Chapter 4 Paid

2192 Words
Napangiti ako nang sipating muli ang sarili sa salamin. Mabuti na lamang at natakpan na ng concealer ang markang nakuha ko mula sa sampal ni Daddy. Ngayon lang niya ako napagbuhatan ng kamay at hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa niya iyon sa akin dahil sa Vinzon na iyon. Lahat ng iyon ay dahil sa buwisit na lalaking iyon! Hindi ko alam kung anong ipinakain niya sa Daddy ko at ganoon na lamang ang pagkampi nito sa kaniya. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako sa mga puwedeng mangyari. Huminga ako ng malalim saka nagbuga ng hangin. Hindi ko muna iisipin iyon. Reunion namin ngayon kaya dapat ay mag-enjoy ako. I will deal with that bastard later. Sigurado namang sina Denzo na ang bahala sa kaniya, at sana nga magtagumpay sila. Pagdating ko sa entrance ng university dome ay naroroon na agad si Yohan. Natakpan ng make-up ang mga galos sa mukha niya pero may suporta pa ring nakalagay sa braso niya. “The queen is here!” anunsyo ng host kaya nabaling sa akin ang atensiyon ng lahat ng mga naroroon sa loob. I was always regarded as the queen since we own this university. “My beautiful queen,” sambit naman ni Yohan nang tuluyan na akong makababa ng sasakyan at magkatabi na kami. Ngumiti ako sa kaniya. Nagpa-picture muna kami sa nakalaang photobooth pagkatapos ay tinungo na ang lamesang nakalaan sa amin. Naroroon na rin ang mga kaibigan ko. “Late, again!” nakataas ang kilay na komento ni Stella saka ako hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa. “Kung alam ni’yo lang,” nailing na sabi ko habang paupo nang ipaghila ako ng upuan ni Yohan. “Why? What happened?” nag-aalalang tanong agad ni Gabby. “My Dad was very angry when he learned what happened in the bar. And I got a hard slap from him when I defended you from that asshole!” gigil kong sumbong sa kanila. “What? Nasampal ka ng Daddy mo dahil sa gagong iyon?” ngayon ay tila lalo na namang uminit ang ulo ni Denzo. “Yes! For the first time in my life, nasampal ako ng Daddy ko dahil sa lalaking ‘yon,” iritadong sagot ko. Natahimik sila pero tumindi lang ang kanilang galit. “This can’t be happening! Not our queen though!” gigil nang pahayag ni Gabby. “Kumusta na ba iyong plano mo, Denzo?” napalingon naman kami kay Byron nang magtanong ito. “I’m not yet sure. Ngayong gabi pa lang iyon at baka mamaya lang ay may resulta na,” sabi ni Denzo saka nilagok ang alak na laman ng baso niya. Naagaw na ang atensiyon namin nang magsalita na ang mga emcees para sa pagsisimula ng programa. “At this juncture, let’s all listen to the message of our university president. He will also introduce to us a special guest today. Let’s put our hands together to Mr. Maximus Fulgencio Mercidio III!” Nagpalakpakan ang lahat nang tawagin na ng host si Daddy para magsalita. Pero kumunot ang noo ko katulad ng iba dahil sa binanggit na special guest. Parang wala akong maalala na may special guest sa program ngayon. “Good evening, everyone! I just couldn’t stop myself from smiling as I see our former graduates in their dashing and glamorous attire. I am more than proud to face all of you as I know how successful you all are in your chosen field of endeavor.” Muli ay masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa buong paligid. Nagpapalitan din ng tingin na may ngiti ang lahat dahil sa masayang vibes na pinangungunahan ni Daddy. He looks happy and excited. Malayong-malayo sa galit na galit na awra niya kaninang nasaktan niya ako. “On behalf of the South Western University, I would like to extend my warmest congratulations to each and every one of you. But the highlight of this event, aside from your presence tonight, is a special guest who will assist our university for its better development and progress in its future undertaking. It’s my honor to introduce to you, the Chairman and CEO of the Dela Fuerte Empire, Mr. Vinzon Dela Fuerte! Let’s all welcome him with a resounding applause!” Nanlaki ang mga mata namin at nagkatinginan kaming magkakaibigan. Dumilim ang mga mukha nina Gabby, Yohan at Denzo. Napasimangot naman sina Stella at Mariella habang kami ni Byron ay gulat na gulat pa rin. “f*****g bastard!” tiim-bagang na pahayag ni Denzo. “I think he is declaring war against us!” hindi na rin napigilang maikomento ni Gabby. “Then, let’s give him a war!” Napasinghap ako sa naging sagot ni Denzo. Ngunit nabaling na muli sa stage ang lahat nang magsimula ng magsalita si Vinzon. A lot of girls are squealing ang giving him admiring look. Obvious na obvious na attracted sila rito. Well, in all honesty, napakaguwapo at may matipunong pangangatawan naman talaga si Vinzon. He is charming and dangerously handsome. Hindi ko maintindihan pero parang may something sa kaniya na pamilyar sa akin. Hindi ko lang talaga mapangalanan pero kinakabahan ako na ewan. Nang matapos siyang magsalita ay tumayo pa ang lahat habang nagpapalakpakan maliban sa aming mga magkakaibigan. Pero huminto ang paghinga ko nang dumako ang paningin ni Vinzon sa akin at saka ngumisi. Napalunok ako dahil hindi ko maunawaan ang uri ng tingin niyang iyon sa akin. Nagsimula na ang mga sayawan at kainan pero napaparami ang inom nitong mga kalalakihang kasama namin. “Kishree?” bahagya akong napaigtad nang marinig ang boses ni Daddy. Napatayo ako at alanganing ngumiti. Magalang ring bumati sa kaniya ang mga kaibigan ko. Pero tumalim ang mga mata nila noong makita kung sino ang kasama niya. “Vinz, I believe you and my daughter already met,” ngumiti siya sa katabi. “Yes! Your daughter is the most beautiful lady I’ve ever met,” papuri pa ni Vinz sa akin. I heard a scoff from my friends. “Well, of course! Nasa lahi namin iyan,” natutuwang sagot naman ni Daddy. “May I have this dance with you then, Ms. Mercidio?” inilahad ni Vinzon ang kamay niya sa akin. Napatingin ako kay Daddy at kitang-kita ko ang warning sa mukha niya. Muli akong napalunok at wala sa sariling tinanggap ang kamay ni Vinzon. Mahinang singhap ang kumawala sa akin nang mahigpit niyang hawakan ang kamay ko at tila may kuryenteng gumapang sa buong sistema ko. I hate this strange feeling whenever he is near to me. “Hindi ako nagbibiro sa sinabi ko,” nakangiting banggit niya nang magsimula na kaming sumayaw sa gitna ng dance floor. Inirapan ko lang siya. “Ano ba talagang trip mo? My boyfriend is watching right now. Bilang isang lalaki, sana naman alam mo ring irespeto ang kapwa mo!” mahinang asik ko sa kaniya. Hindi ko itinago ang galit at pagkadismayang nararamdaman ko ngayon. “Do you love him?” Natigilan ako sa tanong na iyon. Magkahinang ang mga mata namin at hindi ko malaman kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa tanong niyang iyon. Do I love Yohan? I don’t know. I fell in love once. When I was in high school. But that man suddenly disappeared, leaving me heartbroken all by myself. Second year high school ako noon nang makilala ko si Jemson. Everyone was disappointed of me that time because they couldn’t believe that I would fall in love with someone far from their standards and– “See? You can’t answer because you don’t love him!” Natigil ako sa pag-iisip dahil muli siyang nagsalita. Sinamaan ko siya ng tingin. “Tumigil ka nga sa katitingin mo sa akin ng ganiyan. Hindi mo gugustuhin kapag ako ang nagalit,” banta na niya sa akin. Bigla na naman akong kinabahan pero agad kong itinago iyon. “Huwag mo akong tinatakot, Vinzon. Hindi ko alam kung ano talaga ang trip mo pero tigilan mo ako at ang mga kaibigan ko. Kung bored ka sa buhay mo huwag mo kaming idamay!” gigil kong angil sa kaniya. Pero tinawanan niya lang ako kaya napanganga ako. “The last time I checked, ang mga gagong kaibigan mo ang nagsimula ng gulo. Saka, pakisabi rin, kung magpapadala sila ng babae, eh, siguraduhin nilang kasingganda mo o kaya naman puwede ring ikaw na lang. Papatol agad ako kapag ikaw,” inilapit pa niya ang mukha sa akin at tila nang-aakit pa ang pagkakasabi niya niyon. Nanlamig ang buong katawan ko. Kung iba lang ang nagsabi nito sa akin ay kanina pa nakatikim ng malakas na sampal mula sa akin. But I know my Dad is watching us right now. Isa pa, malaking gulo kapag gumawa ako ng eksena rito. Besides, I can also see the jealous faces of almost all the ladies here. What’s so good about this bastard, anyway? “Nice try. Pero hindi ko alam ang pinagsasasabi mo. You might be helping my Dad now with some crisis but that doesn’t mean that you can do whatever you want. Hindi ka sasantuhin ng mga kaibigan ko kapag sinagad mo ang pasensya nila!” matapang ko namang tugon. Pero muntik na akong mapatili nang hapitin niya ang baywang ko kaya dikit na dikit na kami ngayon. “Wala akong pakialam sa mga kaibigan mo. Pero sabihin mo sa kanila na huwag ang pasensiya ko ang sasagarin nila dahil hindi ako madaling kalaban,” may ngisi namang salag niya sa sinabi ko. “May I have this dance now?” napalingon kami pareho nang magsalita si Yohan na nasa sa likuran ko na pala ngayon. “No! We’re not yet done talking about important matters between us,” tanggi agad ni Vinzon kaya nagulat ako. Lalo pa ngang humigpit ang pagkakapulupot ng kamay niya sa baywang ko. “Vinzon, please. Ayaw kong mapahiya si Yohan dito,” pakiusap ko. Ayaw kong makiusap. Hindi ako basta-basta nakikiusap. But still, Yohan is important to me, and people are watching. “Then, have a date with me tomorrow – take it or leave it. I won’t let you go here,” giit niya agad noong kokontrahin ko pa lang sana ang sasabihin niya. Umawang ang mga labi ko at nanlaki ang mga mata ko dahil sa mapanghamong tinging ibinibigay niya sa akin. Kinakabahan na rin ako dahil kanina pa nakalahad ang kamay ni Yohan at naghihintay. Bigla ay nalito ako at hindi alam ang gagawin. “People are watching…” paalala niya sa akin. Tiningnan ko siya nang masama. “I told you not to glare at me. Your first punishment will come soon,” bigla ay dagdag pa niya. “Fine. Fine!” Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. “Of course, Mr. Guevara. She’s yours – for now…” nakangising saad ni Vinzon at saka ako tuluyang binitiwan. Ni hindi niya binigyan ng pagkakataon si Yohan na makasagot at tinalikuran na kami. Nagpunta na ito sa kinaroroonan ni Daddy at ng iba pang mga executives. “What are you talking about that he had to hold you that close?” kunot-noong paninita sa akin ni Yohan. “Sa palagay ko nasisiraan na ng ulo ang lalaking iyon. Isa pa, palpak ang plano nina Denzo sa pagpapadala ng babae sa kaniya. Damn him!” nagtatagis ang mga ngiping pagbibigay-alam ko sa kaniya. Dumilim naman lalo ang awra niya at halos makapagmura na sa isinagot ko. “Ano ba’ng problema ng lalaking iyan at pinag-iinitan tayo?” nagtataka na ring tanong ni Yohan. “I told you, he’s crazy!” inis ko na ring sagot. Bumuntong-hininga siya at ipinagpatuloy na lamang namin ang pagsasayaw. Ayaw kong masira nang tuluyan ang gabi namin kaya nag-open ako ng ibang topic na pag-uusapan. Sa buong gabi naman ng reunion ay walang nangyaring hindi kanais-nais hanggang sa matapos ang buong programa. Pagkatapos kong makapag-shower at magbihis ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa gitna ng kama at tiningnan kung sino ang tumatawag. Unknown Number calling… Kumunot ang noo ko. Hindi ako sumasagot kapag hindi ko kilala ang tumatawag. Pinanood ko lang hanggang sa mamatay ang tawag. Ngunit muli itong tumunog kaya kaysa maabala ako ay sinagot ko na lamang iyon. Pero hindi ako nagsalita at hinintay na mauna ang kung sino mang tumatawag. Nakaramdam na ako ng inis dahil wala namang nagsasalita sa kabilang linya. Nang tingnan ko ang screen ay ongoing pa rin ang call. Ni-loudspeaker ko pero wala pa ring nagsasalita. Sa inis ko ay pinatay ko na ang tawag. Pagkatapos niyon ay muling tumawag ang parehong numero. Hinayaan ko lang munang mag-ring nang mag-ring bago muling sinagot. Ngunit gaya kanina ay hindi pa rin ito sumasagot. “Kung wala kang magawa sa buhay mo huwag ako ang ginug–” “My lady is impatient. I like that…” Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ang pamilyar na boses. Si Vinzon ang tumatawag kaya napalunok ako. ________________________ Guys, In-delete ko iyong update ko kanina kasi maling chapter huhuhu ito muna sana dapat bago iyon. Pero don't worry, I-update ko na lang silang dalawa. Chapters 4 and 5. Na-spoil na iyong mga nakabasa kanina hahaha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD