Surprisingly, naging magana ang pagkain ko at may mumunting excitement akong nararamdaman. Halos isang linggo na akong nakakulong dito kaya excited na akong muling makalabas.
“Pagkakatiwalaan kita, Kishree. Pero kapag sinubukan mong muli akong takasan o gumawa ng kalokohan sinasabi ko sa iyo, hindi ako magdadalawang-isip na parusahan ka. Obey me, and you will be rewarded. Defy me, and you will be punished accordingly. Kaya huwag mong sisirain ang tiwala ko,” may pagbabantang pahayag niya nang matapos na kaming mag-dinner. Napalunok lang ako pero hindi ko siya tinugon agad. Pero gusto ko talagang malaman kung bakit niya ito ginagawa.
“Bakit ba ang laki-laki ng galit mo sa akin? Bakit mo ba ako pinahihirapan? Pinakasalan mo lang ba ako para pagdusahin? May sira ba ang utak mo?” hindi ko na napigilang pasumbat na maitanong ang mga iyon sa kaniya.
Umiba na naman ang timpla niya at nagdilim ang mukha niya. Subalit gusto ko talagang malaman kung ano ba talaga ang problema niya sa akin at bakit ganito na lamang niya ako saktan.
“Nasasaktan ka dahil matigas ang ulo mo at ayaw mong sumunod. Maaring ikaw ang reyna ng university pero sa pamamahay ko, susunod ka sa lahat ng gusto ko!” pagmamatigas naman niya. Nagtagis ang mga ngipin ko at pinanlisikan siya ng mga mata.
Ngunit mas pinili kong tumahimik muna dahil baka biglang magbago ang isip niya at hindi na kami matuloy sa pag-alis.
Nilampasan ko siya at umakyat nang muli sa kuwarto namin. Mabilis akong nagbihis. Paglabas ko ay naroroon na rin siya at salubong pa rin ang kilay. Halatang galit siya pero hindi ko na lang muna siya papansinin.
“Mag-usap tayo,” bigla ay sabi niya kaya napahinto ako. Nilingon ko siya pero ayaw kong salubungin ang mga mata niya.
“Nasaan na ang bag at cellphone ko? Sinunod ko na ang sinabi mo at tinapos ko ng maayos ang dinner ko, kaya ibalik mo na sa akin ang gamit ko,” lakas-loob kong sagot. Tumiim na naman ang mukha niya.
“Ang sabi ko, mag-usap tayo,” giit niya. Muntik nang umikot ang mga mata ko.
“Nag-uusap na tayo,” pabalang kong sagot.
“I am trying to talk nicely here kaya huwag mo akong gagalitin, Kishree!” may pagbabanta na naman ang boses niya.
“Hindi kita ginagalit kasi talaga namang lagi kang galit. Ano ba’ng sasabihin mo?”
Naiirita na ako kasi gusto ko nang umalis kami. Baka mamaya, magbago na naman ang isip niya at kung anong kabuwisitan na naman ang maisip niyang gawin.
“Hindi puwedeng palagi tayong nag-aaway kaya matuto kang sumunod sa akin para wala tayong gulo,” deklara niya. Hindi ko naman napigilan ang pagak na tawa ko sa sinabi niya.
“Eh, dapat hindi asawa ang binili mo kung hindi puppet. Para susunod nang walang ingay sa lahat ng gusto mo,” sarkastikong sagot ko.
“Binili?” salubong ang kilay na tanong niya.
“O? Hindi ba ikaw mismo ang nagsabi na nagbayad ka ng malaki para makuha ako? So, ano’ng ibig sabihin no’n? Eh, di binili mo ako, ‘di ba? Pero uulit-ulitin kong sabihin sa iyo, kahit ibigay mo pa ang lahat ng pera mo, tao ako at walang katumbas na halaga ang buhay ko!” nang-uuyam na sumbat ko sa kaniya. Hindi naman siya nakaimik at nakatingin lang sa akin ng masama. Bakit kaya laging ang sama ng tingin niya sa akin?
“You are my wife. As long as you are obedient of me, I will be devoted to you. All I need is your obedience and loyalty, then we will not have any problem,” seryosong pahayag niya. Ako naman ang natahimik.
“Kahit kailan hindi ko ninais na makasal sa iyo. Pero nandito na ito at wala na rin naman akong magagawa. Kaya kong maging loyal at obedient sa iyo. Pero sa puntong magmumukha na akong aso o puppet mo, hindi naman siguro tama iyon. Since we are married, we should be equal and everything between us must be mutual!” katuwiran ko. Halatang hindi niya nagugustuhan ang sinasabi ko. Pero since nag-uusap kami, sasabihin ko lang kung ano’ng totoong nararamdaman ko.
“Deal! But I have to warn you, hindi ako magdadalawang-isip na parusahan ka kapag binali mo ang sinabi mong iyan,” saad pa niya. Bumuntong-hininga ako at umiling na lang. This is going to be a hell of a marriage life.
“Tara na. Lumalalim na ang gabi,” yaya ko na sa kaniya. Matagal pa niya akong tinitigan bago nagbuga ng hangin at tumango. Pagkatapos no’n ay lumapit siya sa akin at marubdob na hinalikan ang mga labi ko. Nang wala siyang makuhang tugon mula sa akin ay huminto siya at tumitig lang ng matagal sa akin. Muli siyang nagbuga ng hangin bago ako tinalikuran. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Hinintay ko siyang makapagbihis. At hindi ko napigilan ang mapangiti nang iabot na niya sa akin ang bag ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa loob niyon. Pero napasimangot din ako kasi battery empty ito. Marahas akong bumuntong-hininga. Icha-charge ko na lang mamaya sa bahay.
Naging tahimik lang ako sa buong biyahe. Hindi ko ipinahalata ang matinding excitement na nararamdaman ko dahil sa wakas ay nakalabas na rin ako.
Pagkalipas ng mahigit isang oras ay narating na namin ang bahay. Tila ba matagal na panahon akong hindi nakauwi kaya halos takbuhin ko na ang pintuan. Bumigat ang dibdib ko at naging emosyonal agad ako nang makita ang yaya ko.
Nagulat pa ito ng yakapin ko siya ng mahigpit. Pumikit ako at hinayaan ang mga luha kong humulas. Hindi ko lang talaga mapigilan.
“Vinzon? Hindi ni’yo sinabing darating kayo!”
Napaangat ako nang mukha nang marinig ang boses ni Mommy. Mabilis akong lumipat sa kaniya at maging siya ay nagulat nang bigla ko siyang yakapin. Kahit anong pigil ko ay kusang lumabas ang mga hikbi ko.
Biglang nanumbalik sa akin ang lahat ng ginawa ni Vinzon. Kaya naiiyak lang talaga ako.
“O? Bakit? Bigla yatang naging malambing ang bunso ko?” natatawang komento naman ni Mommy.
“Good evening, Mommy. Na-homesick yata si Kishree kaya biglang nagyayang umuwi rito,” narinig ko namang saad ni Vinzon. Tumalim ang mga mata ko pero hindi ako nagbago ng puwesto.
“Gano’n ba? Naku pagpasensiyahan mo na itong anak ko. Sa edad niyang ito kasi ay kasama niya lang kami lagi sa bahay kaya siguro nami-miss na niya kami agad,” sagot naman ni Mommy.
Pagkatapos niyon ay nagpaalam akong magtutungo sa kuwarto ko. Agad kong isinaksak ang cellphone ko. Hinintay kong magkaroon iyon ng laman at kusang mag-on.
Ngunit nadismaya ako na wala man lang akong natanggap na anumang missed calls o chats mula sa mga kaibigan ko. Are they still angry of me?
Nang magkaroon na ng sapat na battery para makatawag ang cellphone ko ay tinawagan ko agad si Stella. Matagal bago niya sinagot ang tawag ko kaya labis akong nagtataka.
“Hello? Naalala mo pa palang may kaibigan ka?” sarkastikong salubong nito agad sa akin.
“Stella? Kumusta? Kumusta kayo? I am very sorry. Kinulong niya ako sa bahay niya at itinago niya ang cellphone ko kaya hindi ko kayo nakontak,” mabilisan kong paliwanag. Narinig ko ang panunuya niya sa kabilang linya.
“Well, congratulations! I heard that the ribbon cutting and opening ceremony of the university’s hospital will be on Sunday. Kishree, you betrayed us all when you married that asshole!” galit na sumbat nito agad sa akin. Agad namang kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya.
“Stella, alam mong pinilit lang ako ng Daddy kong magpakasal kaya–”
“To save your company. Right. Mas pinili ni’yo ang tulong niya kaysa ang tulong naming mga kaibigan mo? Sabagay, ano nga ba naman ang laban namin sa kayamanan ng Vinzon Dela Fuerte na iyan?” puno pa rin ng sarkasmo ang pananalita niya kaya lalong nabagbag ang loob ko.
“Stella, please. Sobrang miserable na ang buhay ko. Kailangan ko ng kausap. Kailangan ko kayo, so please, huwag naman sanang ganito,” umiiyak nang saad ko. Masakit sa akin dahil ngayon lang ako pinagsalitaan at kinausap ng ganito ni Stella.
“Well, Mariella is facing a a billion-worth of lawsuit now. Byron was demoted and transferred to a small branch, si Gabby ay nagtatago dahil may isang malakihang transaction din siyang pumalpak, habang ako ay nakademanda rin dahil sa aksidenteng nangyari sa site. So, you see? No one is doing fine,” pagbibigay-alam niya sa akin. Imbes na gumaan ang loob ko na nakausap ko siya ay lalo lang tuloy sumama ang pakiramdam ko.
“Paanong nangyari iyon? Sa loob lamang ng isang linggo, nagkaganito na tayong lahat? Did we do something bad in the past that we are paying for it now?” I frustratedly queried. Nag-aalala din ako sa mga kaibigan ko. They seemed to be as depressed as I am now.
“Hindi ko rin alam. Pero nagsimula ang kamalasan kay Denzo at nagkasunod-sunod na tayo. Maybe someone was cursing us!” masama rin ang loob na pahayag niya.
“Stella, si Yohan nga pala, kumusta?” hindi ko naiwasang itanong.
“Well, I heard nagkakaproblema na ang restaurant niya dahil madalas daw siyang wala at halos hindi na ito naasikaso.”
Halata ang bigat sa tono niya nang banggitin iyon. Lalo lang tuloy sumakit ang dibdib ko at nasapo ko ang ulo ko.
Nang muli akong bumaba sa sala ay napag-alaman kong nasa garden daw sina Mommy at Daddy kausap si Vinzon. Kaya bumalik na lamang ako sa kuwarto ko dahil ayaw ko siyang makita muna.
Tinawagan ko si Yohan. Ilang ring pa lang ay sinagot na niya ito kaya napangiti ako.
“Kishree? Babe? I miss you so much!” salubong nito agad sa akin kaya napapikit ako. Kumirot na naman ang puso ko at nanubig ang mga mata ko. Naupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang isang unan. Ipinatong ko iyon sa kandungan ko.
“I miss you, too. Yohan, I heard what happened. Please, huwag mong pabayaan ang sarili mo at ang negosyo mo. Pinaghirapan mo iyon, eh. Hindi mo deserve ang mahirapan dahil lang sa akin,” mabigat ang loob na pahayag ko. I heard his low sobs on the other line kaya parang lalong hiniwa ang puso ko.
“I can’t… live without you by my side. I love you so much, Kishree. I love you with all I have…” emosyonal pa niyang tugon. Umiling ako saka huminga ng malalim.
“Kalimutan mo na ako, Yohan. There’s no way that we could go back to where we were before. Miserable din ang buhay ko ngayon sa piling ng isang demonyo. Pero sana, kahit isa man lang sa atin ang maging masaya kasi–”
“No, Kishree! I can’t move on from you. I don’t want to!” pagmamatigas niya. Halos pumiyok na ang boses niya dahil nga umiiyak siya.
“Yohan, please. Sobrang hirap na ng pinagdadaanan ko. Pero lalo lang akong masasaktan kapag nababalitaan kong nahihirapan ka rin. Lagi kong iniisip na sa bawat pagdurusa ko, sana ay kaligayahan naman ang balik sa iyo. Deserve mong maging masaya dahil mabuting tao ka. Siguro nga, hindi ako in love sa iyo, pero mahal kita. Mahalaga ka sa akin, kaya please… huwag mong sayangin ang buhay mo sa akin,” pilit kong katuwiran sa kaniya. Kanina ko pa mariing pinagdidikit ang mga labi ko para pigilan ang maiyak ng malakas.
Ayaw ko nang dagdagan pa ang iniisip niya at mas gusto ko na lang na mag-move on siya sa buhay niya. At sana isang araw, mahanap na niya iyong babaeng karapat-dapat talaga sa kaniya.
“Ano pang silbi ng buhay ko kung wala ka na sa akin? I already decided my future and you are the biggest part of it,” giit pa niya. Natakpan ko ang bibig ko para hindi niya marinig ang mahinang paghikbi ko.
“Yohan, makinig kang mabuti. Hindi na ako karapat-dapat sa iyo. You deserve someone better. Iyong babaeng buong-buo at sa iyo lang talaga. Please, do me this favor. Be happy, Yohan. Kasi kapag hindi, baka tuluyan ko na ring isuko ang buhay ko. Please help me survive this catastrophe by watching you succeed and be happy in this life,” pagsusumamo ko.
Sabay kaming umiyak. We cried the pain of losing each other. We cried because of the misery that we have at this moment.
Kahit tapos na ang tawag ay nakatulala lang ako. Ilang beses na akong lumunok pero walang silbi dahil hindi man lang nabawasan ang kirot ng dibdib ko.
Bahagya pa akong napaigtad nang bumukas ang pintuan ng silid ko. Nakalimutan ko palang i-lock iyon. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko nang makita kung sino ang pumasok.
“You’re room is beautiful. I like it,” narinig kong komento ni Vinzon. Bumuntong-hininga lang ako.
“Matutulog na ako,” sabi ko lang at nahiga na.
“I will take my shower first,” sabi niya pero hindi na ako sumagot pa. Ipinikit ko na ang mga mata ko at hinayaan ko na lamang siya.
Nang makatapos na siyang magbihis ay nakapikit lang ako. Nakakainis dahil hindi man lang ako makatulog.
Nang lumubog ang kama ay nanlamig ako, lalo na nang maramdaman kong yumakap siya sa akin. Tumiim ang bagang ko at bumangon ang galit sa dibdib ko. Naiirita ako na dumidikit siya sa akin ng ganito.
Pasimple akong umusog at sinubukang kumawala sa kaniya, pero lalo pang humigpit ang yakap niya. Ang sarap magmura, ha!
“Stay still or I will f**k you here,” babala niya. Napalunok ako at biglang napadilat. Kumuyom ang mga kamao ko at kulang na lang ay kagatin ko na ang dila ko para lang pigilan ang sarili pagsisigawan siya.
Tiniis ko na lamang ang puwesto naming iyon at sinubukang matulog.
__________________
Guys,
maigsi lang talaga itong story na ito. Baka nasa 25-30 Chapters lang kasi nga magiging Physical Book soon. Kapag natapos ito, iyong WILD NIGHT WITH MARCO ang susunod kong i-update. Yun po ang last part ng Billionaire Series.
Saka please guys, wag nio na itong bigyan ng Moon Ticket kasi sayang lang. Kung gusto nio pong magbigay ng Moon Ticket, doon na lang po sa mga PTR stories ko please, para naman may pakinabang ang otor. Dito kasi waley... Salamuch po!!!