Nagdrive lang ako, pero feeling ko sobrang bagal ng takbo ko. Lumingon ako sa pinanggalingan ko at nakita kong hindi pa ko nakakalayo. Nakita ko din ang ambulansya na may dala kay Alexis papunta sa ospital.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Tiningnan ko ang mga kamay ko. Maaaring nakapatay ako ng isang inosenteng bata. Bata na tinanggalan ko ng karapatan para mabuhay.
Walang anu-ano'y binuwelta ko ang takbo ng sasakyan ko at binilisan pa. Sinundan ko ang ambulansyang lulan si Alexis. Kailangan kong masiguradong ligtas ang bata. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari mang masama dito.
Agad akong tumakbo papasok ng ospital at pumunta sa nursing station.
"Nu-nurse...ah, saan po dinala yung babaing sakay ng kararating lang na ambulansya?"takot kong tanong
"Nasa E.R. po sya ngayon."
"Si-sige, salamat!" then, tumakbo ako papuntang E.R. saktong pagdating ko ay biglang lumabas ang doctor.
"Doc? Sandali lang po, kamusta po yung --" di ko pa natatapos ng magsalita ang doctor
"kaano-ano mo sya iha?" ha? anong sasabihin ko? KABET SYA ng asawa ko ganun?
"boss po sya ng asawa ko, Doc. Anu po bang lagay nya?"pagsisinungaling ko
"ganun ba iha? maraming nawalang dugo sa kanya. At nalaman pa naming buntis sya. Delikado ang kalagayan nilang dalawa kapag di agad nasalinan ng dugo. Alam mo ba kung pano makocontact ang family nya?"
"Hindi ko po alam kung anong contact number kahit isa sa family nya, anu po bang blood type nya?"
"type AB sya, pero wala kaming mahanapan sa ngayon kaya talagang delikado. Maaaring ikamatay nila pareho."
"A-AB?"
"Oo, bakit iha?"
"AB po ako. San po pwede magpakuha ng dugo?"
***
Nahihilo pa ako ngayon. Halos 2 bags of blood ang pinakuha ko. Noong una, ayaw pa pumayag nung nurse na 2 na ang kunin dahil nga sa mukha akong stress, na stress naman talaga. Pero after kong makipagtalo at bantaan silang maglalaslas nalang ako para makakuha ng dugo ay pumayag na sila. Tinurukan pa nga ako ng pampakalma pagkatapos.
Hindi ko alam ang ginagawa ko. Sa lahat naman ng asawang ginago, ako pa ang halos magpakamatay para lang iligtas ang kabit ng asawa ko. Dinaig ko pa si Monica ng The Legal Wife sa pagkamartyr.
Lumabas na ko ng room kung saan ako kinunan ng dugo at nagtungo sa E.R. kung saan nandun parin si Alexis. Nakita ako ng assisstant doctor kaya lumabs sya at kinausap ako.
"Malaki ang naitulong mo" sabi nya
"Kamusta sila?"
"Mabuti na. Ligtas na ang bata at ang kanyang ina" then with that unti unting tumulo ang mga luha ko. Tinapik naman nya ko sa balikat ko at sinabi..
"Mabuti pa sigurong umuwi ka na at magpahinga" tapos pumasok na sya sa E.R. at ako? Tumayo na ako at naglakad palabas ng ospital. Sa parking lot, nakita ko pa ang daddy ni Alexis na humahangos. Malamang nalaman na nya ang nangyari sa anak.
***
^kinabukasan..
Umuwi ako kahapon na hinang hina. Buti nga at nakapagdrive pa ko. Hindi ko sinabi kay Paulo ang nangyari dahil hindi ko alam kung paano.
Paggising ko, wala na sya sa tabi ko pero may nakita akong note. SORRY lang ang nakalagay. Hindi ko alam ang ibig nyang sabihin sa salitang iyon, pero parang may kutob ako.
Sasamantalahin ko ang pagkakataong ito. Nagbihis ako at kinuha ang lahat ng gamit ko. Yes, nag-imapake ako. Konti lang ang dadalhin ko dahil kaya ko namang bumili ng mga bagong damit. Then, nagpunta ako sa kwarto ni Jared. Inimpake ko rin lahat ng damit nya. Wala akong itinira. Ginising ko sya at binihisan.
"Mom, where are we going?" tanong nya
"Kanila lola anak"
"But, where's Dada? Isn't he going?" naiiyak na ko pero ito lang ang alam ko
"No, anak.. he's busy."
"But---"
"Wanna go to Paris anak?" he just nod ang give me a hug. Doon na tumulo ang mga luha ko. Ang bata pa ng anak ko para sa ganitong set-up but Paulo needs to be father. At alam kong hindi pwedeng hindi nya panagutan ang anak nila ni Alexis.
Bago kami umalis ni Jared papunta kanila Mommy, nag-iwan ako ng note saying Sorry Din, bye! Alam na nila mommy ang lahat. Galit na galit sila kay Paulo. Sila din ang nagdecision na umalis na kami sa bansa at pumunta sa Paris kasama sila. Iiwan namin ang lahat dito sa Pilipinas. Tatakas kami sa mga gulo at problema. Ako, si Jared, si Kuya Chris, Si Mommy at si Daddy... magsisimula muli kami.
***
Paulo's POV
Pauwi na ako ngayon galing ospital. Yup, binisita ko si Alexis. Nagkagulo pala sila kahapon ni Kelly at nangyari nga ito. So, alam na pala nya. Pero bakit di nya sinasabi sakin.
Nakatanggap ako ng isang suntok galing kay Mr. Vega, Dad ni Alexis at hinihiling na panagutan ko ang anak nya. Nagkasagutan kami dahil alam naman nyang may pamilya ako at di ko sinasadya ang nangyari. Umalis ako ng ospital. Kakausapin ko pa ang asawa ko.
Kanina ko pa sya tinatawagan pero unattented ang phone nya. Baka lowbat or nakaoff lang talaga. Tiningnan ko ang relo ko passed 10 na ng umaga at malamang gising na sila ni Jared.
Nakarating ako sa bahay. Mukhang tahimik dahil kadalasan naglalaro na sa garden si Jared ng bola. Dahan dahan akong pumasok sa main door. Walang tao. Tumaas ako sa secong floor pero nagkalat doon ang laruan ni Jared. Masama na kutob ko.
Pumunta ako sa kwarto namin at nakita ko ang note ni Kelly.. Sorry din, bye! Ano na ba to? Tapos dali dali akong nagpunta sa kwarto ni Jared. Baka naman niloloko lang ako ni honey, tapos binuksan ko ang pinto, tanging nakita ko lang ay ang closet ni jared na bukas na bukas at wala nang laman.
Wala... iniwan na nila ako..