Pagkatapos ng engkwentro kong iyon kay Vinzon ay agad kong pinuntahan si Daddy sa opisina nito. Pero hindi ko rin siya nakausap dahil umalis daw ito.
Nagpupuyos ang kalooban ko sa kaangasan ng lalaking iyon. Akala mo kung sino! Takutin ba naman ako ng gano’n? Ano’ng akala niya sa akin, kagaya ng mga ibang babae riyan na bibigay sa kaniya? Mukha niya!
Kinagabihan ay nakabihis na ako dahil nasa Andrey’s na raw ang mga kaibigan ko. At excited silang malaman kung ano’ng napag-usapan naming ng Vinzon na ‘yon. Well, hanggang ngayon naiinis pa rin ako kapag naalala ko.
“Kishree? Nasa baba na si Yohan at hinihintay ka.”
Napangiti naman ako sa sinabi ni yaya. Yes, Yohan Jace is my boyfriend. Halos isang taon na rin siyang nanliligaw sa akin kaya binigyan ko na ng chance. He is a good man, and he is managing his own restaurant. Chef kasi si Yohan.
“Sige po, Yaya. Pababa na rin naman po ako,” sagot ko pero sa salamin pa rin ako nakatingin.
I am wearing a square pants and tops. Papatungan ko lang ng maong na jacket mamaya. Itinali ko rin pataas ang buhok ko kaya kitang-kita ang manipis kong kuwintas na may pendant na K bilang simulang letra ng pangalan ko.
“Hmm… so gorgeous!” papuri agad ni Yohan nang makita ako. Malapad naman akong ngumiti sa kaniya.
“You think so?” kunwari ay hindi pa ako naniniwala. Pero nakita ko na ang sarili ko sa salamin kanina and I am really satisfied.
“Always!” lumapit siya sa akin at kinintalan ako ng halik sa mga labi.
“Let’s go? Kanina pa tine-terrorize ng mga mga kaibigan ko ang cellphone ko. Tawag nang tawag, mga masiyadong atat!” napapailing kong saad.
Nagpaalam ako kay Mommy bago kami tuluyang umalis. Wala pa rin si Daddy dahil may dinner meeting daw. Hanggang gabi ay nagtatrabaho pa rin si Daddy. Mukhang seryoso na talaga ang problema pero ayaw niya akong sabihan.
Alas-otso pa lang ng gabi kaya hindi pa masiyadong crowded ang bar. Dumiretso kami sa dati na naming inookupa na cubicle. Kakilala ni Denzo ang may-ari nito kaya kapag tumawag siya ay alam na nila agad kung saan kami pupuwesto.
“Our beauty queen has arrived!” anunsyo ni Stella kaya natawa naman ako. Iniabot niya agad sa akin ang shot glass at agad ko namang nilagok ang laman niyon. Napapangiwi pa rin ako.
“I still couldn’t handle alcohol,” komento ko pa. Lukot pa rin ang mukha ko. Sa totoo lang mababa ang alcohol tolerance ko kaya hindi rin talaga nila ako basta-basta napapainom. Three to four shots, siguradong iikot na ang paningin ko no’n.
“Hi, Yohan! Dalaw kami next week sa resto mo, ha?” bati naman ni Mariella sa boyfriend ko.
“Just make a call and your preferred menu. I will always be at your service,” maginoong sagot naman ni Yohan habang inaalalayan akong makaupo.
“Perfect!” tili pa ng kaibigan ko.
“Hoy, magkuwento ka na!” udyok agad sa akin ni Byron. Sunod-sunod namang tumango sina Stella at Mariella.
“Hay, naku, sumakit lang ang ulo ko sa lalaking iyon. Nasisiraan na yata ng bait,” inis kong sabi at pumulot ng tacos saka isinubo.
“Why? What did that jerk tell you?” tanong naman ni Denzo.
“You won’t believe it. That man is crazy!” naiiling kong sabi.
“Ano nga? Pabitin ka naman, eh!” reklamo agad ni Mariella. Nagbuga pa ako ng hangin.
“He came in my office just to tell me that he already asked my Dad’s permision to date me. Sabi ko, may boyfriend na ako, aba wala raw siyang pakialam. O, hindi ba baliw?”
Napaawang ang mga labi nila habang si Yohan ay kumulimlim ang mukha. Malamang hindi talaga siya matutuwa. Ako nga mismo naiinis din, eh.
Iniabot sa akin ni Gabby ang lady’s drink. Mga ganito lang ang iniinom ko kapag kasama ko sila dahil hindi ko naman kayang makipagsabayan sa kanila sa inuman. Ang tibay nga nitong dalawang babae, ang lalakas uminom ng alak.
“He’s really a jerk, then!” komento pa ni Yohan. Tumango lang ako sa kaniya.
“Huwag mo nang alalahanin iyon. Kahit ano’ng gawin niya hindi niya makukuha ang gusto niya. Ano siya, hilo?” sabi ko lang.
“Why don’t we teach that f*****g bastard a lesson?” bigla ay galit na suhestiyon ni Denzo.
“Wow! Bakit bigla akong na-excite?” segunda naman ni Gabby.
“Heh! Tumigil nga kayo! Hindi na tayo high school kaya huwag ni’yo nang ibalik iyang pagiging mga gangster ni’yo! Ito namang si Gabby, sulsol din, eh!” kontra naman agad ni Stella sa kanila. Natawa naman ako nang pakitaan siya ni Gabby ng dirty finger.
“Oo nga, tama si Stella. Hayaan ni’yo na iyon, hindi rin naman siya makakadiskarte sa akin,” paniniguro ko pa.
“Woah, speaking of the devil,” napalingon kami nang biglang magsalita si Byron. “Hindi ba si Vinzon iyon?” turo ni Byron sa bandang itaas. Tumingin naman kami sa second floor at napadako agad ang mga mata ko sa isang pamilyar na bulto.
“Siya nga! Oh my gosh!” pabulalas na tili ni Mariella.
“Look, Kishree, he is directly looking at you!” narinig ko ang naiiritang komento ni Gabby. Napatingin ako sa kaniya saka kay Yohan.
“Guys, we’re here to enjoy and relax. Next week super busy na naman tayo sa mga kani-kaniyang trabaho kaya mag-enjoy na lang tayo ngayon. Huwag ni’yo nang pansinin iyan kasi masisira lang gabi natin,” pagbibigay-diin ko. Ayaw ko mang isipin pero pakiramdam ko ay sinadya niyang pumunta rito dahil alam niyang naririto kami ngayon. Nananadya nga yata. Nakakagigil!
“Gabby, Yohan, tara! Turuan natin ng leksyon ang gagong iyan. Dapat kilala niya kung sino’ng binabangga niya!” galit na tumayo si Denzo at sinundan naman agad no’ng dalawa.
“Guys, huwag na! Hayaan na lang natin siya!” saway ko naman sa kanila at hinawakan ko pa ang kamay ni Yohan.
“No, Kish! Buwisit ako diyan sa Dela Fuerte na iyan. Pagkatapos ng gabing ito kahit anino niyan siguradong matatakot nang magpakita sa atin!” giit naman ni Denzo.
“Dito lang kayo. Kami na ang bahala!” sabi naman ni Yohan.
“Huwag na kasi,” pigil ko ulit. Nakakahiya kasi baka magkagulo.
“Naku, Kishree, uminom ka na lang. Hayaan mo na nga iyang mga ‘yan!” kinuha na ni Mariella ang atensiyon ko. Si Stella naman ay may pag-aalala rin sa mga mata.
“Nag-iisa iyong tao tapos tatlo sila. Baka may kumuha ng video malalagot ang mga iyan!” sabi pa ni Stella.
“Mga makukulit, hayaan mo na. Talagang may video dahil kumpleto sa CCTV itong bar. Saka kahit magkademandahan pa ang mga iyan malulusutan din nila. Pera-pera lang naman iyan!” katuwiran naman ni Mariella. Nagkatinginan kami ni Stella at muling dumako ang mga mata kina Yohan.
Nakaakyat na ang mga ito at naroroon na nga sa tapat ng lamesa ni Vinzon. Nagsalubong pa ang mga mata namin bago siya tumingin kina Denzo.
Pero mabilis akong napatili at napatayo nang akmang susuntukin ni Yohan si Vinzon pero mabilis na nasalo ni Vinzon ang kamao niya at ngayon ay biglang binali ang braso nito.
Parang ako pa iyong nasaktan sa ginawa niya sa boyfriend ko. Nagsimula silang magkagulo sa taas kaya napuno ng mga tilian ang loob ng bar. Napahinto rin ang DJ sa pagpapatugtog. At ang ingay mula sa mga nababasag na mga bote, baso at humahampas na mga upuan at bumabaliktad na mga lamesa ang pumuno sa lugar.
“f**k! Somebody help them!” biglang sigaw ni Stella. Tatlo sina Gabby, Denzo at Yohan na sumugod kay Vinzon ngunit halos hindi man lang nagalaw kahit isang hibla ng buhok nito.
Iyong tatlo ay nasa sahig na at namimilipit dahil sa bugbog na tinamo nila mula kay Vinzon. Doon pa lamang ganap na nakalapit iyong mga security ng bar. Kung bakit ba naman ngayon lang sila umawat gayung kanina pa may bugbugan.
“Dalhin ni’yo na sa ospital ang mga iyan. I need a copy of the CCTV para sa reklamong isasampa ko sa mga bastos na iyan. Kitang-kita naman ng lahat na sila ang nagsimula ng gulo!”
Umalingawngaw ang malakas na boses ni Vinzon. It was dark and deep. Napasinghap pa ako nang bigla siyang bumaling sa akin saka ngumisi. Agad na mas bumilis ang t***k ng puso ko kaya nag-iwas ako ng paningin sa kaniya at sumunod sa mga kaibigan kong paakyat na rin sa kinaroroonan ng mga kaibigan namin.
Pababa na rin si Vinzon kaya nagkasalubong kami sa hagdan.
“Iyan ba ang ipinagmamalaki mong boyfriend mo? Masiyadong lampa! I bet hindi ka nga kayang paungulin niyan sa kama!” bulong niya sa akin nang magkatapat na kami kaya nagtayuan ang mga balahibo ko.
Pero tiningnan ko siya ng masama.
“Mayabang ka kasi alam mong mas malaki at mas malakas ka sa kanila. Pero kahit kailan, hindi nakaka-proud ang makapanakit ng tao!” sumbat ko sa kaniya. Mula rito ay dinig ko ang mga daing ng mga kaibigan naming halos hindi makagulapay dahil sa matinding bugbog na tinanggap nila mula kay Vinzon.
“Agreed. But you see? They started it, but it was me who finished what they started. So, if I were you, date someone stronger than that. Kapag pala nabastos ka rito, ni hindi ka kayang ipagtanggol niyan,” tumatawang saad niya. Punong-puno ng pang-iinsulto ang tono niya kaya naningkit na ang mga mata ko sa kaniya.
“Walang babastos sa akin dahil hindi naman ako kabastos-bastos. May araw ka rin! Iyang ginawa mo sa kanila? Siguradong pagbabayaran mo iyan, kaya huwag mong isiping nanalo ka na!” pang-uuyam ko naman sa kaniya. Pero tinawanan lang niya ako.
“Good luck on that, baby! And remember what I told you. I am going to make you mine and no one, not even you can stop me!” nakangisi niyang pahayag at kinagat pa ang pang-ibabang labi saka ako tiningnan ng may pagnanasa.
“Bastos!” akmang sasampalin ko siya pero mabilis niyang nahuli ang kamay ko.
“Huwag na huwag mong gagawin iyan, dahil hindi mo magugustuhan ang parusang ipapataw ko sa iyo kung sakali!” padarag niyang binitiwan ang kamay ko kaya muntik na akong ma-out balance sa hagdan. Napakapit ako sa railing at tinalikuran na niya ako para umalis.
“Bastos! May araw ka ring demonyo ka!” hindi ko napigilang sigaw sa kaniya dahil sa matinding inis.
Kasunod niyon ay naagaw ang pansin ko dahil dumating na ang mga medic na mag-aasikaso sa mga kaibigan namin.
Dinala namin sila sa ospital. Hindi kami makapaniwalang ilang fracture ang tinamo ng mga buto nila. Hindi pa kasali riyan ang mga pasa at sugat nila.
“Nakita ni’yo ba kung paano ginulpi ni Vinzon sina Denzo? Grabe, para akong nanonood ng Hollywood movie. Iyong mga tipong Sylvester Stallone o kaya ay Steven Seagal iyong mga galawan niya. Ang tindi! Hindi man lang gumana iyong Judo ni Denzo!” maya-maya ay bulalas ni Mariella. Umirap naman si Stella habang si Byron ay napabuntong-hininga.
“Oo nga. Ni wala man lang umawat. Tapos iyon namang mga guwardiya ay mas pinili pang manood. Ang lalaking mga tanga!” inis na sagot ni Stella.
“Hay, naku, sinabihan ko naman kasi silang huwag nang ituloy pero sumige pa rin. ‘Yan tuloy. Sila pa ang naireklamo kahit sila na nga itong nabugbog. Mukhang hindi pa naman magpapatalo iyong buwisit na lalaking iyon!” galit na galit ko namang sabad. Hindi ako makapaniwalang napagsalitaan ako ng gano’n ni Vinzon. Nakakailan na siya at hindi na ako natutuwa.
“This is embarrassing. Damn it! Kapag malaman ito ng iba, siguradong pagtatawanan tayo. Mamaya na ang reunion tapos ganito ang nangyari! f**k talaga ang Vinzon na iyon! Ekis na siya sa akin!” nanggagalaiti ring sabi ni Byron. Tumango naman ang dalawa sa kaniya samantalang ako ay nakatingin sa kawalan.
Iisang malaking kuwarto lang ang pinili namin para sa tatlo. Puwede naman daw na hindi na sila ma-confine dahil madadala naman daw sa gamot ang nangyari sa kanila.
“Guys, it’s past midnight already. Ano’ng balak ni’yo?” napalingon kaming lahat kay Stella.
“I want revenge!” nagtatagis ang mga ngiping saad ni Denzo.
“Tama, pare! nakakahiya ang nangyari. Anong mukha na lang ang ihaharap natin sa reunion mamaya?” sang-ayon naman ni Gabby. Nakaupo ako dito sa kama ni Yohan at tahimik lang itong nakikinig. Hindi ko siya halos matingnan dahil putok ang mga labi niya at ang laki ng black-eye sa kaliwang mata niya.
“Pupunta pa rin kayo sa reunion, ganiyan na nga ang mga hitsura ninyo?” hindi makapaniwalang tanong ko. Lalong tumalim ang mga mata ni Denzo pero hindi para sa akin.
“Damn it! Lintek lang talaga ang walang ganti. And yes, Kishree, we will attend the reunion. Pero sisiguraduhin ko munang makakaganti ako sa Vinzon Dela Fuerte na iyon!” tiim ang mukhang deklara niya. Nagkatinginan kami ni Yohan at napabuntong-hininga naman ako.
“Paano natin gagantihan ang gagong iyon?” tanong naman ni Gabby. Ako man ay gusto kong makaganti sa lalaking iyon.
“He is a man. And I know that his weakness is also a woman,” sagot ni Denzo pero diretso lang ang tingin niya at hindi nagbabago ang panililisik sa mga mata niya.
“Stella, I think we need to use one of our techniques to get even.”
Ngumiti naman si Stella. Maging si Byron ay napangiti na rin.
“I think medyo mapili ang lalaking iyon. Kaya siguraduhin ninyong hindi lang maganda at seksi ang ipapadala natin sa kaniya. Dapat iyong magaling!” ani Byron. Nagsalubong ang mga mata nina Denzo at Gabby saka sila ngumiti nang makahulugan.
“Ako na ang bahala. Why don’t we make it live?” nakangisi na ring tanong ni Stella.
Alam ko na ang iniisip nilang plano. Magpapadala sila ng babae kay Vinzon at kukuhanan ito ng video habang nakikipagtalik pagkatapos ay ia-upload sa internet.
“It will definitely destroy his image and his company’s reputation,” kusang lumabas ang komento na iyon sa akin.
“The better then! Stella, minor ang ipadala mo sa kaniya,” utos naman ni Denzo. Nanlaki ang mga mata ko.
“No! Huwag naman minor,” kinakabahang kontra ko. Tumutok ang mga paningin nilang lahat sa akin. “Please, guys! Ayaw kong makasira tayo ng buhay ng bata. Baka sa atin pa bumalik ang lahat ng ito kapag nagkataon,” dagdag pakiusap ko pa. si Denzo naman ang agad na nag-iwas ng mga mata.
“Fine. May punto si Kishree. Stick to the original plan, then.” Nakahinga ako ng maluwag nang sumang-ayon sa akin si Denzo. Kinabahan talaga ako kanina.
Sa ospital na kami lahat natulog at umuwi kami nang pumutok na ang araw. Sabay-sabay kaming lahat na umalis ng ospital.
Pagdating ko sa bahay ay ang nagbabagang mga mata ng Daddy ko ang sumalubong sa akin. Napalunok naman ako agad.
“Ano’ng katarantaduhan ang ginawa ng mga kaibigan mo at napaaway daw kayo sa bar?” galit na tanong nito agad sa akin. Tumambol ang dibdib ko dahil maging si Mommy ay halatang galit habang nakatingin sa akin.
“Nagkapikunan lang sila, Dad. Normal lang naman po ang gano’n kapag minsan,” katuwiran ko. Pero lalong nagdilim ang mukha ni Daddy kaya nadagdagan ang kaba ko.
“Normal? Bakit mga bata pa ba kayo? I heard what happened straight from Vinzon! Alam mo ba kung gaano kahalaga at kamakapangyarihang tao iyong binangga ninyo? And we f*****g need him!” bulyaw na ni Daddy sa akin kaya napamulagat ako.
“Kaya ba pinapunta ni’yo siya sa opisina ko? Dad, alam ni’yo po bang binastos ako ng lalaking iyon? Besides, bakit ni’yo siya pinayagang manligaw sa akin, eh, alam ni’yo naman pong may boyfriend na ako!” sumbat ko naman sa kaniya.
Naningkit ang mga mata niya at mabilis na lumapit sa akin. Isang malakas na sampal ang ipinatikim niya sa akin.
***
Na-late na naman update ko huhu
Busy sa pag-edit kasi may iba pang nakitang mga errors doon sa Ipu-piblish na book nina Lance at Para kaya need i-edit. Kaya pasensya na po kung paisa-isa lang update ko ngayon...