Chel EP 13

2170 Words
Chel EP 13 . . Pagkagising ko kinabukasan ay wala na si Chel sa tabi ko. Paglabas ko ng kusina ay magkasama na naman sila ni Inay at nagtuturuan magluto. "Good morning mahal! Wait lang maluluto na to. Tinuruan ako ni Inay gumawa ng puto kawali!" excited niyang sabi bago kumiss sa akin. "Good morning.." bati ko naman sa kanilang dalawa bago kumiss din sa kanya at nagmano kay Inay. "Tulog pa po si Itay?" tanong ko. "Anong tulog? Naghahanda na nang panghango niya mamaya ng seafoods.. Pwedeng kayong sumama dun, sakto walang katuwang dahil me pasok si Lito" sagot ni Inay. "Sige, sama tayo mahal! Gusto ko makita yun pinagkukuhaan ng seafoods!" excited na sabi ni Chel. "Okay, samahan natin si Itay.." sabi ko. . "E bat wala kang ka energy energy? Kagabi lang e halos patayin mo kami kakatawa.." puna ni Chel. "Hahhahah.. Siyempre, hindi naman ako laging ganun no.." sagot ko. "Sabihin mo, umalis na yun sapi ni Dolphy sa yo!" asar naman ni Inay sa akin. At natawa kaming tatlo. . "O, inumin mo muna to, mahal. Para mahimasmasan ka.." sabay abot ng tasa sa akin. "Ano to? Parang antabang.." sabi ko. "E hindi kasi kape yan, nak. Tsaa yan. Kapartner nitong puto kawali. Tawagin mo na ang tatay mo't nang makakain na tayo." sagot ni Inay. . . Pagkakain nga ay sumama kami ni Chel kay Itay para humango ng seafoods.. Medyo malayo rin pala sa kanila dahil parang liblib yun pinuntahan namin. Kahit sementado ang daan ay napakalayo nito sa mainroad. "Ang layo naman pala nito, Itay. Me dumadayo pa ba dito?" tanong ko. "Kaya nga kumikita ang mga dumadayo dito, nak. Dahil wala kang kaagaw, napakamura ng hango dito." nakangiting sabi ni Itay. . Pagdating namin sa parang basketball court na open lang ay nakalatag ang napakaraming seafoods. "Sige maglibot muna kayo at hahanapin ko lang ang suki ko.." paalam ni Itay sa amin. May nakita kaming parang dalagang bukid na itsura ng isda. "Parang gusto ko niyan pang lunch.." bulong ko kay Chel. "Tanong natin." sagot naman niya. . "Magkano dito, ate?" tanong ko. "650 po.." masayang sagot nito. "650 isang kilo??!!" gulat kong tanong. Nagtawanan naman ang mga tao sa paligid. "Isang banyera po, 650." sagot niya ulit. "Pwede bang tingi?" parang napahiya kong tanong. "Bibigyan ko na lang po kayo, pang free taste!" magiliw pa rin niyang sabi. Sabay supot ng may sampung piraso sigurong isda na tingin ko ay isang kilo na sabay abot sa amin. "Ay hindi po! Nakakahiya naman.." sabi ko. "Sige na po, kilala namin tatay niyo at mabait naman yun. Sabihin niyo na lang po sa min galing.." sabi nito na nakangiti pa rin. . "Hala ka, pwede pala tayong magpafeeding program galing dito mahal, pakita lang natin si Itay!" biro niya. "Now you know where I got the Charisma.." biro ko sa kanya. "Oo na.. Ampogi niyo na mag-ama.." sakay naman niya sa biro ko. Nahiya na tuloy kami magtanong ng presyo dahil hindi naman kami bibili ng banyera banyerang isda. Pero may nakita kaming nakakacurious dahil parang ngayon ko lang din nakita yun.. . "Ano po ito?" hindi ko napigil na magtanong. "Alupihang dagat po. Para siyang lobster." sagot ni kuyang nagbabantay. "Malaman po ba yan?" tanong naman ni Chel. "Ay hindi po, kutkutin kung tawagin dito. Mahirap makuha yun laman pero malinamnam.." sagot niya. "Ano po luto diyan?" tanong ulit ni Chel. "Masarap po sa gatang gulay, pero pwede ring halabos lang.." sagot nito ulit. "Ahhh.. steamed or blanched.." parang ibinibida sa kin ni Chel na alam na niya ang meaning nun. Napangiti naman ako. . "Masarap din siguro yan i-pesa.." sabi ko. "Ay pwede rin, damihan mo lang gulay.." sagot niya. "Ano yun pesa mahal?" tanong sa kin ni Chel. "O, akala ko magaling ka na magluto?" biro ko sa kanya. "Pero di pa ako expert! Sumbong kita ke Inay!" napalakas boses niya kaya nagtinginan tuloy ang mga tao. Namula tuloy siya at yumuko. "Isda na nilaga na maraming luya.." bulong ko sa kanya bago niya ako pinagkukurot. . "O andito lang pala kayo. Tara nak! Tuwangan mo na ako sa nakuha natin.." sabi ni Itay nang magkita kami ulit. Sumunod naman agad ako rito. "Me nagbigay po ng isda samin, eto po oh." sabay pakita ni Chel ng ibinigay sa amin. "Abah, masarap yan sa kamias o kaya sa sampalok! Dun ba yan sa dalaga, si Virgie?" tanong nito. "Opo." sagot niya. "Ay sariwa talaga mga isda nun, kaso mahirap dalhin sa Manila. Sa biyahe pa lang nabibilasa na.. Kung me closed van lang sana tayo na me freezer, edi mas malaki kikitain natin dito.." sabi ni Itay. Nagkatinginan naman kami ni Chel sabay ngumiti pareho. . Pagkauwi namin ay tinulungan ko muna si Itay mag unload at maglinis ng Van. Si Chel naman ay dinala ang bigay sa aming isda kay Inay. . Pagkatapos ay nagkita kaming dalawa ulit sa sala. "Alam mo ba ang naiisip ko, B1?" biro ko sa kanya. "Ang bastos mo, B2!" sakay naman niya sa biro ko at nagkatawanan kami. . "So what do you think? Instead of rushing sa lote, why not use our money to invest in freezer trucks first? Tapos pag kumikita na, dun natin ipunin yun panghulog ng lote.. Ganun din naman, matetengga rin for some time yun property dahil hihintayin pa natin madevelop yun paligid.." suggestion ko. "Ang talino mo jan mahal.. I love it.. Basta as soon as possible, makapag down man lang tayo at least sa lote para wala nang risk ng backout.." sabi naman niya. . "I want to jump and kiss you right now, kaso pareho tayong amoy isda!" natatawa niyang sabi. "Edi sabay na tayong maligo!" biro ko naman. "Inay oh.." kunyari niyang sumbong. "Edi dun kayo sa poso sa likod maligo! Kahit magsabay kayo magdamag dun!" natatawang sabi naman ni Inay na kanina pa pala nakikinig sa amin. Namula naman si Chel at tumayo para kumuha ng damit. "Sige po nay, dun na kami.." nahihiya niyang sabi. . . At dun na nga kami naligo sa poso sa likod bahay. Pinagbobomba ko siya ng tubig habang sarap na sarap naman siya pagbuhos. "Hoy! Tipirin mo naman yun tubig! Mahirap magbomba!" biro ko sa kanya "Parusa mo yan sa kakapatawa mo sa amin kagabi!!" natatawa naman niyang tugon. "At may parusa na pala ngayon ang pagpapasaya ng mga tao.. Huhuhu.." drama ko sa kanya Tawa na naman siya ng tawa habang binubuhusan ako ng tubig. . Habang kumakain ng tanghalian ay sinabi namin ke Itay ang plano namin. "Aba, e maganda yan. Dalawang truck lang ay sigurado na ang kita natin jan.." masayang sabi niya. "E me makukuhaan po ba rito malapit, para madali rin ang service kung sakali?" tanong ko. "Aba'y meron. Diyan sa kabilang bayan lang. Kanila pareng Erning.. Second hand, pero ayos pa naman, kesa mag brand new agad tayo, di ba?" sabi niya. "Sabagay, mas makakamura tayo.. Me mekaniko na ba tayo dito, tay? Kailangan kasi me mag maintain niyan.." sabi ko naman. "Oo naman, si tiyo Bert mo, diyan sa may labasan. Siya din naseservice sa van pag nasisira e." masayang sagot nito. Sumenyas ako ke Chel. Tumango naman siya "E tingnan na po natin mamaya yun closed van para hindi sayang ang oras. Pag-uwi po kasi namin e baka matagalan pa balik namin. Sayang ang biyahe." sabi ko. "E sige, kung gusto niyo." tugon ni Itay na halata naman ang sobrang saya niya. . Kinahapunan nga ay dinaanan na namin ang mekaniko para isama sa titingnan naming freezer van. "Ay sakto pare, ako rin nag memaintain nung mga van na yun ni pareng erning! Kilala ko yun! Maayos yon, kaso nga lamang ay pa migrate na rin silang lahat kaya bibitawan na.." sagot ni pareng bert ni Itay. Pa-migrate.. Naalala ko tuloy sila pareng Loy.. Kamusta na kya sila nila mareng Via sa New Zealand.. . "Mahal! Stuck up ka na naman! Kagatin kaya kita everytime natutulala ka ng ganyan.." sabi sa akin ni Chel nun me tinatanong pala siya na hindi ko naintindihan. "Ano nga ulit yon?" sabi ko na lang. "Sabi ko, sa Sat na kaya tayo umuwi para masamahan pa natin sila Itay sa paghango nila sa Friday.." ulit niya. "Sige, mas maganda nga yun e. Saka mas tatagal pa tayo sa paraisong ito.." parang wala sa sarili kong sabi. Nakakunot naman si Chel habang nakatitig sa akin. . At nagkasundo na nga sa usapan. Kukunin namin yun dalawang freezer vans, down payment, tapos after 1 month, i-evaluate yun condition ng van bago namin i-fully paid. Parang fair naman kung halos 3 times a week ibabiyahe pa Manila yung vans.. Pagka-uwi namin ay masayang masaya si Itay dahil marami na ang maipang bibiyahe niya ng sea foods.. . Magkahawak kamay naman kami ni Chel paakyat nang pigilan niya ako. "Mahal, maglakad muna tayo sa may dagat.. Please?" lambing niya. "Itay, pakisabi po ke Inay na nandito lang kami sa beach ni Chel!" paalam ko. . . At naglakad na nga kami palayo sa bahay. "Mahal, alam mo, hindi ko alam kung paano sisimulan tong itatanong ko sayo.." sabi niya. "Huh? Me nagawa po ba ako? Sorry na agad if I stepped overboard.." sagot ko. . "Hindi mahal.. It's not about what you did, or what we do.. It's about your change of aura now and then.. Nun una, alam ko, dahil sa mga naaalala mo about her.. And I am okay with that.. I am willing to join you in our journey to stray away from it.. . Pero kung hindi mo sasabihin sa akin, kung hindi mo ishe-share sa akin kung ano nangyari sa inyo, how can I avoid it? How can we fix it? Gusto kitang tulungan.. I want to help you get back on track.. Pero hindi ko magagawa yun completely kung hindi mo ako papayagan pumasok sa inner self mo.." at umiyak na siya sa dibdib ko. . "What do you mean? Akala ko ba okay na tayo? Pati sa family ko, okay na okay ka naman, tayo.. So what's the problem?" nagtataka kong tanong habang nakayakap sa kanya. "The problem is, you cannot be completely honest with me! Ayaw mong sabihin sa kin kung ano ang totoong nangyari sa inyo kaya hindi kita maintindihan completely! Sa tingin mo ba tuwing me awkward moments na naaalala mo siya ay ikaw lang ang nasasaktan? I hurt too, Ed.. And I just can't tell you about it! Kasi alam kong malulungkot ka.. Alam kong magsusulk ka na naman sa isang gilid with a bottle of beer! Do you have any idea how much it hurts me to see you like that??!!" umiiyak niyang sabi habang nakayakap siya sa akin . "Please, Ed. I am begging you.. Please tell me what I have to do to take you out of your darkness..." Seryoso niyang sabi sa akin. "I-I don't know.. Huhuhuhu.." napaiyak na rin ako habang nakayakap sa kanya. "I am sorry Chel.. I'm so sorry... huhuhuhuhu.." at napalakas na ang iyak ko habang nakayakap rin siya sa akin.. . . Matagal kami sa ganoong sitwasyon nang.. "That's okay mahal.. Tara uwi na tayo.. Naghihintay sila Inay.." sabi niya kahit umiiyak pa rin siya. . Mga ilang sandali pa kami nag stay dun bago kami bumalik sa bahay. Nakayakap lang sa bewang ko si Chel habang naglalakad kami pabalik. Pagdating sa bahay ay dumiretso lang ako sa kwarto ko.. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.. . "Mahal, kakain na daw tayo ng hapunan.." yaya ni Chel sa akin. "Sige na, una na kayo, hindi ako nagugutom." maikling sagot ko sa kanya. Umiiyak naman siyang lumabas ng kwarto ko. . . Gusto ko siyang habulin at i-comfort.. Pero parang wala akong kalakas lakas na gumalaw.. . . . Ngayon na yata pumutok yun 2 years kong tiniis.. Yung dalawang taon kong pag sisinungaling sa sarili na okay lang ako.. Yung dalawang taon kong kinimkim na sama ng loob sa mundo.. Yung dalawang taon na pilit ko sinasabing, everything will be just fine.. . Tapos kung kelan nandito na si Chel.. Na nagpakita na pwede pa rin pala akong sumaya.. na kaya ko pa pala mag affect ng change sa kanya.. na masayang masaya pag magkasama kaming dalawa.. Na nagsabi sa kin na, mahal, me worth ka pa rin pala . Tapos ngayon ko pa mararamdaman to?? Hindi ba unfair yun?? . Sobrang unfair nun sa kanya! Napakasama kong tao.. . Sinasaktan ko yun taong wala nang hinangad kundi ang pasayahin niya ako.. . Na minamahal na ako kahit hindi ko pa nasusuklian ang pagmamahal niya.. . Gusto kong lumabas ng kwarto at sumigaw and tell the world how much I love Chel.. . How much I treasure her.. How much I need her.. But I just can't... I can't move even a single muscle.. . I just want to see her angelic face.. I just want to feel her presence beside me.. I just want... I just want her.. . . . "MAHAL!!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD