"hey Jared, come here!" tawag ko kay oh so gwapings na Jared ko. Yes, may bago akong love.. hindi na si Paulo. Agad naman syang pumunta sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Ang baho mo na. Lagot ka sa dada mo kapag dumating yun" si Paulo ang tinutukoy kong Dada ni Jared. Yep, anak namin si Jared. Jared Paul Santiago ang buo nyang pangalan. 2 years old na sya.
"Hoy Bez! OA nyong magasawa ha?! natural lang ganyan amoy nyan.. naglalaro e.. kaya nagiging sakitin yang anak mo sa sobrang kalinisan" sabat naman ni Mia na kasalukuyang binibihisan si Anya, ang kanyang mukhang manikang anak. Anya Nichole Lim, 3 years old naman ito.
"Mas maganda na yun kesa jan sa anak mo... parang di naliligo. hahaha" biglang sulpot naman ni Paulo sa likuran namin. Nanlisik naman ang mata ni Mia sakanya. "di, joke lang yun.. hahaha hello baby Anya ^_^" sabi nya sabay pisil sa pisngi nito tapos kinalong nya si Jared.
"Oh? Ang aga mo naman?" sabay abot ko sakanya ng tubig
"Ayaw mo? hahaha.. sige, magbabar nalang kami nila Kuya mo" pananakot naman nya. tumingin lang ako sakanya. Gets na nya yun. "Eto naman asawa ko... di na mabiro" sabi nya sabay pulupot sa bewang ko.
"Sa susunod na magjojoke ka, siguraduhin mong matatawa ako." sabay irap ko
"Pffftttttttt.... whahahahahahahah" tawa ni Mia
"Anong nakakatawa?" irita kong tanong
"Wala... hahaha, pano ba naman kasi... haha ang tatanda nyo na, di na kayo teenager tapos kung mag away pa kayo wagas!" sabi nya na patuloy parin sa pagtawa.
"Whatever!" sabi ko tsaka kami nagtawanan na tatlo. Mukha kaming mga tanga.
"Nga pla, bakit kayo nandito? diba.. birthday ngayon ni Johan?" with that namilog ang mata ni Mia. Hay naku, nakalimutan na naman nya.
"Ay anak ng kabayo!!! patay! sige Bez, alis na kami ni Anya" tapos binuhat nya si Anya at nagmamadaling umalis ng bahay namin.
"Anu ba yang bestfriend mo, birthday ng asawa nakalimutan? Buti nalang ang honey ko hindi ^_^" ha? kelan nga pla birthday nito? hahaha joke ^_^
"ah.. hahaha, oo nga"
"ui maiba tayo... ang ganda ni Anya no?" sabi ni Paulo. Anung connect?
"Oo naman. Mana sakin yun. hahaha"
"Bagay sila ni Jared natin ^_^" e??? don't tell me...
"ipaarrange marriage natin sila.. ^_^" batukan ko nga "OUCH naman honey ko, bakit ba?"
"kay babata pa nila, arrange marriage agad?"
"Bakit tayo? di pa tayo naipapanganak, may ganun na"
"Ai, basta.... ipaenjoy mo naman ang single life nila" itong asawa ko kay landing nilalang
Hindi nya alam ang naisip ko nung time na banggitin nya sakin ang 'arrange marriage' thingy na yun. Huh! Kung nagkataon, mga anak namin ni Johan ang magpapatuloy ng malanding ugnayan naming dalawa. Hahaha, hanu daw?
Anu nga kaya?
Naging active tuloy brain cells ko. Ang landi kasi ng asawa ko, sarap tadyakan at itapon sa manila bay. Chozs!
^ kinabukasan...
"Oh, anak nadalaw ka?" tanong sakin ni Mom
"Ah, namimiss ko lang kayo"
"Talaga lang? Alam ko may sasabihin ka"
"Ma, gustong ipaarrange marriage ni Pauo si Jared kay Anya"
"Oh? what's wrong with that?"
"Mom? ayokong matulad sakin si Jared"
"Bakit? Diba masaya ka naman?"
Aww... oo nga naman. Masaya nga naman ako ngayon kahit arrange marriage lang kami. Pero, ang ayoko kong maranasan ay yung paghihirap ko. Baka matulad lang sya sakin.
"Kelly... tandaan mo, ikaw at si Paulo parin ang nakakaalam ng makakabuti sa anak nyo. Kung arrange marriage ang nakikita ng asawa mong way para masecure ang anak nyo.. then, be it... support it." seryosong sabi ni Mom.
Umalis ako sa bahay nila Mommy na di parin kumbinsido. Anu gagawin ko? Hanu bayan... unang chapter palang problemado na agad ako... hahayyy...
Hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa building kung saan nagtatrabaho si Johan. Kakausapin ko sya. Hindi naman sasabihin ni Paulo yun kung di sila nag usap.