Pagkatapos nilang kumain ng lunch ay marami pang naiwan na ulam ang ginang. "Ang mabuti pa ay iuwi mo na itong naiwan na ulam. Sayang naman." Saad pa ng ginang at agad na ibinigay ang baunan kay Sabrina. "Naku! Hindi na po. Kayo na po ang mag-uwi niyan." Tanggi naman ni Sabrina. "Hija, wala ng kakain nito sa bahay." Agad naman na wika ng ginang. "Nag-iisa na lang po ba kayo sa buhay?" Agad na tanong ni Sabrina. "Hindi, dalawa kami ng aking anak na lalaki. Kaso lang alam mo na kapag malalaki na ang anak may kanya-kanya na silang buhay ay nakakalimot na sa ibang bagay." Sagot nito. "Ang ibig niyo po bang sabihin ay may sarili ng pamilya ang anak ninyo?" Muli pang tanong ni Sab. "Hindi, hija. Dahil binata pa ang aking anak. At iyon nga na sana ang nais ko ang magkaroon siya ng sarilin

