Chel EP 11
.
.
Matapos ang inuman ay tinulungan na namin si Inay magligpit at maghugas ng pinag gamitan.
"Mahal, tabi na lang tayo pagtulog.." lambing ni Chel sa akin.
"Tanungin mo si Inay, iniingatan lang niya ang aking puri.." natatawa kong biro sa kanya.
"Ang siraulo mo no? Hahahaha.. Sige sasabihin ko." sagot naman niya habang tumatawa.
.
"Inay, pwede po bang sa kwarto ni Ed na rin ako matulog?" tanong niya.
"Aba'y oo naman! Ipinaghanda lang kita ng kwarto mo dahil baka di ka komportableng katabi tong damuhong ito. Kayo naman ay matatanda na at alam niyo na ang ginagawa nyo.." sagot nito.
"Kahit bigyan niyo pa ako ng limang apo, pasasalamatan ko pa kayo! Hahahaha.." biro pa nito.
"Inay naman! Lima agad? Hindi kaya ako mabiyak sa gitna niyan?" bawi naman niya.
Tawa naman ng tawa si Inay.
.
"O iwan ko na kayo diyan, huhugasan ko na ito sa taas. Erwin, wag mong iwan yang mga mismis at baka akyatin ng mga hayop diyan. Idiretso mo na sa lagayan ng kaning baboy." paalam nito sa amin.
"Sige po Inay, ako na po bahala dito." sagot ko naman.
.
.
Pagdating namin sa kwarto..
"Bakit hindi ka nahiya magsabi ke Inay na tabi tayo matulog? Very unlikely of you.." tanong ko.
"E ikaw kasi, sinimulan mo ako sa aswang aswang na yan! Hindi tuloy mawala sa isip ko.. Kasalanan mo! Dun ka sa malayo, wag mo akong lapitan.." maktol niya.
Tawa naman ako ng tawa.
"Sige ka lumayo ka sa akin, bukas pa naman ang bintana.." patuloy kong pang-aasar.
"Mahal naman e!! Nakakainis ka.. Kakagatin talaga kita jan.." nakamaltog niyang sabi.
"Joke lang.. Ang tanda tanda mo na kasi naniniwala ka pa sa aswang.. Kung meron mang aswang, edi sana ubos na lahat ng kapitbahay nila.. Saka sana nagkaroon na ang sariling series sa animal planet yun.." biro ko pa.
"E basta.. Tigilan mo na ako sa mga ganyan.. Matatakutin ako sa ganyan.. Last warning, kakagatin talaga kita." natatawa na rin niyang sabi.
"Huh?! Ano yun?!" bulas ko sabay turo sa bintana.
"EEEiiiihhhhhh!" malakas niyang tili sabay yakap sa akin.
.
Kumatok tuloy si Inay sa kwarto..
"Hoy, anu ba yun at tumitili si Chel? Ayos lang ba kayo diyan?" nag-aalalang tanong ni Inay.
Binuksan ko naman ang pinto.
"Opo nay, ayus lang. Inaasar ko lang po, takot pala sa aswang. Hahahaha.." tawa ko habang nagpapaliwanag.
"Inay patigilin niyo nga po yan.. Tinatakot ako, e matatakutin nga ako sa ganyan.." sumbong niya naman.
"Ikaw Erwin, tigilan mo na tong si Chel at baka hindi makatulog! Ang tanda mo na nananakot ka pa! Para naman hindi ka rin takot nung bata ka pa!" saway nito sa akin.
Napakamot nalang ako ng ulo tuloy.
.
"Ay siya at, matulog na kayo at nang makapamasyal kayo bukas." paalam nito.
"Goodnight po, Inay.." bati ni Chel bago malambing na yumakap dito.
"Goodnight.." tugon naman ni Inay at humalik pa sa noo ni Chel.
"Buti nga sayo! Hahahaha.." parang batang sabi ni Chel sa akin pagkaalis ni Inay.
"Ah ganun.. E wala na ulit si Inay.." banta ko sa kanya.
"EEhhhhh.. Tama na mahal.. Peace na tayo.. Sisigaw talaga ako rito para pati si Itay magising.." banta niya rin.
Tawa na naman ako ng tawa.
.
"Sige na nga, peace na. Isasara ko na ang bintana. Malamig naman basta naka on yun fan.." sabi ko.
"Lika na dito.. Gagawa pa tayo ng limang apo nila.." biro ko ulit sa kanya.
"Hahahaha.. Napakasiraulo mo talaga mahal.. Sumasakit na panga ko kakatawa, awat na.." pakusap niya sa akin.
"Pero seriously, ilan ang ideal na anak na gusto mo?" tanong ko sa kanya
"Hhhhhmmmmm.. Dalawa? One boy, one girl. Gusto ko una boy para may kuya. Ikaw ba?" sagot niya.
"Hhhhmmmm.. Ganun din, pero okay lang din 3. Basta me boy and meron girl. Depende siguro sa capacity natin buhayin sila.." sagot ko.
Napangiti naman siya.
.
"Okay.. E anong age naman ang ideal age mo para mag settle?" tanong niya.
"Hhhhmmm.. I think I'm about ready, ayoko lang isipin mo na binigla o minadali natin. I'll let you be sure about us first, tapos pag-uusapan na natin yan.. I'm not getting any younger, you know. Gusto ko pa makalaro ng basketball ang anak natin.." nakangiti kong sagot.
"YYiiiihhhhh.. Pinapakilig mo ako mahal.. So kelan ka magpopropose?" biro niya.
.
"O e bakit ako? Hindi ba ikaw ang nanligaw sa akin? Dapat ikaw mag propose! Gusto ko yun tipong you'll knock my socks off ah! Yun me full band tapos ipapasara yun MOA arena.." biro ko naman.
"Hahahahahaha.. Napaka pogi mo talaga mahal! Wala na akong masabi!!" tawa niya habang nakadagan sa akin at nilalamukos ang mukha ko.
Iniikot ko ang katawan namin at ako naman ang pumaibabaw sa kanya. Tapos ay tinitigan siya sa mukha niya.
"Ang ganda mo talaga, Chel.. Hindi ako magsasawang titigan ka.." malambing kong sabi tapos ay hinalikan ko siya ng marahan.
.
"Mahal.." tawag niya.
"Po?" malambing kong tugon.
"Hindi ka pa nga pala nagtoothbrush. Halika muna, magtoothbrush muna tayo at gusto kita paghahalikan buong magdamag!" biro niya sabay akay sa akin papuntang banyo.
.
.
Paggising ko kinaumagahan ay bumungad sa akin ang magandang mukha ni Chel na gising na rin at nakatitig lang sa akin.
"Good morning mahal!" bati niya sabay kiss sa pisngi ko.
"Good morning, my pretty.. Bakit ang aga mo nagising?" bati ko naman bago ko siya hinalikan din sa pisngi.
"Di ko alam e, basta maaga ako nagising.. Nakapagluto na nga kami ni Inay ng breakfast e.." nakangiti niyang sabi.
"Okay.. Bat di mo pa rin binubuksan ang bintana para pumasok ang liwanag.." tanong ko sa kanya.
"E hindi pa ako nakakaganti sa ginawa mo sa kin kagabi e.." sabi niya sabay kagat sa tiyan ko.
"ARRRAAYY!" sigaw ko sa sakit ng kagat niya.
.
Sumilip na naman si Inay sa pinto.
"Ano na naman ba yan at nagsisigawan na naman kayo dalawa diyan?!!" tanong nito.
"Eto po kinagat ako.." nakamangot kong sagot.
"E gumanti lang po ako Inay sa pananakot niya sa akin kagabi.." sagot naman niya habang siya naman ang tawa ng tawa.
"Para kayong mga bata pareho! Diyan na nga kayo! Pag kayo hindi pa nagkatuluyan, pagbubuhulin ko kayong dalawa!" natatawang sabi nito bago umalis.
"Ang sakit Chel.. Patingin nga, me pangil ka ba?" biro ko sa kanya pagkaalis ni Inay.
"Ikaw kasi.. Gawin mo na lahat sa akin, wag mo lang ako tatakutin.. Kakagatin kita ulit.." pacute niyang sabi.
"Talaga lahat?" sabi ko sabay kindat.
"Reyp! Reyp!" kunyari niyang sigaw.
At sabay kaming nagtawanan dalawa.
.
Magkaakbay na kaming lumabas at pumunta ng kusina para kumain.
Andun na rin si Itay at si Lito.
"Upo na at nang makakain na." yaya nito sa amin.
Pritong isda, itlog saka steam gulay at bagoong. Tapos sinangag saka kapeng bigas na umuusok pa.
"Wait mahal, ikuha kita kape. Tinuruan na ako ni Inay paano sumandok para hindi mapait.." bida niya sa akin.
"Kayo po, Itay, Lito?" alok niya.
"Sige, meron na kami. Salamat." sagot naman nito.
"Mamaya, pwede kayong maglibot libot diyan sa paligid. Baybayin nyo lang ang beach pakaliwa, marami maganda tanawin diyan. Pagpakanan naman, papuntang paanan ng bundok.
Wag kayo mag-alala safe dito. Hindi uso maka-kaliwa dito." sabi ni Itay.
.
"Wala po bang aswang dito?" pang-aasar ko na naman ke Chel.
"Inay oh!" sumbong niya kaagad.
"Tumigil ka na nga Erwin at ang aga aga!" natatawang saway ni Inay.
"Ang tatanda na ninyo naniniwala pa ba kayo sa aswang. Kung tutoo yun e bat wala pang napipicturan at navivideohan?" natatawang ring sagot ni Itay.
"Aswang wala, nang aaswang ng asawa ng iba, meron!" biro nito.
Kinurot tuloy ito ni Inay at nagtawanan kaming lahat.
.
.
.
Pagkatapos nga namin magbreakfast ay naglakad lakad kami ni Chel. Pagdating namin sa may dagat ay tinanong ko siya.
"O san tayo? Left sa sceneries. Right sa mountain side. San mo gusto simulan?" tanong ko habang magkahawak kami ng kamay.
"Hhhhmmm... Mountain? Para tahimik. Parang mga resorts na rin yun andun e.. " sagot niya.
"Okay! Mas may chance nga naman tayo makakita ng aswang pag sa bundok.." nakangisi kong sabi sa kanya.
"Alam mo mahal, tumigil ka na. Hindi na siya nakakatawa, corny na.." nakangiti niyang tugon.
.
"Di ba effective? Kakaforce ko sayo na ang subject ng aswang ay kasama sa mga jokes ko, subconsciously, natanggap mo na rin na hindi nga naman nakakatakot yun, tinatakot mo lang ang sarili mo.." nakangiti kong sabi.
"Oo nga no.. Wow.. Ang talino mo dun, mahal.. Hahahah.." mangha niyang sagot.
"Siyempre naman, ayoko naman patagalin pa yang fear mo sa something na hindi naman nageexist. Sayang kaya effort mo kakasigaw at kakasumbong ke Inay.." biro ko pa.
"Hahahaha.. Oo na, magaling ka na.. Thank you, mahal.." sabi niya sabay yakap sa bewang ko habang naglalakad kami.
"O, ano pa ang mga fears mo, sosolusyunan natin." biro ko ulit.
"Ay ayoko na, siraulo ka, tinotorture mo ako e.. Hahahaha.." sagot niya.
At tawa kami ng tawa pareho.
.
Pagdating namin sa paanan ng bundok ay may napagtanungan kaming taga dun kung san ang magandang puntahan.
"Ay jan lang sir, mga 30 minutes lang, me overlooking sa buong paligid dito. Medyo naka inclined, pero hindi naman mahirap akyatin. Pwede ko kayong samahan kung gusto niyo." alok nito.
"Hindi na, gusto raw akong solohin nito e, patay na patay kasi sa akin.." biro ko.
Namula naman si Chel at pinagkukurot ako.
.
"Ituro mo na lang sa amin ang daan, idol. Kami na bahala." sabi ko.
Pagkaturo ay inabutan ko na lang siya ng konti pang meryenda man lang.
At maghawak kamay na kaming nagsimulang umakyat ni Chel.
Pagdating sa medyo inclined na part ay inaalalayan ko siya dahil baka madulas. Pero dahil naka running shoes naman kami pareho ay medyo maganda naman ang grip namin sa mga footholds.
Bumilib din ako sa stamina at agility ni Chel. Talagang sumasabay siya sa kin kahit bilisan ko ng konti. Natural born athletic yata talaga siya.
Wala pang 30 minutes ay narating na namin yun opening na nakaoverlooking sa lugar.
Agad tumakbo si Chel sa edge at ibinuka ang dalawang kamay.
.
.
"Mahal bilis! Ang ganda rito!!" masaya niyang tawag sa akin.
Lumapit naman ako pero hindi sa mismong pwesto niya.
"Tara dito mahal, lapit ka pa. Picture tayo dito, bilis!" aya niya.
"Dito na lang tayo banda, baka madulas pa tayo diyan e.." angal ko naman.
"Aha! Me fear ka rin pala ang yabang yabang mo, akala mo kung sino makaasta! Hahahaha.." tuwang tuwa niyang bulas.
"Hahaha.. Hindi naman.. para lang kasing kinikiliti yun dragon balls ko pag napapasilip ako sa baba e.. Halika na dito.." pag-amin ko sa kanya.
"Safe naman dito, mahal. Tara na." pamimilit niya sa akin.
"Sige na nga, bilisan mo magpicture ah.." sabi ko.
.
Papalapit pa lang ako sa kanya ay bigla na niya akong ginulat na akala mo ay itutulak niya ako.
"Waahh!!" natatawang niyang gulat sa akin.
"Bahala ka jan, wag na tayo magpicture." natatawa na ako sa sarili ko sa kahihiyan.
"Hahahaha.. Hindi na mahal, seryoso na. Picture na tayo, please?" pacute niya.
Pinagbigyan ko na rin. Pero pagkatapos ng niya mag picture ay lumayo agad ako sa edge. Hindi naman makapigil sa tawa si Chel..
.
Umupo kami sa may open space malapit lang sa edge na natatabunan ng maliliit na grass.
"Ang ganda ng view mahal.." sabi ni Chel habang nakaupo siya sa harap ko at nakasandal siya sa akin.
"Oo nga e.. Saka ang bango ng simoy ng hangin.. Amoy shampoo.." biro ko.
"Buhok ko inaamoy mo e! Hahahah.. Siraulo ka talaga, di ka nauubusan ng joke..
Alam mo, kakabagin ako sayo.." sabi naman niya.
"Well, better laugh than cry, sabi nga nila.." sabi ko naman.
"E baka mautot na ako kakatawa sa yo.. Hahaha.." tugon naman niya.
.
"Edi idighay mo, sabi nga nila; why fart and waste when you can burp and taste.." natatawa kong sabi.
"Hahahahahaha.. Ang baboy mo!! Hahahahahaha.." tawa siya ng tawa.
"Pero ang witty ah.. Hhhmmmmm.." sabi niya sabay halos humiga na sa akin.
.
"I am glad that I can make you laugh like this..
Sana hindi ako maubusan ng jokes na ikakasaya mo..
Sana araw araw me maisip akong bago..
Para araw araw ko ring masilayan ang ngiti mo.." nakangiti kong sabi sa kanya..
"Awweeee... Ang sweet nun.. Akala ko ba ako yung cheesy?" sabi niya sabay kuha sa mga kamay ko para mayakap siya.
"Hindi ko naman yun pinlano..
Basta na lang lumabas sa bibig ko..
Ni hindi na dumaan sa tamang proseso..
Dumirekta na galing dito.." tugon ko habang nakaturo sa dibdib.
"Ang sarap mo palang maging makata, mahal..
Nalulusaw ang heart ko sayo..
Thank you.." sabi naman niya.
.
"Gusto ko tong spot na to, gawin kaya natin tong official spot natin dito?" suggestion niya.
"Sige ba, balik tayo dito tapos magplant tayo ng tree.." sagot ko.
"Bakit pagbalik pa natin? Me nadaanan tayong mga tree saplings kanina, ilipat na lang natin dito.." sabi naman niya.
.
At yun nga ang ginawa namin.
"Hindi ako sure kung anong puno to, pero parang kapareho siya nung malaking puno na yun." sabi niya sabay turo sa malaking puno sa may di kalayuan.
"Hala ka, bakit mo dinuro yun puno? Baka magalit yun mga engkantong nakatira dun.." seryoso kong sabi.
"Tigilan mo ako mahal, di na uubra sa akin yan.. Hahahah.." natatawa niyang tugon.
"Saka alam nila sa heart ko na hindi ko sila dinidisrespect.. Nature lover kaya ako.." patuloy pa niya.
"Hhhmmmm... At ako naman ay Chel lover..." bulong ko sa tenga niya.
Kinilig naman siya at humarap sa akin sabay yakap.
.
"Edi ako ay Ed lover? Erwin lover? Bat ang pangit pag ako ang nagdeliver! Hahahaha.." natatawa niyang sabi.
"Chel.." seryoso kong sabi habang nakahawak sa mukha niya
"Please leave the punchlines to me.." sabi ko sabay yakap sa kanya.
Tawang tawa naman siya at pinagkukurot na naman ako.
.
"Tara na, baba na tayo.. Paalam ka na ke Erchel.." natatawa kong aya sa kanya.
"Hahahahaha.. Ang witty witty mo talaga mahal!! Bye Erchel.. Grow up and be a strong tree! Sagot na namin pang college mo.." biro na rin niya.
At magka hawak kamay na ulit kaming bumaba ng bundok.