Chel EP 8
.
.
Kinabukasan ay wala na si Chel sa tabi ko pagkagising ko.
Nakita ko rin na nakahanda na ang gamit niya para sa lakad namin.
"Good morning my Pretty! Ang aga mo naman.. Ano oras na ba?" bati ko sa kanya.
"Good morning, Mahal! Uhmm.. 5:30 ata.. Hindi na ako makatulog e, kaya bumangon na ako.
Nakagawa na ako ng coffee mo, andun sa counter.." sabi niya habang abala sa ginagawang sandwich.
"Wag mo na damihan yun sandwich mo ah, baka hindi natin maubos.." sabi ko sabay lapit sa kanya.
"Opo, ilang piraso lang para sure. Motor kaya i-dadrive mo, matatagtag ka.." sabi niya.
"Sweet naman ng GF ko.. Pa-kiss nga.." lambing ko sa kanya.
"Hindi ka pa nga nag toothbrush, kiss agad?" biro niya.
Natawa naman ako at hindi nga itinuloy ang balak ko.
.
"Joke lang mahal!! Hahahaha.. Kiss mo ako.. Kahit amoy kagabi pa yang hininga mo, hahalikan pa rin kita.." bawi niya.
"Hahahaha.. Ikaw talaga. Pero sige, magtotoothbrush muna ako. Para wala ka na masabi. Tapos lalaplapin kita dito sa kitchen." bawi ko naman.
"Mahal, language!" namimilog ang mata niyang saway sa akin.
Tawa naman ako ng tawa.
.
Nagulat ako pagkatapos ko mag toothbrush dahil bigla siyang sumulpot sa likod ko.
"Oh, kala ko nag-gagawa ka pa ng sandwich?" tanong ko.
"That can wait.. First things first.. Yun good morning kiss ko, asan na?" lambing niya.
Agad ko naman siyang hinawakan sa bewang saka hinalikan habang nakangiti.
"Thanks, Chel.. Thanks for making me smile this early.." sabi ko sabay kiss ulit sa kanya.
.
.
"Wala pala ako riding jacket, mahal. Okay lang ba ito denim jacket na lang suot ko?" tanong niya habang nagreready na kami para umalis.
"Oo naman. Hindi naman tayo lalaban ng karera. Saka I'll be super careful kasi kasama kita.." sagot ko.
"AAwweeee.. Ang sweet.. Ikaw kasi naka riding jacket kaya tinanong ko." sabi niya.
"Ahh yun lang ba. Wait." sabi ko sabay pasok sa kwarto.
.
Paglabas ko ay naka black na denim jacket na rin ako.
"Ayan, terno na tayo. Mukha na ba tayong couple?" biro ko sa kanya.
"Hahahahha.. Ang OA mo mahal, okay lang naman sa kain kung naka riding jacket ka..
Nagtanong lang ako kasi baka hindi appropriate yun suot ko.. Ang praning mo..
Pero ang sweet.." natatawa niyang sabi.
.
"Okay na to, para wala magkakamaling magpakilala sayo. Sexy mo pa naman today.." sabi ko.
"Ay ssuusss.. Nambola pa.. Sexy naman ako everyday, ano pinagkaiba today?" tanong niya.
"Because today, I'll let the world know that you are my girlfriend..." Nakangiti kong sagot.
"AAwweeeeee.. Nakakinis ka mahal!!!!" pulang pula ang mukha niya at hindi malaman kung san babaling.
"Hahahaha.. Ang cute mo kiligin... I love it.." sabi sabay dampi ng kiss sa ilong niya.
"Dito pa mahal.." sabi niya sabay nguso.
Pinagbigyan ko naman.
.
"Alin pala gagamitin kong helmet?" tanong niya pagkatapos.
Bigla akong natigilan.
Wala naman akong ibang helmet kundi yun spare na amoy nakaraan at yung helmet ni..
.
Naramdaman naman siguro niya yun kaya siya na nagprisinta.
"Kahit alin jan ipasuot mo sa kin, mahal. Okay lang. Eto na lang kaya? Parang me kuto na yang isa na yan eh! Hahahaha.." dinaan na lang niya sa biro para maibalik ang masaya naming ambience.
"Okay lang ba? Sorry, hindi kasi natin na plan ng mas maaga tong ride natin, hindi kita naibili nang sarili mong helmet.. Ke ano yan e.." parang nahihiya kong sabi.
"Okay lang mahal! Cheer up na! Helmet lang naman to.." sabi niya sabay inamoy yun loob ng helmet.
"In -fairness, mabango. Parang amoy shampoo. Sige safe ang ulo ko dito.. Hahahah.." patuloy niyang pagbibiro.
.
"Oo, mabango talaga yan.. Lagi naman siyang mabango.. Laging amoy shampoo ang buhok.." sabi ko bigla sa isip ko.
"Hays, Ed umayos ka nga. Patahimikin mo na yung tao.. Masaya na sila dun.. At least buo ang pamilya nila..
Enjoyin mo na lang ang company ni Chel..
Someone who is willing to do anything to make you happy..
Wag mo sayangin yun opportunity na maka move on at maging maligaya kayong dalawa ni Chel.." sabi ko ulit sa sarili ko.
.
"Mahal, okay ka lang? Kung hindi okay sayo, sige yang primitibong helmet na lang isusuot ko kahit makalbo na anit ko.." biro niya.
"Nope, I'm good. Basta okay lang sayo, okay na din sa kin." at bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.
Napakunot noo naman siya.
.
"There is something in this hug, mahal.. Are you sure you're okay?" Bulong niya sa akin.
"Yes.. I am more than okay.. Dahil andito ka na.. Thanks, Chel.." pabulong ko ring sabi sa kanya.
.
"You don't have to thank me, mahal.. Ginagawa ko to dahil ginusto ko.. I want to see you happy..
And if the time ever comes when you no longer need me to be happy..
Just let me know.. I'll let you go..
Just let me enjoy watching you from afar." makahulugan niyang sabi.
"Chel, that's not what I want..
If the time comes when I can genuinely be happy again, I want you to be there with me.
The two of us..
I want to hold your hand while we watch the world go by
You saved me.
And you don't know what it means to me.." seryoso kong sabi habang nakatitig sa mata niya.
"I love you, Ed.." sabi niya sabay umiyak sa dibdib ko.
.
.
After a few minutes.
"Stop na, established na, mahal natin ang isa't isa. Tigilan na natin ang mga luha, okay?" biro ko sa kanya hanag pinupunasan ang mga luha niya sa mukha.
Natawa naman siya habang pahigpit ng pahigpit ang yakap sa bewang ko.
"Tara na? Sayang naman gising mo nang maaga kung late din tayo aalis.." sabi ko.
"Let's go!" masigla niyang sabi sabay hawak pa sa kamay ko palabas ng bahay.
.
.
.
May ilang oras na rin kaming nagra-ride at nasa part na kami na medyo zigzag ang daan at mountain side view sa isa, overlooking naman sa big body of water sa kabila ng kalsada.
"This is amazing Mahal!! Thanks for bringing me here!!" sigaw ni Chel habang nakataas ang kamay at nilalanghap ang sariwang hangin ng umaga.
"I told you! So which one do you like better? Closer to heaven or dito?" biro kong tanong.
"Both! Pero ang pinaka special sa akin ay ikaw ang kasama ko sa pareho! Yun ang pinaka the best!!" masaya niyang sagot.
Napangiti naman ako.
.
.
"Thank you mahal! Ang ganda rito.." sabi niya habang nakayakap sa akin nun huminto kami para magpahinga ng konti at magpicture sa overlooking
"You're welcome.. I'm glad you're happy." sagot ko naman.
"Ano, tara na ulit?" tanong ko sa kanya.
"Wait lang mahal, pwede 5 minutes pa? Masakit pala sa pwet naka angkas lang ng ilang oras.. Hahahah.." angal niya.
"Hindi ka pa kasi sanay.. Pag sanay ka na, hindi na masakit yan..
Masakit ba talaga? Halika rito, mamasahehin ko.." biro ko sa kanya.
Namula naman siya dahil me mga ibang tao dun na natawa sa biro ko.
"Ikaw talaga, wala na piniling lugar.. Kakagatin talaga kita, mahal.." namumula pa rin niyang sabi.
Tawa naman ako ng tawa kaya pinagkukurot niya ako.
.
.
Nung malapit na kami kina Itay ay may nadaanan kaming parang hilera ng talipapa na nakaharap sa dagat. Napakaraming seafoods na tinda at alam mong fresh na fresh talaga.
"Bili tayo pang pasalubong sa kanila, mahal?" tanong niya.
"Hhhhhmmmm.. Baka kasi marami rin kila Itay niyan e, lagi nila kinukwento, mas malalaki at mas sariwa ang huli ng mga tao sa paligid nila." sagot ko.
"Okay! Gusto ko yan, seafoods, wag lang talaga gulay..
Waaahhhhh.. Mahal kinakabahan ako, baka hindi ako matanggap ng pamilya mo dahil hindi ako kumakain ng gulay!" sabi niya naman.
"Hahahaha.. Wag ka mag alala, pag hindi mo makuha ang damdamin nila sa pagkain ng gulay, try mo mag sibak ng kahoy or mag-igib ng tubig..
Tapos haranahin mo ako mamayang gabi." biro ko.
"Hahahahha.. Napaka talino mo dun, gusto kita ihulog sa dagat.." sabi niya habang tawa ng tawa.
.
Nang papasok na kami papunta sa kanila ay pakonti na ng pakonti ang mga nadadaanan naming bahay. Puro puno na lng ng niyog saka maalikabok na kalsada.
"Dapat sinabi mong me libre palang foundation dito para hindi na ako nag retouch kanina!" biro ni Chel.
"Bakit ka pa kasi nagmemake up e mas maganda ka naman pag wala.." sabi ko.
"Wala, bakit, hindi ka na nagagandahan sa akin dahil me light makeup ako?" parang nagtatampong tanong niya.
"HHhhmmmm.. Maganda ka pa rin naman.. Mas maganda ka lang talaga sa paningin ko pag wala ka pang kaayos ayos.. Yun bagong gising ka?" sagot ko.
"You want me raw? Hhhmmmm.. Sige try ko.. Hindi rin naman talaga ako mahilig mag makeup, parang naging customary lang pag sa office.." sabi niya.
"Hey, I'm okay however you want to present yourself. Sinagot ko lang yun tanong mo.. Hindi naman pwede lagi ka na lang mukhang bagong gising araw-araw.." tugon ko.
Humigpit ulit ang yakap niya sa akin.
.
"Basta tandaan mo yun bilin ko sayo, wag mong i-brought up yun pagiging aswang nila.." seryosong sabi ko sa kanya.
"What?? Wala ka sinabi sa aking ganyan, Ed!! Totoo ba? Ihatid mo na ako pauwi.. Siraulo ka! Iiyak talaga ako dito.." natataranta niyang sagot.
"Joke lang. Hhahahahahah.. Ang gullible mo rin e noh.. " sabi ko habang hindi mapigil ang pagtawa.
"Kakagatin talaga kita, mahal!! Aswang aswang! Ikaw ang aaswangin ko at kakagatin mamaya!" gigil ng gigil niyang sabi sabay patuloy sa pagkurot sa akin.
Nasa ganun na kaming eksena nang makarating kami kina Itay.
.
"Sakto lang dating niyo! Maluluto na tanghalian. Magpahinga muna kayo. Tara pasok!" bungad ni Inay sa amin.
"E bakit kayo nakamotor? Sira ba kotse mo?" tanong nito.
"Hindi po, gusto raw po kasi nito maranasan mag motor nang malayuan.." sagot ko habang nagmamano.
"Si Chel nga po pala, girlfriend ko.." pakilala ko sa kanya.
"Magandang tanghali po!" bati ni Chel dito pagkahubad ng helmet saka nagmano.
"O e nasaan si Dayang saka yun bata?" tanong nito.
"E mahaba po kasing kwento, Inay. Hayaan niyo, ikukwento ko sa inyo ni Itay sa susunod. Eto po si Chel, ang girlfriend ko." pakilala ko ulit sabay abot ko ng kamay niya kay Inay.
Tinanggap naman niya ito kahit nagtataka.
.
"Kaawaan ka naman.. Ay ang ganda mo rin pala.. Mukha kang manika.. " puri nito kay Chel
"Paano ka ba nakakakuha ng ganyan kagagandang nobya?" nakupo, me follow up pang pang aasar..
Namula naman si Chel.
.
"E tara pasok muna kayo sa loob at makainom man lang ng buko. Malayo rin biniyahe niyo. Halika, Chel, diba? Halika at papakita ko sayo ang kwarto mo." sabi nito sabay hila sa braso ni Chel papasok sa amin.
Ako naman ay naiwan para ayusin ang parada ng motor at ibaba ang mga gamit namin.
.
Pagpasok ko ay nakita ko ang dalawa sa maliit na guest room nila. Nakayakap sa bewang ni Chel si Inay na akala mo naman ay close sila agad.
"Asan pala si Itay, Inay" tanong ko pagkapasok.
"Pabalik na yun, kumuha ng mga malalaking alimango dun kina Pareng Inggo niya. Pag dumating yun sasakyan, siya na yun." sagot nito.
"Marunong ka bang magluto, Chel? Halika tuturuan kita at mahalaga sa ating mga babae ang marunong magluto.." baling ulit nito ke Chel sabay akay sa kusina.
.
Kamot ulo na lang ako.
Wala kasing anak na babae si Inay kaya ganyan kasabik pag me isinasama ako dito..
Ganyang ganyan din siya nung kasama dito sila..
.
.
"Yan ka na naman Ed eh.. Paano ka makakalimot kung lahat na lang ng bagay ina-associate mo sa kanila..
Ilang taon na rin yun.. Nakita mo naman nakamove on na rin sila..
E ikaw, hanggang kelan ka magtatago sa lungga ng kalungkutan mo?
Hindi ka na nagiging fair sa sarili mo..
Lalo na kay Chel na mahal na mahal ka pa naman.." payo ko sa sarili ko.
.
.
Maya maya lang ay dumating na nga ang Van ni Itay.
Sinalubong ko na ito sa labas.
"Oh, bakit nag-iisa ka? Akala ko kasama mo sila Dayang?" tanong nito habang nagmamano ako sa kanya.
"Hindi po sila Dayang kasama ko, si Chel po, girlfriend ko.. Andun po sa kusina, isinama ni Inay." sagot ko.
"O bakit nagpalit ka na naman? Mabuti't nakatagpo ka na nang mabait, maganda, marunong makisama..
Kasundo mo at kasundo rin namin..
E bat nagpalit ka na naman?
Ikaw Erwin kaya hindi ka malagay sa tahimik e..
Palit ka ng palit ng babae..
Hindi maganda yan ginagawa mo..
Pumili ka nag isang babae, tapos ay mahalin mo..
Pagsilbihan mo, itaguyod mo.." mahabang litanya nito sa akin.
Napakamot na lang ako sa ulo.
Hindi na ako sumagot para hindi na humaba ang kwento.
"Ay siya, tulungan mo akong ibaba yun mga nahango namin kina Pareng Inggo.." utos nito sa akin na sinunod ko naman.