Kelly's POV
Pansin ko lang ha... naging weird itong si Paulo simula nung dumating sya galing seminar dun sa Batangas. Lagi ko naman syang tinatanong kung may nangyari ba sakanya o sakanila nung lechugas na si Alexis dun.. pero wala tititigan nya lang ako na para bang nagsosorry sya tapos bigla bigla nalang akong yayakapin at hahalikan sa noo. Maaga na syang pumasok sa trabaho at ganun din sa pag-uwi, sobrang aga. Parang may iniiwasan na kung ano.
And speaking of that Alexis, lagi syang tawag ng tawag sa landline at sa phone ng asawa ko. Halatang halata sya na gustong gusto nya asawa ko. Baliw talaga.
So, ngayon Sabado meaning walang pasok si Paulo kaya ayun tulog na tulog sya. Nakahiga parin ako sa tabi nya habang nakayakap. Ang sarap talagang gumising kapag mahal mo ang makikita mo sa pagmulat ng mga mata mo. Hindi ko maimagine na mabuhay without this lovely man. Hahalikan ko sana yung labi nya ng biglang magring ang phone nya.
**** RINGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG***
Tss... istorbo. Kukunin ko na sana at sasagutin pero nagulat ako kay Paulo na mabilis bumangon at kinuha at sinagot ang tawag. Anyare?
"He-hello?" sagot ni Paulo tapos biglang nanlaki ang mga mata nya.
"Wait!" tapos walang anu-anong tumakbo palabas ng kwarto. Sinundan ko sya palabas at nakita kong palabas sya ng bahay. Anu bang nangyayari? Baka naman about sa work nya?
Paulo's POV
***Ringggggggggggggggggggggggggg***
Sh*t!!!! Tumatawag na naman siguro si Alexis! Naging daily routine na nya yun araw araw. Simula noong umuwi kami galing Batangas. 2 months na simula nangyari yung "one night stand" namin pero di nya parin ako tinitigilan.
Mabilis akong bumangon. Muntikan nang masagot ni Kelly yung tawag buti nalang naging maagap ako.
"He-hello?" sagot ko
(Paulo...) ang husky ng tono nya pero knowing this kind of seduction alam kong si Alexis nga ito. (about our one night stand...) tapos nanlaki ang mata ko. Sh*t baka marinig ni Kelly.
"Wait!" tapos bigla akong lumabs ng kwarto at dali daling nagpunta sa garden. "Now, what about that?!!" galit kong sabi
(How rude, Paulo. 'Wag na wag mo akong sisigawan kundi...)
"Kundi ano? Ipagkakalat mo sa lahat na may nangyari satin? Na I'm cheating on my wife? Okay! Go On! I'm tired of being afraid! Wala na akong pakialam kung mawalan ako ng--"
(HAHAHAHAHA..... Ipagkakalat sa iba? NO..NO... NO... NO... Bakit naman sa iba agad? Kung pwede namang sa asawa mo agad, diba?) pananakot nya.
"Huh!! Hindi sya maniniwala sayo" pagkukumbinsi ko sa sarili ko
(Talaga lang ha? Hahaha)
"TSK!! ANO PA BA ANG GUSTO MO HA? HALOS NASISIRA MO NA ANG TRABAHO KO AT NGAYON PAMILYA KO NAMAN?!!!" sigaw ko sakanya
(Be a responsible man Paulo. PANAGUTAN MO AKO!!)
"ANONG PANAGUTAN ANG PINAGSASABI MO! May nangyari lang satin pero--"
(Panagutan mo KAMI Paulo!)
"Ka-kayo? ano bang sinasabi mo?!"
(BUNTIS AKO..) huli nyang sabi tapos pinatayan na ako ng phone
"he-hello?!!!!" paulit ulit kong sabi sa phone ko
Hinagis ko kung saan ang phone ko. Ayokong isipin ang nangyari at ang nalaman ko. Baka pakulo na naman nya to. Napaupo ako sa damuhan ng garden namin at sabay napaiyak sa sobrang gulo ng isip ko. Paulit ulit na naglalaro sa isipan ko ang narinig ko...
buntis ako...
buntis ako...
buntis ako...
"Kelly..."