay, akal mo puro congressman ang nakatira.
"Actually, marami nga politician na nakatira dito. Kaya napakahigpit ng security." sabi niya.
"Jan, liko mo sa kanan, yang me black and brown na gate ang bahay namin." sabay turo niya sa isang malaking bahay.
"Wow! Di mo naman sinabi sa mall ka pala nakatira." biro ko.
"Hahahaha.. Sira! Dito na lang ako.. Salamat sa paghatid, mahal!" paalam niya.
"Teka, hatid kita sa loob.." sabi ko naman.
"Wag na. Galit si daddy, baka madamay ka pa. Next time na lang." nakangiti niyang sabi.
"Okay.. Are you sure you're good here?" paniniguro ko.
"Yep. I'm okay kasi kakampi kita." malambing niyang sabi sabay mabilis na humalik sa kin bago lumabas ng sasakyan.
.
.
May isang oras na rin ako nagdadrive pauwi nang biglang mag ring ang phone ko.
"Hi, Chel! Ang bilis mo naman ako mamiss.. Pauwi pa lang ako.." biro ko dito.
"Can you pick me up?" umiiyak niyang tugon.
"Hey.. What happened? Why are you crying?" nag-aalala kong tanong.
"Just pick me up, please..." hagulgol niya.
"Okay, I'm on my way.. Wag ka na umiyak.." sagot ko.
"Dun mo na lang ako sunduin sa coffee shop sa labas ng subdivision.. Lalabas na ako.." sabi niya.
"Okay, be careful. Wait for me." sabi ko sabay nagmamadaling nagmaniobra pabalik sa kanila.
.
Pagdating ko sa coffe shop ay mag isa lang siyang customer dun.
"Mahal.. Huhuhuhu.." umiiyak niyang bungad sa akin pagpasok ko.
"What happened? Wag ka na umiyak.. I'm here.." alo ko sa kanya.
"He slapped me in front of his buddies..
He wouldn't even listen..
I can't take it anymore.." patuloy niyang pag-iyak.
"Hey.. Calm down.. Let's go.. Uwi na muna tayo sa tin.." sabi ko sa kanya.
"Wait lang mahal.." pilit niyang salita sa gitna ng paghikbi.
"What's that?" nag-aalala kong tanong.
"Di pa bayad yun inorder ko." natatawa niyang sabi.
Napakamot naman ako ng ulo. Natatawa na rin yun mga crew ng shop habang nag-aabot ako ng bayad.
.
.
"I don't want to live there anymore.. Kung hindi niya kaya galangin yun desisyon ko, at least galangin naman niya ako bilang tao.." umiiyak pa rin siya habang nagdadrive kami pauwi.
"HHhhhmmmm.. Naiintindihan kita.. Hindi naman talaga tama yun ginawa niya..
Sige, iiyak mo lang yan.. Ilabas mo lahat para hindi mo na dalhin yan sa loob mo.." sabi ko sabay gilid ng kotse para mayakap ko siya.
"Ayoko na Ed.. Pagod na ako kaka please sa kanya. It's time for me to start my own life.. Hindi ko naman kailangan ang pera niya e..
I need my freedom.." sabi niya habang pinipilit nang ihinto ang paghikbi.
"HHhhmmmmm.. Just do what makes you happy.. Andito lang ako, tutulungan kita.. Sabi mo tulungan tayo di ba?
It's my turn.. Just let me know kung ano gusto mo gawin, I'll support you no matter what..
Wag ka na umiyak.. Naiiyak din ako sa yo e.. Mababaw pa naman luha ko.." sabi ko habang hinihimas himas ang likod niya.
"Kainis ka.." tugon niya sabay kurot sa akin.
"Dito ka lang mahal.. Wag mo ako iiwan.." sabi niya habang mahigpit na nakayakap.
"I won't.. I promise.." bulong ko sa kanya.
.
Ilang minuto pa kami sa ganoong pwesto bago siya nag-ayos ng sarili.
"I think I know what will cheer you up..." Nakangiti kong sabi.
"What?" tanong niya.
"Wala naman tayo pareho lakad bukas, why don't we go on a roadtrip? Puntahan na natin yung loteng sinasabi nila Itay." suggest ko sa kanya.
"Yeeehhheeeyy!! Sige gusto ko yan.." pilit niyang tawa dahil sa kakatapos lang umiyak.
"Wag ka na umiyak, please.. Nadudurog ang puso ko pag nakikita kang ganyan.. Feeling ko hindi ko nagagawa yun promise ko sayo.." sabi ko naman.
"Opo.. Hindi na.. HHhhhmmmmm.. I love you, Ed.." sabi niya.
"I love you too, Chel.." sagot ko sabay kiss sa kanya.