Paulo's POV
"Arrgghh... ang sakit ng ulo ko." Sabi ko habang nakapikit at sinasabunutan ang sarili ko. Sino ba kasing may sabi na mag-inom ako? Wala diba?
Teka, kainuman ko nga pala si Alexis. Yung babaing yun talaga kahit kelan pahamak.. Magmumulat na sana ako nang biglang may humalik sa labi ko. Napamulat ako bigla..
O_O
"Sh*t! Alexis! What the hell are you doing here?!" Sabi ko at biglang napatalon sa kama. Napatingin naman ako sakanya... what the.. "And why are you f*cking naked?!!!" at bigla ko syang binato ng unan.
"A-aray naman Paulo! Is it how you greet good morning?!" sagot nya sakin ng may irap
"good morning mo mukha mo! Ano nga ba kasing ginagawa mo dito at take note, nakahubad ka pa! Sino ba naman kasing di magugulat ha?!"
"Hoy! Palagay mo sa sarili mo hindi nakahubad? Tingnan mo nga paligid mo... nakakalat sa buong paligid ang mga damit NATIN!" sabi nya habang inemphasize pa nya ang salitang NATIN..
NATIN? Wait?
.
.
.
.
"A-anong nangyari?!!!" pasigaw kong tanong sakanya habang pinupulot nya ang mga damit NYA
"Well, ano pa nga ba sa tingin mo?" sabi nya at nag-iwas naman ako ng tingin
"Sinamantala mo... lasing ako Alexis"
"So, dahilan na ngayon ang pagkalasing? Ginusto ko naman yun.. at ginusto mo din yun!!" sabi nya pa habang nagbibihis sa HARAPAN KO
"NO!"
"The hell YES Paulo" then she smirk. Suntukin ko kaya mukha nito.
Lalabas na dapat sya ng kwarto nang bigla syang huminto at tumingin muli sakin, "Alam kong magsosorry ka lang, but don't be... at ngayong may nangyari satin akala mo ganun lang kadali yun? Pero hindi.. at gagawin kong lahat para lang makuha kita sa ASAWA MO. At kung kinakailangang patayin ko ang hahadlang sa plano ko, gagawin ko, makuha ko lang ang gusto ko." she smirk, pero kitang kita ko sa mga mata nya na seryoso talaga sya. Napalunok ako. "By the way... thanks for that wonderful night" then she walks away.
----
Hindi ko alam ang gagawin ko. Pano ko haharapin si Kelly at ang anak ko. Alam ko nagkasala ako... sobrang laking kasalanan. Nasa harapan lang ako ng bahay namin. Pinipilit kong ikalma ang sarili ko.
"Honey?" napalingon ako. There she is, ang nag-iisang babaing minamahal ko. Ang dahilan kung bakit ako nabubuhay ngayon. Ngumiti sya sakin, pero nanatili akong nakatitig lang sakanya.
"Honey? Okay ka lang?" tanong ni Kelly
"NO... Oh, i-imean pagod lang ako honey" sabi ko habang hawak ko ang mga kamay nya
"Ah, akala ko naman kung anu na. Ikaw talaga. Tara, pasok na tayo sa loob para makapagpahinga kana. Alam mo, miss na miss ka na ni Jared.. Dada sya ng Dada.. pero syempre miss na din kita" sabi nya habang nakangiti.
Napangiti nya ako sa mga sinabi nya at panandalian kong nalimutan ang napakalaki kong problema. Niyakap ko sya ng sobrang higpit.
"Honey, salamat talaga sa lahat. Sa pagmamahal at pag-aalaga mo. Wala na sigurong hihigit pa sayo. Ikaw lang ang para saakin, alam ko yun at--"
"Hon, ma-may problema ka ba?" nag-aalalang tanong sakin ni Kelly
"Sssshhh... wa-wala nuh... namiss lang kita"
"ganun ba? pinakaba mo naman ako... sige na, pasok na tayo sa loob" kakalas na sana sya sa pagkakayap ko pero pinigilan ko
"Konti pa honey..."
"okay?ang weird mo ha.."natatawa nyang sabi
"Honey, basta kahit anong marinig mo.. kahit anong sabihin nilang paninira sakin, SATIN.. wag na wag mo akong iiwan.. dahil hindi ko kaya. Ikaw ang buhay ko. Sakin ka lang makikinig, Okay?"
"O-oo naman.."
"At lagi mong tatandaan.. ikaw lang laman ng puso't isip ko. Ikaw lang ang mahal ko.. Hanggang wakas, IKAW LANG AT AKO"
"Oo tatandaan ko yan, Hon"
"Trust me okay? Only me.."
"Oo, I trust you.. ikaw lang.."
tapos hinalikan ko sya sa labi... matagal tapos kumalas na kami sa isa't isa.. at hawak kamay na pumasok sa loob ng bahay.
Sana..
Sana..
Paggising ko bukas, wala nang problema...