CHAPTER 13

685 Words
Pagkatapos kong tawagan ang malanding babaing yun, agad akong nagbihis at nagdecide kung san kami pwedeng makapag-usap. Yung kami lang. Yung walang publicity ek ek. Kinuha ko ang susi ng kotse ko. Yes, my sarili akong kotse pero minsan ko lang gamitin dahil ayaw ni Paulo. Pagkalabas ko ng kwarto namin, sinilip ko ang aking mag-ama. Nakita ko si Paulo na nakatulog habang yakap yakap si Jared. Honey, ako na ang aayos ng gulo mo. Ang daming tumatakbo sa isip ko habang palabas ako ng bahay. Anong gagawin ko kapag nakita ko si Alexis. Ngayon pa lang pinapatay ko na sya. Hindi ako masamang tao, pero kung pamilya ko na ang pag-uusapan handa akong maging mamamatay-tao para lang manatiling buo ito. Pagkapasok ko sa kotse, agad akong nagtext kay Alexis kung saan kami magkikita. Sana lang ay pumunta sya para wala nang gulo. ^Meeting place Nakarating agad ako sa meeting place namin. Isa itong coffeeshop, pero wala gasinong tao ang pumupunta dito. Doon ako umupo sa likod ng malaking narra tree. Kung di ko pa nadedescribe ito, isa itong coffeeshop na may malaking puno ng narra sa gitna. Madalas kami dito ni Johan dati. After 5 minutes sigurong paghihintay ay dumating na rin sya. Pagkakita ko palang ng mukha nya ay nag-init na agad ang ulo ko. Pero, di ko pinahalata yun dahil baka lalo pa syang mang-asar e, di sya makalabas ng buhay dito. "hi there Kelly." bati nya sabay smirk "hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa, LAYUAN MO ANG ASAWA KO" with emphasis "layuan? the hell no! My dear, ngayon pa ba ako lalayo? Mahal ko ang asawa mo. hahaha" malademonyo nyang tawa "Look Alexis, aaminin ko, maganda ka at matalino. Plus na dito ang pagiging mayaman mo, marami ka pang mahahanap na iba." para na akong nagmamakaawa sakanya kaya lalo syang nagsmirk "Poor Kelly, hinding hindi na ako lalayo sa asawa mo at--" di ko na sya pinatapos at sinampal ko na sya.. **paakkk** Napatingin lang sya sakin pero mukhang nang-aasar pa. "Isa lang naman ang hinihiling ko sayo diba? Layuan mo na sya pwede ba? halos magdadalawang buwan na kaming wala sa wisyo dahil sayo. Kaya PLEASE lang lumayo ka na!" tumayo na ako at maglalakad na sana palayo nang magsalita sya. "Lumayo?!" putol nya. "Kung lalayo ako, pano na kami? Kami ng anak ko." tapos napaharap ako sakanya na may halong pagtataka "a-anong si-sinasabi mo?" "Di nya pa ba sayo sinasabi kung bakit ako tumawag kanina?" putol nya ulit. "Huh! Pano nya pala sasabihin sayo kung sya ayaw maniwala." sabi nya habang may kinukuha sa bag nya. "Ayan! See for your self" sabay abot sakin. "A-ano to?" pagtataka ko parin "Hello? Bulag ka ba o ano? Pregnancy test yan. At yung isa ultrasound ko. I'm 1 month pregnant at ang ASAWA MO ANG AMA" sabi nya. Pero parang nabibingi ako. ASAWA MO ANG AMA ASAWA MO ANG AMA ASAWA MO ANG AMA Tapos nabitawan ko ang inabot nya at bigla akong napaluhod. Naiyak ako, hindi dahil sa nalaman ko. Nadidiri ako sakanila, sa sarili ko... "Ba-bakit? Paano?" yun lang ang nasabi ko habang patuloy parin sa pag-iyak "Sya ang nagsimulang humalik hindi ako. Pareho kaming lasing. At yun nga" tapos napatingin ako sa kanya. Hindi sya mukhang guilty.. mukha syang sobrang saya. "IPALAGLAG MO" biglaan kong sabi. Alam kong kasalanan sa diyos yun, pero yun lang agad ang pumasok sa isip ko. "ANO?! AT SINO KA PARA SABIHIN SAKIN YAN?" galit nyang sabi "ASAWA LANG NAMAN AKO NG AMA NYANG BASTARDO MONG ANAK!!" sigaw ko habang tumatayo. Tama... lalaban ako. **paakkk** "HUWAG NA HUWAG MONG TATAWAGING BASTARDO ANG ANAK KO!" sigaw din nya. Pagkatapos nun, lumapit sya sakin at sinabunutan ako. Gumati ako. Nagsampalan kami. Umawat na yung ibang crew hanggang sa maitulak ko sya at napaupo sa sahig. Maya maya pa'y may nakita na kaming dugo sa hita nya. "AHHHHHHHH.............." sigaw nya. Napatigil ako. Nagtakbuhan ang ibang crew at agad tumawag ng ambulansya. Binuhat sya habang walang malay. Dali dali akong tumakbo at pumasok sa loob ng kotse ko. At nagdrive kung saan. Kung saan ako dalin ng daan ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD