Chel EP 9
.
.
Tinulungan ko na nga sila Itay na ibaba ang mga dala nilang styro na may lamang mga fresh seasfoods.
"Bakit ang dami nito, Itay? Me handaan ba?" tanong ko.
"Hindi, dadaanan nila pareng Roger mamaya yan iba jan. Ibebenta sa Manila. Sideline na namin ng Inay mo yan." sagot naman niya.
"Iyang isa na yan, iakyat mo sa Inay mo't nang maluto. Tanghalian natin." sabi pa niya sabay turo sa isang mas maliit na styro.
"Sige po, iaakyat ko muna to." sagot ko.
"Sige kami na ni Lito bahala dito. O Lito, mamaya pagkakain, nilisan mo tong sasakyan ha? Buksan mo mga pinto tapos sabunan mo yun pinagpatungan natin ng styro para mawala ang amoy. Pupunta tayo dun sa kabila para tingnan yung lote." bilin pa nito sa kasama bago ako nakaalis.
.
Pagdating sa kusina ay binuksan ko yun dala kong styro para malaman ang laman.
"Wow! Ang laki ng mga alimango, mahal! Mud crabs ba yan?" manghang tanong ni Chel.
"Ay hindi anak, alimango pa lang yan dito. Pag nakakita ka ng totoong mudcrabs e, baka matakot ka sa laki. hahaha" sagot naman ni Inay.
.
"Ilabas mo na yan, Erwin nang maisalang na. Mabilis lang naman yan, pag nakuluan, ayos na. Ingatan mo't baka masipit ka pa." utos naman niya sa akin.
"Inay, gusto raw ni Chel yun mga gulay. Wala ba kayong hinandang gulay?" pang -aasar ko ke Chel.
Pinagkukurot naman ako nito sa tagiliran.
"Aba'y meron, siyempre! Me steam ako jan talbos, okra saka talong. Saka kakaluto ko lang nun bagoong. Ano ba gusto mong gulay, nak?" sagot niya sabay baling ke Chel.
Namula naman ito at hindi nakasagot.
"E-E.. Kasi po, hindi ako masyadong sanay kumain ng gulay.. Inaasar lang po ako nitong anak niyo.." nahihiyang sagot niya sabay kurot ulit sa kin.
Tawa naman ako ng tawa.
"Ah ganun ba" E wag kang mag-alala, ako mismo ang magsasanay sayo kumain ng gulay. Ipagluluto kita lagi ng masarap para makain mo.." nakangiting sabi nito.
"Ay siya, Erwin, magtulong na kayong dalawa maghain dun sa kubo sa labas. Dun tayo kakain, masarap dun, malakas ang hangin ng dagat." utos niya sa amin.
Sumunod naman kami.
.
.
Habang daladala namin ang mga plato at iba pang mga gamit papunta sa kubo ay binangga ako ng mahina ni Chel.
"Nakakainis ka, mahal! Nilaglag mo kaagad ako ke Inay!" nakasimangot niyang sabi.
"Hahahaha.. Hindi ka naman mapapahiya dun, gustong gusto ka nga niya. Wala kasing anak na babae yun kaya sabik pag me isinama ako dito.. Ganyan din siya nung.." at natigilan ako sa sinabi ko.
"Oo na, malulungkot ka na naman.. Sige na, abswelto ka na sa pang lalaglag mo sakin. Pero pag ako talaga napahiya mamaya sa pagkain ng gulay, lagot ka talaga sa kin mahal.." banta niya sa kin.
Natawa naman ako.
.
Pagdating namin sa kubo ay nandun na sila Itay at Lito naghihintay.
"Oh, napakatagal naman magluto ng Inay mo, nagugutom na kami!" bungad nito.
"Tapos na po, ilalabas nalang yun pagkain." sagot ko.
"Ah ganun ba, e tulungan mo na sila dun, Lito, para makakain na tayo." utos nito sa katabi na agad namang sumunod.
.
"Si Chel nga po pala, Itay." pakilala ko sa kanya sabay senyas na magmano siya.
Agad niya namang inilapag yun dala niya sa mesa saka nag bless dito.
"Kaawaan ka, nak.. Aba ang gandang dalaga mo naman.. Paano ka nabola nitong isa na to?" pang-aasar niya sa kin.
"Nagpakitang gilas po sa basketball." sakay naman niya sa biro nito.
"Hahaha.. Mabuti naman at hindi PBA player ang nakabingwit sa yo!" biro ulit nito.
"Ay siya, umupo ka na rito sa tabi namin ng Inay nyo. Dun ka na sa dulo Erwin, tabihan mo tong si Chel." sabi nito sabay bigay ng plato sa amin dalawa.
.
Maya maya lang ay nailabas na lahat ng pagkain at nakapwesto na rin kami.
"O kain na!" aya ni Itay pagkatapos magdasal.
"Eto tikman mo, Chel. Sariwang sariwa tong alimango, kakahango lang namin kanina niyan. Buhay pa yan nang lutuin.." bida nito sabay lagay ng isang malaking alimango sa plato ni Chel.
"Salamat po! Ang laki naman nito, baka hindi ko po maubos.." sagot niya.
"Hayaan mo't pag hindi mo naubos, si Erwin ang uubos. Hahahaha.." biro naman nito.
"Eto rin, tikman mo, anak. Ginataang kalabasa at sitaw. Kung hindi ka sanay sa gulay, diyan ka muna magsimula." magiliw na sabi ni Inay sabay abot sa kanya ng platitong me lamang gulay.
.
Tinitingnan ko lang siya habang nakangiti. Tinitingnan ko kung kakainin niya yung gulay. Tumingin naman siya sa kin at ngumuso na parang nagbabanta.
.
Pero nagulat ako nun kinutsara niya yung sitaw at kalabasa saka isinubo.
"Wow, ang sarap nga po, Inay! Bakit hindi mapakla ang gulay dito, parang matamis?" gulat niyang sabi.
"Hahaha.. Ganyan talaga pag sariwa. Sa Manila kasi puro pesticide kaya mapait ang gulay, dito walang ganun, organic pati pataba kaya walang lasang gamot." paliwanag nito.
"Eto masarap to," sabay kuha ni Itay sa alimango sa plato niya at ipinagtanggal siya ng paa saka binuksan.
"Wow! Ang taba! Ang daming alige!" mangha niyang sabi.
"Saka matamis rin ang laman niyan dahil sariwa. Walang panama ang lasa ng pagkain sa restaurant diyan.." bida naman nito.
At binitawan na ni Chel ang kutsara at kinamay na rin ang mga pagkain sa harap niya.
"Ang sarap nga pong kumain dito! Mananaba ako pag ganito lagi pagkain ko.." magiliw na sabi ni Chel habang me hawak na kalabasa.
"Hahaha.. E bawing bawi naman yan sa mga gawain dito. Hindi kagaya sa atin sa Manila na laging nakaupo o nakahiga ang mga tao, dito laging me ginagawa. Kaya kahit kumain ka ng marami, hindi ka tataba rito!" masayang tugon naman ni Inay.
"Mamaya pala pagkakain e magpahinga na kayo. Bago maghapon ay silipin natin yun loteng sinasabi ko para abutan natin ng maliwanag pa. Magdala kayong panligo, maganda dagat dun.." si Itay naman.
Ako naman ay tahimik lang kumakain habang pinagmamasdan sila. Sobrang asikaso nila Inay at Itay ke Chel. Malugod namang tinatanggap at kinakain ni Chel lahat ng ibigay sa kanya.
Ang sarap lang nilang tingnan na para talaga silang isang buong pamilya.. Kami pala, kasama nga pala ako..
.
.
Pagkatapos kumain ay tumambay muna kami sa table na nakaharap sa dagat. Nakasandal sa kin si Chel na parang hindi makapaniwala sa dami ng nakain niya.
"Mahal.. Nabundat ata ako sa dami ng nakain ko.." sabi nito.
"E kinain mo ba naman lahat ng iniabot nila sayo e, malamang bondat ka talaga. hahaha." tumatawa kong tugon.
"E ang sasarap ng pagkain nila rito.. Wag na kaya tayong umuwi.. Dito na lang tayo.." biro niya.
"Ang sarap nga dito no? Kung pwede lang dito na rin tayo tumira, mas gusto ko yun e.. Walang distraction, tahimik, saka tayong dalawa lang..
Kaso nasa Manila pa rin ang trabaho natin e.." sagot ko.
.
"Hhhhmmmm.. Mahal, gusto ko pag nagretire na tayo, sa ganito rin tayo titira gaya nila Inay.. Gusto ko yun lahat ng kakainin mo, galing sa tanim at luto ko.. Gusto ko ako mag aalaga sayo.." malambing niyang sabi.
"Ang aga naman niyan.. Para naman sinabi mong malapit na akong maging senior.." biro ko naman.
"Hahahaha.. Siyempre hindi. Grabe ka naman sa senior.. Wala pa naman 5 years gap natin, ang OA mo.." sabi naman niya.
.
"Bakit parang lalo kang lumalambing habang tumatagal?" nakangiti kong tanong sa kanya.
"Hindi ko rin alam, mahal. Hindi naman ako ganito kahit kanino.
Pero pag ikaw, feeling ko gagawin ko kahit ano..
Parang feeling ko meron akong purpose pag kasama kita..
Feeling ko, kaya kong gawin kahit ano pag andiyan ka..
Masaya ako kahit ganito lang, katabi ka.." nakangiti niya ring sabi.
"Ang sweet naman nun.." sabi ko sabay akbay sa kanya.
"Hayaan mo, promise ko sayo, hinding hindi rin kita papabayaan..
Aalagaan rin kita..
Tutulungan din kita maabot yun gusto mo..
Gagawin ko rin lahat para sayo..
Just you and me..." Seryoso kong sabi.
"Aweeee.. Pinky swear?" lambing niya.
"Pinky swear.." sagot ko sabay lock ng hinliliit namin.
At may naalala na naman ako..
.
.
Mga 2 pm na ata nun nagyaya si Itay na puntahan na yung lote. Bale apat kami nila Itay, ako, Chel at Lito. Nsa likod kaming dalawa ni Chel.
Saglit pa lang kaming bumabiyahe ay nakita kong gumagalaw ang butas ng ilong ni Chel. Ako man ay may naamoy na hindi kanais nais sa loob ng van ni Itay.
Kaya kinuha ko yun panyo ko at itinakip sa ilong ni Chel.
"Hmmppfff!! Lito, sabi ko sayo, hugasan mo yun likod pagkatapos natin kumain! Hindi mo hinugasan ano? Amoy alimango tayo dito.. Buksan niyo nga yun mga bintana!" angal ni Itay sa katabi.
"E nakalimutan ko po, nakaidlip ako pagkakain e, ang sarap kasi ng ulam!" kamot ulong sagot nito.
.
"Jusko po kang bata ka oh.. Masusuffocate tayo dito.." parang naiinis na natatawang tugon ni Itay dito.
"Linisin ko na lang po pagdating natin dun, me sabon naman po diyan sa likod." sabi pa nito.
"Hayaan nyo na po Itay, baka inantok rin talaga. Kahit kami, inantok sa dami ng nakain natin e.." sambot ko dito habang natatawa.
.
"Nga pala, Lunes ngayon, wala ka bang pasok, Lito?" tanong ko dito.
"Wala, kuya bukas pa. Wala akong pasok pag Lunes saka Huwebes." sagot naman nito.
"Ah okay, e kamusta naman pag-aaral mo?" tanong ko.
.
"Ayos lang naman kuya, second year na. Pero dumadami na plates namin, kaya minsan nahihirapan ako tapusin. Alam mo naman kuryente dito sa tin, minsan nawawala pa rin bigla.
E pag nagkaganun, dinadala ko dun sa inyo yun mga plates ko para magawa. At least me ilaw dun sila tiyo." sagot nito.
"Ah ganun ba. E bat di ka pa magpasolar kahit pang ilaw man lang?" tanong ko ulit.
"Gusto ko nga sana, alam ko na rin iset-up e. Kaso wala pang pangkuha ng materyales kuya." sagot nito.
"Wag ka na mag-alala, sagot ko na materyales mo, kuha tayo sa Huwebes, samahan ka namin." sabi ko dito.
"Naku, di ko hihindian yan kuya, kelangan ko talaga yan e.." masayang sagot nito.
"Ikaw pa ba, basta wag mo lang pasakitin ang ulo nito nila Itay at Inay.." tugon ko.
"Saka kung me tanong ka, eto si Ate mo Chel, baka matulungan ka. Interior Design din natapos nito. Arki ka diba?" dugtong ko pa.
"Opo. Sige po, pag me tanong ako.." parang nahihiya niyang sabi.
"Wag ka mahiya jan sa ate mo, maganda lang yan pero mabait yan.." natatawa kong tugon.
.
.
Pagdating namin sa property ay sinalubong agad kami ni Aling Julie, yun caretaker ng lupa.
"Magandang hapon po! Kayo po ang titingin?" magiliw na tanong nito sa amin ni Chel.
"Mga anak ko yan. Magmano muna kayo sa tiya Julie niyo." pakilala ni Itay bago kami nagmano sa matanda.
.
"Tara, ililibot ko kayo sa property para makita niyo ng husto." aya nito saka nagpatiuna na sa paglakad.
"Sige, sumunod na kayo dun at matulungan na muna tong si Lito paglilinis ng sasakyan. Nakita ko na rin naman ang kabuuan nitong lupa e." sabi ni Itay.
Kaya dalawa na lang kami ni Chel na sumunod ke Aling Julie.
.
Habang naglalakad ay nagtanong si Chel.
"Tiya mo ba talaga yun si Aling Julie? Akala ko ba kakalipat lang nila dito a few years ago? Bat ang dami niyo na agad kamag-anak?" tanong niya.
"Hindi, ganun talaga yan sila Itay, pag me bagong kakilala, akala mo kamag-anak kung ituring. Kaya kahit san mo sila dalhin, welcome yang dalawa ni Inay." paliwanag ko.
"Aaahhhh.. Now I get it kung bakit para kang kandidato kahit san tayo magpunta. Me pinagmanahan ka naman pala.." biro niya.
"Baliw ka no? Wala naman mawawala sa yo pag nag-invest ka sa magandang pakikisama. Nothing to lose, everything to gain.." nakangiti kong sagot.
.
Bigla naman siya yumakap sa akin.
"Hhhmmmm.. Basta mahal, hinding hindi na kita pakakawalan.. Hahahaha.." natatawa niyang sabi.
"Aba dapat lang, ang swerte mo kaya sa akin.." biro ko naman.
"Ang kapal mo! Hahahaha.." tumatawa niya ring tugon.
.
Nang abutan namin si Aling Julie ay nasa dulo na ito ng bakod.
"O, dito ang hangganan ng property.. Hindi na masyado mabuhangin dito kaya kung gusto niyo magtanim, pwede. Basta wag lang sa maselan na halaman.
Dun sa kabilang dulo na yun naman ay may landas papuntang ilog. Malinis ang ilog dito, kaso medyo masukal dahil wala naman nagagawi rito masyado. Pero me talon sa bandang taas kung gusto niyo maligo. Mga kalahating oras na lakaran lang yun." sabi niya.
At patuloy pa kaming lumibot.
"Dito yun beach front. Me itinayong mga kubo yun may ari, pero aalisin naman yan pagkinuha niyo na. Ginagamit lang nila yan pag nagpupunta sila dito.
Dun naman sa kabilang banda roon ay nabili na rin daw ng may ari ng mga mall daw. Gagawin atang condo resort.." patuloy pa niya.
"Ay maganda yun mahal pag natuloy, kasi dadayuhin na tong lugar.. Saka maganda yun beach dahil naka cove siya, hindi basta nakaharap sa open sea.. Mas smooth yun pasok ng waves dito.." sabi ni Chel.
"Ay totoo yan, kahit bagyo, hindi nakakatakot ang alon dito. Di kagaya dun sa mga Itay nyo, ang lalaki ng alon pag me bagyo." kwento ni Aling Julie.
"E kung sakali po ba kunin namin to e pwedeng kayo pa rin ang tatao rito? Baka po kasi matagalan pa bago namin madevelop dahil kulang pa rin sa budget." tanong ko.
"Ay siyempre naman! Kaibigan ko naman iyang Inay at Itay mo, mababait yan. Lagi nandito yan pag gusto mag babad sa dagat pag panahon ng bagyo. Lumalabo kasi ang tubig dun sa inyo, dito hindi." sagot niya.
"E sige po, pagiisipan lang po muna namin.. Tapos sasabihan ko po si Itay pag sigurado na kami." sabi ko sa kanya.
"Ay sige. E pano, iwan ko na muna kayo dito't babalikan ko lang yun labada ko. Andun lang ako sa kubo pag me tanong kayo." paalam nito.
"Sige po, salamat!" paalm ko rin dito.
.
.
"What do you think?" tanong ko ke Chel nun dalawa na lang kami.
"I think this is very promising, mahal. Malayo siya, pero pag natuloy yun mga project ng big companies sa paligid, gaganda na ang daanan dito.
Saka wala kang lugi if ever maisip mong hindi idevelop at ibenta rin in the future, kasi for sure tataas agad ang value nito.." paliwanag niya.
"Wow! I'm impressed! Galing mo ah.." puri ko sa kanya.
"Siyempre naman, parang ganito rin kasi ang gawain nila daddy. Kaya natututo rin ako kahit paano.
Ang kaibahan lang, puro government project yun sa kanila kaya ayokong gawin. Hindi ko kayang sikmurain yun corruption at laki ng kickbacks sa kada project nila.
Sa kanila na lang yun, I don't need their dirty money.." parang nagalit nanaman ang aura niya.
"Ahhh.. kaya pala parang puro government officials ang kadikit niya.. Now I know.
Ay siya, change topic na at baka malungkot na naman ang prinsesa ko.." bawi ko sabay hapit sa kanya.
.
"Ano sa tingin mo maganda gawin dito pag kinuha natin?" tanong ko ulit.
"Hhhhhmmmm... I think it will be better if we wait until the neighboring properties develop theirs first. Malaki matitipid natin sa paggawa ng maayos na daan, saka yun sa beach front mismo. Sila na ang aayos imbes na tayo pa." Sagot niya.
"Okay! Tama naman lahat ng sinabi mo. And I trust you. Sige, let's just give it a weeks time para mag sink in bago natin i-finalize. Just to be sure na hindi tayo masyadong compulsive dahil sa ganda ng lugar.
Hindi rin ako pwedeng magkamali dahil ito pa lang ang magiging pinakamalaki kong investment, if ever. Hindi naman ako mayaman." tugon ko.
.
"I can help you, if you want.. Gusto mo, share tayo? " nakangiti niyang alok.
"Weh? Me ganun ka kalaking ipon?" tanong ko dahil ang alam ko ay yun sweldo lang niya sa office ang income niya, and kung hindi siya tumatanggap ng pera from her daddy, san kukuha ng pera to.
"Hahahaha.. Wag ako, Mahal! Me time deposit kaming magkapatid since mga bata pa kami and nag mature na. Of course hindi ko ginagalaw. Interest lang kinuha ko, na ininvest ko naman sa stocks.
Marami akong source of income, mahal." sagot niya.
"Kung pwede ko lang bilhin ang pagmamahal mo, baka ginawa ko na. " pahabol niyang biro.
"Alam mo, nun nalaman kong mayaman ka, parang lalo kang gumaganda sa paningin ko.." biro ko naman sa kanya.
Tawa naman siya ng tawa.
.
.
"Pero kidding aside, let's think about it. Ayoko rin naman i-drag ka sa investment na to, tapos hindi concrete ang plan natin. Ayoko mapahiya sa yo.." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Wala ka naman pwedeng gawin na ikapapahiya mo sa kin mahal.. I'll support you in everything you do.. Di ba nga tulungan tayo?
Just you and me.." nakangiti rin niyang tugon sabay haplos sa mukha ko.