Chel Ep 7
.
.
Umuwi muna kaming dalawa ni Chel sa bahay namin. Pinagpahinga ko muna siya sa kwarto pagdating namin.
Ako naman ay nag ayos muna ng mga dapat ayusin at ligpitin sa bahay.
.
Madilim na rin nun lumabas siya ng kwarto na halatang bagong gising. Inabutan niya ako nanood ng NBA sa tv habang me hawak na beer.
"Ang aga naman ng beer mo mahal.." bungad niya sa akin.
"Nasanay na kasi ako e, gusto mo ba? Ikuha kita." sagot ko.
.
"Alam mo naman hindi ako umiinom. Saka ikaw din, bawasan mo na yan, please?" sabi niya sabay kuha sa kamay ko ng bote at inilagay iyon sa gilid ng couch.
.
"Magsanay ka na lang na ako hinahawakan mo kesa yang bote ng beer.." nakangiti niyang sabi.
"Hhhhmmmm.. Sabagay, mas nakakalasing ka naman.." biro ko sa kanya.
Kumandong siya sa akin paharap sabay lagay ng kamay sa balikat ko.
.
"Di ba sabi ko, I'll help you get back in track? Simulan na natin ngayon..
Bawal ka na mag-inom araw araw..
And kung iinom ka naman occasionally na lang, at bawal ka na maglasing..
Pwede po ba yun?" malambing niyang pakiusap habang nakatitig sa mata ko.
.
"Kung lagi kang ganito kalambing sa akin, definitely, hindi na ako hahanap ng alak.. Sayo pa lang, bagsak na ako.." tugon ko.
"If that's what it takes.." ngiti niya sabay halik sa labi ko.
.
"Mahal.." tawag niya.
"Yes, Chel?" sagot ko.
"Amoy beer ang lips mo, ang pakla.. Lika toothbursh ka muna.. Gusto kita i-kiss.. Hahahaha.." biro niya.
Me naalala ulit tuloy ako.
.
.
Ipinagluto ako ni Chel ng Beef Mechado para sa dinner.
"Ang sarap! Pwede mo na labanan yun pondohan ni Aling Kule!" sabi ko sa kanya.
"Hahahah.. Ikaw naman, gusto mo pa kalabanin natin siya e napakabait na nga nun tao..
Hayaan mo na sa kanya yung mga suki niya dito.
Para sayo lang naman talaga yan mga niluluto ko." masaya niyang sagot.
Napangiti naman ako.
.
"Ano oras pala tayo aalis bukas? Gusto mo magprepare ako ng food natin?" tanong niya.
"Wag na, mag-eeffort ka pa. Sa labas na lang tayo kumain. Saka pagdating natin dun, malamang pang fiesta na naman ang luto nila Inay..
Sana lang mahilig ka sa gulay.." natatawa kong tugon.
.
"Hala! Pili lang kinakain kong gulay, mahal! Magagalit ba sa akin sila Inay?" nag-aalalang tanong niya
"Ano ba mga kinakain mong gulay?" balik ko sa kanya.
"HHhhmmmm.. Carrots, repolyo, potatoes, cauliflower.. Yun lang ata mahal..
Tapos takot pa ako sa okra saka ampalaya! Haahahaha.." natatawa niyang sagot.
"Patay tayo diyan.. Hahahaha..
Sabagay, pwede ka na sa chopsuey. Masarap mag chopsuey si Inay. " tugon ko.
"Kaso paano tayo? Paano tayo bubuo ng pamilya kung ayaw mo sa ampalaya?
Favorite ko yun e!" biro ko.
.
"Hahahaha.. Wag ka mag alala, pag-aaralan kong lutuin yan, mahal.
Just for you.." nakangiti niyang sabi.
"Sweet naman nun.. Pero sana pag-aralan mo na rin kainin para mas masaya.." sagot ko naman.
.
"Darating tayo jan, mahal.. One step at a time..
Sabi ko naman, lahat gagawin ko para sa ikasasaya mo.." malambing niyang sabi.
Napangiti ulit ako.
.
"Oo na nga e, sinasagot na nga kita.. Wag mo na ako pakiligin..
Handa na nga akong ibigay ang puri ko sayo e!" biro ko naman.
"Ang baboy mo mahal.. Hahahaha..
Me puri ba ang mga lalaki? Di ba pang babae lang yun?" tumatawa niyang tugon.
"Figure of speech lang naman yun. Basta lahat ng tao me dangal." sabi ko naman.
.
"Sige, gawa na lang ako ng sandwiches pang baon natin.. Para pag nagutom ka habang nagdadrive.." alok niya.
"Okay, if you want.. Pero hindi kasi talaga ako mahilig kumain ng maya't maya.. Actually pag ako lang mag-isa, once a day lang ako kung kumain.." sagot ko naman.
"Ahhhh ganun ba.. Okay! Gagawan na lang kita bukas ng paboritong mong mapakla at mapait na coffee! Hahahaha.." biro naman niya.
"Hahahaha.. Tinikman mo timpla ko? Ayoko kasi ng lasa ng sugar sa black coffee.. Parang umaasim.. Gawan din kita ng coffee. Yun magpapatirik sa mga mata mo sa sarap!" ganti ko.
"Hahhahaa.. Meron ba nun? Pero sige, I'd love that.." nakangiti niyang sabi.
.
.
Pinagtulungan na namin linisin ang pinagkainan namin after.
Habang naghuhugas siya ng plato ay nagkaron ako ng chance na tingnan siya mula sa likod.
Ang mahaba niyang buhok na abot na halos sa pwetan niya..
Ang makurbang balakang na parang ang sarap laging dakutin para buhatin siya..
At ang napaperpekto niyang pang-upo..
Bilog na bilog na kahit hindi siya naglalakad ay parang pumipilantik..
Hindi ko tuloy napigilan na dakmain ito.
.
"Mahal!! Ang manyak mo! Hahahah..
Ikaw lang naman hahawak diyan, sayong sayo lang yan..
Wag mo na panggigilan.. Hahahaha.." biro niya.
"Talaga ba, sa akin lang to?" malambing kong bulong habang nakayakap sa likod niya.
"HHhhhmmmm.. Hindi lang yan, mahal.. All of me.." nakangiti niyang sabi sabay sandal sa akin.
.
Agad ko siyang kinarga at ipinatong sa lababo saka ko sinalikop ang mukha niya.
Kusa naman niyang iniyakap ang dalawang binti sa bewang ko.
Nakapikit habang hinihintay ang napipinto kong paghalik sa nakaawang niyang mga labi.
.
"HHhhhhhmmmmm.." impit niyang ungol ng maramdaman ang paglapat ng mga uhaw kong labi sa kanya..
Kusa ring gumalaw ang kanyang mga sariling labi para tugunan ang aking ginawa..
.
Sinubukan ko ulit gamitin ang aking dila para hanapin ang kanya..
At sa pagkakataong ito, hindi niya ako binigo..
Pinipilit niyang matutunan nang mabilis ang mga gusto kong ituro sa kanya..
Ang sarap..
Ang tamis..
Parang ayaw ko na huminto..
.
Parang may bumubulong sa kalooban ko, pero hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi..
A part of me wants to stop what we're doing dahil baka hindi na ako makapagpigil..
Pero siya na mismo ang sumagot sa pag-aalinlangan ko nang iyakap niya ang mga kamay niya sa batok ko para hindi kami magkahiwalay..
Ilang sandali pa..
.
"Ang sarap nito Ed.. " nakangiti niyang bulong nang magkahiwalay ang aming labi.
"Ang ganda mo, Chel.. Ang sarap mo halikan.." malambing ko naman sabi.
At siya naman ang humila sa akin para magkalapat muli ang aming mga labi..
.
"Ibaba mo na ako, mahal.. Hindi matatapos tong hugasin pag puro tayo halikan.." biro niya pagkatapos ng pinagsaluhan naming halik.
Natawa naman ako at ibinaba siya.
.
Pero bigla ulit siyang yumakap sa kin ng mahigpit..
"I love you, mahal... " malambing niyang sabi.
Niyakap ko rin siya ng mahigpit.
.
.
Nanonood kami ulit ng basketball sa sala nang magtanong siya.
"Mahal, mahirap ba magshoot pag sa malayo? Pag sa arcade kasi, parang madali lang e. Nakaka highscore nga ako dun e. Pero pag sa actual game ba, mas mahirap?" seryoso niyang tanong.
"Hhhhmmm.. What do you mean? Mas mahirap sa actual game kasi me pressure ng defense. Hindi ka naman nila basta na lang patitirahin at paiiscorin.
Pero if you mean yun sa shooting form, magkaiba sila.
Sa arcade kasi is dapat ma master mo yun repetition saka tamang stroke para maihagis ng mas mabilis, pero accurate pa rin ang mga bola.
Sa game mas maraming mechanics,
Shooting form, legs and arms coordination, and the flick of the wrist.
Sa shooting pa lang yan, di pa kasama yun fundamentals para makawala ka sa bantay mo at magkaron ng open shot." paliwanag ko.
Seryoso naman siyang nakikinig sa akin na parang tinatandaan lahat ng sinasabi ko.
Hinalikan ko siya sa ilong.
.
"Bakit, interested ka bang matuto mag laro? Turuan kita, no problem.." alok ko.
"Talaga? Parang gusto ko matuto para naiintindihan ko yun pinag-uusapan niyo sa huddle.. Saka parang ang ganda niya exercise, kasi whole body talaga." sagot niya.
"Sure, sige, turuan kita. Alam ko me hoopset si Itay dun sa beach house nila e. Dala tayong bola. Kahit basics muna tayo.." sabi ko.
"Yehey! Thank you, mahal!! Mwah! Mwah!" parang bata niyang tugon sabay pupog sa akin ng halik.
.
"Magdadala ba ako ng swimwear? Mag swimming ba tayo dun?" tanong niya ulit.
"Pwede naman.. Gusto mo mag stay pa tayo dun ng ilang days, pwede rin. Wala pa naman tayo gagawin dito e." suggestion ko.
"Ay sige, gusto ko yan, mahal.. Matagal na rin ako hindi nagbakasyon ng mahaba.." sagot niya.
"Huh? Di ba ang tagal mo tumambay sa inyo bago yun project natin? Hindi ba vacation yun?" tanong ko.
.
"Paano ka naman marerelax dun kung araw araw kang sinisigawan at pinipilit gawin yun hindi mo naman gusto..
Me mga times pa na inirereto ako sa mga anak ng buddies niya.
Kaya nagkukulong lang ako sa kwarto..
Hindi vacation yun, that's prison.." parang bigla siyang nalungkot.
.
.
Niyakap ko siya.
"Sorry, I brought up the subject.. Wag ka na malungkot..
Wag ka mag-alala, I'll make sure na magiging memorable itong vacation natin.." sabi ko sabay kiss sa noo niya.
.
"Thank you, Ed..
Thank you for being my pillar of support ngayon..
Thank you for making me happy pag kinakain na ako ng lungkot..
Thank you for letting me vent out my frustrations..
Thank you just for being here..
Thank you just for being you." parang naiiyak niyang sabi.
"O, wag ka na umiyak.. Mapapagod ka lang niyan, e papagurin pa kita.." biro ko.
Natawa naman siya.
.
"Pero in fairness, ang ganda ng sinabi mo ah.. Parang pwedeng gawing kanta.. Lapatan kaya natin ng chords?" sabi ko pa.
Hindi naman siya sumagot, sumiksik lang sa dibdib ko.
.
.
Sa kwarto..
"Alam mo mahal, ngayon lang ulit ako naexcite ng ganito.. Parang yun pakiramdam pag me field trip sa school dati.. Hahahaha.." sabi niya nun magkatabi na kami sa kama.
"Hahahah.. Gusto mo pa i-ugrade yun adventure natin?" tanong ko.
"Paano naman?" tanong din niya.
"Why don't we take the motorcycle instead of the car? Di mo pa natry yun diba? Ang magride ng malayo?" sagot ko.
"Wow! Sige! Di ko pa nga natry yun! Lalo ako na excite mahal!!" parang bata niyang sigaw sabay yakap.
.
.
"Mahal.." tawag niya.
"Yes po?" sagot ko.
"Bakit matigas to.. Pinagnanasahan mo ba ako?" biro niya nang maramdaman ang board member ko sa hita niya.
"Hahahaha.. E siyempre, ang hot mo kaya.. Kahit alam kong wala naman tayong gagawin, di ko naman maawat yan sumaludo pag may kasing ganda mo nakayakap sa akin.." biro ko naman.
"Hahahaha.. Ang cute.." sabi niya sabay kiskis lalo ng hita niya.
"Pag di ka tumigil sa kakaganyan, hindi ko na talaga kayang awatin yan, sinasabi ko sayo.." biro ko ulit.
"Reyp! reyp!" natatawa niyang sigaw.
"Hahahaha.. Pag ako talaga nareklamo dito, tutuluyan kita.." sabi ko naman.
"Willing naman ako na magkatuluyan tayo, mahal.." pilya niyang sagot sabay sampa sa ibabaw ko.
Yumakap siya sa leeg ko habang nasa ibabaw ko siya.
.
"Mahal, tulog na tayo.. Gusto ko dito.." malambing niyang sabi saka nagpikit na ng mata.
Wala naman na akong nagawa kaya hinayaan ko na siya. Inayos ko na lng yun kumot namin para di siya ginawin at gumanti na rin yakap sa kanya.
At may naalala na naman ako..