Chel EP 12

2829 Words
Chel EP 12 . . Halos magtatanghalian na nang makabalik kami sa bahay. Tinulungan na namin si Inay sa pagluluto. Pagkakain ay nagpahinga lang kami sa kubo. . Pagdating ng hapon ay tinanong ko si Itay. "Itay, nandito pa po ba yun hoopset na binili ninyo dati?" tanong ko. "Yung para sa bata? Oo andun sa likod. Lagyan mo na lang ulit ng buhangin para tumayo. Nasa silong yun bola." sagot naman nito. . Kinuha ko naman agad iyon at dinala sa sementadong garahe. Nang makita ako ni Chel ay agad din siyang lumapit para tulungan ako. "Me ganito rin kami sa bahay, kaso hindi naman magamit dahil laging me sasakyan sa garahe. Bawal naman sa labas namin.." sabi ni Chel. "Pwede na to para makapractice ka ng basic shooting form. Pati ba dribbling gusto mo matutunan?" tanong ko. "Kahit shooting muna mahal. Gusto ko matuto agad ng free throw." masigla niyang sabi. Nang maitayo ay kinuha ko na ang bola at sinumulan siyang turuan. . "Ganito muna, sa form muna tayo. Yun paa mo, nakapantay dapat sa shoulders mo, yun right foot nakaforward ng onti kesa sa left foot, tapos bend mo ng onti yung tuhod mo. Isusunod mo siya sa motion ng pagrelease mo ng tira. Try mo muna, wala muna hand motion.." sabi ko. Ginaya naman niya ako at madali niyang nakuha. . "Good job! Tapos sunod natin yun shooting motion, dapat sa fingers lang nakasayad yun bola, hindi sa palad. Dapat me butas yan pag sinilip ko ah.." sabi ko habang ipinapakita sa kanya . "Nice.. Tapos yun siko mo naka 90 degrees, ideally dapat nasa katapat ng dulo ng noo mo yun ilallim ng bola, so sa bandang thumb." pinakita ko ulit. . "Tapos last is yun release, yun tira mo is dapat one fluid motion. Mula sa paa mo, paangat ng sakong, paakyat sa mid body, sa siko, lagpas sa ulo, tapos ang final push ay dapat sa flick of the wrist na para mas may control ka, versus sa power ng motion mo." . "and most importantly, is yung concentration mo. Just focus on what you are doing, then do it over and over hanggang ma perfect mo." paliwanag ko. Naka titig lang siya sa kin at sa mga ginagawa ko na parang eager na eager siyang matuto. . "Gawin mo nga mahal, para makita ko. Para rin mavisualize ko yun mga sinabi mo.." sabi niya. "Ganito lang oh, foot to toe, lift with your knee, elbow, then flick of the wrist," sabi ko sabay bitaw ng bola. Pasok naman. "One motion." sabi ko sa kanya. "Galing, sige ako naman." sabi niya. "Kahit dito ka muna sa malapit para magamay mo muna yun bigat ng bola. Tapso saka tayo aadjust pag sanay ka na." payo ko sa kanya. . Napakadaling matuto ni Chel! Wala pang kalahating oras ay halos kuha na niya agad yun form. Medyo nahhirapan na lang siya sa flick of the wrist dahil siguro hindi pa sanay sa bigat ng bola. Ilang subok pa ay sunod sunod na ang pagpasok ng tira niya. Kaso ay parang laging nagmamadali, gusto niya itira agad. "Maganda yan sa game, Chel, pero kung shoot around lang naman or nasa free throw ka, take your time para hindi ka mapagod kaagad.." payo ko. "Okay, coach!" sagot niya sabay kindat. . "Oh, akala ko ikaw lang ang maglalaro, pati pala itong si Chel ay kasali!" gulat na sabi ni Itay nang makita kami. "E gusto raw pong matuto para maintindihan niya yun usapan namin sa court.." paliwanag ko naman. "Nakow, kagandang babae, basketball ang hilig! E mahuhulog ka nga sa damuhong ito!" asar sa akin ni Itay sabay gulo sa buhok ko. Natawa naman si Chel. . Halos isang oras na rin kaming naglalaro nang humingi ng timeout si Chel. "Wait lang mahal, kuha muna kita ng tubig. Masakit din pala sa shoulders pag tira ka ng tira.." sabi niya. Natuwa naman ako. Sumasakit ang balikat niya, ibig sabihin tama ang form niya. . . Pagbalik niya ay tumitira na ako ng malalayo, nakaabang naman si Lito na kakarating lang para magrebound. Siguro mga 25, 26 footers yun pwesto ko. "Sige, pag nashoot mo yan mahal, me kiss ka sa akin." hamon niya. Tinira ko naman. "Tssuuk!" "Isa." Ibinalik sa akin ni Lito ang bola. Tumira ulit ako. "Tsuukk!" "Dalawa.." Nakakalima na akong sunod nang mapadaan ulit si Itay . "Nakupo, mapupuno ka lang ng laway diyan sa hinamon mo! Kahit nung bata yan walang tumatalo diyan ng shooting! E kung tinuloy niya ay baka nagalalaro na sa pro yan e!" nakatawang sabi nito. "Sige nga dito sa tabi ko." hamon niya ulit. Mas malayo, logo shot na ata yun. "Ano premyo pag nashoot?" biro ko. "Mamamasahihin kita mamaya sa kamay." nakangiti niyang sabi. "Okay." sabi ko sabay tira. "Tssukk!" pasok pa rin. "Ayoko na nga! Ang daya mo!" natatawang sabi nito sabay pasok sa loob. Tawa naman kami ng tawa nila Lito at Itay sa kanya. . Pagkapasok niya ay si Lito naman ang nagpaturo. Humihingi ng tips kung pano maimprove ang shooting niya. "Wala naman talagang secret formula diyan, dapat lang talaga focus ka lagi at sanay ka sa pagtira. Kahit itanong mo kila Itay, halos tumira na ako sa court dati para lang maimprove ang shooting ko. Hanggang masanay na ako. Tapos tinuloy tuloy ko na. Kumpiyansa sa sarili saka focus lang yan. Kahit wala nang oras, wag ka matataranta. Kung ilang daan beses mo na nagawa yun tira na yun sa practice, bakit ka sasablay di ba? Tiwala ka lang sa sarili mo, tapos puro practice. Basta simulan mo lang sa tamang form at stance, tapos mo unti untiin ang pagpapalawak ng range mo." payo ko dito. . Iniwan ko muna siya dun para sundan si Chel sa loob. Pagpasok ko ay nasa sala sila ni Inay at nakapagpalit na rin ng damit. "Ano ba naman ginagawa mo rito ke Chel, aba pawis na pawis kaya pinagpalit ko ng damit.." bungad kaagad ni Inay habang pinapaypayan pa siya. "Gusto niya raw po kasing matutong magbesketball, kaya tinuruan ko." sagot ko. "Ay kagagandang mong babae e, gusto mo balyahan?" nag-aalalang sabi ni Inay sa kanya. "Okay lang po yun Inay, gusto ko lang po maintindihan kung ano ginagawa at pinaguusapan nila sa court.." nakangiti naman niyang sabi. "Ay kung iyan ang gusto mo.. Pero nung kapanahunan namin, hindi ubra yan. Hindi ka papayagan ng mga tatang na maglaro niyan. Hahaha.." sabi naman ni Inay. "Ay siya at maiwan ko na muna kayo diyan at maghahanda ako ng ating hahapunaning.. Ano gusto mo kainin, Chel? Ipagluluto kita.." tanong nito. "Kahit ano na lang po, Inay. Kayo na po ang bahala." magiliw naman niyang sagot bago ito umalis. . "Siguro ikaw ang nawawalang anak niyan ni Inay, hindi na ako inasikaso, ikaw na lang!" biro ko sa kanya. "Hahahaha.. Inggit ka lang! Ang sweet kaya ni Inay.. Palit tayong nanay, payag ako. Mayaman yun!" biro rin niya. "Ayoko, baka sipunin ako dun sa bahay niyong mall e.. Kelangan ko pa ata mag grab para makarating ng kusina.." ganti ko. "Hahahahha.. Pero in fairness, ang sarap mag-alaga ni Inay.. Parang gusto ko na magpa-ampon.. " nakangiti niyang sabi. "Naiintindihan ko naman siya.. Wala kasing naging anak na babae kaya ganyan sila kaasikaso sayo.. Akala ko nga, paliliguan at bibihisan ka pa e!" biro ko pa. . "Wag kang mag-alala, pag kinasal na tayo, matik, ampon ka na.." nakangiti kong sabi. "Aweee.. Can't wait.." malapad ang ngiti niyang sabi sabay yayakap dapat sa akin. "Wait, Chel, puro ako pawis! Didikit pa sayo to.." sabi ko. "Okay lang, pareho naman tayong di pa naliligo.. Hahahaha.." sabi niya kaya niyakap ko na rin siya. . Pagkakain namin ng hapunan ay nag aya ulit maginom si Itay, pero kaming tatlo na lang nila Lito. As usual, nakabantay na naman yun guardian angel ko para hindi sumobra ang inom ko. Kwentuhan lang, kinakamusta sa village namin, mga kaibigan nila dun.. Kamusta yun negosyo ko.. Tapos ay dumako ang kwentuhan sa loteng sinilip namin kahapon. . "E ayun po, mukhang hindi naman tayo lugi dun, Itay. Saglit lang doblado na investment natin dun pag naitayo yun mga katabing malalaking resort. E sa itsura ay sisimulan na dahil lagi na raw may nagsusurvey at nagbabakod na me tatak ng kumpanya." sabi ko. "Mabuti naman kung ganun. Sabi ko nga sa Inay mo, sayang naman kung mapupunta pa sa iba, pagkakataon na natin magkaron ng ganun lupa.." sagot naman nito. "Pinag iisipan na nga po namin nitong si Chel kung ano magandang gawin dun para mapagplanuhan nang maayos.. E kung papalarin e, dalawa kami mag-iinvest dun tay. Para me katuwang din ako." sabi ko naman. "Maganda nga yan, sosyo kayo. Para wala na kawala tong si Chel.. Baka matauhan pa e.. hahahah.." biro ni Itay. . "Hahahaha.. Kaya ko lang naman sinagot yan Itay e kasi nalaman kong mayaman pala siya!" biro ko ulit. "Ang kapal mo mahal!! Napaka pogi mo talaga!!" namumula sa asar si Chel. Hinihimas himas naman ni Inay ang makintab niyang buhok mula sa likod niya. "Kaya ikaw, Lito, bilis bilisan mo yang pag-aaral mo. Para kung sakali e, ikaw na gagawa ng resort nitong ate't kuya mo.. Para rin lumaki ang naiuuwi mo sa inyo.." payo ni Itay. "Pinagbubutihan ko naman po, Tiyo. Kaso minsan talaga e nalelate ako ng submit ng plates pag laging walang ilaw sa gabi.." angal nito. "Ah oo nga pala. Sa Huwebes, kuha na agad tayo ng kailangan mo para hindi mo na pinoproblema yan. Focus ka na lang sa pag-aaral mo.." sabi ko. . . Ilang saglit pa ay may naalala ako. "Itay, nanjan pa ba yun gitara niyo? Sabi nga pala nito Chel na gusto niya raw ako haranahin.." biro ko. Pinagkukurot na naman niya ako. . "Aba'y oo, ikaw lang naman gumagamit nun. E itong si Lito videoke lang din ang alam. Pakikuha nga, Inay. Para makantahan tayo nitong maganda kong manugang.." nakangiting sabi ni Itay. Namula naman si Chel at hindi makatingin ng diretso. . Pagdating ng gitara ay nagrequest agad ako ng kanta sa kanya. "Kantahin mo ulit yung kinanta mo nun after ng project party natin.. Natatandaan mo pa ba?" tanong ko. "Makakalimutan ko ba yun, e first tandem natin yun.." nakangiti niyang sagot. "O game ah.. Sabayan mo ako ah.." sabi ko saka nagsimulang tumugtog.. "O pare, mayroon kang bisita May kasangkapan para masangla Pare, talo ka sa pekwa Hitsura, mo'y parang naluging bakla Ang galing-galing mong bugaw Mas kadiri ka pa sa langaw Ika'y multo sa paningin (Ang multo sa paningin) Ika'y multo sa paningin" . Tulo tuloy kong kanta. Halos mahulog naman sa upuan si Chel sa kakatawa.. "Siraulo ka mahal, ang sakit na ng tiyan ko!!" angal nito. Pati sila Itay at Lito ay napapahawak na sa tiyan kakatawa. "Hoy Erwin, puro ka kalokohan! Ayusin mo na at gusto ko marinig kumanta tong maganda kong anak.. " si Inay naman habang nasa likod pa rin ni Chel. . "Sige na nga. Game seryoso na." seryoso kong sabi. "And now, the end is near And so I face the final curtain." . Biro ko ulit. Tuluyan na ngang napaupo sa sahig si Chel sa kakatawa.. "Mahal parang awa mo na.. Ayoko na tumawa.. Hahahahah.." pakiusap niya. Pati na rin si Inay ay hindi na napigilan ang tawa niya. "Ay nako Chel, ganyan yan. Pag sinapian ni Dolphy, walang makakaawat diyan. Kaya laging iniikutan ng baranggay yan ng mga tropa niya pag nagiinom sa bahay dati, kasi napakalalakas tumawa dahil sa mga kalokohan niya.." kwento naman ni Inay. "Wait lang! Time out! Naiihi ako sayo, mahal.." paalam nito at naglakad papuntang banyo. . "Gusto mo haranahin kita habang umiihi? Mapapabilis ihi mo pag kinikilig ka.." patuloy kong biro. At lalo silang nagtawanan lahat. Lalo na si Chel na nakahawak na sa pader habang naglalakad papuntang CR. . "Kaya dalas dalasan niyo uwi rito, anak.. Bihirang bihira magkaron ng ingay dito gaya nito.. Madalas kami lang ng nanay mo.. E itong si Lito, bihira rin magpagabi to rito.. Buti nga gumaling agad ang sakit ng Inay mo dati e.. Kailangan namin yan, kahit konting tawanan.. Nakakamiss lang.." seryosong sabi ni Itay. Biglang kanta ko na naman.. "Madaming nangyari taon ang binilang Ka-jamming kumpare napapangiti lang Ngayon naalala maulit yun sana (nakakamiss lang kase) Hindi ko mapigil ang mga ngiti ko kapag naalala mga bagay na 'to Kay sarap balikan tamis na'ng nagdaan nakakamiss lang kase" . Tumatawa na naman si Chel na pabalik pa lang. "Ayoko na nga! Pinagtatawanan mo lang ako e!" sabi ko, na lalo naman nilang ikinatawa lahat. Binitawan ko muna yun gitara at iniabot kay Lito. . "Wag niyo kasi sakin ipahawak yun gitara, bumabalik yun old self ko e.." biro ko ulit. "Pero seryoso, Itay. Baka po madalas na ang uwi namin dito dahil nag eenjoy tong si Chel dito e. Gusto na nga raw magpaampon ke Inay.." sabi ko. "Aba e madali lang yan, edi magpakasal na kayo bukas!" biro naman ni Itay. "Hahaha.. Hintayin ko muna mawala yun talab ng gayuma nito sa akin, saka kami magdedesisyon Itay. Ayoko naman malugi lahi natin.." biro ko ulit. "Ikaw na talaga, Mahal. Ikaw na.. Naalala ko na yun kamukha mo.. Si Rex Navarete! Hahahahah.." ganti niya sa akin. Natawa naman kaming lahat. . Nang humupa na ang tawanan ay inaya ko na ulit si Chel na kumanta. "E paano naman tayo kakanta, e daig mo pa si babalu sa dami ng punchlines!" sabi niya. . "Hahahaha.. Hindi, seryoso na. Pagbigyan na natin si Inay na marinig kumanta ang kanyang bunso, at ang aking prinsesa, si muning.." sabay turo ko sa pusa sa labas. . "Hahahaha.. Mahal.. Please.. Ayoko na tumawa.. Ang gusto ko lang naman ay pasayahin mo ang buhay ko, hindi ang patayin ako kakatawa..." parang nanlalata na niyang pakiusap. Tumayo naman ako at lumapit sa kanya. Kusa naman siyang yumakap sa akin. "Thanks, mahal.. Sobrang saya ko today.. Siraulo ka.." natatawa pa rin niyang sabi. "I'm glad.. Kasi kakainin ka na nila Inay mamaya." Nanlaki naman ang mata niya sabay sabunot sa akin. . "Mahal tama na please!!! Hahahahahaha..." nagmamakaawa na siya sa akin. "Sige na nga, ako na kakanta ng simula, tapos sundan mo na lang ako sa chorus.." sabi ko sabay upo ulit sa pwesto ko at inabot ang gitara galing kay Lito. Tapos ay bigla akong nagseryoso.. "Let's take our time tonight, girl Above us, all the stars are watchin' There's no place I'd rather be in this world Your eyes are where I'm lost in . Underneath the chandelier We're dancin' all alone There's no reason to hide What we're feelin' inside right now . So, baby, let's just turn down the lights and close the door Ooh, I love that dress, but you won't need it anymore No, you won't need it no more Let's just kiss 'til we're naked, baby . Versace on the floor Ooh, take it off for me, for me, for me, for me now, girl Versace on the floor Ooh, take it off for me, for me, for me, for me now, girl, mm" Kanta ko sabay senyas sa kanya na ituloy niya na pinaunlakan naman niya. "I'll unzip the back and watch it fall While I kiss your neck and shoulders No, don't be afraid to show it all I'll be right here, ready to hold ya . Girl, you know you're perfect from Your head down to your heels Don't be confused by my smile 'Cause I ain't never been more for real, for real . Nang matapos ang kanta ay hindi naman magkamayaw ang pagpalakpak nila Itay, Inay at Lito sa min dalawa. "Ang ganda talaga ng boses niyong dalawa.. Lalo ka na Chel.. Kakantahan mo ako lagi at sawa na ako sa boses niyang Itay mo saka ke Erwin.. Hahahaha.." puri ni Inay. "Sa fiesta, wag kayong mawawala dalawa rito, magtatampo ako sa inyo.. Iimbitahan ko sila kapitan dito sa tin.." masayang sabi ni Itay. "Bakit di kayo sumali sa the voice? Mas maganda pa ata boses niyo dun eh.." si Lito naman. . "Nakow, hindi pwede.. Ikaw, ako saka si Itay pwede. Pero tong si Inay, lalo na si Chel, hindi pwede.." sabi ko. "Bakit hindi?" nagtataka namang tanong ni Lito. "E the voice yun e! Buti kung da girls, pwede sila!" biro ko. "Hahahahaa... Papakorni ka na, Mahal.. Tigilan mo na.. Reserve mo naman bukas yung iba.. Hahahaha.." sabi ni Chel. "Korni daw pero para kang kinikiliti jan!" asar ko naman sa kanya. "Hahahaha.. Yan ka na naman mahal e.. Kaya mas madalas pa akong umihi sa inyong nag-iinom!" angal niya. . "Inay, makikilabas nga po yun arinola niyo jan. Paniguro lang. Mahirap na mamaya to.. Baka sa banig pa abutin.." patuloy kong pang-aasar sa kanya. "Inay! Patigilin niyo na nga po yan! Nanlalambot na ako kakatawa.." sumbong niya. "Hahahaha" sabay sabay naming tawanan.. At natapos ang gabi namin sa ganoong napakasayang eksena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD