Chel EP 10
.
.
Pagbalik namin sa kubo ay tapos na ring maglinis ang Itay at si Lito ng van.
"Ano, maligo na kayo habang maganda pa ang araw. Hindi na masyadong mainit." sabi ni Itay sa amin.
"E kayo po, hindi ba kayo magbabad?" tanong ko
"E sasaglit kami rito sa kabila kina Pareng Romy, mangangamusta lang at nandito na rin naman tayo. Balikan namin kayo rito." sagot naman nito.
"Sige po, balikan niyo na lang kami rito, andiyan lang naman si Aling Julie." sagot ko.
"O, Chel, anak. Iwan muna namin kayo ah, balik kami kaagad. Mag enjoy muna kayo diyan sa dagat." paalam nito.
"Sige po, Itay, ingat po kayo!" sagot naman niya.
.
.
Sa may maliit na kubo kami nagpalit ng damit ni Chel. Wala naman problema dahil parang walang katao tao sa paligid.
Pagkatapos ay sabay na kaming tumakbo papuntang dagat.
"Mahal, tingnan mo. Napakalinaw nga ng tubig dito! Kitang kita mga isda o!" excited niyang sabi.
"Oo nga e, tara langoy tayo. Tingnan natin kung malalim dun.." yaya ko sa kanya.
.
Pagdating namin sa may kalayuan ay sinubukan kong tumayo. Abot ko pa naman nang nakatingkayad. Pero dahil mas maliit, hindi na abot ni Chel ang sahig ng dagat.
"Mahal, pahawak! Ang lalim pala dito!" Sabi niya sabay yakap sa likod ko.
"Hindi naman ah!" biro ko naman.
"Edi ikaw na matangkad!" sagot niya sabay kiliti sa tagiliran ko.
.
"Ang sarap dito, Chel.. Parang solong solo natin ang mundo.." sabi ko sabay iniikot ko siya sa harap ko.
"Oo nga e.. Parang gusto kita i-kiss mahal.. Kaso baka me makakita sa atin.." sabi niya.
"Then do it.. Wala naman ibang tao dito, tayo lang. Saka makita man nila, so what? Wala naman tayong tinatapakang ibang tao.." nakangiti kong sabi.
Napangiti rin siya at bigla akong hinalikan. Tinugunan ko naman siya sabay hawak sa pwetan niya para masuporthan siya at hindi lumubog.
"Nan chachansing ka lang ata mahal e.." biro niya.
"Bakit ayaw mo ba?" biro ko rin.
"Gusto.. Chansingan mo pa ako.." ganti niya.
At hinalikan ko siya ulit habang nakayakap siya sa batok ko.
.
.
Ilang sandali pa ay naisipan na namin bumalik sa pampang. Nang maabot na niya ang sahig ay bumaba na siya at nagpatiunang maglakad.
Pinapanood ko naman siya habang nakasunod ako sa kanya.
Ang sexy talaga nito ni Chel..
Kahit naka one-piece na bathing suit ay litaw na litaw ang kaseksihan niya.
Ang kurbada ng balakang.. Ang mahahabang biyas..
At ang perfect ass niya..
"Hoy, alam ko tinititigan mo na naman pwet ko! Tigilan mo yan! Hahahah.." sabi niya nang malapit na kami sa pampang.
"Takpan mo kasi,lagi akong inaakit niyan e.." biro ko naman sa kanya.
"Mata mo kaya takpan mo, masyadong mahalay! Hahahaha.." sagot niya.
At hinabol ko siya bigla para tapikin ang pwet niya. Naramdaman naman niya kaya mabilis din siyang tumakbo.
Nagulat ako dahil mabilis rin siyang tumakbo! May ilang metro din ang habulan namin pero di ko siya inabutan! Me lahi pa yatang snatcher to si Chel..
.
Nakahiga na siya sa towel na inilatag namin nang abutan ko siya.
"Time out muna mahal, hiningal ako sayo.." sabi niya habang kinukuha yun ala naming tubig.
Akala ko siya ang iinom, pero inabot niya sa akin yun lalagyan.
"Inom ka muna mahal.." malambing niyang sabi.
"Sige ikaw na muna, next ako sayo.." sagot ko.
Tumingin lang siya ng malagkit bago uminom. Tapos ay ipinasa sa kin.
"Wow ang lamig! Sarap!" sabi ko.
"Hinanda ni Inay yan bago tayo umalis, nilagyan niya talaga ng yelo.." sabi naman niya.
"Maasikaso talaga yun si Inay. Parang ikaw.. Kaya siguro magkasundo agad kayo.." sabi ko sa kanya.
Saka ako nahiga sa tabi niya. Agad siyang yumakap sa akin at ipinatong nag ulo sa dibdib ko.
.
.
"Mahal, naniniwala ka ba talaga na magwork tayong dalawa?" seryoso niyang tanong.
"Oo naman, bakit? Is something bothering you?" tanong ko.
"A little bit, yes.." mahina niyang sagot.
"Wanna share?" tanong ko ulit.
"Maybe next time.. HHhhhmmmmmm.." sagot niya sabay yakap ng mahigpit.
.
"Kuya, kung gusto niyo na raw po umuwi?" si Lito.
"Ay, ang bilis niyo naman! Sige, bihis lang kami." sagot ko rito.
Kaya mabilis kaming nagbihis ni Chel sa kubo, bale nagpatong lang siya ng shorts at tshirt. Ako naman ay nagt-shirt lang din. Sa bahay na lang kami maliligo.
.
Pagdating sa bahay ay may ipinakuha si Itay kay Lito sa likod ng van.
"Ipasok mo run sa kusina at baka maiwan natin yan dito. Bigay mo sa Inay nyo, bigay kamo ni Pareng Romy yang mangga." utos nito.
May dalawang malalaking plastic bag ng mangga ang dala dala ni Lito pagpasok ng bahay.
May naalala tuloy ako..
.
"Mahal, tulala ka na naman.. Siguraduhin mo lang na ako iniisip mo.." biro ni Chel sa kin nang papasok na kami ng bahay.
Natawa naman ako at kunyari ko siyang sinakal.
.
"Erwin, tuwangan mo nga ako saglit dito sa mahabang mesa, mailatag jan sa b****a. Darating sila pare mamaya.
Chel, pakisabi naman sa Inay nyo na maghanda na ng hapunan ng maaga at baka magdatingan agad ang mga manginginom, hindi pa tayo nakakakain.." utos nito sa amin na sinunod naman namin agad.
.
Pagka-ayos ng pagiinuman ay pumasok muna ulit ako sa bahay. Inabutan ko si Chel na namimintana sa kusina.
"Ano ginagawa mo diyan?" tanong ko sa kanya.
"Wala naman, tinuruan lang ako ni Inay nang bagong recipe ng gulay. Para siyang tinola.. Masarap, matamis ang sabaw niya.
Mukhang dito nga ako ke Inay matututong kumain ng gulay.." nakangiti niyang sabi.
"E bat diyan ka sa dagat naka tingin? Hinahanap mo ba yun kaibigan mong sirena?" biro ko sa kanya.
"Hindi! Hahahaha.. Me iniisip lang ako.." sagot niya.
"Ano yun?" tanong ko.
"E sigurado, iinom ka na naman mamaya.. Akala ko ba me usapan na tayo tungkol diyan.." parang malungkot niyang tugon.
.
"Kow, Chel, anak. Pagbigyan mo na yan, ngayon lang at hindi rin naman papayag ang Itay nyo na hindi makainuman yan at sobrang bihira dumalaw dito..
Samahan mo na lang doon para hindi makarami.." masayang sabi ni Inay sa kanya.
"Sa Manila po kasi Inay, sobra sobra mag-inom yan. Kaya inaawat ko na.." sumbong nito.
"Oo nga daw, kinuwento rin sa kin ni mareng Kule.. Kinagagalitan ko rin naman yan pag sobra..
Pero pag dito, hayaan mo na. Hamo't dalawa tayong magbabantay diyan.." nakangiti nitong sabi kay Chel.
"Ang sweet niyong dalawa noh? Pinagtulungan niyo pa ako.." biro ko sa kanila.
Natawa naman sila.
.
"Salamat sa pag-aalaga mo sa makulit na yan.." malambing na sabi ni Inay habang nakayakap sa bewang ni Chel.
"Wala po yun, Inay.." napangiti na rin siya sabay yakap din rito.
.
.
.
Kakatapos nga lang namin kumain nang magsimula nang magdatingan ang mga kabigan ni Itay. May ilan ding kaedaran ko naman at mga namumukhaan pero hindi ko kilala sa pangalan.
Maya maya lang ay sinigawan na ako ni Itay para ayain mag-inom.
"Erwin, me bisita na rito, bumaba ka na. Isama mo si Chel nang mapakanta rito sa videoke." aya nito sa amin.
"Opo, bababa na kami. Tara!" sabi ko sabay hawak sa kamay niya. Sumunod naman siya pero bigla hinila ng mahina ang kamay ko.
"Hala, kakanta ako, mahal? Nahihiya ako!" sagot niya.
"Bakit ka mahihiya e ang ganda ng boses mo.. Saka sa ganda mong yan, kahit sintunado ka pa, papalakpakan ka.." nakangiti kong sabi.
"EEhhhhh.. Mahal.. Basta ikaw din, kakanta ah.." sabi naman niya.
"Sige na, gusto mo duet pa tayo e.." malambing kong tugon.
Napangiti naman siya.
.
Pagbaba nga namin ay marami nang tao nakapaligid sa mahabang mesa. Masaya na silang nagkukwentuhan at nag iinuman.
"O eto na pala, anak ko, si Erwin. Kilala nyo na yan. Eto naman, mamanugangin ko, si Chel! Interior Designer yan!" bida ni Itay sa amin.
"Magandang gabi po!" sabay naming bati
.
Halata naman natulala ang mga kalalakihan sa ganda ni Chel. Bigla naman namula ang mukha niya at humigpit ang yakap sa braso ko.
"O, wag nyo nang pagtuluan ng laway at sa anak ko na yan! Hahahaha!" biro ni Itay sa mga kasama.
Nagtawanan naman lahat.
.
At nagsimula na nga rin kaming maki umpok sa kanila.
Iba talaga ang inuman sa probinsya.. Parang napaka freeing ng pakiramdam.. parang nawawala sa isip mo kung me dapat ka bang gawin kinabukasan.. Yung okay lang sayo kung malasing ka ng sobra..
Kaso me bantay ako e.. Kaya pacing lang tayo.. Pasip-sip lang sa ginawa niyang hard on the rocks para sa akin..
"Chel, anak. Ikaw naman, kantahan mo kami.. Parinig mo sa mga to ang kantahang pang contest.." bida na naman ni Itay kay Chel.
"Ano po ba kakantahin, Itay? Nahihiya po ako e.." sagot nito.
"Kahit ano.. Ikaw naman nakakaalam ng mga piyesa mo.." nakangiting sagot naman ni Itay.
.
"Mahal.. Ano ba kakantahin ko? Kinakabahan talaga ako.." sabi niya at medyo namamawis nga ang kamay niya.
"Hhhhmmm.. Ganito na lng para di ka kabahan.. Ano bang song ang gusto mo kantahin for me? Tapos ako lang ang kantahan mo, para di ka mahiya.." nakangiti kong sagot.
"I knew I love you.." mahina niyang sagot.
"Okay.. Sing it for me.." sabi ko sabay pisil sa kamay niya bago ilagay ang kanta sa videoke..
.
.
At kumanta na nga siya..
"I knew I loved you before I met you
I think I dreamed you into life
I knew I loved you before I met you
I have been waiting all my life" kanta niya habang nakatingin lang sa akin.
Ang sarap sa pakiramdam ng ganito.. Ramdam ko na meant niya yun bawat linya ng lyrics..
Kaya ang lapad din ng ngiti ko..
.
Ang lakas ng palakpakan ng mga kasama namin matapos siyang kumanta. Siya naman ay parang nahihiya pa rin na nagsusumiksik sa braso ko.
"Hindi lang pala maganda tong mamanugangin mo pare, ang ganda rin ng boses!" sabi ng isang kumpare ni Itay.
"Bakit hindi niyo pasalihin sa contest yan? Sisikat yan.." sabi naman ng isa pa.
Kita ko naman nagbubulungan yun mga iba pang kaedaran namin na halatang me mga crush na ke Chel..
.
Pati si inay na nakadungaw sa bintana ay malapad ang ngiti pagkarinig sa kanta niya.
"Chel, anak halika nga rito sandali! Ipaglabas mo pa sila ng pulutan at nang hindi ikaw ang napupulutan diyan.." biro nito
Nagtawanan naman lahat dito.
.
Sumunod naman si Chel kay Inay at paglabas nga ay may dalang maliit na kaldero ng sinabawang tulya.
Pagkaupo ay pinakanta pa ulit ni Itay.
Nakailan pang kanta si Chel at medyo comportable na sa mga kaharap namin.
Kaya nang hiritan ulit kumanta ay pumalag na ito.
"Ang daya niyo, bakit ako lagi? Si Ed naman po, tay!" kantyaw niya sa akin.
"Aba e di dalawa na lang kayo, duet. Sakto, inyo na yan nakasalang!"sigaw naman ng isang kumpare ni Itay.
.
Hindi na rin ako nakatanggi dahil lahat sila nagrerequest na.
Ang nakasalang: Bakit ngayon ka lang.
OMG. LOL
Pero kinanta naman namin.. Kaso parang me awkward feeling.. Di ko alam kung ako lang..
Nagpalakpakan naman silang lahat pagkatapos.
"E bagay naman pala talaga tong dalawa.. Parang si Regine at si Ogie. Hahahaha.." biro nila.
At nagtawanan lahat.
.
Humirit pa sila ng isa kaya pinagbigyan namin. Cruisin.
Palakpakan ulit.
Nakailang ikot pa ang mic at maya maya ay nasa amin na ulit. Kaya bumawi naman ako sa kanya at kinantahan ko siya ng Girl Be Mine ni Francis M.
.
Pagikot ulit ay siya naman ang nagrequest sa akin.
"Mahal kantahin natin to.." sabi niya sabay turo ng Ikaw lamang ni Janno at Jaya.
"Kaya ko ba yan?" natatawa kong tanong.
"Kaya mo yan.. Please?" lambing niya.
"Ako nagiinom , e bat parang ikaw ang nalalasing?" biro ko sa kanya.
Tawanan naman lahat.
.
Pero hindi ko naman siya binigo. Kinanta nga namin.
"Langit ang buhay sa t'wing ika'y hahagkan (Ooh)
Anong ligaya sa t'wing ika'y mamasdan
Sa piling mo (Ooh-ooh-ooh), ang gabi'y tila araw
Ikaw ang pangarap, ikaw (Ikaw) lamang"
.
Lalong nagpalakpakan ang mga kasama namin.
"Hindi na pala natin kelangan dumayo sa bayan pag me contest, maginuman na lang tayo dito! Me libreng paconcert!" biro pa nila.
At dahil masaya na ay sumasabay na ang lahat basta alam ang kanta. Me nagsalang pa ng "Where is the love' kaya nabuhayan yun mga kaedaran namin.
.
"Mahal, nakakadami ka na rin.. Ang daya mo. Pause ka muna." bulong ni Chel sa akin.
"Okay, gusto mo pahangin muna tayo dun sa me dagat?" aya ko sa kanya.
"Sige, paalam ka muna kina Itay." sagot niya.
.
At naglakad lakad nga muna kami sa tabing dagat..
"Ang sarap talaga dito mahal.. Pati mga tao sobrang friendly.. Bihira ka makakita ng ganitong lugar sa manila.." sabi niya.
"Ganito naman sa atin ah.. Favorite ka nga agad ng mga bata dun.." sabi ko naman
.
"Sa village niyo, oo. Pero sa iba, lalo sa min, napakalayo. Pag me nagpaparty dun, nagsasarado ng gate imbes na magbukas para inviting.. Hahahha..
Saka pag nagpaparty sa bahay, puro sosyalan, kitang kita mo yun estado sa buhay ng mga tao based sa kung sino ang magkakasama sa table.. Magkaiba ang table ng mahirap at mayaman..
Kaya hindi ako tumatagal sa mga party dun e. Mas okay pa magkulong sa kwarto at matulog.." kwento niya.
"Pero dito, ngayon lang natin sila nakasama, pero parang at home na agad ako sa kanila..
Wala lang.. ang saya lang.." nakangiti niyang patuloy.
.
"Hhhhmmmmm.. E masanay ka na.. Kasi either nandito tayo or sa bahay, puro ganyan na makakasalamuha nating tao..
Kaya sasabayan mo na akong makisama sa mga tao, kahit ano man ang estado nila sa buhay.." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Gusto ko yan mahal.. Naguilty tuloy ako sa mga kasama namin sa bahay na hindi ko alam ang names.. Hindi ko kasi sila nakakasalamuha man lang.." sagot niya.
.
"Well, marami ka pa naman time bumawi..
Ako nga akala ko ganun na lang ako e..
Painom inom.. Paiyak iyak..
Wala na kaganga gana sa buhay..
Until you came..
Look at me now, slowly but surely, nakaka bawi ako..
With your help.." sabi ko sabay salikop sa mukha niya.
Hinalikan niya ako habang nakapikit..
.
"Mahal.." tawag niya.
"Yes po?" tugon ko.
"Lasang alak ang lips mo.. Hahahaha.." biro niya sabay tawa.
"Pasalamat ka mahal kita, kundi, di ka talaga makaka kiss sa kin pag amoy alak ka.." biro pa ulit niya.
"Bakit, me iba ka pa bang pahahalikin sa lips mo?" biro ko naman.
"Wala na.. Ikaw lamang.." sabi niya sabay ngiti.
"Ikaw ba yan Jaya?" biro ko nun magets ko yun joke niya.
Natawa naman siya sabay halik ulit sa akin.