Kakausapin ko ba talaga si Johan about dun? Baka naman nagiging OA nalang ako. Nakakahiya sakanila ni Bez Mia. Wag na nga lang.
Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko malapit sa front desk nang biglang may humawak sa kamay ko. Napatingin ako dun at nakita ko si Johan na nakangiti sakin tulad ng dati.
"Bakit ka nandito? Naligaw?" cool nyang tanong sakin. At dahil dun, napangiti ako.
"Ha? Ah... eh... siguro? Hahaha... belated happy birthday Johan!"
"Pumunta ka dito para batiin lang ako? Wow ha?" nagblush naman daw ako. WHAT? NAGBLUSH AKO? FOR PETE'S SAKE.. MAY ASAWA NA AKO DIBA? MAY ANAK PA? Okay... OA lang... eh kasi naman pinisil nya cheeks ko habang nakatingin sya sa mga mata ko.
"Ewan ko sayo.. hahaha!!!" peke ang tawa ko.. halata naman diba?
"So, bakit ka nga nagpunta dito?" seryoso nyang sabi
"...." no response
"Okay then, tara sa office ko. Dun tayo mag usap" ayun nga pumasok kami sa elevator. Nasa 10th floor kasi ang office nya. Sya may ari ng building na ito e. Pero, bakit ganun? Ang awkward ng feeling?
*ting* tunog ng elevator
"Tara!" tapos pinat nya ko sa likod ko. Hayyy... Kelly! Anong problema mo?
"May problema ba?" tanong ni Johan. Umiling na lang ako. Napasigh sya as a sign of relief.
Naglakad kami papunta sa dulo. Nasa dulong hall room pala ang office nya. Tsaka ang tahimik naman dito.
"Nandito na tayo, pasok ka" sabi nya. Agad kong iginala ang mga mata ko sa office nya. Typical office room lang naman ito. Nasa gitna yung office table nya, may malaking halaman sa gilid nito, may sofa set sa tapat ng table nya... in case siguro kapag may bisita sya. Nakapost sa dingding nya yung wedding picture nila ni Bez Mia. Napatingin ako sa table nya. May family photo sya dun.. Si Mia, Anya at sya. Mahal nya talaga ang mag ina nya. Sa gawing kaliwa may pintong nakabukas, lumapit ako at nakita ko ang isang kama... para syang isang kwarto na kasi may mga gamit din. Napatingin ako sa may bintana, may halamang malilit. At sa itaas ng head board, napangiti ako. Yung iniregalo ko sakanya nung kami pa na painting... inilagay nya pala.
"Nasa iyo pa pala yung painting?" tanong ko sakanya nung lumabas ako ng kwarto.
"Ah, yeah... sayang kasi at tsaka galing sayo yun diba?"
"Dapat lang na ingatan mo yun... hahaha" tapos natawa nalang kami. Pinaupo nya ko sa couch at inabutan ng coffee.
"So, spill it out. Anu nga ba ang dahilan bakit ka nagpunta dito?" pagbubukas nya ng totoong topic.
"hhmmm... it's about Anya and Jared" sabi ko pero sya nakatitig lang sakin.
"So, what about the kids?"
"Naopen kasi ni Paulo kagabi na bagay sila? Na iarrange marriage natin sila?" seryoso kong sabi.
"hmm... It's a good idea" sabi pa nya sabay tingin sakin ng ubod ng seryoso.
"Are you serious? Anong ' it's a good idea ' ka jan?"
"You're over reacting. Anong masama sa arrange marriage?"
"No, it's just that.. they're just kids." pag iwas ko ng tingin sakanya.
"I know.. pero, diba? We're just securing their future?" securing their future? what the...
"Okay fine... di ka naman namin pipilitin ni Paulo na ipaarrange marriage ang mga bata. Alam kong may trauma ka na dun..." trauma? Yes, nahirapan ako these past few years.. pero nakaadjust naman ako diba?
"Ah!" sabi nya sabay tayo at sakin. "I knew it. Akala mo siguro plano ko to? The hell no. Yes, I still have this feeling for yours... pero, di yun sapat na dahilan para ipaarrange marriage ko ang anak ko sa anak nyo. You know me Kelly... mapride akong tao."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Tumayo nalang ako at naglakad papunta sa pinto. "Sorry" yun lang at tuluyan na akong lumabas. Anu ba sobrang confuse na ako sa nararamdaman ng mga tao dito.
Hindi ko napansin na 6:00 pm na pala? Hala... kukunin ko pa si Jared kanila Mommy at magluluto pa ko ng dinner.. baka maunahan ako ni Paulo sa bahay lagot na naman ako nito.
Pumara ako ng taxi at agad sumakay. Along the way... nakita ko yung sasakyan ni Paulo na nakaparada sa isang Chinese Restaurant. Buti nalang traffic at nakita ko kung sino ang kasama nya. Isang super sexy na babae na akala mo model ang aura. Nakakapit pa ito sa brao ng asawa ko at ang magaling kong asawa ay nakahawak sa bewang nito.
Mga walang hiya! Yung babae akala mo maganda pero mukha namang Ostrich sa haba ng leeg at liit ng mukha. Naiyak na ako sa nakita ko. Tinanong pa ako nung driver kung ayos lang ba ako. Ang sabi ko hindi kaya umalis na kami sa lugar na yun.
Pagkababa na pagkababa ko, nakita ko si Mommy na inaabangan ako sa gate ng bahay namin kasama si Jared na kumakain ng cotton candy. Hindi ko na nagawang punasan ang mga luha ko at napayapos nalang ako sakanya.
"Mommy!" iyak ako ng iyak sa balikat nya
"What's wrong? What happened?" worried nyang tanong.
"Si Paulo Mom!"
"What happened to Paulo?" biglang sulpot ni Daddy kaya lalo akong napaiyak.
"I saw him.. with other woman... Dad, may babae sya!" namula sa galit si Daddy. Sususgurin na sana nya ito pero buti nalang napigilan sya ni Kuya Chris.
"Much better if dito na muna kayo ni Jared tapos mag usap kayo bukas na mag asawa, okay?" suggest ni Mommy.
Hindi ako makatulog. Anu ba?! Mahal pa ba ako ni Paulo? Bakit naman sya mambababae? May nagawa ba ko? Tapos, idadagdag ko pa sa mga isipin ko si Johan? May gwad... Anu to? Balik ulit kami sa umpisa? May the best man win na naman ang peg namin?
Time check: it's 3:30am. At mukha na akong panda sa puyat at parang kinagat na ng malaking ipis ang mga mata ko sa kakaiyak. Naptingin ako sa anak ko. Pano nalang kung maging broken family na kami? Kawawa naman ang anak ko... hindi! mag uusap kami bukas na bukas din.
Pero, bago muna yun... matutulog na muna ako... Good night!