Chapter 2 Rejected by Her

2170 Words
One Week before the wedding… “Kishree, ikaw, ah, hindi mo man lang kami sinabihan sa good news!” bungad agad sa akin ni Stella. Sumang-ayon naman agad ang iba pa naming mga kabarkada. Napakunot naman ang noo ko sa pagtataka dahil wala akong ideya sa tinutukoy niya. “Anong magandang balita? Curious na tanong ko saka nakiupo na rin sa kanila. Anim kaming magbabarkada mula pa noong high school hanggang sa makapagtapos kami ng College. Ako, si Stella Martinez, isang Engineer, si Mariella Segovia na isang accounting consultant sa sarili nilang firm, si Byron Lardizabal na manager ng isang bangko kahit napakabata pa, si Denzo Sullivan na isa namang computer engineer at may sarili na ring kumpanya at ang pinakahuli ay si Gabriel “Gabby” Hocson na tagapagmana naman ng Hocson Real Estate Corporation. Our friendship grew stronger ever over the years that passed. At ngayon nga ay nandito sila sa university bilang mga alumni. Bukas na rin kasi gaganapin ang grand reunion ng batch namin. “Naku! Kunwari ka pa! Nandito daw si Vinzon Dela Fuerte sa university ngayon para maging isa sa mga bagong stockholders. Imposible namang hindi mo alam iyan!” sita naman ni Mariella sa akin. “Sinong Vinzon? Hindi ko kilala iyon. Saka wala namang anumang nababanggit si Daddy sa bahay kaya hindi ko alam,” sagot ko agad. Maliban sa pagiging isa sa mga director ng board sa sarili naming university, isa rin akong licensed architect. Hindi ko naman maumpisahan ang sarili kong construction firm dahil tinutulungan ko si Daddy sa pagma-manage nitong university. Lalo at matanda na siya, tapos medyo malaking krisis pangpinansyal din ang kinakaharap ng school ngayon. Lahat naman sila ay may pagdududa akong tiningnan kaya umikot ang mga mata ko. “Hindi mo kilala si Vinz? Weh?” hindi naniniwalang tugis naman sa akin ni Stella. Bumuntong-hininga ako at tila nakukunsumeng tiningnan sila. “Mabuti pa ay sabihin ni’yo na lang sa akin kung sino siya kaysa nagkakaganiyan kayo! Sino ba kasi iyan at akala mo naman hari na ng United Kingdom!” inis na turan ko. Medyo nakakapikon kasi pinagbibintangan na nila ako, ni hindi ko man lang kilala kung sino ang tinutukoy nila. “Parang ayaw kong maniwalang hindi niya kilala,” nakomento pa ni Stella. “Guys, para kayong mga bata! Ang kukulit ni’yo,” naiiritang sagot ko na. Natawa naman ang tatlong lalaki na kanina pa abala sa kanilang mga cellphone. “Hindi ko nga kilala iyon!” giit ko pa. Nagkatinginan sina Stella at Mariella. Si Byron naman ay tumitig din sa mukha ko habang sina Denzo at Gabby ay may tinitingnan sa cellphone ni Gabby. “Well, bali-balita na isa sa mga magiging bagong investor ng university si Vinz. And everyone is already expecting that you will introduce him during the foundation anniversary celebration,” sumeryoso naman si Mariella nang magsalita. Tumango lang si Stella bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Pero ako ay kumunot ang noo. “I heard Dad talked about some investors kasi nga alam ni’yo naman. Medyo sumagad ang mga finances namin ngayon dahil sa ipinagawang malaking ospital ni Daddy. Ewan ko ba, ang tigas ng ulo. Sinabihan na namin siya na huwag munang i-full blast lahat dahil kahit matapos ang buong building, maraming equipment pa sa ospital ang kakailanganin. Hindi naman siya nakinig, tinuloy pa rin. Ngayon, iyong ibang need ng university na-take for granted,” mahabang pagsasalaysay ko sa kanila. Kita ko namang bumuntong-hininga si Gabby. “Just tell us if you need help, okay? Hindi puwedeng may magmukhang kawawa sa atin. We are not called The Gen Z Elites if one of us became broke!” seryosong pahayag naman ni Denzo. Actually, si Denzo ang pinakamatanda sa amin, pero isang taon lang naman. Halos siya ang tumatayong lider sa aming anim. He tried to court me before, but I rejected him right away because he was just a friend to me. “Tama is Denzo. We already have our reputation ever since, kaya magsabi ka lang. Kahit ilang milyon pa iyan,” mayabang na sang-ayon naman ni Mariella. Ito naman ang matagal nang may gusto kay Denzo. Hindi ko lang alam kung may progress na ba sa kanilang dalawa. “Thanks, guys! Naks, naman, ah? Ang sarap talagang magkaroon ng mayayamang kaibigan,” natatawang biro ko. “We are all on the same boat, Kishree. Besides, we’re like brothers and sisters already, so it’s no longer a big deal,” sabad naman ni Byron. May kumatok sa pintuan ng opisina ko at kasunod din niyon ay ang pagbukas niyon at pagsungaw ng ulo ni Nora – ang sekretarya ko. “Ma’am, may bisita po kayo. Naghihintay na po sa receiving area,” pagbibigay-alam nito sa akin. Kumunot ang noo ko. “Sinong bisita? Saka, my friends are here. Hindi ba sabi kong ayaw ko munang maabala?” Napalunok naman ito at napatingin pa sa mga kaibigan ko na nakatunghay na rin ngayon sa kaniya. “Eh, Ma’am, ang Daddy ni’yo raw po ang nagpapunta sa kaniya rito,” medyo kinakabahang sagot nito. I rolled my eyes. Ano na naman kaya ang trip ni Dad this time? Another bloody blind date? f**k! “Mukhang may pa-blind date na naman ang Daddy mo sa iyo,” biglang natatawang hula ni Stella. Napabuntong-hininga ako nang wala sa oras. Pareho kami ng iniisip. “Sige. Sabihin mo, lalabas na ako. Saka sino ba kasi iyon?” hindi ko itinago ang iritasyon sa boses ko. Paminsan-minsan na nga lang kaming makapag-bonding nitong mga kaibigan ko, may dumating pang asungot. “Vinzon Dela Fuerte daw po, Ma’am,” magalang naman agad niyang sagot. Bahagyang umawang ang mga labi ko. Narinig ko rin ang mahihinang singhap mula kina Stella at Mariella. “OMG, he’s here!” Stella squealed. She even tapped Byron’s shoulder to show how excited she is. “Hoy, sama kami sa iyo! Gusto rin namin siyang makita ng personal!” Tumayo na si Mariella at sumunod naman agad si Stella. Muling nagpaalam ang sekretarya ko bago umalis. “Sino ba kasi iyang Vinzon na iyan?” hindi ko na napigilang magtanong. “Well, according to google, he is a self-made billionaire. Her mother is a Filipina, and his father is an American. He graduated at Harvard university – business management and he is also currently finishing his master’s degree in that school. Aside from that, wala ng iba pang information.” Napalingon kami kay Denzo nang bigla itong magsalita. “He is also a very hot model, guys! Sobrang guwapo, as in nakakabaliw ang kaguwapuhan niya! I will trade Byron for a night with him!” maarte at pabirong sambit ni Stella kaya hinila ni Byron ang buhok niya. Did I mention that Byron is a gay? Natawa ako sa kanilang dalawa. “Gaga! Baka maunahan pa kita riyan kay Vinz! Kishree, girl, halika na at bibinyagan ko na iyang yummy mong bisita!” Hinila na ni Byron ang kamay ko at sumunod naman agad sa amin iyong dalawa. Ganoon din sina Denzo at Gabby. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ang naghihintay kong bisita. Dinig ko ang mga kinikilig na bulungan ng dalawang babae sa likuran ko. “Aaay!” Napatakip ako sa bibig nang biglang mapatili dahil itinulak ako ni Stella. Mabilis na lumingon sa kinaroroonan namin si Vinzon dahil narinig siguro ang tili ko. “Lumakad ka na, ang bagal mo!” asik pa nito sa akin. Ilang beses akong napakurap at hindi makapaniwalang tinitigan siya. “Baliw ka talagang babae ka!” gigil kong angil sa kaniya. Pero sinenyasan niya lang ako na puntahan na iyong bisita. Tumayo si Vinzon. Hindi ko maintindihan pero isa-isa niyang tiningnan nang matiim ang mga kaibigan ko. Pagkatapos ay mas seryosong bumaling sa akin. Napalunok naman ako. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan na ewan. “Can I talk to you alone?” diretsahang tanong niya. Sa gilid ng mga mata ko ay napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Denzo. Ramdam ko ring biglang hindi naging kumportable ang mga kaibigan ko dahil sa paraan ng pagtingin ni Vinzon sa kanila. “Fine. Maupo ka muna ulit, Mr. Dela Fuerte,” pormal ko namang tugon sa kaniya. Tumitig pa siyang muli sa akin bago tumango at naupo. Hinarap ko ang mga kaibigan ko. Pero sina Stella, Mariella at Byron ay kay Vinzon pa rin nakatingin. “Guys, magkita na lang tayo sa Andrey’s Bar mamayang gabi. Haharapin ko lang siya. Balitaan ni’yo na lang ako kung may idadagdag pang update si Gov para sa reunion bukas,” pakiusap ko naman sa kanila. Sumimangot naman ang mga babae at halatang gusto ring makipag-usap kay Vinzon pero pinandilatan ko sila. “Alright, Kish. See you later. Tara na guys!” Nilingon na ni Denzo ang mga ito at niyayang umalis. I could tell that Denzo is angry. He hated being treated like what Vinzon just did to them earlier. Kinakabahan nga ako na baka magkagulo kapag nadagdagan pa ang pikon niya. “Tara na, baka magalit pa itong bossing natin, eh, may malatayan dito,” nakangising sang-ayon ni Gabby pero halatang may pinariringgan. Pag-alis nila ay naupo ako sa tapat ni Vinzon. Nakapag-serve na rin ng coffee at cupcake ang sekretarya ko sa kaniya pero iyong coffee lang naman ang ginalaw niya. “So, what can I do for you, Mr. Dela Fuerte?” pormal kong tanong sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita at pirmeng nakatitig lang sa akin. Mula sa mga mata ko hanggang sa ilong, mga labi, buong mukha at sa katawan ko ay tila ba isang painting na ganoon na lamang niyang matamang tinignan at sinuri. “May problema ba?” hindi ko naiwasang maitanong. Ang awkward kasi ng ginagawa niyang mga paninitig sa kabuuan ko. “You’re still as beautiful as ever. More gorgeous now, by the way,” nakatitig niyang saad. Parang lumulukso ang puso ko sa kaba sa tuwing tititig siya sa mga mata ko. Hindi ko maintindihan pero parang pamilyar sa akin ang mga titig na iyon. Ngunit agad akong umiling para alisin ang gumugulo sa isip ko. “Do you know me?” natanong ko. Para akong nahihipnotismo kaya hindi ko mabawi ang mga mata kong sumasalubong din sa mga mata niya. “Who wouldn’t know the famous university heiress? I just knew you from afar.” Dumi-kuwatro siya at muling humigop sa kape niya. “Well, then, ano ang kailangan mo sa akin?” Sa totoo lang, gusto ko nang matapos ang usapang ito dahil kanina pa ako kinakabahan sa uri ng mga titig na ipinupukol niya sa akin. Para bang hindi ako makahinga na ewan. “I already have your Dad’s permission. I want to date you, Kishree.” Napanganga naman agad ako sa sinabi niya. Pero kasunod din niyon ay bigla akong natawa. “Oh, my gosh, Mr. Dela Fuerte!” natatawa pa rin ako nang magsalita. “I didn’t know na mahilig ka palang magbiro sa katanghaliang tapat,” pagpapatuloy ko pa. “I’m not joking. I really want to date you!” mas sumeryoso naman ang mukha niya kaya tuluyan nang nabura ang ngiti ko. Hindi agad ako nakaimik at muling nakipagtitigan sa kaniya. “Oh. Then, I am sorry to pop your bubble, but I already have a boyfriend,” walang gatol ko namang tugon. Dumilim ang awra niya at halatang hindi niya nagustuhan ang naging sagot ko. But who cares? “I don’t care. I can still make you mine, though,” pabalewala niyang sabi at inubos na ang kape niya. “Today, is the day that I will make you mine!” deklara pa niya. Parang umakyat naman ang lahat ng dugo sa ulo ko at napatayo sa inis sa kaniya. “Hindi ko alam kung ano’ng trip mo, Mr. Dela Fuerte pero uulitin ko lang, ha? May boyfriend na ako at hindi ako interesadong makipag-date sa–” “And I already said, I don’t care!” mas matapang niyang sagot at biglang lumapit sa akin. Dahil wala na akong aatrasan ay muli akong napaupo sa sofa. Ngunit imbes na lumayo ay mas lumapit pa siya sa akin hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa’t isa. “You will be mine. Tandaan mo iyan!” mariin niyang pahayag saka hinalikan ang noo ko. Hanggang sa makalabas na siya ng opisina ko ay nanatili akong tulala habang nakaupo pa rin sa sofa. Sa unang pagkakataon ay may isang lalaking nakapagpatahimik sa akin maliban sa Daddy ko. Mabilis na mabilis pa rin ang t***k ng puso ko at hindi ko maintindihan kung ano ang nangyari. **** Sorry sa late update guys... Alam ko nangako ako ng Monday, kaya lang wala palang signal sa pinuntahan namin tapos puro brownout pa huhuhu daily update na po ito. Free lang guys at hindi maglaLock kasi magiging Physical Book po ito. By the way ito po iyong Lethal Love. Pinalitan ko lang ang title kasi mayroon na siyang kapareho. Happy reading guys!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD