applicant

1321 Words
Madilim na nang matapos kumain si Caleb. At naparami ito ng kain dahil sa masarap na luto ng adobong manok ni Sabrina. Nakatingin din si Sabrina sa wall clock. 'Naku! Baka biglang dumating si Jen, pa sulpot-sulpot pa naman 'yon." Ani pa ni Sabrina sa kanyang isipan. "Tapos ka na bang kumain? Ang mabuti pa ay ihahatid na kita sa baba. Pasinsya ka na, ha? Gabi na kasi, baka mamaya maabutan ka ni Jen dito. Mananagot ako," nababahalang saad ng dalaga. 'Pinapalayas na ba niya ako?" Tanong naman ni Caleb dahil humingi ito ng pasinsya sa kanya at pinagtutulakan na siya. Umalis nauna pang naglakad si Sabrina palabas ng bahay. "Ayaw na ayaw ko ng tinataboy ako na para bang may ginawa akong masama." Ani pa ni Caleb sa kanyang isipan hanggang sa makalabas nga sila ng gate. "Sige, umalis ka na dito. Umuwi ka na sa inyo at mag-ingat ka sa pag-uwi." Aniya pa ni Sabrina sa Pulubi. "At talaga ngang tinataboy niya ako." Inis na saad ni Caleb sa kanyang isipan ngunit wala siyang magawa naikuyom na lang nito ang kanyang kamao. Agad pa na ini-lock ni Sabrina ang gate saka mabilis na pumasok sa loob at iniayos ang pinagkainan ng Pulubi. Nakatingin si Sabrina sa labas at hindi na nga niya nakita pa ang Pulubi. "Hay, sa wakas. Mukhang umalis na nga. Baka kasi maabutan na naman ni Jen." "Boss, okay lang po ba kayo?" Tanong ng tauhan ni Caleb nang makasakay ang amo nito sa kaniyang sasakyan. "Nakakainis! Ayaw na ayaw kong pinagtatabuyan ako palabas ng bahay. Katatapos ko lang kayang kumain." Ani naman ni Caleb. "Baka po siguro parating na iyong kaibigan niya. Ayaw lang niyang maabutan ka niya at baka magtalo na naman sila." Ani naman ng tauhan nito. "Hindi makakauwi ng maaga ang babae na 'yon dahil sinigurado kong aabutin siya ng siyam-siyam sa hotel." Wika pa no Caleb. "Pero, boss. Hindi naman alam ni Sabrina ang nangyayari sa kaibigan niya. Kayo lang siguro ang iniisip niya." Saad pa ng tauhan nito. Napatingin na lang si Caleb sa salamin bintana ng kanyang sasakyan na tinted at nakita nito si Sabrina na nakatanaw sa bintana. "Ang mabuti pa ay umuwi na tayo." Utos pa ni Caleb. Nakita naman muli ni Sabrina ang sasakyan na madalas pumarada sa harapan ng bahay nila. "Sino kayang tao dyan? Palagi iyang nagpa-park dyan pero wala namang bumababa." Tanong pa nito sa kanyang sarili. Alas dose na ng madaling araw ngunit wala pa si Jen. "Napaano kaya si Jen? Bakit wala pa siya rito?" Nag-aalalang tanong ni Sabrina sa kanyang sarili at dinayal nito ang numero ng kanyang kaibigan. At agad naman iyong sinagot ng kanyang kaibigan. "Hello, Jen! Asaan ka na? Alas dose na kaya." "Andito pa ako sa hotel hindi pa ako tapos. At kailangan ko raw tapusin. Kaya OT ako ngayon. Kung gutom ka kumain ka na dyan. Huwag mo na akong hintayin pa." Saad naman ni Jen sa kabilang linya. Gano'n ba? Okay sige. Ingat ka dyan." Ani na lang ni Sabrina at naputol na ang linya. Mag-uumaga na nang makauwi si Jennifer galing ng trabaho. "Hala, Jen. Umaga na, ah! Okay ka lang ba?" Nag-aalang tanong ni Sabrina nang makita nito ang kanyang kaibigan. "Okay lang ako at kaya ko pa. Tinapos ko na lahat. Kasi kung hindi baka sisantihin ako." Sagot ni Jen na agad humiga sa kama. "Paghahain kita ng pagkain mo. Huwag na, nagkape na ako saka tinapay. Ayusin mo ang resume mo ngayon at pumunta ka ng hotel. Kasi hiring kami. Hanapin mo mismo so Manager. At sa kanya mo ipasa iyong resume mo. Sige matutulog na ako good night!" Bilin pa ni Jen at ipinikit ang mga mata nito maya maya pa ay nakatulog na nga ito. Agad na gumalaw si Sabrina at nag kape lang ito saka nagpalaman ng slice bread. Pagkatapos ay naligo na at nagbihis ng damit. Sa kanyang paglabas ay muli na naman nitong nakita ang Pulubi sa harap ng kanilang bahay. "Hala! Ano'ng ginawa mo rito? Baka makita ka ni Jen." Tanong ni Sabrina sa Pulubi na nag-aalala. "Alam ko na, oh itong tinapay mo. Umalis ka na ngayon din at baka mamaya makita ni Jen." Taboy pa ni Sabrina at naglakad na ito palayo. Ngunit mabilis din na naglakad ang Pulubi at halos sabayan siya sa paglalakad. Kung kaya agad siyang napahinto sa paglalakad at muli ay kinausap ang Pulubi. "Hindi ka puweding sumama sa akin kasi may pupuntahan ako at importante iyon." Ani pa nito sa Pulubi. Nakatingin lang ang pulubi sa dalaga at gusto sana nitong tanungin kung saan pupunta. Ngunit mabilis na naglakad si Sabrina at pagkatapos ay sumakay ito ng tricycle. Maya maya naman ay dumating ang ang sasakyan ni Caleb. "Bilisan mong magmaneho at sundan mo iyong tricycle kung saan pupunta." Mabilis na utos ni Caleb. "Kuya, sa computer shop." Agad na saad ni Sabrina sa driver ng tricycle at hindi nga nagtagal ay nakarating na sila. Mabilis na bumaba si Sabrina ng tricycle at nagbigay ng bayad. Saka mabilis na pumasok sa isang computer shop. Matapos gumawa ng resume si Sabrina ay pina print niya ito. Pagkatapos ay muling nagbayad. Muli ay lumabas ito ng computer shop. At saka na naman nagpara ng tricycle. Nagpahatid sa sakayan ng Jeep. Saka sumakay ng jeep. Napansin ni Sabrina ang isang sasakyan mula sa kanilang likuran na tinted din. "Parang ito iyong sasakyan na palaging naka park sa harap ng bahay namin. Pero hindi ko rin sure kung iyan nga iyon. Kasi hindi ko nakita ang plaka nun." Ani pa sa isipan ni Sabrina at pinasawalang bahala na lang. Maya maya pa ay nakarating na ito sa babaan ng jeep kung kaya muli ay naglakad na naman siya. Patuloy naman sa pagsunod ang sasakyan na tinted. "Boss, mukhang papunta siya sa hotel ninyo." Saad ng driver nito kay Caleb. "Naku! Hindi ako puweding humarap sa kanya ng nakaganito." Saad pa ni Caleb at hindi nga nagtagal ay nakita nito si Sabrina na pumasok sa loob ng kanilang hotel. "Boss, hindi po ba kayo papasok?" Tanong ng driver ni Caleb. "Dito na muna ako at maghihintay kung ano ang mangyayari." Sagot nito. Sa pagpasok ni Sabrina sa hotel ay agad itong binati ng security guard. "Good morning po, Ma'am. Nakangiting bati nito sa dalaga. "Good morning po, sir. Mag-apply po sana ako at mag direct daw po ako kay Madam Manager." Agad na bati at saad Sabrina sa guard. "Itawag ko lang po, Ma'am. Upo po muna kayo." Wika naman ng Guard. "Madam, M. May applicant po rito at hinahanap po kayo." Saad ng guard mula sa lobby habang hahawak ang maliit na radio nito. "Pakitanong kung ano ang pangalan niya?" Wika naman ng manager sa kabilang radio. "Ma'am, ano pong pangalan nila?" Tanong ng guard sa dalaga. "Sabrina po. Ako po iyong kakilala at kaibigan ni Jennifer po." Sagot nito. "Ma'am, Sabrina raw po." Agad na sagot ng guard. "Pakisabi hintayin niya ako sa lobby at pababa na ako." Agad na bilin ng manager. "Opo, Ma'am. Copy po." "Pababa na si Madam M. Hintayin niyo nalang po." Ani pa ng guard. Agad na dinayal ng Manager ang cellphone number ng kanilang boss at tinawagan iyon. "Boss, tumatawag po ang manager ng hotel." Agad na saad ng tauhan nito. "Sagutin mo at i-loud speaker mo." Utos pa nito. "Good morning po, Sir. Andito na po si Miss Sabrina iyong kaibigan po ni Jennifer. I-interview-hin niyo na po ba?" Tanong ng Manager sa kabilang linya. "Pakisabi hintayin niya ako." Sagot ni Caleb na may naisip. "Copy po, Sir." Agad naman na saad ng Manager at naputol na ang linya. "Boss, sabi niyo ayaw niyong magpakita. Bakit ngayon nagpapahintay kayo?" Takang tanong ng tauhan nito. "Bakit? Sino bang nagsabi na magpapakita ako sa kanya?" Ani naman ni Caleb. 'Naku po! Mukhang maghihintay lang siya sa wala." Wika naman ng tauhan nito sa kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD