Malayo-layo na si Sabrina sa paglalakad nang muli nitong lingunin ang pulubi ay nagtaka siya nang wala na itong parang bula.
"Saan kaya pumunta 'yon?" Tanong pa nito sa kanyang sarili na nagtataka at may agam-agam.
"Hindi naman siguro siya mapapahamak." Aniya pa nito na tumingin muli sa kanyang likuran at muli na namang naglakad.
Trienta minutong naglakad si Sabrina bago ito makarating sa bilihan.
Agad niyang pinagkukuha ang mga kailangan sa bahay at inilagay sa bastket. Lalo na ang nilista pa ni Jennifer. Pagkatapos ay nagtungo sa counter at nagbayad agad.
May dala siyang dalawang supot na Bitbit at muli ay naglakad siya.
Sa kanyang paglalakad ay nakita nito ang pulubi at nakakita rin siya ng ice cream na nagtitinda.
May naiwan pa sana siyang pera pamasahe pa uwi. Ngunit ginamit niya iyon pambili ng sorbetes.
Maya maya pa nilapitan niya ang pulubi at ibinigay ang sorbetes sa pulubi.
"Oh, ayan. Kunin mo na. Ubusin mo iyan, ha?" Wika pa ni Sabrina at pinahawak sa pulubi ang biniling ice cream na pinalaman sa tinapay.
"Huwag ka ng susunod sa akin kasi uuwi na ako. At maglalakad lang ako. Baka mapagod ka na." Ani pa ng dalaga sa pulubi.
At nakatingin lang ang pulubi kay Sabrina.
"Bakit parang ang bait niya." Saad ni Caleb sa kanyang isipan na nabaitan kay Sabrina.
Maya maya pa ay nagulat si Caleb ng nilapitan siya ng mga kabataan.
"Hoy, pulubi. Akin na iyang ice cream mo! Kapag hindi mo binigay sa akin iyan. Babatuhin kita!" Banta ng isa sa mga kabataang lumapit sa kanya na nasa hinuha ni Caleb ay nasa sampo hanggang labing apat na gulang ang mga kabataang iyon.
Nainis si Caleb sa asta ng mga bata. Gusto niya sanang pag uuntugin ito kung hindi naman ay pag pipingutin ang mga tainga nito, para magtanda. Ngunit hindi niya maaring gawin iyon dahil nga pulubi siya. Kung kaya itinaas na lang niya ang ice cream na ibinigay ni Sabrina sa kanya.
Patuloy naman sa pag-agaw ang mga bata mula sa kanya.
"Sabi ng akin na 'yan, eh!" Galit ng saad ng isang bata sa Pulibi at doon nga ay tinadyakan nito sa tyan si Caleb.
"Kapag hindi mo binigay iyan hindi lang tadyak ang mapapala mo!" Banta pa nito sa Pulubi.
"Anong ginagawa niyo? Itigil niyo iyan!" Galit at saway ni Sabrina sa mga bata.
Sabay-sabay na napatingin ang mga bata kay Sabrina gano'n din si Caleb.
Mabilis na naglakad si Sabrina patungo sa kanila. Kung kaya nagsipagtakbuhan ang mga bata. Ngunit nakuha nila ang ice cream na hawak ng Pulubi dahil nakatuon ang pansin ni Caleb sa papalapit na dalaga.
"Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?" Tanong pa ng dalaga nang makalapit siya sa Pulubi.
Nagtaas baba ng ulo ang Pulubi bilang tugon sa tanong ni Sabrina sa kanya.
"Naagaw tuloy iyong ice cream mo. Sayang naman," ani pa ni Sabrina.
"Ang mabuti pa ay sumunod ka na sa akin para mabantayan kita kung may magbu-bully sa 'yo." Wika pa ni Sabrina at muli itong naglakad.
Napatingin ang dalaga sa Pulubi dahil hindi lang basta itong sumusunod sa kanya. Kung hindi halos sabayan siya nitong maglakad.
Ngunit habang naglalakad sila ay nangalay ang kamay ni Sab sa paglalakad dahil sa bit bit nitong dalawang plastic.
"Ang mabuti pa ay magpahinga na muna tayo. Hindi naman siguro tayo aabutin ng dilim sa daan. Medyo nangalay kasi itong kamay ko." Ani pa ni Sabrina na pa samantalang tumigil sa paglalakad at umupo sa may bakanteng upuan na nasa ilalim ng puno ng mangga at gawa sa simento ang upuan.
At habang nakaupo sila ay hindi maiwasang pagtinginan sila ng mga taong dumaraan.
"Tingnan mo si ate oh. Nakikipag date sa baliw ba iyon or Pulubi." Narinig pa na usap-usapan ng mga taong dumaraan at nakakakita kay Sabrina at sa pulubi.
"Uy, ate. Marami pang lalaki dyan. Huwag kang papatol sa Pulubi maawa ka sa sarili." Wika pa muli ng mga taong dumaraan na nakakakita sa kanila.
"Hay, naku! Mga tao talaga makasalanan at mapanghusga. Hindi sila nag-iisip." Ani na lang ni Sabrina sa kanyang sarili.
Hanggang sa napatingin siya sa Pulubi.
"Hayaan mo na lang sila kung ano ang isipin nila. Huwag kang papaapekto." Ani pa ni Sabrina sa Pulubi.
"Naiintindihan niya kaya ako? Bahala na nga," ani na lang ni Sabrina sa kanyang sarili.
Matapos ang ilang minutong pagpapahinga nila ay muli na naman silang naglakad. At hindi nga nagtagal ay nakarating na sila.
"Halika, pumasok ka muna sa loob. Kasi mamaya pa ang dating ni Jennifer." Saad ni Sabrina sa Pulubi.
Agad naman na pumasok ang Pulubi sa loob ng bahay.
"Dito ka lang, ha? Magluluto lang ako." Paalam pa ni Sabrina at nagtungo ito sa kasina upang ayusin ang kaniyang pinamili.
Hindi naman naglaon ay sinundan ng Pulubi si Sabrina sa Kusina at naka kita ito ng Kutsilyo.
At Habang nag-aayos ng mga pinamili si Sabrina ay nagulat siya nang basta-basta na lang siyang nilapitan ng Pulubi at may dala itong kutsilyo.
Nakaramdam ng takot si Sabrina nang makita ito.
"Bitiwan mo 'yan." Agad pa na saad ng dalaga sa Pulubi.
"Hindi pa ngayon ang tamang oras. Mag hunos dili ka Caleb." Aniya sa isipan ng pulubi. At maya maya pa ay binitiwan nito ang kutsilyo.
Agad naman iyong pinulot ni Sabrina. At itinago.
"Huwag kang maghahawak ng Kutsilyo, ha? Bad iyon." Ani pa ni Sabrina sa Pulubi.
Muli na namang nagtaas baba ng ulo ang Pulubi. Bilang tugon.
"Ang mabuti pa ay manood ka na muna ng TV habang nagluluto ako." Saad pa ni Sabrina at pinindot nito ang remote.
Doon nga umupo si Caleb sa upuan na naka harap sa TV. At ilang sandali lang iyan nakaluto na si Sabrina.
Kung kaya mabilis itong naghain ng pagkain sa hapagkainan at nagtabi ng kanilang ulam.
"Maghugas ka na muna ng. Kamay pagkatapos ay UmupO ka na rito para makakain ka na. I'm sure gutom na gutom ka na." Ani pa ni Sabrina.
Mabilis na naghugas ng kamay si Caleb at pagkatapos ay Nakita nito ang ulam na paborito nitong adobong manok. Kung kaya agad siyang umupo.
Sinandukan ni Sabrina ng kanin si Caleb sa plato nito at agad din niyang nilagyan ng ulam.
Mabilis na nagsubo si Caleb habang naka kamay ito. Kitang-kita naman ni Sabrina na panay ang subo ng Pulubi.
"Mukhang napagod siyang naglakad." Saad pa ni Sabrina sa kanyang isipan habang nakatingin ito sa pulubing sumusubo ng pagkain.