Chapter 17 Forbidden hearts Halos kalahating oras ang naging byahe nila Sabrina dahil sa traffic. At hindi nga nagtagal ay nakarating na sila. "Dito pala ang bahay niyo." Saad pa ng ginang habang nakatingin ito sa tinitirahang bahay ng mga dalaga at kababa lang ng tricycle. "Pasok po muna kayo." Aya pa ni Sabrina. Wala namang pagdadalawang isip na sumunod ang ginang. Sa pagpasok ni Martha ng bahay ay agad na bumungad sa kanya ang litrato ng kanyang namayapang anak. Muli nitong naramdaman ang bigat sa kanyang dibdib. At halos tumulo pa ang kanyang luha dahil sa samo't saring emosyon na kanyang nararamdaman. Nais rin sana nitong tanungin ang dalaga ngunit naisip nitong hindi pa iyon ang tamang oras. At pilit na pinigilan ang emosyon na nais kumawala. Ngunit agad siyang napansin ni

